I Can’t Stop
(Hadwin Alvarez POV)
Kinakabahan ako ng sobra. Friday na kasi ngayon at matatapos na ang palugit ko na one week para main-love sa ‘kin si Silly. Binigay nga niya number niya, hindi naman siya nagrereply. Kapag nagkikita naman kami sa school, it’s either si Gwynne o yung kuya lang niya ang kinakausap niya.
Ayaw pa niyang i-accept yung friend request ko sa facebook. Talaga bang kahit konti, wala siyang nararamdaman sa’kin? O kahit naga-gwapuhan lang?
“Gwynne, natanong mo na ba si Silly?” Nililinis ni Gwynne yung ball-jointed doll collection niya. Pero mas binibigyang importansya niya yung kamukha ni Silly.
“Sabi niya, friend ka rin niya dahil friend mo daw yung kuya niya.” Sagot ni Gwynne. Friend? Come on! Hindi ba niya binabasa yung mga texts ko? Gusto ko nga siya diba! “At tsaka, ayaw niya kasing tinatawag mo siyang Silly.”
“Bakit? Eh naririnig kong tinatawag siya ni Ash nun eh.”
“Exactly!” Tumingin siya. Close na kasi silang dalawa. Buti pa sila. “Private nickname niya daw yun. Only her family can call her that.”
“Ganun?” Yun lang kaya hindi niya ako pinapansin o tinetext man lang!
“Try calling her by her name, or ask what you should call her. Sabi niya, magrereply na siya.” Tapos nginitian ako ni Gwynne and then bumalik na siya ulit sa ginagawa niya.
Sige! I will try. [Hi Cecily. Nakauwi na kau?] Sent! Magrereplay ba talaga siya? Then my phone vibrated. One message received.
[yep. Kararating pa lng namin ni kuya ash. Y?] Nagreply sya!!! Sa sobrang saya ko, I kissed Gwynne’s cheeks tapos ini-snatch ko yung Cecily doll niya para i-kiss din. “Nagreply na nga siya! Thanks Gwynne!”
Tapos tumakbo na ako sa kwarto ko! First time nag-reply siya! Gagawin ko ngang status ‘to sa FB. In-open ko yung computer ko at naglog-in sa account ko.
[At last she replied!] Ang daming nag-LIKE. Mga EX ko yun pero wala na akong pakelam sa kanila.
Tapos tamang-tama may new notification. Nung binasa ko, “Cecily Gonzaga accepted your friend request 1 minute ago.” In-accept niya na din ako sa wakas! Uy naka-online siya.
[Hi Cecily, nagdinner na kayo?] Naghihintay ako… Cecily is typing…
[Hindi pa. Nagluluto pa lng si papa eh.] Wooooooooo!!!! Nagrereply na nga siya.
[Chat muna tayo, OK lng ba?]
[Sure.]
[So ano bago? May kwento ba?]
[wla naman bago. Ganun pa rn. Sau?]
[hmmm. Iniisip ko kuya mo at kapatid ko.]
[y?]
[eh gustong-gusto ni kuya mo si Gwynne, kaso ang bagal nia.]
[ah…] Hindi ba interesting yung sinasabi ko? Ano sasabihin ko? Wala akong maisip!
[eh ikw? Anong tingin mo s knila? Ok lng b mgka-GF na kuya mo?]
[IDK. Bahala siya.]
[ayaw mo bng mgka-GF kuya mo?] No comment siya. Naku baka hindi na siya magreply.
[nanjan ka pa?]
[.] Bakit tuldok lang!!! Boring ba talaga ako?
[bakit ikw? Gusto mo na bng mgka-BF si Gwynne?]
[kung si Ash okay lng. Gusto din nmn ni Gwynne si Ash eh. Secret lng ntin un ha. Wag mng sabhin s kuya mo ha.]
[I knew it already…]
[really? umamin sau c Gwynne na gusto na niya si Asher?] Talaga! Umamin si Gwynne?
[Yep… sinabi niya sa’kin kanina.]
[then hu are we to stop them.] Ayan, hindi nanaman siya nagreply
[Ay sorry nga pla. I called you Silly. So silly of me.] Sana matawa siya.
[haha! Ok lng yun noh!]
[anyway, can I call u by another name? ok lng bang CES na lng tawag ko sau, pra maiba nmn.]
[hmmm…] Okay lang kaya sa kanya?
[ok lng. I like it] Waaaaahhhhhhh!!! She likes it!!!
[hi Ces! u can call me Had!]
[haha! Hi Had!] Kinikilig ako! Sh*t! Pati pala lalaki pwedeng kiligin. Nakakabaliw na 'tong si Cecily.
[um… nababasa mo b yung mga text ko?]
[alin dun?]
[that I think… I think I like u.]
[ces...]
[ces…] Hindi pa rin siya nagrereply. Kinakabahan ako.
[Uy Ces! San ka na?]
At tuluyan na siyang nag-offline. Siguro nag-dinner na sila. O siguro she’s awkward pagdating sa ganitong bagay. Masyado ba akong straight forward?
Napa-isip ako. Hanggang bukas na lang ang one week. But I don’t think that she’s easy. Kasi unlike the girls na nakikilala ko, sa kanya lang hindi tumatalab ang charisma ko.
She’s the first girl to turn me down, and take note, a lot of times! Na parang wala siyang pakialam sa existence ko. Nakakasama ko nga siya, pero hindi niya ako tinitignan.
One week. Wala akong pag-asa sa kanya within a week. A month a kaya? Hindi rin eh. Parang iba si Cecily. Dahil kaya siguro hinaharang ako ng kuya niya? May sariling isip na naman siya eh.
One week. At malapit nang matapos ang one week ko this Sunday!
Tumayo ako at naghilamos ng mukha. This time I lost.
This is more than like! Tapos tinignan ko ulit yung wallpaper ng phone ko.
“I can’t stop! I can’t stop now. I cannot just like her.” Tapos narealize ko ang isang bagay. “She made me fall for her, then she have to catch me too.” At ito ang unang beses na talagang seryoso ako. Hindi dahil nakapag-english ako, pero dahil gusto ko talaga si Cecily.
End of Chapter 5 part 3
ANg sWeeT ni hAdwiN,,,
ReplyDeleteHahahahaha! Kaloka ka Had!!! Hindi dahil nakapag-English! Siraulo talaga tong lalaking 'to! Ang tawa ko dun eh. Pero ramdam ko ang effort niya... kay Silly. Iba talaga kapag in love eh noh?! Go Had!!! Kaya mo yan! ^_^ kaso AsherXSilly ako eh... wah!
ReplyDelete