She’s my Sister!
(Asher Carillo POV)
Buti na lang hindi ako na-late! Napuyat kasi ako kagabi kakaturo kay Silly sa lesson na hirap niyang ma-gets. Slow ba talaga yun o ang nagkukunwari lang? Ay ewan, ang hirap intindihin ng mga babae.
“Tingin mo dun? Matangkad, maputi, maganda! Model-type oh!” sabi ni Hadwin. Eto panigurado, ang daming alam sa babae. Chick bulldozer ‘to eh. Basta matipuhan, hala sige banat!
Ako naman, nagre-review ng lesson namin kahapon habang kinakain ang sandwich na ginawa ni Silly. Naka-upo kami ngayon sa study area malapit sa classroom namin.
“Ano ka ba, puro ka aral.” Sabi ni Hadwin sabay tingin ng masama sa kinakain kong sandwich. “Tapos hindi ka pa namimigay!” Kukurot na sana siya sa nag-iisang breakfast ko kaya isinubo ko na lahat sa bibig ko. Kala mo ha! “Damot naman nito!”
Magkaibigan na kami ni Hadwin simula pa nung mag-high school ako. Ewan ko nga mag-kaklase kami simula pa nung first year hanggang ngayong third year na samantalang hindi naman siya nararapat dito sa star section. May pagka-bobo kasi ‘to eh, tanggap naman niya yun kasi lagi siyang nangongopya sa’kin.
“Daldal ka ng daldal jan, hindi ka mag-review! May quiz kaya ngayon!”
“Nanjan ka naman eh, pakopya na lang.” Kapal nito. Ma-zero ka sana.
Ganyan yan palagi, pag magkasama kami, puro babae ang nasa isip! May makilala dito, ayan daldal! May makita doon, ayan daldal! Basta may babaeng trip niya, asahan mo bukam-bibig niya yan. Pero tanungin mo ng one plus one, manloloko pang equals eleven. Oh baka talagang hindi niya lang alam. Haha.
“Mamaya pala may lakad ang barkada! Simula nung first day nitong school year ang aga mo nang umuuwi ha!” Syempre, kailangan maaga ko ihatid si Silly.
“Nag-rereview ako for college. Try mo kaya para maiba naman.”
“Sira-ulo ka ba! Third pa lang tayo! Next next year pa tayo magka-college. Excited ka masyado.” Alam ko, wala na lang talaga akong choice, hindi na ako makakagala ngayong hatid-sundo ko si Silly.
“Ayun pala, Ash!” Sabay turo sa babaeng nakikipag-usap sa mga friends niya. Girls' sight-seeing ang pastime nito eh. “Yun ba hindi mo type? Ang ganda oh! Lakad kita gusto mo?”
Pero syempre, lalaki din naman ako kaya bibigyan ko ng panahon to. Tinignan ko yung babaeng tinuro niya, maganda nga ang kaso… “Nakikita kong may kaaway yan sa kanto eh!” Kung sa babaeng yun, mahirap! Lalo na pagdating kay Silly. Baka awayin pa niya yun katulad ni Aicelle, yung first girlfriend ko.
“Ito naman nakikipag-rambulan lang eh, natural sa babae yun!” Natural ka jan! Sabunutan, sampalan, sigawan! Si Silly nga kahit madalas kaming aso’t pusa nun, hindi ko pa nakitang nakipag-away sa iba. “Oh, yun na lang! Yung babaeng nakaupo doon?”
“Ayoko niyan! Ang kapal ng make-up oh!” At nagpatuloy lang ang pagtuturo ni Hadwin ng mga babae at ako naman itong si tanga na pinagtya-tyagaan ang trip niya.
“And dami mo namang ayaw! Ano ka ba bakla!” Kumag ‘to!
“Eh sa hindi ko nga gusto pinagtuturo mo eh!” Ayoko dahil mag-iingat na ako pagdating sa babae. “Itulad mo ako sayo? Kung sinu-sino na lang!”
“Magaganda naman lahat ng nagiging girlfriend ko!” Yabang! Tama naman siya dun. Lahat nga ng nagugustuhan niya at nagkakagusto sa kanya, magaganda. “Eh ano bang gusto mo sa babae?”
Isa sa mga talent ko ay ang magbasa ng personality ng tao. At never pa akong nagkakamali sa pagkakakilala ko sa mga tao sa paligid. Except pala dun kay Aicelle, great pretender eh.
