Sunday, October 16, 2011

Sister Complex : Chapter 4 Part 3

One Week
(Hadwin Alvarez POV)



“Bakit busy?” Smiley Kanina ko pa tinitext si Silly sa number na binigay niya. Ngayong tinatawagan ko naman, walang sumasagot. Tapos after ng 23 texts at 12 missed calls, nagreply din.


[hus dis?] Whose this? Hindi ba niya sinave ang number ko?



[Ui Silly, it’s me Hadwin! How r u?]



[Hadwin hu? Please dnt call me silly & stop calling or txting me. I dnt even knw u!]



Hala! Sino ba ‘to? Smiley



[Hndi k b c Cecily Gonzaga?]



[NO!] Okay hindi nga si Silly.



Ano yun? Bogus number binigay sa’kin ni Cecily? Natawa ako. “First time lang ‘to ha.” Naisip ko, siguro sinusunod niya masyado si Asher. Ayos yun ha! Akala ko ba pwede kong pormahan kapatid niya. Pumayag na nga akong pormahan niya si Gwynne eh.



Smiley Pero medyo nakaka-bad trip yun ha. Ibang tao kasiyung nakareceive ng confessions ko for Silly.



“Kuya!” Kumatok si Gwynne.



“Pasok.” Pumasok siya na may hawak na isang ball-jointed doll galing sa collection niya.



“Ito yung sinsabi kong doll oh! Yung kamukha ni Cecily.” Nung tinignan ko yung hawak niyang manika, na-amaze ako. WOW!!!



Smiley “Kamukha nga niya!!!” So ganito siya kaganda si Cecily. Na meron siyang doll version ng sarili niya. “Akin na lang ‘to.” 



Hinila bigla ni Gwynne yung manika niya. “Favorite ko 'to sa collection ko noh!” Tapos aalis na siya pero pinigilan ko siya dahil may gusto pa akong gawin.



“Wait lang!!! Pahiram muna ako sandali.” Ibinigay niya sa’kin at kinuha ko ang cellphone ko para kunan ito ng picture. “Sige, ito na lang ang sa’kin.”



Smiley Natawa si Gwynne. So feeling niya pwede na siyang umalis agad pero may pahabol pa talaga ko eh. “Sa’kin na lang yan Gwynne, bayarin kita ng doble. Magkano ba yan?”



“This is not for sale. Bumili ka ng sarili mo.” Tapos umalis na siya nang tuluyan at sinarado ang door.



Nahiga tuloy ako sa higaan ko. At tinitigan ko yung picture ng doll na kamukha ni Cecily. Ang galing talaga! Kaso bigla nanamang nag-open ang door, si Gwynne nanaman. Siya naman ang may pahabol na sasabihin. “May gusto ka ba kay Cecily, kuya?”



“Ha?” Nagulat ako sa tanong niya. “Bakit?” Smiley



“Wala lang.” Ngumiti siya at may iba sa tingin niya. “Pero kung si Cecily kasi, wag mo siyang itulad sa mga nakaka-fling mo ha.” At yun na. Umalis na talaga siya after niyang sabihin yun.



“Oo nga naman.” Hindi naman ako ganito sa ibang babae. Ah tama! Kasi dahil nga pala sa deal na ginawa namin ni Asher. Dahil pumayag akong ligawan niya si Gwynne kaya liligawan ko rin si Cecily.



Kaso bakit ko ginawa yun? Ah tama! Para hindi saktan ni Asher si Gwynne, kasi kung gagawin niya yun, baka saktan ko rin ang puso ng kapatid niya.



Tama ba yun? Smiley Eh alam ko namang hindi sasaktan ni Ash si Gwynne eh. Pero pumayag pa rin siyang pumorma ako sa kapatid niya.



Pero ang mas malaking tanong na gumugulo sa isipan ko…



Smiley



Bakit ako binigyan ng bogus number ni Cecily?



Hindi man lang ba siya naga-gwapuhan sa’kin? Bakit parang hindi rin tumatalab sa kanya yung mga moves ko na gustong-gusto ng mga babae?



