Saturday, October 8, 2011

Sister Complex : Chapter 2 Part 1

Chapter 2
You Have a Sister?
(Hadwin Alvarez POV)





Kahahatid ko lang kay Gwynne sa room niya dito sa fourth floor. Freshman siya, kaya naka-locate sa pangalawa sa pinakamataas na floor ang room niya. And dami pa niyang dalang mabibigat na libro. Sa aming dalawang magkapatid, siya ang nabiyayaan ng tiyaga at talino sa pag-aaral.




Nang paalis na sana ako, may nakita naman akong bata sa floor din na ito. Smiley High school building ito diba? Bakit may naliligaw yatang grade school student dito? So lumapit ako sa kanya para i-check kung taga-dito ba talaga siya. Pero mukha talagang hindi eh!




“Uy! Anong ginagawa mo dito?” Itatanong ko kung nawawala ba siya? “Nawawala ka?”



Smiley Tinignan niya ako! Napamura tuloy ako sa isip ko. Smiley Ang cute naman nito lalo na nung nag-pout siya. “Dito ang classroom ko eh.” Tapos umalis siya at pumasok sa room kung saan ko hinatid ang kapatid kong si Gwynne.




Kaklase ba talaga yun ng kapatid ko? Smiley Bakit ang bata ng itsura. Napaisip tuloy ako. Pero ang ganda niya ha. Napangiti akong bumaba pabalik sa floor ng mga third year, sa 2nd floor.




 Nung pumasok ako sa room namin, habang nasa isip ko pa yung mukha nung kaklase ni Gwynne, umepal naman bigla si Asher.




“Uy Had! Musta!?” Ang plastic! May kailangan ka lang eh. Nginitian niya ako, alam niyang alam ko na ang nasa isip niya.




“Kung tungkol pa rin ito sa kapatid ko, hindi!!!” Smiley straight to the point para hindi na mangulit. Ang kaso hindi papatinag eh.




“Ito naman! Ang tagal na nating magkakilala eh! Seryoso ako! Gusto ko nga kapatid mo!” Alam ko, pero basta! “Alam mo naman kapag ako ang seryoso sa babae diba! Wala sa tipo ko ang manloko!” Tapos biglang bumulong siya. “Hindi naman ako katulad mo.”



“Narinig ko yun!!! Smiley Loko ka! Lalong ayoko! Maghanap ka ng ibang babae!”



“Wala kang utang na loob, pinapakopya kita palagi tapos hindi naman kita sinisingil.” Ano ‘tong ginagawa mo ngayon?



"Ayoko! Ayokong masaktan ang kapatid ko. Kaya wag kang makulit!" Smiley sagot ko.



“And you think I would cheat on your sister?” Aba nag-english pa! Akala niya siguro hindi ko naintindihan. “Parang namang hindi tayo magkaibigan niyan!”



“Basta! Wag ang kapatid ko! Bawal! Ayoko! Tapos!” Smiley Case closed! Sana!




Buti na lang nalipat attensyon niya nung may tinawag siya ng kaklase namin. Galing siya ng labas, pumasok sa loob nang nagmamadali. “Asher!!! May naghahanap sa inyo.” Napatingin ako.




May pumasok sa classroom namin. Hala!!! Yung cute na babae kanina!!! Napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko. Sinundan ba niya ako? Nakakatuwa naman, ang gwapo ko. Smiley



Kaso teka, sabi ng kaklase namin kanina, si Asher daw yung hinahanap. Smiley Napatingin tuloy ako kay Asher dahil nilapitan niya yung babae at hinila papalabas ng room namin. Ano ‘to!!!

Sinundan ko naman siyempre, tapos narinig ko silang nag-uusap.



“Anong ginagawa mo dito! Diba sabi ko sayo wag kang pupunta dito!” Smiley Bakit nagpa-panic si Ash?




“Tumawag sa’kin si papa ngayon lang.” Papa? “Sabi niya male-late siya for dinner. Kain na lang daw tayo sa labas Kuya.” Kuya!? “At tsaka ibili na lang daw natin sila ni Mama ng dinner.” Mama? Smiley



“Ha!? Sige, sige!!! Alis ka na!” Tinulak niya gently yung babae at umalis naman ito ng nakangiti. Dumaan siya halos sa harap ko, parang nag-slowmo yung paligid. Kaso lumapit sa’kin si Asher, medyo kinabahan siya pero hindi ko alam kung bakit. Inakbayan niya ako pabalik sa upuan namin.



