Sunday, October 9, 2011

Sister Complex : Chapter 2 Part 2

I Now Pronounce Us, Siblings
(Asher Carillo POV)



Ilang beses ko na nga bang nakitang seryoso si Hadwin?Smiley  Tuwing may basketball game siya, kung makikipag-break na siya sa girlfriend niya, nung time na nag-aral siya para hindi bumagsak last year, nung sinabi niyang layuan ko daw ang kapatid niya, at nung sinabi niyang may gusto siya kay Cecily.




Napatingin tuloy ako kay Silly. Kumakain kami ng bicol express ngayon sa restaurant malapit lang sa bahay namin. Smiley Paano ko kaya sasabihin sa kanya.



“Ang anghang!!! Hooh!!!” Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang panyo ko. “Thanks! Isipin nila girlfriend mo ko!” Smiley



“Baliw!” Assuming talaga ‘tong babaeng to. Ang hilig pang magbiro samantalang wala naman siyang experience pagdating sa love.




“Ano na nga palang nangyari dun sa crush mo?” Anong nangyari? Eh di wala! Wala pa.




“Wala!” Smiley Ay bago ko pala makalimutan. “Ikaw ha! May kasalanan ka pa sa’kin! Sabi ko sayo wag kang magpupunta sa floor namin eh.” 



“Ano bang problema dun? Natatakot kang magkagusto sa’kin mga kaklase mo?”




“Lakas mo ha!” May mga kaklase nga akong nagkagusto sa kanya. At isa pa sa malaki kong problema, isa si Hadwin sa mga yun. Bad trip. “Pero hindi pa kita napapatawad.”




“Parang ang laking kasalanan naman nun.” Nag-pout siya. Pero dahil ako ang boss, wala siyang magagawa kung hindi sumunod sa’kin. “Sorry.” Smiley 




“Sorry ka dyan!” Ito na ang right timing para sabihin ko sa kanya. “Pero kung papayag kang maging kapatid ko, papatawarin kita!” Ang lakas makachange topic noh!




“Ano namang kinalaman nun?” Smiley sigaw niya! Napatingin tuloy yung ibang tao sa loob ng restaurant, nakakahiya!



“Kasi ganito yun, nasabi ko na kay Hadwin na kapatid kita.”




“Hadwin? Yung kapatid ng crush mo?” Smiley




“Oo.” I’m planning to tell her the truth. “At napapayag ko siyang ligawan ko yung kapatid niya nung nalaman niyang may kapatid din akong babae.” That’s the truth, pero wala sa plano ko ang sabihin sa kanya ang lahat.




“Yun lang?” Napa-isip siya pero alam ko isasagot niya dahil hindi naman ako hihindian nito.




“O…sige.” See! Kahit parang napilitan lang, pumayag pa rin siya! “Eh kaso, hindi naman tayo mukhang magkapatid eh. Hindi tayo magkamukha. At tsaka, obvious naman na hindi tayo magkaanu-ano sa apelyido naten.” Smiley



Alam ko nang sasabihin niya ito, but I’m prepared. “Ipapalabas natin na step-siblings tayo. Magkaiba tayo ng apelyido kasi magkaiba naman tayo ng daddy. So parang si Tito Albert at si Mama, nagsasama kunyari.”



“Sigurado ka?”




“Oo naman! Para naman talagang iisang pamilya na tayo diba. Halos parang daddy ko na si Tito Al at ikaw naman, mama na nga ang tawag mo sa mommy ko.”




“Eh paano kung malaman nilang nagsisinungaling tayo?” Ang daming tanong!




“Hindi nila malalaman kung hindi natin sasabihin.”



“Eh sigurado ka bang sasagutin ka nung crush mo?” Dapat pa bang itanong yan! Smiley




“Wala kang tiwala sa’kin? Tingin mo hindi ako magugustuhan nun?” Medyo yumuko siya. Pero napapayag ko na naman siya eh. Wala nang atrasan ‘to! “Ano Silly? Parang magkapatid naman na talaga tayo ha! Hindi na mahirap yun.”



Tumango na lang siya! Well done Asher!!! Pero bago ko pala makalimutan, may isa bagay pa akong dapat sabihin sa kanya. “Ay oo nga pala, mag-iingat ka naman dun kay Hadwin.”




“Bakit? Pati ba ako ii-interrogate nun?” Smiley Hindi naman. Hindi ko kasi masabi sa kanya na may gusto sa kanya si Hadwin at balak din siyang ligawan nun. Kahit anong mangyari kasi, hindi ako papayag na mahulog ni Silly sa lalaking katulad ni Hadwin.




“Hindi naman. Loko-loko lang kasi yung kumag na yun eh! Playboy! Basta babae, popormahan agad!” Nanlalaki yung mata ni Silly. Ang cute nga eh. “Kaya kung baka tamaan ng kung ano yun at magpakita ng interest sayo, WAG NA WAG kang maniniwala. Naglalaro lang yun.”



