Chapter 6
Sign of Friendship
(Gwynne Alvarez POV)
What I like about Cecily is that she’s nothing like my old friends. Nung first day kasi ng class, yung mga nauna kong naging kaibigan, they would always make me feel that I don’t belong. I felt outcasted.
Then nung nagkatabi na kami ni Cecily, I made the first move. Gumawa ako ng lunchbox for the two of us, and we shared it. Nagopen-up ako sa kanya and I’m glad she didn’t find me boring. Pumayag pa siya na sa kanya na lang ako sasama. I was glad because I was afraid of the idea of being alone. Pero hindi dahil natatakot akong mag-isa kaya pinagsisiksikan ko ang sarili ko kay Cecily, but because I sincerely want her to be my friend.
Sometimes it feels like napipilitan lang siyang kasama ako. But she never lied about that. Kapag nabo-bore kasi siya, alam ko dahil tatahimik lang siya, ngingitian ako and would normally reply plainly. Then magso-sorry siya, “Pwedeng change topic tayo? Hindi ko gets eh.”
She’s not a liar, never a pretender, but she would always keep things all for herself just to not hurt other people. Instead of saying she doesn’t like it, she would keep quite. Instead of saying she loves it, she would show it. So I wonder what she thinks about me.
Sana hindi niya iniisip na sobrang boring ako o nagiging pabigat ako sa kanya. I hope so.
(Cecily Gonzaga POV)
Nasa loob kami ng library ngayon ni Gwynne. Ever since the first time na nag-lunch kami, lagi na kaming magkasama. And she would always refer me as her bestfriend. I don’t really hate her, dahil sa siya ang gusto ni Asher. Pero masakit lang talaga sa part ko, na ka-close ko na ang babaeng dahilan ng pagiging bitter ko. Ang plastic ko noh.
But then I seriously like her too, dahil first time ko lang nagkaroon ng talagang ka-close na babae. Medyo may pagkaanti-social kasi ako eh. Mahirap para sa’kin ang magkipagkaibigan sa iba. Pero with Gwynne, ang gaan ng loob ko. It feels like meron din akong ate, kahit na sinasabihan ko siyang wag akong i-spoil as baby.
Nasa isang table kami ni Gwynne at magkaharapan lang kami. Everything is peace and quite nang biglang may sumulpot na bruhita. “Well, well… Marunong din palang magbasa ng libro ang tulad mo.” Napatingin akong sa epal na boses na narinig ko. Isang babaeng padding lang ang boobs, trying-hard ang porma at sobrang kapal ang make-up. Isang babaeng kasumpa-sumpa ang ugali, my ugliest enemy, Asher’s ex-girlfriend, si Aicelle 'Bakulaw' De Castro.
“Excuse me?” Tanong ni Gwynne na medyo napasimangot. Sino nga bang hindi magugulat at maiirita kung may isang babae lalapit bigla at gagawa ng unwanted scene dito pa mismo sa tahimik naming library. Sinenyasan ko si Gwynne na pabayaan na lang. Bakit? Dahil laban ko ‘to, ayokong madamay siya dito.
“Mas magulat ka dahil nandito ka sa library. Hindi ka ba natatakot sa mga libro?” Natawa si Gwynne. I think na-gets na niya kung ano ko itong bakulaw na ‘to.
“Alam mo kung anong biggest mistake mo? Na sinundan mo si Asher dito at hinayaan mong makita kita dito sa teritoryo ko!”
Ha? Ano daw? “So which one’s the biggest? That I followed Ash? Or that I’m here? Hindi ko alam teritoryo mo pala ang library.” Mistake nga lang diba! Mistake with no S!
“You think you’re funny? Magsisisi kang nag-enroll ka dito! Get it!”
Tinawanan ko lang siya. I’m not scared with all her threats! Hindi na ako yung grade school student na sinugod niya habang naglalaro ako sa playground kasama ni Ash. “Regret? I want to see how you do it.” Hamon ko sa kanya. Sa asar niya, kinuha niya yung librong hawak ko at akma pa niyang pupunitin.
