Friday, October 7, 2011

Sister Complex : Chapter 1 Part 3

His Ideal Girl
(Cecily Gonzaga POV)





“Sister complex nga!” Sinabi ko kay Ash habang ang nakatingin lang ako sa computer screen. Nanood kasi ako ng anime. Smiley At isa pa, ayoko yung topic niya. Smiley “Protective brother for his sister. Wala kang pag-asa dun, sigurado!”



“Thank you ha! Pinalakas mo loob ko! Grabe!” Sarcastic! Tanggapin na lang niya kasi! Pero nung tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa pink ceiling ng kwarto ko. Nandito kami sa loob ng kwarto ko dahil katatapos lang kasi namin mag-dinner. Steak nga ang nilutong ulam ni papa as requested by Mama Percy.



“Pero tingin mo, magkaugali kaya sila nung kapatid niya? Smiley Babaero pa naman yung si Hadwin. Ilan na kaya naging boyfriend nung kapatid niya.”




Smiley “Malamang sampu na!” OA ko no! Pinababaho ko lang yung image nung babae.




“OA!” sabi niya kaso napa-isip siya. Haha! Malamang kasi tama ako! “Hindi naman siguro!”




“O baka lagpas sampu na!” Ang sarap bumanat! Smiley Kaso ginantihan niya ako nang batuhin niya ako ng stuff toy ko na pusa. Regalo niya sa’kin ito from last month nung birthday ko.




“Aray ha! Sapul sa mukha!!!” Kunyari nasaktan ako, ito namang utu-uto lumapit at nag-sorry agad. Hay! Kung ganito lang siya kadaling paikutin pagdating sa love, siguro matagal na siyang in love sa’kin. “Joke lang!”




“Epal ka noh!” Pero natawa siya. Natawa na din ako. Tapos biglang may kumatok, si papa pala.




“Asher, ito pinagbalot ko na si Percy” sabi ni papa. “I-microwave na lang niya pagdumating na siya.”




Tumayo na si Asher. Nahiga-higa kasi siya sa kama ko eh. “Uy! Thanks Tito Al! Sigurado matutuwa nanaman si mama!” Nagtawanan sila. SmileyClose din sila ni papa eh, parang mag-ama! Naghiwalay kasi ang parents ni Ash nung nine years old siya. Kaya ang nangyari, ang pamilya ko at pamilya ni Ash, parang naging isa na lang since mag-bestfriend naman sina Papa at Mommy Percy.




“Sige! Oh, si Silly ba pasaway nanaman?” Yan! Kung kami magkakampi ni Mama Percy sa umaga, si Ash at si papa naman ang magka-team sa gabi.




Kumunot ang noo ni Ash. “May bago ba dun Tito? Eh kaya nga Silly ‘tong nickname ni Cecily eh.” Nagtawanan sila ulit! Smiley Ano kaya yun!




Akala niya siguro hindi ako gaganti ha! “At least wala ako problem pagdating sa sister complex!” Haha!!! In your face Ash! Smiley




“Ha? Ano daw?” Si papa walang alam, si Ash ang naapektuhan. Buti nga!




“Wala yun tito! Kung anu-ano na sinasabi niyan kapapanood ng anime sa computer niya!” lumapit siya sa’kin tapos pinatay yung computer. Bully talaga ‘to. “Matulog ka na Silly Cecily!”




“Epal ka talaga BASHER!” Yan naman tawag ko sakanya kung minsan, hilig niya kasing i-bash ako palagi.




“Okay, sige tama na yan! Matulog ka na Cecily. At ikaw naman, mag-ingat ka pag-uwi!” sabi ni papa.




“Joke ka tito! Magkalapit lang bahay natin eh!” Smiley




At lumabas na sila ng kwarto ko. Smiley Hindi uso sa’min ang good night kiss, kinikilabutan daw sila. Buti pa kami ni mama Percy, may morning kiss. Anyway, kahit nasa kwarto ako, nakasilip naman ako sa bintana hanggang sa pumasok na ng bahay nila si Asher.




Napahiga ako sa kama ko. Smiley Naaamoy ko pa yung scent ni Asher. Pero hindi perverted ang iniisip ko ha! Pero medyo nalulungkot ako, kasi dumating na ulit yung araw na makakahanap siya ng babaeng magugustuhan niya.




Madalas niyang sabihin sa’kin yung about sa dream girl niya eh.




“Maputi!” Makinis at maputi naman ako ha! Ito nga greatest asset ko eh! Porcelain skin! Smiley




“Long and straight hair” Sus! Ano bang malay niya kung bagong rebond pala yung babae. At straigth din naman yung akin, kaso pinalalagyan ko ng curls dahil mas bagay daw.




“Chinita” Marami naman ang nagsasabing mukhang akong Koreana.




“Eye-level niya yung height.” Ang tangkad kasi nito ni Ash eh! Kaya gusto rin matangkad na babae! Eh ano naman kung ang height ko eh wala pa hanggang shoulder niya! Daanin ko na lang sa heels.




“Matalino!” Ang hirap pag-genius ka, genius din ang hanap mo! Bakit? Smiley I’m smart in my own way naman ha!




“Mahinhin at understanding.” Hindi naman ako balahura kumilos! At lalong understanding ako kahit palagi niya akong inaaway. Smiley




“Syempre maganda!” Maganda naman ako ha! Si Ash naman madalas mag-sabi nun. Maganda ako kahit walang make-up.




So bakit sa iba pa siya tumitingin! I sighed. Sino kaya yung babae? Yung sinasabi niyang ideal girl niya. Smiley




End of Chapter 1 Part 3


6 comments:

  1. sister complex nga! pls ash, look at silly lang!
    wag ka nag tumingin pa sa iba!

    ReplyDelete
  2. eh si silly pala ang tipo kong babae!

    ReplyDelete
  3. tiNgin q pAsOk din aQ sa dreAm giRL ni aSher,,,

    ReplyDelete
  4. Kawawa naman pala itong si Silly kapag nag-join force yung Papa niya at si Basher!!! Hahahaha. Hay, Silly... kawawa ka naman! Baka hanggang sister lang talaga ang tingin niya sayo... NGAYON???? XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^