Chapter 3
It’s Hard to be Silly?
(Cecily Gonzaga POV)
Kinagabihan, confirmed na si Gwynne nga yung gusto ni Ash. Kaya bago pa man maghapunan, wala nanaman akong ganang kumain.
“Oh diba favorite mo ang pasta? Ayaw mong kumain?” Tanong ni papa. Mukhang masarap nga niluto niya, yun ang sasabihin ko kapag may gana ako, eh kaso wala nga eh.
“Hindi ako gutom.” Tinignan ko naman si Ash, ayun ang lakas kumain! Inspired dahil alam na niyang Gwynne pala ang pangalan ng crush niya. “Aakyat na ko.” Umalis na lang ako paakyat ng room ko. Hindi naman ako sinundan ni Ash.
Pagpasok ko, nagtalukbong ako agad sa kama ko. Ay hindi! Ano ako iiyak? Manonood na lang ako ng anime sa computer! Makakalimutan ko pa problema ko.
So in-open ko ang computer ko at nag-internet agad. I searched kung may update sa pinapanood kong bagong anime series ngayon. Putek! Wala pa… makapag-blog na nga lang. Ang kaso biglang may kumatok sa kwarto ko at hindi ko pa nga sinasabing ‘Pasok’, pumasok na siya agad. Sino pa nga ba, eh di Asher.
“Wala ka sa mood Silly?” Lumapit siya. Doon siya naupo sa kama ko dahil malapit doon ang computer ko. Sinilip niya kung anong ginagawa ko. “Manonood ka lang pala ng anime eh.”
“Hindi! Tignan mo oh! Anime ba yan!?” Tinignan niya, pahiya siya! Hmp… nababad-trip talaga ako.
Humiga siya sa kama ko. “Alis ka nga dyan! Guguluhin mo nanaman yung kama eh! Hindi naman marunong magligpit!”
“Init ng ulo mo ngayon ha!” Tinusok niya yung tagiliran ko! Napatili tuloy ako. May kiliti ako doon eh.
“Wag ka ngang epal!” Pero tinusok niya ulit! Pang-asar ba. “Kasi!!!”
“Kaseeeee!!!” Inulit pa! Hilig talaga nitong asarin ako. “Bakit ayaw mong kumain?”
“Hindi nga ako gutom.” Ayokong kumain dahil sa’yo.
“Kaya hindi ka lumalaki eh.” Asar niya. Bahala ka nga sa buhay mo dyan! Nag-focus na lang ako sa harap ng computer. “Uy!” Papansin talaga ‘to. “Bubuhatin kita pag hindi mo ko pinansin.”
Hindi pa rin ako sumagot! Pakelam ko sa’yo. Ang manhid mo.
“Isa!” Weehhh… “dalawa, Silly!” Tumingin na ako sa kanya. Mukhang tototohanin eh. “Tatlo!!!” At ayun! Binuhat nga niya ako papunta sa terrace ng kwarto ko!
“Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!” Napasigaw ako!!! “Aray ko!!!” Ang sakit ng tagiliran ko!!! “Epal ka talaga!!!” Kaso imbis na magalit ako, natawa ako bigla! Ang stupid noh!
“Oh di yan, natawa ka?” Ibinaba na niya ako at naupo siya sa may upuan. “Bakit ba? May masakit ba sa’yo? Bakit hindi ka namamansin?”
“Masakit tiyan ko!” Actually hindi. Sumakit lang nung binuhat niya ako. Yan nagawa ko tuloy na dahilan.
“Hindi ka agad nagsasabi! Nagda-diarrhea ka pala.” Natawa siya. “Akala ko kung ano na eh.”
Naupo na lang din ako sa tabi niya. Ganito kasi kami, kapag magkasama, hindi talaga namin matitiis ang isa’t isa. Wala nga akong maalalang nag-away talaga kami, dahil madalas ang asaran namin, parang lambingan lang.
