Wednesday, October 5, 2011

Sister Complex : Chapter 1 Part 1

Introducing my Brother
(Cecily Gonzaga POV)




“Kuya Ash! Gising na!” Nananaginip nanaman siguro ‘to. May pasabi-sabi pa siyang ‘Are you having fun?’ Parang timang! “Hoy Kuya!!! Gising!!!” At sa wakas, after 5 minutes na pagyugyog ko sa tulog-mantikang si Asher, nagising din.


“Anong…? Nasan na?” sabi ni Asher Smiley. Gising na pero pikit pa yung mata niya kaya ako na nagdilat sa kanya. Haha, ang cute!




“Anong nasaan na? Umaga na, male-late na tayo!” Ayan, nung sinabi ko yun, napadilat nga ng sobrang laki si Asher, kaso mukhang na-bad trip yata.




“Konti na lang eh!!!” And OA ng pagkakasabi niya. “Eto na lang oh!!! Magki-kiss na kami!!!” Yuck, ang pervert! Mga lalaki talaga, kung anu-ano napapanaginipan. “Lagot ka sa’ken!” Patay!




Smiley Bago pa ako tuluyang makalayo, nahila na niya agad yung sleeve ng damit ko at kinurot-kurot ang pisngi ko. Smiley Pero hindi ako kinabahan dahil sa takot o sa sakit, kinabahan ako dahil may ibang dahilan. Itinawa ko na lang.




“Natatawa ka pa!” Naaasar niyang sinabi. “Diba sabi ko, wag ka nang papasok ng  basta-basta sa kwarto ko! Teenager na tayo! Respect may privacy naman!” Smiley




“Bakit? May porno ka bang tinatago dito?” Alam ko namang wala, nang-aasar lang. Smiley




“Baliw!!!” tapos napatingin siya sa orasan. Hay sa wakas natauhan din! “Eight na pala, hindi mo man lang sinabi?”




“Kaya nga ginigising kita eh!” Hinila ko siya paalis ng kama niya. “Maligo ka na! Bilisan mo ha! Baka ma-late tayo.” Actually, hindi ko pa nga natatapos sabihin yun, tumakbo na siya papuntang banyo para maligo. Inayos ko na lang kama niya tapos lumabas na ng kwarto niya.




Ngayon, kung tatanungin niyo kung kaanu-ano ko si Kuya Asher, hindi ko siya kuya. Mas matanda lang siya sa’ken kaya tinatawag ko siya nun, kahit na hindi ko trip na tawagin siyang kuya.




“Pagbalot mo ko ng sandwich!!! Hindi na ako makakapag-breakfast! Male-late tayo!” Pahabol niya pang sinigaw habang nasa CR siya.




“Oo sige!” Bumaba na ako. Hindi na naman niya kailangan sabihin, kasi tapos ko nang gawin. Anyway, tulad nga ng sinabi ko, hindi kami magkaanu-ano ni Asher. Pero, parang kapatid na ang turing niya sa’ken. Ang papa ko kasi at mommy niya, mag-bestfriends.




Every morning, dito ako tumutuloy sa kanila kasi si Mama Percy, mom ni Asher, ang naghahanda sa’min for breakfast. Wala na kasi akong mommy, namatay siya nung seven years old pa lang ako kaya parang mommy na ang turing ko kay Mama Percy. Si papa naman, wala every morning dahil sa maaga ang work niya as an engineer.




Every night naman, si Asher ang nasa bahay namin, kasi nasa night-shift si Mama Percy as an interior designer. Tuwing weekends lang nabubuo ang pamilya namin.




“Oh Asher, yan kasi late na kung matulog! Kaya hindi ka nakakapag-breakfast.”   Nakapag-ayos na si Ash. Wala pang ten minutes, tapos na agad! 




“Tanong mo ‘jan oh!” Tinuro ako ni Asher gamit ang nguso niya. Parang snail! “Ang tagal maka-gets ng assignments niya.”




“Mama o!” Siyempre paawa naman ako kay Mama. Magkakampi kaya kami nito.




“Tumigil ka nga diyan Asher! Dapat lang naman na turuan mo si Cecily dahil mas matanda ka. Alam mo na yung lessons nila.” Yes winner talaga ako dito! Haha!!! Smiley “Anyway, wag kang masyadong magpabilis ng takbo ng motor mo! Tandaan mo naka-angkas si Cecily sa likod mo!”




Grabe talaga ang care sa’kin ni Mama Percy. Lagi niyang napapagalitan sariling niyang anak dahil sa’kin. Buti naman hindi yun pinapansin ni Ash. “Talaga lang ha! Oh baka naman ayaw mo lang masira ‘tong hair-do ni Silly!” Nickname ko yan. Ang stupid noh! Si Ash nagbigay niyan eh! Nakasanayan ko na lang.




“Syempre!!! Isang oras yata yang pinaghirapan ni Mama 'to!”, pagyayabang ko. Si Mama Percy ang nag-aayos sa’kin bago pumunta ng school, hanggang ngayong high school na ako. Ang sarap kasi ng feeling ng napa-pamper ka nang ganito, feeling ko talaga mommy ko na siya.




“Oo nga!” Ayan, tapos na rin niyang lagyan ng blush-on ang pisngi ko. Itong part lang na ‘to ang hindi ko masyadong trip.




“Okay ba?” Okay daw sabi ni Mama Percy. Tinanong ko si Asher. Wala siyang sinabi.