“If I were you, I won’t do that.” Tumayo si Gwynne at sinabi niya yun. Wag ka nang makisalo, pati ikaw aawayin din niya. Pero masama na ang tingin niya kay Aicelle.
“Who the hell are you! Bakit ba sabat ka ng sabat?” Sinigawan siya ni Aicelle. Pero yung akala kong mahinang si Gwynne, hindi man lang nagpatinag.
“Is it your first time here? That book you are holding isn’t yours! Don’t you know that it’s a major offense to tear down a school property?” Gwynne glared at Aicelle. “Shame on you that it seems like you didn’t even know that.” Tapos kinuha ni Gwynne yung libro at ibinigay sa’kin.
“Get lost!” Dagdag pa ni Gwynne. Pahiya ang bakulaw! Hindi ko alam na ganyan pala kapag nagagalit at lumalaban si Gwynne.
Natawa naman ako kay Aicelle. Napanganga kasi siya nung marinig niyang mag-salita si Gwynne na hindi katulad niyang halatang trying-hard. Nung nagsalita kasi si Gwynne, parang foreigner na kausap mo. Wala siyang nagawa. So tinaasan niya ng kilay si Gwynne at ako.
“This isn’t over yet! Ikaw!” Tinuro niya ako. “And your little angel.” Sarcastic niyang sinabi referring Gwynne. “Should watch your backs!” Tapos umalis na siya. Sayang nga hindi nakita nung librarian yung kamuntik sana niyang gawin sa libro.
Tapos umupo na ulit si Gwynne at nag-sigh. “Sino ba yun?Bakit ka niya inaaway?”
“Yun? Ex ni kuya. Nung first year pa sila.” Nagulat si Gwynne, especially nung nabanggit ko yung mga salitang EX ni kuya. “Dapat hindi ka na lang nagsalita. Pinabayaan mo na lang sana. Yan tuloy, pati ikaw napagbantaan.”
“Well I can’t just shut my mouth.” Then I felt really happy na sinabi niya yun. “Hindi ko pwedeng hayaang saktan lang ng kung sino yung mga taong importante sa’kin.” It was touching. Nakatingin lang ako sa kanya, then napangiti ako.
“Thanks.” Importante ako sa kanya, ang sarap pakinggan. “Best.” which means I’m finally saying she really is my bestfriend.
Tapos naiyak siya. “Best?” Ano ba, masyado namang emotional itong babaeng ito. Nakakatawang nakakabaliw. “Akala ko ako lang yung nag-iisip na parang mag-bestfriend na nga tayo eh.” This time wala siyang panyo kaya ibinigay ko yung panyo ko sa kanya. Wait… naibigay ko yung panyo! Yung panyong ibinigay ni Asher sa’kin nung nag-away kami.
“Sige na, wag ka nang umiyak dyan.” At ginamit ni Gwynne yung panyo. “Yung panyo nga palang ipinahiram mo sa’kin nung nasa mall tayo…” Napatigil ako. Hinihintay niya naman kung ano pa yung sasabihin ko. “Hindi ko na ibabalik ha.”
“Ha?” tanong niya. Tanong ko rin nga yun sa sarili ko kung bakit ko nasabi yun.
“Hindi ko na ibabalik, kasi trade na tayo. Sayo na yang panyo ko.”
End of Chapter 6 Part 1
EPaL muCh ni aiCeLLe baKuLaw,,,
ReplyDeleteGusto ko itong chapter na toh~ waaaaah. Hahaha. Ang cool ni Gwynne! Lalo na si Silly! Palaban din pala itong dalawang toh! At~ ang sweeeeeeeeeeet nila!!! Nakaka-touch!!! Masasabi ko na din na totoo na talaga silang magkaibigan--bestfriends!!! Yay~
ReplyDelete