Monday, October 10, 2011

Sister Complex : Chapter 2 Part 3

When I Met Them
(Cecily Gonzaga POV)



Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga pinagsasabi ni Asher. Smiley Kami magkapatid? Baliw ba siya? Kaso ako naman ang may problema, bakit ako pumayag?



“Ms. Gonzaga, please solve problem no.5.” Patay! Smiley Ako nanaman tinawag nitong Algebra teacher ko. Hindi ko pa naman inintindi kagabi yung tutorial sa'kin ni Asher dahil gumugulo pa rin sa isip ko kung sino ba talaga yung babaeng gustong-gusto niya. “Ms. Gonzaga.”




“Yes ma’am!” Inulit pa talaga pangalan ko. “I’m sorry.” Napayuko na lang ako. Bakit kasi hindi ako kasing talino ni Ash. “I don’t know the answer.” Smiley Napataas nanaman ang kilay ni Mrs. Razon. Asar pahiya nanaman sa klase. Buti na lang may matalino akong kaklase. Itinaas niya ang kamay niya at nag-volunteer siya na sagutan yung problem sa white board. Wow! Galing niya hah.



“That’s correct Ms. Alvarez.” Tuwang-tuwa na sabi ni Mrs. Razon.



“Thank you.” At ngumiti lang si classmate na matalino. Nakakainggit naman. She’s top of our class, mabait, palakaibigan at higit sa lahat, sobrang ganda niya. Kapag tinitignan ko nga siya, para siyang character na nakawala sa anime. Ganun siya kaganda.




After ng algebra class, as usual daldalan sa buong klase. Smiley Pati ako nakikipagsabayan sa ingay ng klase. Nilulubos habang wala pa ang terror adviser. Kaso bigla akong napanganga nang lumapit sa’kin si Gwynne Alvarez.



“Cecily.” Smiley Nag-uusap naman kami, minsan nga lang. Kasi magkaiba ang barkada namin. Mga ka-close niya puro matatalino at magaganda, tulad niya. Mga ka-close ko puro magaganda lang, tulad ko syempre! “May nakaupo ba dito?” Tinatanong niya kung may nakaupo sa upuan na nasa right side ko.



Nung nagkaroon kasi ng sit plan, pina-upo ako sa likod dahil farsighted ako. Ang problem ko naman, puro matatangkad nasa harap ko. “Wala.” Ang sagot ko.




“Pwede ba akong lumipat dito? Nahihirapan kasi ako dun sa harap.” Nahihirapan rin pala ang mga tulad niya.



“Bakit? Farsighted ka rin ba?” tanong ko, sagot niya oo. Wow!!! Kung sakali, magkakaroon ako ng katabing sobrang talino.



Nung pumasok na yung adviser namin, nilapitan agad ni Gwynne si Mr. Amante. Masungit talaga ‘tong adviser namin na ‘to. Laging nakasimangot pag kinakausap. Pero kapag si Gwynne ang kausap niya, ang bait niya. Pano, teacher’s pet dahil sa sobrang talino, siguro dahil sa sobrang ganda din.




Maya-maya, kinuha na ni Gwynne yung mga gamit niya at tumabi na saakin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya. Maging close kaya kami nito?




Naglecture lang si Mr. Amante, nakahinga ako ng malalim. Tapos pinasulat na niya kami ng sobrang habang notes. Dito nagkaroon kaming makapag-usap ni Gwynne.



“Cecily, kilala mo ba kuya ko?” Tanong niya habang nagsusulat pa rin siya. Sinilip ko handwriting niya sa notebook, sobrang ganda!!! Parang tinype sa computer.



“Hindi. Bakit?” Tanong ko. Paano ko naman makikilala yun.




“May kilala ka bang Hadwin?”



“Hadwin? Hadwin…” Smiley Teka, parang familiar. “Ah si Hadwin! Kaklase ni Kuya Ash yun! Kapatid mo yun?”



“Oo. Third year sila.” Tumango ako. “Bakit kaya tinatanong ka niya saakin kagabi.” Tumingin siya saakin at nakangiti. “Alam mo pa kung paano ka niya dinescribe.”




“Paano?” Na-curious tuloy ako.




“Sabi niya, babaeng medyo maliit, mukhang manika kasi baby-face, maputi parang Korean, may long curly hair at parang mahilig sa cat designs.” Ako nga yun! Palung-palo lalo na dun sa mahilig sa cat designs dahil cat-lover ako. “Sabi ko walang iba kundi ikaw yun!”


