Thursday, November 10, 2011

Sister Complex : Chapter 11 Part 2

Until You Love Me
(Gwynne Alvarez POV)


“Kuya are you ready?” I’m waiting outside my brother’s door. Then he came out looking incredibly handsome. “Wow! Grabe ang gwapo mo!” Smiley


Smiley “Thanks! First date namin ‘to eh. Wish me luck ha!” Four days na rin ang nakakalipas nang maging girlfriend na ni kuya si Cecily. And today, is their first date. He went outside at sumakay na siya sa sasakyan. Magkikita daw sila ni Cecily sa park. “Bye!” Smiley


“Bye! And good luck!” Knowing my brother, I’m pretty sure he already planned a surprise for Cecily. Whatever it is, I hope he succeeds.


Then my phone rang and when I answered, it was ‘Ney. “Oh ‘Ney! Napatawag ka?”


“Um… ‘Ney… kuya mo?”


“Si kuya? Kaaalis lang niya. May date sila ni Cecily remember.”


Smiley “Ah umalis na siya. ‘Ney, alam mo ba kung saan sila pupunta?”


I know why Asher is asking me these questions. At hindi ko siya masisisi kung medyo kinakabahan siya na makikipagdate si Cecily. After all, he treated her almost his own sister. “I can’t tell you Ash. Sabi ni kuya magtatanong ka daw, kaya pinagbilin niya saakin na wag kong sabihin sayo.” I’m sorry honey, but my brother begged me about this already. Smiley


“Ganun? Ang duga mo ‘Ney.” Smiley


Smiley I just laughed imagining his face right now. Siguro naka-pout siya ngayon, at sobrang nag-aalala kay Cecily. “’Ney, I’ll make it up to you, okay? But now, kailangan ni kuya ang suporta ng kapatid niya. And besides, walang mangyayaring masama kay Cecily. Trust kuya Hadwin, he respects and loves her more than we know.” I smiled talking to him over the phone, but I’m not really sure na kampante na nga siya.



(Asher Carillo POV)

“Bakit suot mo yan!” Smiley Bumaba si Silly mula sa second floor na suot ulit yung damit na dapat niya sanang gagamitin noong birthday ni Gwynne. “Alam mo namang si Hadwin ang kasama mo, tapos ganyan ka-revealing ang suot mo?”


“Yan na naman si Ash, daig pa ang tatay ni Silly.” Asar naman ni mama. “Wag kang maniwala dyan kay Basher pumpkin, ang ganda mo sa suot mo.” Smiley


Nginitian ni Silly si mama at inirapan ako. Sinimangutan ko lang siya pero hindi ibig sabihin nito magpapatalo ako. Kanina nung tinawagan ko si Gwynne, ayaw niya rin saakin sabihin kung saan magde-date sina Hadwin. Smiley “Okay, sige! Eh di ako na lang maghahatid sa’yo sa meeting place niyo.”


“Wag na!!! Naka-dress ako oh, tapos paaangkasin mo ako sa motor mo! Smiley Di na uy! Si papa ang maghahatid saakin!” Tapos lumabas si Tito Al na dala na ang susi ng sasakyan. Smiley “Tara na pa, baka nandun na si Had.” Ngumiti siya at dinaanan lang ako.


Nakakainis! Feeling niya bagay sa kanya yung damit niya. Feeling niya ang ganda niya ngayon. Feeling niya exciting kasama si kumag. “Have fun ha! Wag kang lalapit saakin kapag bumalik kang umiiyak!” Smiley


Smiley “Hay naku Ash, selos ka lang eh.” Pinalo ni Tito Al ang likod ko at nagtawanan silang tatlo. Grrr… Tapos tuluyan nang sumakay si Tito Al at Silly sa sasakyan at umalis. Kaway naman ng kaway si mama sa kanila, super excited, akala mo naman siya yung may ka-date.


“Nakakaasar!” Tapos padabog akong bumalik sa bahay naming pero may isinigaw pa si mama. Smiley


“Ano bang kinaaasar mo dyan Ash?” Lumingon ako sa kanya. “Ano bang ginawa ng motor mo ha?”


Smiley Nginitian ako ni mama at napangiti din ako. Ay potek! Ako na ang bogok! Ano nga naman bang ginawa ng motor ko? Nagmadali akong sumakay sa motor ko dahil alam kong hindi agad makakalayo ang mga yun. Mahahabol ko pa sila. Hwahaha!



