Making-up
(Cecily Gonzaga POV)
“Rise and shine pumpkin!” Sabi ni papa habang ginigising ako.
“Inaantok pa ako papa.” Namumugto pa rin yata mata ko. Kahapon kasi, nag-away kami ni Ash na humantong pa sa pag-iwan niya sa’kin sa mall. Naiyak ako, pero mas naiyak ako nung binalikan niya ako. Sabay kaming nag-sorry, binilhan pa niya ako ng panyo, niyakap at nagholding-hands papuntang carpark.
“Sunday ngayon! Magsisimba tayo. Nakalimutan mo na ba?” Oo nga pala. Bumangon na ako, naligo at nag-ayos. Pagbaba ko, nasa dining room na namin sila mama at si Ash. Sabay kasi kaming apat kung magsimba.
Hindi ako makatingin ng direcho kay Ash. Nagkapatawaran na naman kami diba, pero nahihiya pa rin ako.
“Silly oh, gatas mo.” Pinagtimpla ako ng gatas ni Ash. “Anong gusto mong palaman, peanut butter o cheese?” Gusto pa niya akong ipaghanda ng sandwich.
“Cheese na lang.” Tapos nilagyan niya ng cheese yung tinapay at binigay sa’kin. Naupo siya sa tabi ko. Pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
“Silly…” Napalingon ako, tapos katulad nang dati, he poked my nose. Napangiti tuloy ako. Weak point ko yun eh.
“Aba! Himala yata ang dalawa, hindi nag-aasaran.” Sabi ni papa. Kapansin-pansin bang may kakaiba? Siniko naman siya ni mama. “Ano ka ba Al! Syempre Sunday, nagpapakabait ang mga bata.” Muntik nang mabulunan si Ash at ako din. Akala ko alam na nilang nag-away kami eh.
“Masama bang lambingin paminsan-minsan si Silly?” Tapos kinurot niya ang pisngi ko. “Eh ang cute-cute nito eh.”
Ano ako hindi gaganti! Ginulo ko naman ang buhok niya. “Oo nga! The best kaya itong si Basher!” nagkatinginan kami. Okay, let’s pretend na parang walang nangyari kagabi. Bati na nga diba!
Natawa naman sila papa at mama. Then after breakfast, sumakay na kami ng sasakyan at si papa ang nag-drive. Si mama Percy, nakaupo sa harapan kaya kaming dalawa lang ni Ash ang magkatabi sa likod.
Biglang itinaas ni Ash ang kamay niya papunta sa mukha ko. Hinawi lang pala niya yung buhok na nakaharang sa mga mata ko. Ano ba! Bakit ba ganyan ka? Kinikilig na ako, hindi pa nga ako nakakabawi sa’yo. Tapos bumulong siya, “May muta ka pa.” Eww!! Nakakahiya!
Napapunas tuloy ako sa mata ko. Akala ko kung ano nanaman gagawin niya. “Wala naman ha!” Wala naman! Loko-loko talaga 'to! Pero dahil doon, nagtawanan ulit kami. Tapos ako naman yung bumulong sa kanya, “Sorry ha.”
Tumingin siya sa’kin at sumenyas na wag na lang daw akong maingay. Nginitian niya ako and as usual, he touched my nose.
By this I knew na okay na nga kami. At nagtabi kami kahit doon sa simbahan. Hindi naman talaga namin kailangan ng mahabang usapan o paliwanagan. With just actions and looks, nagkakaintindihan na kami.
Tapos inabot niya ang kamay ko, at hinawakan niya ulit ito ng mahigpit katulad nung ginawa niya kahapon. I smiled, my heart is beating fast. “Lord, wag mong hayaang masira ng kung sino lang ang samahan namin”. Yun ang dasal ko.
(Asher Carillo POV)
Pagkatapos namin magsimba, kumain kami sa restaurant. Nag-aya pang mag-mall si Tito Albert at tamang-tama naman daw dahil may gustong bilhin si mama. Pero sabi ni Silly, hindi na daw siya sasama dahil may assignment pa siyang gagawin.
“May assignment ka?” Tumango siya, sabi niya sa Algebra daw. “Sige Tito Al, Mama, hindi na lang din ako sasama. Tutulungan ko na lang ‘tong si Silly sa assignment niya.” Wala nang mahabang usapan, hinatid kami ni Tito pauwi at umalis na din sila agad. Naiwan naman kami ni Silly sa bahay nila.