“Sino yun?” Tinanong agad ng isa kong kaklase si Ash. “Hindi mo man lang sinabi na may maganda kang kapatid.”




“Haha!” Ang fake ng tawa ni Ash, halata naman eh. “Yun maganda? Bulag ka? Wala yun! Wag mong pansinin yun.” Umalis naman yung kaklase namin. Alam niyang wala siyang makukuhang matinong sagot kay Ash dahil hindi naman sila close.




“Kapatid mo?” Ako na ang nagtanong.




Napatingin siya sa’kin. Parang nagulat. “Bakit?”




“Ha? Nakita ko siya kanina eh…” Smiley Bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko, iniba na niya agad yung usapan.




“Anyway, balik tayo sa kapatid mo.” Ngiti niya. Ayos ha!




“Hindi! Kapatid mo ba yun?” Tanong ko ulit.




“Bakit ba gusto mong malaman!?” Naasar na sinabi ni Ash.




Hindi ba obvious na intersado ako? “Eh kaanu-ano mo ba yun? Bakit mo siya kilala?”


“Ano… ka… kapatid ko nga? Kapatid ko nga!” Parang hindi pa siya sure.



“Hindi nga?” Smiley  Hindi rin ako sigurado.



“Kapatid ko nga!!! Narinig mo naman siguro yung mga sinabi niya diba?” Narinig ko nga! May papa, mama at kuya siyang nasabi. “Wag mong sabihing trip mo kapatid ko?




“Ha?” Alam na. “Oo…” Oo, parang trip ko nga yung kapatid niya. Tapos bigla siyang tumawa ng malakas.




“Ayos ka ha! Ano ‘to gantihan? Smiley Gusto ko lang kapatid mo, tapos ganito rin gagawin mo. Wala namang lokohan Had! Seryoso ako sa kapatid mo eh! Wag mong idamay kapatid ko.”



“Eh sino bang may sabing nagloloko ako!?” Smiley Seryoso nga! Hindi ko man lang alam na may kapatid pala itong si Asher, ang ganda pa. “Seryoso ako Ash.” 



At alam ko kung na agad kung ano ang isasagot niya. “Hindi!!! Bawal!! Ayoko!!! Tapos!!!” Smiley Tinalikuran niya ako! Parang sinabi niya lang rin yung mga sinabi ko sa kanya kanina.



Napaisip ako... Smiley




At may naisip nga ako.




Isang magandang idea. “Ganito na lang Ash, papayag akong ligawan mo ang kapatid ko! Tutulungan pa kita!” Ang totoo, hindi naman talaga kasi ako dapat kabahan kung si Asher ang manliligaw kay Gwynne dahil alam kong seryoso siya sa mga bagay na ganito.




“At hayaan mo rin akong ligawan ko ang kapatid mo.” Smiley Sana pumayag siya.



“Pero usapang-lalaki Ash! At pagkakaibigan natin ang nakasalalay dito! Walang pwedeng mang- g@g* sa sating dalawa!” At nung sinabi ko yun, seryoso ako this time.



End of Chapter 2 Part 1

5 comments:

  1. nagma-marathon ako ng pagbabasa nito. khit dis-oras na ng gabi.

    bkit hindi mo ito i-post sa PF?

    ReplyDelete
  2. guStung guSto q tLgA aNg chAractEr ni HaDwin,,,

    ReplyDelete
  3. WAAAAA Nagkapalitan . Ang Ganda Miss Aegyo . :)

    ReplyDelete
  4. Bugaw!!! Hahahaha. Ano daw? Natuwa ako sa description ni Had kay Silly! Parang ang cute cute cute cute cute cute nga ni Silly!!! XD at natatawa ako kila Ash at Had ha!!! Lalo naman kay Had!!! Handang ipaubaya ang Sissy niya para lang kay Silly~ ano toh? Exchange??? Hahahaha! ANG CUTE <2

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^