“Okay, first, gusto ko mabait!!! Hindi selosa!!! Matalino!!! Understanding!!!” Hindi pa talaga ako tapos nun pero sumingit na agad itong si Hadwin, “Maganda!!!”
“Oo naman kasama yun!” sagot ko.
“Magbigay ka naman ng physical description.” Wow nag-english si kumag!
Ako naman si utu-uto na nadadala na sa usapan, sumagot. “Maputi! Mahaba ang buhok na straight! Tapos parang tipong baby-face na chinita! Yun! Parang ganun…” Tapos pagkasabi ko nun, natigilan ako bigla. “Parang ganun…” Oo nga parang ganun. Parang yung babaeng nakikita ko ngayon na naglalakad sa hallway. “Parang yun oh!”
“Ha?” tanong ni Hadwin.
“Had!!! Parang yung babaeng yun!!!” Tinitignan ko pa lang siya, mukha ng mabait at mahinhin. May mga libro pang hawak, studious! Siya nga!!! Siya nga ang dini-describe kong babae! “Yun nga Hadwin!!! Yung babaeng yun!”
Tinignan ni Hadwin yung tinuturo kong babae. Tapos napakunot siya ng noo. “Yun?” Tungaks talaga nito. Tinuro ko na nga eh.
“OO yun nga!!! Yan, pag natulungan mo ako sa babaeng yun, bibilib na ako sayo.” Seryoso ako nito. Alam mo yung parang feeling na love-at-first-sight. Eto yun eh! “Ano Had!?”
Wala pa ring siyang reaksyon. Bopols ‘to! And bagal maka-absorb ng information.
“Uy! Ano na! Pasabi-sabi ka sinong type ko, ayun na nga!” Nakatitig na ako ngayon dun sa babae. Ang ganda eh! Parang na-iimagine ko nga na papunta siya sa direksyon namin.
“Gusto mo bang mamatay?” Kumag na ‘to! Ang tagal nanahimik tapos biglang gan’to banat.
“Problema mo?” Sakalin ko kaya ‘to nang matauhan.
“Eh kapatid ko yun!!! Sira-ulo ka ba!?” Sigaw ni Hadwin. Buset ‘to, loko-loko! Ano ako maniniwala.
Hindi na talaga sana ako maniniwala kaso yung babaeng sinabi ko, lumapit nga saamin. Akala ko imagination ko lang kanina, totoo pala.
“Kuya oh.” Wow mala-anghel ang boses! Kaso tinawag nga ba niyang kuya si Hadwin? May ibinigay siyang papel sabay sabing, “Nakalimutan mo daw sabi ni mommy.” Si Hadwin naman, bait-baitan nung lumapit yung babae. Mommy daw? Hala!
Nung umalis na yung babae, nagtransform ulit si kumag. “Mamamatay ka muna bago ka makalapit sa kapatid ko.”
“Weh. Hindi nga!” I doubt two things, na mamamatay ba talaga ako o magkapatid ba talaga sila.
Kaso seryoso siya eh. Halata naman na handa nga siyang pumatay sa mga oras na ‘to dahil sa mga tingin niya. “Subukan mong lumapit sa kapatid ko, magkakamatayan tayo.” Grabeng death threat ha!
End of Chapter 1 Part 2
naks!!! awat na kina hadwin at ash!
ReplyDeletemay kaagaw agad si silly???
dang it! hus dat gurl!
ReplyDeletetaob ka pala asher. mahirap yan! tropa pa ang kapatid ng tipo mo. hirap yan dre!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteanG cuTe ni hAdwin pagdaTing sa kapAtid niAng c gwYnne,,,
ReplyDeleteWew ❤
ReplyDeleteNaks~ hindi pala loko-loko itong si Ash! Mabait at matino~ wahahaha. Nag-aaral ng mabuti. Hatid-sundo pa si Silly! Wow talaga! Ikaw na Ash! Ayiieeeeh~ at nag-aaral pala ha? Kung maka-describe ka parang nasa harapan mo na yung dine-describe mo pero... bakit parang ako yun? Wahahahahaha!!! JOKE LANG! >_< ito namang si Had, napaka-babaero! Hinahawaan pa si Ash na nag-aaral! Wahahaha. Nakakatawa lang siya nung tinuturo na ni Ash si Gwynne. XD talagang handa siyang pumatay! Wag lang malapitan ni Ash!!! XD
ReplyDeletepwdeng pahingi ng soft copy?? ^_^ tnxx
ReplyDelete