Wednesday, October 12, 2011

Sister Complex : Chapter 3 Part 2

Double Date?
(Asher Carillo POV)



“Kailangan talaga ganito kaganda suot natin?” Smiley Tanong ni Silly na mukhang hindi masaya sa suot niya. Eh ang ganda-ganda naman niya.




“Hindi naman masama magmukha tayong gwapo at maganda paminsan-minsan.” Anyway, this is it!!! First date ko with Gwynne! Kaso hindi ako dapat maging kampante, kasi kasama si Hadwin. Panigurado may mga balak na ‘to kay Silly.



“Ash!!!” boses ni Hadwin yun. Nung lumingon kami, sila na nga! Papalapit na saamin. Parang nagulat pa si Gwynne nung makita kami. Hindi niya kasi alam na plano talaga namin ito ni Hadwin. “Hi Cecily!” Smiley Bati agad ni kumag. “Nandito din pala kayo.” Best actor! Grabe!



“Oo nga eh! Anong ginagawa niyo dito?” Ako din pakunyari pero nakatingin na ako kay Gwynne. Grabe parang anghel na naglalakad dito sa lupa. Ang ganda! “Hi Gwynne.” Smiley




“Hello.” Ang bati niya sa’kin. “Mahilig din pala kayo lumabas ng kapatid mo. Hi Cecily!” Nginitian niya at tinanong si Silly.




“Oo… minsan…” ANO daw? Ano bang sagot yan Cecily. May mood swing nanaman ‘tong bata na ‘to. “Kain na tayo Kuya Ash.” Smiley



“Ha?” Uy ano ba Silly! Umayos ka nga. “Kayo Had, kumain na ba kayo? Sabay na kayo.”



“Tamang-tama! Hindi pa! Tara Gwynne sabay na tayo sa kanila.” Pumayag naman si Gwynne. “Saan niyo pala gustong kumain?” Tanong ni Hadwin.



“Kayo?” Sabay naming sagot ni Gwynne. Nakakatawa naman sabay kami. Destiny?




“Hindi, kayo. Saan niyo ba gusto?” tanong ni Hadwin. This time nakatingin siya kay Silly. Smiley



“Ayoko nang kumain…” Babaeng ito talaga. Ano ba? Siniko ko siya. Pag ito talaga tinopak.




“Nag-aaya ka kanina diba.” Smiley I poked her nose para matauhan. Tapos tumingin siya sa’kin, natauhan nga. “Joke lang. Sa Jollibee tayo.” Wow! Ang daming kainan dito, dun pa talaga sa pambata!




“Tara!” Napangiti si Hadwin. Excited din. Ito naman isip-bata. Smiley




Anyway, naglakad na nga kami papuntang Jollibee, at puro mga bata nga ang nandun, naglalaro sa playground. Tinignan ko si Gwynne, natutuwa siya sa mga bata. Grabe, mahal ko na siya… Tapos bigla niya akong nakitang nakatingin sa kanya, nahiya naman ako. Smiley Kaya iniba ko usapan.



“Silly, wag kang bibitaw ha! Baka makita kitang kalaro mo na yung mga bata.” Natawa kaming tatlo nina Hadwin at Gwynne. Smiley Joke lang naman kasi yun. Pero ito namang si Silly, hindi ngumiti, sumimangot pa. Smiley




Nung maupo na kami sa table. Nagsabi si Hadwin na siya nalang daw yung oorder sa counter. “Anong gusto niyo?” Sumagot si Gwynne, yung favorite daw niya. Ako naman, sabi ko kahit ano. Alam naman niyang kahit ano kinakain ko. Nung si Silly naman…



“Sama na lang ako.” Spaghetti lang naman oorderin nito. Bakit sasama pa siya? Halata namang natuwa si kumag nang malamang sasama sa kanya si Silly. Well hindi naman ako dapat kabahan kahit magkasama sila dahil napagsabihan ko na si Silly.




At ang dapat kong pagtuunan ng pansin, ay ang maiiwan kaming dalawa ni Gwynne dito sa table. This is it! Time ko na ‘to. Smiley


*     *     *
(Cecily Gonzaga POV)



Ano ba ginagawa ko dito? Bakit pa kasi sumama ako? Si Ash panay ngiti kay Gwynne. Yung kaibigan niya panay ngiti sa’kin. Si Gwynne naman, nakangiti pa rin kahit sinusungitan ko. Pano ba naman ako magagalit sa ganito kabait na babae. Naaasar ako! Naasar ako sa sarili ko.



“Anong order mo?” Smiley




“Spaghetti. Ice tea. Peach-mango pie.” I plainly said. Yun naman talaga order ko.



Nginitian niya ako. Mabait din naman pala ‘tong Hadwin. Bakit ganun na lang kaya kung pagsabihan ako ni Asher na mag-iingat sa taong ito. Kaibigan pa man din sila. Nung time na namin para umorder, si Hadwin na nagsabi dun sa nasa counter. “Fries, gusto mo?”