“Masakit pa tiyan mo?” Tumango ako sa tanong niya. Pati puso ko masakit. “Sige i-pupu mo na lang yan.”
“Sira!!!” Binatukan ko siya, pero hindi malakas. Tapos ang madalas niyang ganti, tusok sa tagiliran ko sabay tap sa ilong ko.
“Tos tawawa naman ang beybing tos!” Kaiinis! Alam mo yung boses niyang pinaliit na parang kausap niya eh aso, ganun niya sinabi yun eh. Pero pag ginagawa niya yun, natutuwa ako.
Ang hilig niya kasing gawin para i-comfort ako ay pagtapik sa ilong ko. Ewan ko kung saan ba niya natutunan 'to, pero effective kasi sa tuwing ginagawa niya yun, nagiging okay ang feeling ko.
“Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?” tanong ko. Kailangan kong ilipat ang attention ko.
“Pahangin muna tayo dito sa terrace ng kwarto mo. Maganda view dito eh.” Favorite spot nga niya ito sa bahay namin. Napatingin siya sa malayo, napatingin din ako sa mukha niya. Kahit nakapikit, kabisado ko na bawat angles ng face niya. “Silly, may sasabihin ako.”
“Ano?”
“Okay lang ba sa’yo…”Ang ano? “…kung liligawan ko si Gwynne.”
“Ha?” Pag sinabi kong hindi, susundin ba niya ako. “Oo naman… mabait naman siya eh. Magkatabi na nga kami sa room eh.” Ikaw na ang tanga Cecily! Kaya Silly nickname mo eh! Bobo!!!
Napangiti si Asher sa’kin. Hindi ka ngingiti nang ganyan kung alam mo lang na nasasaktan ako. “The best ka talaga Silly!” Inakbayan niya ako! Sige ikaw na lang din ang masaya. “Eh di payag kang makipag-date ako sa kanya this Saturday?”
“Saturday!? Ikaw… ikaw bahala. Tinanong mo na ba siya?”
“May usapan kasi kami ni Hadwin eh, isasama niya daw si Gwynne.” Kasama si Hadwin? Eh akala ko ba date nila? “Kaya, isasama din kita.”
Napatayo ako! Pumayag na nga akong mag-date sila tapos isasama pa niya ako! Para saan? Para makita silang magkamabutihan! “Bakit pati ako!?!”
“Eh kasi, kaklase mo nga si Gwynne. Baka kasi ma-awkward kapag kasama ako. At isa pa, hindi niya alam na magkikita kami ni Hadwin doon.”
Humindi ka Cecily. Wag mo nang pataasin pa ng another level ang katangahan mo.
“Please, Silly.” Tinitigan niya ako. Bakit ba nakakatunaw yang mga tingin niya. Ang tanga mo Ash!
“Okay…sige.” Hindi, wala palang mas tatanga pa saakin.
Then hugged me because of happiness. But I hugged him back because of sadness.
its hard to be silly talaga! youre so silly Silly! kay hadwin ka na nga lang! epal ni ash kay manhid!
ReplyDeletehanggang dito na lang muna. bukas ko na itutuloy ang pagbabasa. bukas na rin ang real comment.
ReplyDeletenaKaKasad piNaggaGawa ni siLLy,,, tSk, eH kuNg uMamin na Lng kaSi,,,
ReplyDeleteOUCH! AKO YUNG NASASAKTAN EH..
ReplyDeleteAwww. Ang sakit naman nito! Hay. Pero wala naman may kasalanan eh.... hindi kasalanan ni Silly, ni Ash o ni Gwynne. Mga shunga pa lang talaga sila ngayon! Hahahaha. Oo, hindi pa nila alam yung mga tunay nilang nararamdaman. Naks. Pumi-feeling na naman ako eh noh? Pakibatukan nga ako Unnie! Uwahahaha!
ReplyDelete