Medyo natuwa ako sa description sa’kin ng kuya niya. Smiley So parang gandang-ganda siya sa’kin. Haha!!! Pero wait…




“Teka… so kapatid mo nga yung Hadwin!? Nag-iisa ka lang ba niyang kapatid?”




“Oo.”



Kapatid siya nung Hadwin na kinukwento ni Ash…



So it means…



Patay na… Patay na lovelife ko. Smiley




Si Gwynne pala ang gusto ni Asher. Anong laban ko dito?




Nang mag-ring ang bell, nagbabaan na kami for lunch break. Nang makarating ako sa cafeteria, nakita ko si Gwynne, kausap si Asher, may kasamang lalaki. Yung lalaking yun yung nagtanong sakin kahapon kung nawawala daw ba ako! Grabe namang pagkakataon ‘to!



Nang bumalik na si Gwynne sa mga friends niya, nakangiti siya. Ano kayang pinag-usapan nila? Aalis na sana ako, wala na akong ganang mag-lunch pero nakita ako ni Ash at tinawag ako at pinapalapit sa kanila. Smiley Ano nanaman ba!? Lumapit ako.



“Bakit?” Bungad kong tanong kay Ash. Wala ako sa mood sa mga revelation ngayong araw na ‘to.




“Kapatid mo Asher? Hi! Cecily, right?” Ang bilis naman nitong lalaking ito. Tumango na lang ako. "Naalala mo pa ako? Kahapon?"



Smiley Tinignan ni Asher ng masama yung kaibigan niya. Ito na nga yung Hadwin na tinutukoy niya. “Ay Silly, si Hadwin nga pala! SIYA yung kinukwento ko sa’yo kahapon.” Nag-hello ako at nag-hi naman siya. Tapos inabot niya ang kamay ko at nakipagshake-hands siya. Gwapo naman pala talaga ‘tong si Hadwin. Parang si Gwynne din, parang anime character na nabuhay.




“Okay, Had tama na.” sabi ni Ash nung medyo matagal nang magkahawak ang kamay namin ni Hadwin. “Had!!! Bitaw na!!!” Gumamit siya ng pwersa para magbitaw na mga kamay namin.  Smiley Natatawa tuloy ako imbis na wala sana ako sa mood.



“Anyway, pwedeng makuha number mo?” Ibibigay ko naman sana kaso nag-signal sa’kin si Ash na wag daw. Smiley




“Wag daw eh, sabi ni Kuya.” Buking si Ash! Buti nga sayo. Sinuntok siya ni Hadwin ng mahina lang.



“Ito talagang kuya mo, over-protective!” Smiley banat ni Hadwin. Cute nga siya.




“Nagsalita ang hindi!” Pero mas cute si Ash.




“Sige kuya, magla-lunch na muna ako.” Ayan, dahil sa simpleng pangyayaring ito, isang pagpapa-cute lang ni Ash, ginugutom agad ako. Smiley




“Sige, punta ka na sa mga friends mo.” Sabi ni Ash, parang pinaaalis na talaga niya ako.



“Uy sige Cecily, see you around the school ha!” Smiley Nakangiting sabi ni Hadwin habang kumakaway siya.



Nginitian ko rin siya at umalis na ako. Mabait naman pala siya, parang kapatid niyang si Gwynne.




Speaking of Gwynne, nalungkot nanaman tuloy ako. Hindi ko kasi magawang magalit sakanya dahil hindi naman niya kasalan na magustuhan siya ni Asher. At isa pa, paano ko magagawang magalit eh sobrang bait niya. Smiley



End of Chapter 2 Part 3

4 comments:

  1. over-protective kuya! feeling ka ash!

    buti pa si hadwin.

    ReplyDelete
  2. dapat kasi kay asher tugmoron 500!

    ReplyDelete
  3. si siLLy na caTLovEr,,, paRehOng pareHi kmi,,,

    ReplyDelete
  4. Huwaaaaah!!! Mukhang anime nga si Gwynne sa utak ko! Tapos yung way pa ng pagsasalita niya parang mahinhin na hindi makakabasag ng pinggan!!! Tapos parang sweet din!!! Hay nakowsz!!! Ang bilis lang duma-moves ni Hadwin ha!!! Hahahahaha. Ito namang si Ash, todo sensyas kay Silly!!! Jusmio! Nakakaloka itong magkaibigan na to!!! Hay, Silly, kaya mo yan! Waaah! ><

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^