Tuesday, October 18, 2011

Sister Complex : Chapter 5 Part 2

What’s with the Secret?
(Asher Carillo POV)



Pagkauwi namin galing ng school, I felt something's different with Cecily. Parang umiiwas siya sa’kin. Ano kayang kasalanan nito?



Smiley “Hoy Silly!” I poked her nose. “Gusto mong gumala bukas? Saturday naman eh.”



“Ayoko baka mag-away tayo ulit.” Smiley Sinabi niya nang hindi man lang tumitingin saakin at pagkatapos ay umakyat na siya agad sa kwarto niya. Ang fishie talaga eh.



Smiley Nagluluto pa lang si Tito Al ng dinner, tinanong ko kung anong pwede kong itulong. Wala naman daw, sa kanya lang daw yung kitchen. Para namang aagawin ko. Ang hilig niyang mag-luto, at masasarap pa ang recipe niya.



“Tito, wala bang nakukwento sa inyo si Silly?”



“Tungkol saan?”



“Tungkol sa school… sa mga friends niya… crushes?” Wala naman daw, tapos tinitigan ako ni Tito Al at may inulit siya sa mga sinabi ko.



“Crushes? Bakit may crush na ba si Silly?” Smiley



“Wala!!! Malay ko ba dun!!!”



“Eh di wala! Diba nga ikaw lang pinagsasabihan ni Silly. Baka naman may pinagseselosan ka na Asher ha!”


Smiley “Tito tumigil ka nga!!! Ako kay Silly! Kapatid ko lang yun!” Parang incest ba! Kilabutan!



Binato niya ako ng paminta. Yung durog. Ahhh!!! Ang sakit nung nasinghot ko. Ano bang trip ‘to.



 “Nag-iisa ko lang anak si Silly.” Alam ko namang wala siyang masamang ibig sabihin doon.



“Sakit naman nun! Bakit, hindi mo pa ba ako anak?” Smiley



“Syempre anak na din kita. Pero hindi ibig sabihin nun, magkapatid kayo ni Silly. Wag kang feeling!” Anong bang problema nito ni tito? Alam ko naman yun. “Wag ka na nga dito, nadi-distract akong magluto eh. Pag ito hindi masarap, kasalanan mo.” Smiley



Umalis na nga lang ako. Ang hindi ko talaga ma-gets na sabay nila kaming pinalaki nina Cecily, pero pag nirerefer kong baby sister ko si Silly, ayaw nila. Ay ang hirap intindhihin ng matatanda. Umakyat na lang ako sa kwarto ni Silly, mukhang matatagalan pa kasi kaming mag-dinner.



Papasok na sana ako, kaso naka-lock. “Hoy Silly bakit naka-lock ‘tong pinto?” Medyo matagal siyang sumagot. “Natutulog ka ba?” Tapos parang nagmamadali siya, parang may tinatago. Then in-open na niya yung door.



“Bakit?” Smiley Tapos nag pa-cute siya pa siya, twinkling her eyes. Nakaharang lang siya sa pintuan.



“Bakit ka dyan!” Hinawi ko siya at pumasok ako para magmasid-masid. May tinatago talaga ‘tong babaeng ito eh. “Spill it out! Ano yun! May secret ka eh!” Smiley



Binuka niya yung bibig niya na parang nang-aasar ba na gawing literal yung sinabi ko. “Wala akong iii-spill oh! Walang laman tignan mo!” Smiley Dukutin ko kaya dila nito. Ah tama! Sa computer niya!



Smiley “Talaga ha!” Uupo na sana ako sa upuan in front of her computer pero hinila niya yung damit ko habang tumayo siya sa kama niya. Feeling matangkad!



“Hindi mo computer yan!!!” Ang higpit ng hawak niya sa damit ko na parang mapupunit na.



“May tinatago kang bata ka eh!!! Ano yun!!!” Kahit anong mangyari, io-open ko computer niya!



Smiley “Wala akong tinatago! At hindi na ako bata!” Tapos binatukan niya ako, hindi naman masyadong malakas.