“Ganun?” Nagulat niyang sinabi.




“Oo! Pati ikaw papatusin nun! Talo ka pag na-inlove ka dun dahil walang siniseryosong babae yun.” Napatango siya!



“Okay sige, pero yun lang ha! Wala nang iba!” Smiley Ang galing ko talaga! Ngayon hindi na ako matatakot na mapapa-iyak ni kumag si Silly dahil sa’kin lang naniniwala ito.




“Deal yan Silly ha! Oh yan bati na tayo!” Napangiti siya. “Good girl!” Tapos ti-nap ko yung ulo niya na parang bata.



“Wag ka nga! Para akong aso eh! Ginugulo mo pa buhok ko!” I’m really glad I have Cecily by my side.




*   *   *



The next day, nung lunch break na namin, kabado kami pareho ni Hadwin. Bakit? Ngayon na kasi namin makikilala ang mga gusto naming babae. Ako lang pala kasi hindi pa rin ako naniniwalang talagang gusto ni Hadwin si Cecily.




“Ay kaklase pala ng kapatid ko si Cecily.” Hah? Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya pangalan ni Silly ha!




“Pano mo nalaman?” Smiley




“Kahapon kasi, nakita ko na yung kapatid mo. Nung tinanong ko kagabi yung kapatid ko, Cecily daw yung pangalan niya.” Biglang nag-iba yung tingin niya sa’kin. “Pero bakit  Gonzaga surname niya? Bakit magkaiba kayo?”




 Talaga lang!!! Nakapag-research na siya agad tungkol kay Silly. Asar!!! “Ah, kasi magka-iba kami ng tatay. Diba alam mo naman, hiwalay na real parents ko. Yung mommy ko, yun nakilala yung daddy ni Cecily, making us step-siblings.” Smiley




“Ah!!! Akala ko niloloko mo lang ako eh.” Kinabahan ako dun ha. “Pero ang galing noh! Magka-klase din yung sisters naten. Meant to be! Haha!” Meant to be ka jan! Sakalin kita eh! Anyway, hindi naman niya mapapasagot si Silly kaya there’s nothing to worry about!




Maya-maya lang tumunog na ang second bell. Nagbabaan na ang mga freshman for lunch. Kami naman, within 30 minutes, balik-class na ulit. But we still have time para makilala namin ang kanina pa naming hinihintay.




And there I saw the girl of my dreams!!! Palapit na kapatid ni Hadwin! Okay relax!!! Kaya ko ‘to!!! Nang lumapit siya, natulala ako! Smiley Mas maganda siya sa malapitan!!! “Kuya!!!” 




“Oh ito na pala si Gwynne eh!” Ang awkward ng pagkakasabi ni Hadwin. Parang ayaw pa rin niyang ipaubaya sister niya. Anyway, Gwynne pala pangalan niya!!! Ang ganda!!! “Ay Ash, kapatid ko nga pala si Gwynne! Gwynne, kaibigan ko si Asher.”




“Hi.” Sabi niya. Parang natutunaw tuloy ang puso ko!



Kaso umepal nanaman ‘tong si Hadwin. “Gusto ka nga pala nitong kaibigan ko!” Buset!!! Tama bang siya ang magsabi ng nararamdaman ko! Hay ang sarap pumatay ng tao ngayong oras na ‘to! Smiley Sa asar ko sinipa ko nga paa niya. Buset kang kumag ka! Epal! Nahihiya tuloy ako!




“Tumigil ka nga dyan kuya!” Sabi ni Gwynne. Parang bag-blush siya. Itinawa ko na lang ang kahihiyan ko.




“Hi, Ash na lang.” Smiley Tapos inabot ko yung kamay ko para makipagshake-hands sa kanya. Ang lambot ng kamay niya!!! Wow!




“Hello! Nice to meet you Asher. I'm Gwynne.” Sagot niya sa’kin nang nakangiti! Grabe pamatay kagandahan nito, parang nakakasilaw. Lalo pa nung medyo natawa siya ng konti. Ang cute niya!!! Magkapatid ba talaga sila nitong kumag na kaibigan ko na ‘to? “Sige, Ash.” Binanggit niya pangalan ko!!! Good sign!!!




“I guess I’ll see you around.” She smiled at me at bumalik na siya sa mga friends niya. Wow, hindi nga siya katulad ni Hadwin. Smiley



End of Chapter 2 Part 2


3 comments:

  1. siblings!!! manhid ka ash! nakakaawa tuloy si silly!

    ReplyDelete
  2. kaya pala nung una akala ko magkapatid!

    ReplyDelete
  3. tsK,,, magKapaTid daW,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^