RESURRECTION ACADEMY
by : Hannah Jewel
"Reminders: New students SHOULD follow ALL the rules written in this Handbook. Any violation of this Handbook will be handled according to the Student Conduct Process set forth in Part 3 of this Handbook."
Blangko ang itsura kong binasa ang nakasulat sa Handbook na binigay lang kumakailan sa akin ng Headmaster ng school na ito.
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari sa akin ngayon. 'Ni hindi ko nga alam kung nasaan na ako. O kung nasa mundo pa ba ako. Mismong pangalan ko nga ay hindi ko maalala.
Basta ang sabi ng mga katulong na nakita ko paglabas sa kuwarto ni Headmaster Junmyeon, sa akin, nasa Resurrection Academy ako. At dito daw nag-aaral ang mga katulad ko. Tss. Napakagandang sagot. 'Ni hindi man lang ipinaliwanag ng maayos kung anong ibig nilang sabihin.
Dito nag-aaral? Katulad ko? Parang sinabi na rin nilang hindi ako normal na tao.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa maluwag na hallway ng school na ito. Tiyak akong nasa kaniya-kaniyang klase na ang mga estudyante na nag-aaral din dito kaya masyadong tahimik. Muli kong binasa ang mga nakasulat sa handbook na sa tingin ko ay kailangan munang malaman ng mga bagong estudyante tungkol sa school na ito.
"There are two sections for every year level: The Angel Class and The Devil Class. The year level is not the ordinary K-12 curriculum but it is classified according to your age. There are 7 year levels in Resurrection Academy. The first and the lowest year level is starting from age 5 upto 7. The second year level starts from age 8 until 11. The third year level is from the age of 12 upto 15. The fourth year level starts from age 16 upto 20."
Tumaas naman ang kilay ko sa nabasa. Ano 'to? May sariling rules ang school na'to at hindi nila sinusunod ang basic na grade level sa education? Atsaka asan na yung 3 pang natitirang levels? Ba't hanggang fourth lang ang nakalagay dito?
"The section Angel Class will start from 3 am upto 12 pm. The section Devil Class, however, will start their class from 5 pm upto 2 am."
Now this is getting weird.
"There will be a monthly unit examination for each year level. Your fate will be decided in that test -- if you can still be part of Resurrection Academy, or if you will die."
And this is getting creepier.
Anong school ba 'tong napasukan ko? Ba't ko kailangang mamatay kung hindi ko mapasa ang test na ibibigay nila? Kalokohan. Sinong may tamang pag-iisip ang gagawa ng ganitong school?
Napabuntong-hininga na lamang ako at sinarado ang handbook. Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko.
Wala man lang ba akong magiging tour guide sa school na ito? Paano ko malalaman kung saan ako papasok o kaya pupunta kung wala namang binigay saakin na mapa ng school grounds?
Napailing na lang ako. Nakukunsumido ako sa school na ito. Sobrang weird. Geez.
"Miss!"
Napalingon kaagad ako sa likuran ko nang may marinig akong tumawag. Ako naman siguro ang tinatawag niya, hindi ba? Tutal, ako lang naman ang mag-isa rito.
Isang lalake na may suot na malaking salamin ang tumatakbo papunta sa akin. Nasa karera ba ito at kailangan niya pang tumakbo?
Hinintay ko na lang siyang makarating sa akin. Nagsalubong maman ang kilay ko nang mapansin ko ang sintas ng sapatos niya. Takte, madidisgrasya pa ata 'to nang wala sa oras.
At hindi nga ako nagkamali doon.
BOOOOOOOOOOOOOOGGGGSHHHH!
"S-sorry! Sorry talaga Miss! Hindi ko sinasadya! Pasensya na! Ang palpak ko talaga kahit kailan! Mianhae! Sumimasen! Gomenazai!" napaikot na lang mata ko. Ang nangyari, nang malapit na siya sa akin ay doon naman siya natapilok sa sintas niya. Parehas pa kaming natumba.
"Wala ng magagawa ang sorry mo. Natumba na tayong parehas. Tulungan mo na lang ako kesa magdada-dada ka pa diyan." sumimangot ako. Pero ang pinagtataka ko lang, wala man lang akong naramdamang sakit nang matumba ako kanina. Para nga lang akong natumba sa kama.
"Sorry talaga Miss. Hindi ko sinasadya yun." sabi niyang muli matapos akong tuluyang makatayo. Tumango na lang ako. Ayoko ng mag-salita pa at baka masapak ko lang ang lalaking ito. Paulit-ulit. Parang sirang plaka.
"Bakit mo ba ako tinatawag?"
Kinamot naman niya ang ulo niya. "Ako ang magiging Tour Guide mo. The name's Chester Dan Zion. Fourth Year, section A. Sorry pala at nalate ako. Bukas na kasi ang monthly unit examination. Nag-aral muna ako."
"Section A?"
"Section Angel. A na lang para shortcut. At tsaka nako-kornihan kasi ako." tapos kinamot na naman niya ang ulo niya at ngumiti. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na ngumiti rin sa kaniya. Parang mayroong something sa kaniya na magpapangiti na lang sayo kahit hindi mo gustong ngumiti. Nahupa ang inis at kunsumisyon ko tungkol sa school na ito dahil sa kaniya.
"Ano palang pangalan mo? Alam mo ba ang section mo?"
Umiling lang ako.
"Hindi ko alam kung anong section ko." bulong ko. Sandali siyang nanahimik. "Eh ang pangalan mo? Natatandaan mo ba?" napatingin naman ako sa kaniya. Parang kinakabahan siya sa sagot ko. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?"
Umiling lang siya. "Basta. Sasagutin ko ang tanong mo sa oras na sinagot mo ang tanong ko." seryoso niyang sagot sa akin. Nagtaka ako sa bigla-bigla niyang pag-iiba ng ugali. Parang kanina lang ay sobrang clumsy at kulit niya pero ngayon naman ay sobrang seryoso niya na. Seriously, ano ba kasi ang nangyayari? Ba't ba kasi ako nandito sa school na ito?
"Paano kung sabihin ko na hindi? Na wala akong maalala ni isa? Na mismong pangalan ko ay nakalimutan ko? Anong gagawin mo?"
Napaatras naman siya sa akin. Tiningnan niya ako na para bang may gagawin akong masama sa kaniya. Now what?
"S-sorry Miss. Mukhang hindi ikaw ang tinutukoy ni Headmaster na ito-tour ko. Pasensya na." pagkasabing-pagkasabi niya non ay agad siyang tumakbo papalayo sa akin.
Anong kalokohan 'to?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^