“Tara na nga!” Okay yata? Smiley Hinila niya ako papalabas papunta kung saan naka-park yung motor niya.




“Ingat kayo ha!” sinabi ni Mama Percy habang kumakaway. “Ay Silly, te-text ko dad mo para steak ang ulam mamayang gabi!” Pahabol niya. Masarap kasing mag-luto si papa.




SmileyNung nandun na kami sa motor niya, bigla namang humalakhak itong si Asher. Timang talaga ‘to. Anong kayang trip yun. “Epal mo noh! Bakit?”




“Ang kapal ng blush-on mo!”Smiley  Napatingin tuloy ako sa side-mirror ng motor ni Ash.




Smiley Hala oo nga! “Bakit hindi mo naman agad sinabi!” Buburahin ko na sana gamit ng kamay ko yung sobrang blush-on kaso biglang dumukot ng panyo si Asher galing sa bulsa niya at siya ang nagpunas sa pisngi ko.




“Sa susunod kasi, wag mong hayaang paglaruan ni mama yang mukha mo. Hindi mo naman kailangan ng make-up eh.” Kinilig tuloy ako. Smiley Hindi lang obvious, kasi slow yata lahat ng tao sa paligid namin. Noon pa man kasi, may gusto na ako kay Asher. “Yan, okay na.”




Ang putik!? “Talagang walang tinirang make-up ha!” Or maybe hindi slow ang mga tao, kundi ako lang talaga ang slow. Nahihiya kasi akong aminin na hindi lang basta kuya ang turing ko kay Ash. Baka kasi masira ang malalim naming samahan pag umamin ako. Ayoko namang mangyari yun.




“Angal ka pa eh. Tara na nga!” Isinuot niya muna sa’kin yung pink na helmet bago niya isinuot yung sa kanya. Feeling niya siguro kuyang-kuya ang dating niya. Kainis! Nakakakilig pero hindi pwedeng lagyan ng malisya!




Nag-drive na si Ash papuntang school. 20 minutes ang usual na biyahe namin, pero this time, 15 minutes pa lang ang lapit na namin sa school. Binilisan niya dahil baka ma-late daw kami. Yan tuloy, nakahanap ako ng paraan na mayakap siya nang mahigpit kanina. Ew! I sound like a pervert!




“Sige na baba na! Direcho ka lang sa school ha!” Simula nang pumasok ako sa pinapasukang school ni Asher, hindi pa niya ako nahahatid doon mismo sa loob ng school. Lagi niya akong binababa sa may malapit na kanto, three blocks away from the school gate.




“Bakit pa kasi dito ako binababa. Sumbong kita kay mama eh.”  Smiley Lagi kong panakot yun pero hindi ko ginagawa kaya ini-ignore niya lang.




“Kailangan mong mag-exercise every morning. Tignan mo sarili mo, napagkakamalan ka pa ring nasa grade school.” Thanks ha! Smiley Mukha daw kasi akong bata, ang liit ko pa. Walang mag-aakalang nasa high school na pala ako dahil sa itsura ko. “Sige, lakad na!” Sabi niya habang pinapauna akong lumakad papa-layo. After one block, pinaandar niya yung motor niya at nauna na siyang pumasok sa school.




SmileyAlam ko naman na hindi talaga ito ang dahilan eh. Exercise daw, as if I’ll believe that lie! Sikat kasi si Asher sa school, pero once pa lang siyang nagkaka-girlfriend dahil sobrang picky niya. First year nang maging sila nung Aicelle, pero wala pang one month, nagbreak sila dahil inaway ako nung babaita. Akala niya nambababae boyfriend niya, ayan tuloy, hiniwalayan siya. Smiley




Kaya siguro hindi pa ulit nagkakagirlfriend si Asher, dahil iniisip niyang baka awayin ulit ako ng girl na pipiliin niya. Isipin mo naman kasi, hindi kami blood-related but we are very close. It was touching na iniisip ako ni Asher kung magkakaroon siya ng new girlfriend, pero mas mata-touch ako if he got no girlfriend at all.




Ang sakit kasi eh. Ang sakit ng sampal nung girl, nung akala niyang babae ako ni Ash, pero mas masakit na ibang babae ang makasama ng mahal ko. Smiley



End of Chapter 1 Part 1

9 comments:

  1. akala ko dati kung anung sister complex na!

    ReplyDelete
  2. ang ganda sis!!! naiimagne q na c ash at silly!

    ReplyDelete
  3. kinilig aq kay ash!

    mukng one-sided luv ito for silly!

    ReplyDelete
  4. okay. mukhang nakikinita ko na ang takbo ng story na to. i'll keeping reading. exciting.

    ReplyDelete
  5. Kyaaaa ! Gusto ko syang maging Kuya . ^^

    ReplyDelete
  6. Cute ni Mama Percy!!! Hahahaha. Ginagawang doll si Silly! :p tapos si Asher naman, ewan ko dun -__- ang lakas makapang-asar kay Silly eh. Silly XD hahahaha. Cute lang ng nickname :3 tapos... yay! Sweet din si Asher! Kinilig nga ako nung pinunasan niya sa pisngi si Silly eh >///< hahaha. Masakit ang sampal nung babae... pero mas masakit na ibang babae ang kasama ng mahal niya which is si Asher! Oh my gally! Mas masakit nga yun!!! Torture yun eh! >0< waaah! Ang daldal ko na naman sa comments! T_T

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^