(Cecily Gonzaga POV)

Smiley Pagdating namin sa central park, nakita ko nang nakatayo at nag-aabang si Hadwin sa may bronze statue malapit lang sa fountain. Tinuro ko kay papa kung saan ako ibaba at nang tumigil kami sa harap ni Hadwin. “Good afternoon po Tito. Hello Ces!” Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas naman ako. Medyo parang nag-sparkle pa ang mata niya nang bumaba ako.


“Oh Hadwin, alas-syete dapat nakatungtong na ng bahay si Silly. Kapag lumagpas kayo dun, hindi ka na makakaulit.” Smiley


Natawa si Hadwin, “Opo Tito!” tapos nag-salute siya kay papa at nginitian naman siya nito. Hinalikan naman ako ni papa sa pisngi bago siya umalis. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin namin, biglang huminga nang malalim si Hadwin. “You look very pretty.” Smiley


I smiled at him. “I’m always pretty.” Smiley



“Alam ko… Masaya lang ako dahil alam kong nagpaganda ka pa lalo para saakin.” Alright, medyo cheesy, pero he’s right. Boyfriend ko na siya at date namin ito, so natural lang na magpaganda talaga ako. “So, want do you want to do first?” Smiley


Smiley “Ikaw ang may alam sa date eh, ikaw magpakita saakin kung ano talaga ang date.”


Ngumiti siya, and for the first time, I find him unbelievably attractive. “Sabi mo eh.” He lend his hand, “First holding hands muna, so you won’t get lost or para hindi mo ako takbuhan.”


Smiley Okay, medyo bumilis ang tibok ng puso ko, but because he’s really funny. Iniabot ko sa kanya ang kamay ko, and he grabbed it and held it tight. Yes, this is actually fun. Masaya ako dahil ngayon ko masusubukang maging masaya kahit hindi si Ash ang kasama ko. Smiley


Nag-lunch muna kami, and since first date namin, sagot lahat ni Hadwin. Pero alam ko namang matagal na talaga siyang galante, pero I told him na sa sususnod dapat share na kami ng gastos. Pumayag naman siya. Smiley


Pagkatapos, nanood kami ng sine. Horror movie from Korea, and it was okay. Okay kasi hindi talaga ako natatakot sa mga ganitong palabas. Ewan ko ba, pero favorite ko pa ring manood ng mga nakakatakot na palabas. Smiley At bukod doon, natatawa kasi ako sa reaction ni Hadwin. Kalalaking tao, hindi sumisigaw eh, tumitili. Haha… Smiley


After the movie, nagpunta kami sa store, and he bought a couple t-shirt. Pink saakin at may print sa likod na "I don't know who he is" pointing an arrow to the blue shirt. Yun naman yung sa kanya, at sa likod may naka-print na "I'm her boyfriend." Smiley Parang ang sadista ko tuloy tignan, but he likes it, at gusto niyang suotin naming ito sa school on Monday. Anong trip ba ito, pero sige. Mukha namang masaya. Smiley


Tapos naglakad-lakad na ulit kami, nilibot naming yung buong paligid. Binilhan niya ako ng ice cream, at nagpicture kami together sa phone niya. Ipopost daw niya sa facebook. Ilang oras na din kaming magkasama nang kaming dalawa lang, at hindi kami nauubusan ng kwento. Smiley Natutuwa ako dahil napapasaya niya talaga ako. 


“Ces, can you close your eyes?” Smiley


“Ha?” Ano kaya yun. “Okay, basta wag mo muna akong i-kiss sa first date natin ha.” Yuck! Nakakahiya sinabi ko yun, pero mabuti nang handa.


Natawa siya bigla. “Alam mo kakaiba ka talaga. But trust me, I won’t kiss you until you let me. Oh, close your eyes na.” Smiley




I closed my eyes then suddenly he held my hand and inserted something on my ring finger. “Singsing?” Smiley I knew it was a ring.


“I know masyadong mabilis, and I’ve never given a ring before. It’s a sign of my love and respect. And I want you to wear it, until you learn how to sincerely love me.” Smiley




End of Chapter 11 Part 2







3 comments:

  1. update na po!

    i super like hadwin!

    ReplyDelete
  2. OMO . I Like Had na . :)

    ReplyDelete
  3. OwO SPEECHLESS AKO KAY HAD!!! EMEGESH~~~~ Had!!! Why you like that, huh?! Me is kinikilig!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^