Humindi ako. “Burger?” Tinanong niya ako ulit. Sinabi ko na nga oorderin ko diba. “Chocolate sundae?” Ang kulit naman nito. Smiley Siguro kapag humindi pa ako, masasabi na niya lahat ng available sa Jollibee. “Sige, sundae.” Ngumiti siya. Inorderan niya nga ako ng choco sundae.



Sinilip ko naman sina Ash at Gwynne. Naiwan kasi sila dun sa table namin eh. Nagtatawanan. Close na yata agad. Pero mabuti na rin na hindi ako nagpa-iwan sa kanila, dahil baka ma-OP ako. Panigurado kasi, pumoporma na si Ash kay Gwynne.



Nang bumalik na kami sa table, nagtatawanan pa rin yung dalawa. Ang saya niyo! “Wow! Ang dami!” Sabi ni Ash. Sige kainin mo lahat yan ha! Saksak mo sa baga mo!



At nagkainan na nga kami. Smiley Ang lakas pala kumain ni Gwynne. Pareho sila ni Ash, walang pili. Pero bakit ang ganda niya kahit kumakain ng ganun? Sumubo nga ako na maramihan. Pero nung tumingin ako sa reflection ko habang nang puno ang bibig ko, ang sagwa! Nabulunan tuloy ako. Nakakahiya. Smiley Nabuga ko yung konting kinakain ko sa may harapan ko, kay Hadwin.



Smiley “Uy! Okay ka lang.” Tinap ni Ash yung likod ko at pina-inom ako ng ice tea. Napatingin ako kay Hadwin, nahihiya tuloy ako. Pero natawa siya, parang hindi man lang nandiri.




“Ang cute mo.” Smiley Sabi ni Hadwin sa’kin. Ano daw!? Anong cute dun!? Okay, so nagtawanan ulit silang tatlo nina Ash at Gwynne. Ano ba, nanonood ba sila ng gag show ngayon.




Si Gwynne naman, na nakaupo sa tabi ni Hadwin, kaharapan si Ash, pinunasan ang kuya niya. Tapos ini-stretch niya ang long arms niya para punasan naman ang bibig ko. Napatingin tuloy sina Ash at Hadwin sa kanya. Ano ba ako, bata?



“Thanks… kelan pala birthday mo Gwynne?” Smiley Change topic ako.




“This September pa, bakit?” Sabi niya.



Smiley “Mas matanda pala ako sa’yo eh. Noong May pa kasi yung birthday ko eh.” See! I knew it! Kaya wag mo akong tinatratong bata. Madalas kasi, mas matanda pa ako sa mga kaklase ko. “Tawagin mo akong ate.”



“Talaga?” Smiley Nagulat si Gwynne sa sinabi ko. Mas matanda ako sa’yo! Pero natawa naman bigla si Ash.



“Ate ka dyan Silly. May bata bang pwede mong tawaging ate.”




“Ang baby-face mo kasi, akala ko mas matanda pa ako sa’yo.” Sabi ni Gwynne. Compliment yun, kung sa iba. Pero sa’kin, pang-asar yun.




“But seriously, I thought na mas bata ka sa’kin. Gusto ko kasi ng baby sister eh, kaya nga natutuwa ako sa’yo.” Smiley Bakit ang bait mo!!! Nagi-guilty tuloy ako sa mga ginagawa ko.



“Okay lang naman… ituring mo akong sister…” Napatingin ako kay Ash. “Tutal sanay naman na ako eh.” Smiley



Ngumiti si Gwynne sa’kin. Napangiti din si Asher. Parang natuwa siya nung sinabi ko yun.



“Hindi na kita tatawaging ate ha.” Sabi ni Gwynne at tumango naman ako. At kumain na lang ulit kami.




Ngayon napaisip ako, Gwynne is very nice, yet I’m trying to be mean. Smiley Ano ba dapat kong maramdaman!?! Ito kasing si Asher, hindi nalang humanap ng kaugali ng ex niyang si Aicelle. At least kung katulad ng ganung babae, madali lang maipakitang galit ako.






End of Chapter 3 Part 2





4 comments:

  1. natawa ako kay silly nung nabugahan nia si hadwin! haha!

    ReplyDelete
  2. maS maTanda pa sa LaGay na yuN c siLLy,,, hWaHaha,,, naiisiP q uNg piCture niYa dUn sa kiSsing baNdit,,, aNg cuTe cutE tLaGa,,,

    ReplyDelete
  3. Nakakaloka ! Ipabaril sa Luneta , Masyadong Martir . =.=

    ReplyDelete
  4. Hay... bakit nakaka-depress naman itong Chapter na toh? Pati ako nahahawa sa sakit na nararamdaman ni Silly eh. At oo nga, ang bait talagang tunay ni Gwynne... mahirap maging mean sa kanya~

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^