Monday, October 17, 2011

Sister Complex : Chapter 5 Part 1

Chapter 5
Bestfriends?
(Cecily Gonzaga POV)


Ang saya! After naming magpanggap ni Asher na magkapatid kunyari, hinahatid na niya ako mismo sa loob ng school. Kanina, nasalubong namin si Hadwin. Nakuha niya nang tuluyan ang number ko dahil niloko niya ako. Smiley Pero ang nakakatawa lang, ano bang trip meron ang kuya ni Gwynne.


“Morning!” bati sa’kin ni Gwynne. “Morning din!” Sagot ko. Tapos tinignan ko siya dahil nagre-review siya ng notes namin. Nung hindi pa kami magkatabi, lagi ko nang napapansin na sobrang serious niya kung mag-aral, parang si Ash.


“Bakit ang sipag mong mag-aral? Matalino ka na naman ha.”


Parang medyo nahiya siya at natawa na lang. “Ako matalino? Hindi naman. Pala-aral lang talaga ako kaya ako nakakasagot.” Smiley Sagot ni Gwynne. Sobrang down-to-earth naman nito.


“Ay! Oo nga pala. May baon ka ba Cecily?” Bakit niya tinatanong?


“Wala. Sa cafeteria lang ako palagi bumibili kapag lunch. Bakit?” Smiley


Tapos pinakita niya ang malaking lunchbox niya. Nakabalot ito ng pink na panyo. “May baon ako. Gusto mo share tayo?”



“Ha?” Bakit ako? May ibang friends naman siya na pwede niyang ayain ha. “Paano mga friends mo?” Smiley


“Good for two lang kasi yung binaon ko. Tsaka, hindi naman magtatampo yung mga yun.” Tinignan ko yung mga kabarkada niya. Oo nga, parang friends lang, pero hindi niya talaga ganun ka-close. “Kain tayo sa field, may dala akong banig.”


Wow! So pinaghandaan ba niya ito? “Pinaghanda talaga ha! Hmmm… sige okay lang.” Yung mga friends ko din naman, hindi ako papansinin dahil hindi ko rin naman sila ganun ka-close.


Then nag-start na yung class, parang ang bilis lumipad ng oras dahil nag-bell na which means its time for lunch! Tapos naglakad kami ng sabay ni Gwynne papuntang field. Nilatag niya yung dala niyang banig. “Upo ka.” Umupo ako at saka niya nilabas yung lunchbox niya.


“WOW!!! Ang ganda namang presentation niyan!!! Smiley Ikaw ba gumawa niyan?” Bento box! (Japanese lunchbox)


Tumango siya. Tapos binigyan niya ako ng spoon at fork, akala ko magcha-chopstick din kami. Hihi. So tinikman ko na yung ginawa niyang food, “Sarap!!!” Ang sarap talaga sobra!!! Smiley


Smiley “Talaga! Sige bukas magbabaon ulit ako para saatin.” Oh! Gusto niya ulit sabay kaming mag-lunch tomorrow? Bakit kaya sobrang bait nito. Smiley

Tapos nanahimik na akong kumain. Ganun naman talaga ako eh. Binigyan niya ako ng juice na dala din niya. Kumpleto talaga!!! Ang sarap ng libreng lunch.


“Baka nakukulitan ka na sa’kin Cecily ha.” Nag-open siya bigla ng ganung usapan.


“Hindi naman... masyado. Medyo? Bakit?” Smiley Ang gulo ko noh. Hindi ko kasi maexplain eh.


“Kasi, ganun yung madalas na sabihin sa’kin ng mga classmates natin. Minsan nga naa-out-of-place ako kasi parang nakukulitan sila sa’kin.” Naku, if I know, mga naiiinggit lang na mga classmates namin yun. Paano, maganda na, matalino pa at sobrang bait! Lahat kaya ng boys sa class namin at from other section, may crush kay Gwynne.


Smiley “Wag mong pansinin yung mga yun. Ako nga, mga kaibigan ko, minsan iniiwanan din ako. Hindi ko na lang pinapansin, hindi naman ako mamamatay kung hindi ko sila kasama.”


“Talaga? Ang tapang mo naman. Ako kasi, natatakot mag-isa.” Ah! So kaya pala ginusto na rin niyang lumipat sa tabi ko sa loob ng classroom. Ngayon parang naaawa tuloy ako sa kanya. “Okay lang ba Cecily kung sa’yo na lang ako sasama? Kung medyo naiirita ka na sa’kin, sabihin mo lang ha.”


Nagmamakaawa ba siya? Ano ba ‘to? Eh kasama ko na nga siya. “Sige okay lang.” Ngumiti siya. And I felt she’s really happy.