“Ang kulit mo ha!” Binuhat ko siya at inihiga sa kama niya. Madali ko naman siyang naitumba kaya nagsisisigaw siya. “Wag kang makulit!” Nagpupumiglas pa siya kaya ang ginawa ko, hinila ko yung kumot niya at ibinalot ko sa buong katawan niya! Ahahahahahahahaha!!! Para siyang cocoon na nakalabas ang ulo. Smiley



“Aray ko Ash… alisin mo ko dito!” Smiley Nakakatawa itsura niya. Hindi siya makakaalis nang basta-basta niyan! I took a picture of her kasi hindi siya makatayo pero nagpipilit pang makawala sa pagkakabalot sa kanya. Nakakatawa talaga.



“Sige kapag hindi ka nagtino dyan, ia-upload ko ‘tong picture mo sa FB!” Smiley Pinakita ko yung picture niya. “Ano kayang magandang title nito? Human cocoon? The living mummy? Ah ito mas maganda! Human suman!!!” Corny noh! Natatawa lang ako.



“Epal ka!!! Pag ako nakaalis dito!!!”



“Sheeshh!!! Quiet!” tapos naupo na ako sa harap ng computer niya. Smiley Uy, naka-open nga FB niya! Hindi ko alam password nito eh. Tapos tinignan ko.



[Uy Ces! San ka na?] Aba may ka-chat siya! Teka!!! Si Hadwin ‘to ha!!! Tinignan ko ng masama si Silly.



“Kaya pala madalas ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo! Friend mo na pala si Hadwin at ka-chat mo pa ngayon!” Nakakaasar! Nakakaasar talaga! Smiley



“At least hindi na Silly tawag niya sa’kin!” Akala naman nito madadaan ako nun.



Binasa ko pa yung mga napag-usapan nila. Ces!!! Ces na lang itatawag sa kanya! “Akala mo naman maganda pakinggan yung Ces! Ang sagwa kaya!”



“Eh bakit ba! Umalis ka nga diyan!! Pakawalan mo na ako!!! Smiley Isusumbong kita kay papa!”



"Tos ang bebeng tos! Bwiset!" SmileyNaiirita ako sa mga pinag-uusapan niya. “Naniniwala ka sa mga pinagsasabi ng kumag na ‘to! Eh puro bola lang ‘to eh! Sinasabi niya rin ‘to sa ibang babae niya.” Smiley



“Bakit ba pakelamero ka masyado!!! Hindi naman ako bibigay sa lalaking yan noh!” Smiley



“Kahit na!!! nakakakilabot ‘tong mga sinasabi niya oh! Nakakasuka!” Tapos bigla akong natigilan. May nabasa kasi ako na tungkol sa’kin at kay Gwynne. “Ano ‘to?”



Kinabahan bigla si Silly dahil natahimik din siya pero nakatitig lang siya sa’kin.



[really? umamin sau c Gwynne na gusto na niya si Asher?] Tanong ni Hadwin. What?



[Yep… sinabi niya sa’kin kanina.] Reply ni Silly.



[Sabi ko na eh. Madalas kasing magtanong sa’kin si Gwynne tungkol sa kuya mo.]



Natulala ako. Smiley



Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.




Smiley



Tapos nilapitan ko si Silly. “Totoo ba yun? Gusto rin ako ni Gwynne?” Smiley



Smiley Umiwas siya ng tingin sa’kin. Pero hindi ako papayag na hindi niya sagutin ang tanong ko. Hinawakan ko ang mukha niya para harapin niya ako. “Silly! Ano? Totoo ba? Gusto rin ako ni Gwynne?”



Matagal siyang sumagot, but I gave her no choice. Tumango siya. “Gusto ka ni Gwynne. Sinabi niya sa’kin mismo…” Malungkot siya. “Sabi niya wag ko daw sabihin sa’yo eh.”



Napatayo ako. Nakapamewang pa. tapos nakalimutan kong nakabalot pa si Silly ng kumot niya. Pumunta  ako sa terrace att huminga ako ng malalim. “YESSSSSSSSSSS!!!!” Smiley

Smiley Tumalon ako at nagsisigaw sa tuwa! Gusto din ako ni Gwynne!!!




End of Chapter 5 Part 2



2 comments:

  1. Shiit. Ang sakit nun sa part ni Silly! Uwaaaaaaaaaaaaaah! Silly!!! :((
    Teka muna, mamaya na tayo sa last part. Natatawa ako sa Papa ni Silly. Ewan pero I smell something fishy about dun sa ayaw nila Mama Pers at Papa Al na sinasabing magkapatid sila XD ewan ko~ pero waaah! Silly!!! :(((

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^