“Nasaan assignment mo?” Tanong ko.
“Wala akong assignment. Ayoko lang sumama.” Nag-pout siya at naupo sa sofa.
“Bad girl ka ha! Sinungaling.” Tinignan ko siya kung sasakyan niya yung joke ko na yun. Ite-test ko lang kung talagang okay na kaming dalawa.
“Bakit ikaw? If I know, ayaw mo na din sumama!” Yan, nakikipagtalo na siya sa’kin. Ibig sabihin, bati na talaga kami.
“Anong gagawin natin ngayon?” Tumabi na ako sa kanya.
“Matutulog ako. Alis ka dyan! Doon ka sa isang upuan!” At dahil sa okay na nga siya, nagiging brat nanaman ang bata.
“Wag mo akong tulugan! Nood na lang tayo ng dvd.”
“Napanood ko na lahat yan.” Tinulak niya ako hanggang sa matumba ako at tinawan niya lang ako. Pasalamat ka kakaaway pa lang natin kahapon, hindi kita gagantihan. Pero hinila ko mga kamay niya.
“Bawal kang matulog!!! Sa labas tayo.”
“Ayaw!”
Mukhang magbibilangan nanaman kami nito. “Isa… pag hindi ka tumayo diyan, bubuhatin kita palabas!” Tinignan niya lang ako. Aba, sinusubukan ako. “Dalawa!” At tumayo na siya.
“Kasi naman inaantok nga ako eh!” Pero binuhat ko parin siya palabas! Nagsisisigaw siya na ang duga ko daw. Nagpunta kami sa family gazebo na nakapwesto sa gitna ng bahay nila at bahay namin. Napapalibutan ito ng mga bulaklak at maganda ang view.
Pinaupo ko siya doon habang nahiga naman ako sa lap niya. “Ako ang matutulog, hindi ikaw.”
“Ang duga mo talaga! Ako ang inaantok eh.” Angal niya. Pero hindi naman niya pwedeng itulak ang ulo ko, lagot na siya sa’kin kapag nahulog ako ulit.
“Inaantok din ako noh! Hindi ako nakatulog kagabi.” Kapag kaming dalawa lang, nagagawa naming mag-usap ng masinsinan. Higit pa nga talaga sa magkaibigan at magkapatid ang turingan namin. “Wag na tayong mag-away ng ganun ha!” Tumango siya.
“At tsaka, ayokong mawalan ng bestfriend at sister.” Hinawakan ko ang mamula-mula niyang pisngi. Nilagyan nanaman ba siya ng blush-on ni mama? Hindi naman.
Nagbago ng konti yung reaksyon ng mukha niya nung sinabi ko yun pero tumango siya. “Promise muna, hindi na tayo mag-aaway ulit ng ganun.” Then, itinaas ko ang pinky finger ko and we just had a pinky promise.
“Promise.” sabi niya.
“Pero nakakatampo lang talaga ha. Bawal ka dapat tawagin nung kumag na yun na Silly! Kaming tatlo lang nina mama at papa mo ang dapat na tumatawag sa’yo nun.”
“Eh sa’yo niya madalas naririnig yun eh. Sige, hindi ko na lang siya papansinin kapag tinawag pa niya akong Silly.” Sabi niya, ganun naman pala.
“At tsaka, bakit mo binigay number mo sa kanya? Diba sabi ko sayo, wag na wag mong ibibigay number mo.”
Natawa siya bigla. Anong kayang kalokohan ginawa niya. “Bogus number binigay ko sa kanya.”
“Ha?” Napagulong ako at nahulog ng tuluyan! Baldog ulo ko nun ha! “Aray… talaga!!!” Natawa ako dun ha! “Galing mo Silly!!!” Nag-apir kami at nagtawanan lang kami buong maghapon.
naUghty siLLy,,, bOgus nUmbeR aNg biniGaY kei HadWin,,,
ReplyDeleteAyown~ ang sweet nga nila! Naiinggit tuloy ako! Gusto ko rin magkaroon ng ganyang Kuya! XD overprotective! Pero syempre ayokong ma-inlove noh! Mahirap na... hahahaha! Ako ang kawawa like Silly! Pero alam ko naman na hindi magiging kawawa yan eh! Ang cute lang nila at Bogus number daw!!! Hahahaha. Kawawa naman si Hadwin XD
ReplyDelete