“Pero tandaan mo, mas matanda ako sa’yo ha.” Smiley At sabay kaming nagtawanan. Parang sobrang close na namin.



The following days, every lunch sabay na kaming kumakain ni Gwynne. Ang gusto niya, siya palaging magdala ng lunch kaya ang dami kong natitirang pera dahil hindi na ako gumagastos sa food. Smiley Then I realized, napapalapit na loob ko sa kanya, despite the fact na kaagaw ko rin siya kay Ash.

Nalaman pala ni Asher na nagiging close na kami ni Gwynne, kaya lagi niya akong iniinterview tungkol sa crush niya. Smiley As usual, nagseselos ako kaya ako nagagalit ako kay Ash. But not with Gwynne dahil hindi naman niya kasalanan na gusto siya ni Asher.

Pero ano kaya yung feelings ni Gwynne for Ash. Kasi dahil sa madalas na kaming magkasama ni Gwynne, napapadalas din na nakakasama siya ni Ash. One time sa loob ng classroom, habang hinihintay pa namin yung next teacher, naglakas-loob na akong magtanong.


“Gwynne… anong tingin mo kay Kuya Asher?” Kinakabahan ako sa sagot niya.


SmileyHa? Bakit mo natanong?”


“Wala lang.”


“Kapag sinagot ko ba yang tanong mo, sasagutin mo tanong ko?”


“Bakit ano bang itatanong mo?” Smiley


“Si kuya Hadwin… anong tingin mo sa kanya?” Nagulat ako! Bakit naman? Anong meaning nun?


“Friend ni kuya mo si kuya ko eh. Syempre friend ko na rin ang kuya mo.” Smiley Tapos biglang malungkot yung reaction ng face niya.


“Kasi madalas niyang sinasabi sa’kin na hindi mo daw nirereplayan yung texts niya.”


“Ah! Yun ba! Kasi madalas niya akong tinatawag na Silly. Nasabihan ko na siya about dun eh. Private nickname ko kasi yun. Sina papa, mama at Kuya Ash lang ang tumatawag sa’kin nun.” Smiley


“Ahhh. Sige sasabihin ko sa kanya na wag ka nang tawaging Silly. Pero rereplayan mo na siya ha.” Okay…?


“Bakit?” Hindi ko ma-gets. Bakit ba akong pinoproblema nung kuya niya. “Crush ba ako ni Hadwin?” Smiley Kapal ng face ko noh. Pero half-meant ko lang yun, as if namang magka-crush talaga sa’kin kuya niya. Eh balita ko kahit playboy yun, sobrang dami pa rin ang may gusto sa kanya.


Natawa si Gwynne sa tanong ko. “Obvious naman eh. Crush ka nga ng kuya ko.”


“Patawa ka… weh? Hindi nga.” Smiley Imposible!


“Crush ka nga niya! Promise!” Napalipad ang utak ko. Tuloy parang nakalimutan ko yung sagot sa una kong tanong sa kanya. Wala akong time para isipin si Hadwin.


Smiley “Um… O ikaw naman Gwynne? Anong tingin mo kay Kuya Asher?”


Natahimik siya. Parang nagdadalawang-isip pa siya. Ano ba? Nagbuntong-hininga siya tapos tumingin siya ng direkta sa mata ko. Ano ba lalo akong kinakabahan, sabihin mo na kasi.


Smiley “Bestfriend naman kita diba…” Bestfriend? Agad! “Secret lang natin ‘to ha. Wag mong sabihin sa kuya mo.” Ang ano nga!!! Dali!!! “Para kasing…” Ang lakas na ng kalabog na puso ko…


Napalunok ako. Nag-isip pa siya ulit! Tapos narinig ko na yung sagot na hinihintay ko, “Para kasing may gusto na ako sa kuya mo eh.” Smiley



End of Chapter 5 Part 1


3 comments:

  1. HaY naKu yaN aNg hirAp kaPag anG kariBaL mo ay kaSing bait ni gwyNne,,, aNg hiRap kaYa maGaLit sa kaNya,,,

    ReplyDelete
  2. wAAAAA , Broken Hearted Dree </3

    ReplyDelete
  3. Awwww!!! Ang sweet sweet sweet sweet talaga ni Gwynne! Nag-effort pa talaga siya na mag-baon para sa kanilang dalawa ni Silly! XD pero feel ko parang ilap pa din itong si Silly... kasi ewan ko. Siguro nga dahil kay Ash~ pero... hays. Mutual na ng nararamdaman sila Ash at Gwynne... pano na yan?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^