Ang hirap naman ni Cecily. Pero napangiti ako. Smiley Okay!!! After one week kapag hindi ko pa siya napasagot, bahala na siya. Siya din ang nawalan.



Right! Tumingin ulit ako sa image na nasa phone ko. Ginawa ko na siyang wallpaper. Smiley



“One week Cecily. One week lang talaga!”



*     *     *



Then nung magpasukan na ulit, nakita kong inihatid ni Asher si Cecily sakay ng motor niya. Ngayon ko lang nakita ‘tong ganitong eksena ha. Nagtatawanan sila kaya lumapit ako.



“Good morning Silly!” Sa likod ng isipan ko ang mga katagang ‘One week. One week. One week'.’ “May kasalanan ka sa’kin ha. Ibang number binigay mo.”



Napakagat sa labi niya si Cecily at nagtinginan silang magkapatid. “Ako nagturo sa kanyang wag ibigay number mo. Sabi ni Asher. Ikaw palang salarin ha!!! Smiley Siraan ko kaya ‘to kay Gwynne. Bwisit naman oh, at sa asar ko tinignan ko nang masama si Asher. At tumingin ulit ako kay Silly.



“Silly, may ka picture sa cellphone ko na hindi mo alam.”



“Ha?” Sabay nilang sagot. “Saan patingin?” Tanong ni Asher. Epal ‘tong lalaking ito. So ipinakita ko yung wallpaper ko pero sobrang bilis kaya hindi rin nila nakita.



“Ako ba yun?” Ang cute niyang tanong. Smiley Ang sarap kurutin ng pisngi niya.



“Oo.”  Parang hindi naniniwala. “Ikaw nga yun, promise. Mamatay man lahat ng tao sa mundo.” Na-curious sila pareho.


“Amin na nga patingin.” Ang kulit talaga nito ni Asher. Nakaka-bwisit! Smiley



“Ipapakita ko lang kung ibibigay mo sa’kin totoong number mo.” Sabi ko kay Cecily. Naghintay ako sa sagot niya.



“Zero-nine-one-five-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah” Okay! Ngayon, I tried checking the number at nag-ring nga yung phone ni Cecily. Yehey!!!



“Okay, save mo number ko ha.” At sinave naman niya. I win!!! Woohoo!!! Smiley



Kaso umepal nanaman ‘tong si Asher at hinablot yung cellphone ko. Tinignan niya yung wallpaper ko at napakunot ang noo niya. “Si Cecily ba ‘to?” Tinignan ni Cecily yung picture. Nakakatuwa kapag curious siya. “Ikaw ba ‘to?”



“Hindi ha! Laruan lang yan eh!” Tinignan ako ni Cecily at nag-pout siya. Smiley Wahhhh!!! Ang cute! "Paano ba yan mamatay na lahat ng tao sa mundo."



Smiley “Ikaw yan! Kamukha mo yung ball-jointed doll ni Gwynne.”



Tinitigan namang maiigi ni Asher yung picture. “Saan banda? Ang ganda naman nitong laruan na ‘to. Walang-wala sa mukha ni Silly.” Siniko siya ng kapatid niya. Haha!!! Buti nga. Hinablot ko ulit yung phone ko.



“Si Silly ‘to!” At umalis ako agad para lasapin ang pagkapanalo ko! Smiley Yes!!! May number na ako ni Cecily. Panigurado, within this week, maiinlove din siya sa’ken! Smiley



End of Chapter 4 Part 3


4 comments:

  1. maMataY maN LaHat ng taO sa mUndo,,, kuLit ni hAdwiN,,,

    ReplyDelete
  2. haY haNggaNg ditO na muNa akEtcH,,, tOmorrOw na Lng uLit itUtuLoy aNg pAGbaBasa,,,

    ReplyDelete
  3. 7 Days to love ang Peg ! :DD

    ReplyDelete
  4. Hahaha~ shems! In love na nga ata si Hadwin kay Silly! Biruin mo naman, pati yung manikang kamukha ni Silly gusto niyang angkinin! At may pa-one week, one week pa siyang nalalaman ha! Ayieh~ pero ayos din ang moves nito ni Had eh~ naks!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^