Sunday, May 15, 2016

Resurrection Academy : Chapter Two

RESURRECTION ACADEMY
by : Hannah Jewel


Dahil mukhang wala namang magto-tour sa akin ay ako na lang mismo ang naglibot sa buong school. Buti na lang at madali akong makaalala ng mga direksyon na pinanggalingan at pinuntahan ko. Hindi ako maliligaw.
Sumimangot ako dahil sa inis. Nakakairita. Nakakainis. Parang akala mo naman may sakit akong nakakahawa. Na sa oras na madikit ang balat sa akin ay may mangyayaring masama sa kaniya. Oo, tinutukoy ko si Chester.
Umiling na lamang ako at umupo sa isang bench na nakita ko. Kanina pa ako nakatayo at naglalakad. Anong oras na ba? Wala man lang bang estudyante ang lalabas ngayon mula sa kaniyang klase? Wala man lang ba sa kanila ang nagugutom?
"Nandito ka lang pala."
Hindi na ako lumingon. Baka naman tour guide na naman ito at baka magaya lang ito sa Chester na iyon.
"Hindi ka man lang ba lilingon? Ikaw ang kinakausap ko."
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. "Ako?" tanong ko habang hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya. Mahirap na at baka mapahiya pa ako ng wala sa oras dito. "Oo. Ikaw. Ano bang problema mo at ayaw mong lumingon sa akin?" this time, lumingon na ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko sa isang lalake na nakasuot ng puting uniform. Hindi katulad ng kay Chester na naka-itim na uniform.
"Ang weird ng school na 'to." yun lang ang sagot ko sa sinabi niya. Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Hindi ba't ikaw ang mas weird?" seryoso niyang tanong. Kumibit-balikat na lamang ako at tumayo.
"Hoy! Saan ka pupunta?" hindi ko siya pinansin. Naglakad ako papalayo sa kaniya. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin at hinigit naman niya ang braso ko. "Pupunta ako sa headmaster para kunin ang schedule ko. Hindi ko alam kung anong section ko at hindi ko alam kung bakit lumayo sa akin ang isang lalake kanina na galing sa Section Angel. Ano bang problema ng school na'to? Bakit ba ako nandito?"
Binitawan naman niya ang braso ko at rinig ko ang pagtawa niya. Napailing na lang ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"I had the same reaction as you on my first day in this academy. Pero mas O.A. ka nga lang. Pero don't worry 'cause I'm here to explain everything to you. That's my job as your tour guide." hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Lumabas na lahat ng kinikimkim kong pagkairita dahil sa mga nangyayari sa akin.
"Tour guide, huh? Alam mo ba na dahil sa kanina pa ako mag-isa ay napagdesisyunan ko na lang na maglibot mag-isa?! I already even know kung ano ang pasikot-sikot sa school na 'to! Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang dumating? What the hell is even with that guy named Chester Dan Zion?!"
Kumunot ang noo niya. "You've met an Angel Class student?"
"Are you deaf or what? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Puwes, uulitin ko. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at bakit bigla-bigla na lang lumayo sa akin ang isang lalaki na galing sa Section Angel which happens to be that Chester guy!"
Tumingin naman siya sa akin na para bang biglang may lumitaw na isa pang ulo sa leeg ko. Mukha pang malalim ang iniisip niya kaya naman ay hinipan ko ang mukha niya. Nabalik naman siya sa kaniyang wisyo at mukhang nagulat pa dahil sa ginawa ko. "Ano na?" tanong ko at tumalikod sa kaniya. Nagsimula ulit akong mag-lakad at napatingin ako sa pader na mayroong orasan. 3:34 pm. Ba't ngayon ko lang 'to napansin?
Sumunod naman si... teka... ano ba ang pangalan ng lalake na ito? Kanina pa kami nag-uusap pero 'ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya.
"I'm Trevon Xander Auburn." rinig ko namang salita niya na para bang nabasa niya ang utak ko. Tumango na lamang ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.
"We've still got time before our class starts. 5:00 pm pa naman ang simula kaya puwede pa tayong mag-usap tungkol sa kung ano ang nangyayare ngayon sa'yo at kung bakit tayo nandito sa Resurrection Academy." sandali akong napatigil dahil sa sinabi niya. Our class? 5:00 pm? You've got to be kidding me.
"You mean... I'm part of that Devil Section?" wala sa sarili kong bulong. Narinig naman ito ni Trevon at parang nasiyahan pa siya dahil sa sinabi ko. "Yup! Kaya ako ang magiging tour guide mo dahil kabilang din ako sa Devil Class! Madadagdagan na naman kami!" masayang sagot niya pero bigla naman siyang napatigil. "Teka, hindi sinabi ni Headmaster kung anong section mo? Now that's weird. Kailanma'y hindi makakalimutin si Grandpa Junmyeon." he told me, or more like, he was talking to himself.
We proceeded to a small cafeteria na napuntahan ko na kanina at umupo sa isang malapit na table.
"So... where do I begin?" nakangiti niyang tanong sa akn. Sasagot na sana ako nang biglang siyang pumalakpak. "Oh yeah! About that!"
"About what?" nakataas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.
"About the thing going around the Devil Class and the Angel Class. You see, these two sections never get along with each other since the foundation of this academy. It's like we're sworn enemies from the very beginning." simula niya. Nakangiti pa siya habang nagku-kuwento na para bang wala lang sa kaniya ang kaniyang mga pinagsasasabi. "Sworn enemies, huh? Kaya pala ganoon kung makaiwas ang Chester na 'yon." sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin bilang pagsang-ayon.
"Yeap." he said, emphasizing the 'p'.
"Pero wala namang ginagawang masama ang mga nasa Devil Class sa Angel Class... but the latter seems to hate us kaya naman wala na kaming nagawa kundi ang ibalik sa kanila ang galit nila sa amin. Parang ang engot nga eh. Kami na ang nasa Devil Section pero mas mukhang kami pa ang mabait kesa sa kanila." kinamot niya pa ang ulo niya at tumawa. Nanahimik muna ako at naghintay pa sa mga susunod niyang sasabihin. Mas maliliwanagan ako sa mga nangyayari kung mananahimik na muna ako. Mamaya na lang siguro ako magtatanong sa kaniya sa mga maraming tanong na nabubuo sa isipan ko.
"At siguro dahil doon na rin sa rivalry na nagaganap sa pagitan ng dalawang section kaya naisipan ng ama ng kasalukuyang Headmaster ngayon na si Junmyeon na ang magiging tour guide ng mga bagong estudyante na mapapasok dito ay ang mga mismong estudyante na kabilang sa section na mapupuntahan nito. Meaning, kung ang bagong estudyante na iyon ay kabilang sa Angel Class, isang Angel Class Student din ang mag to-tour guide sa kaniya. Ganoon din sa estudyante na mapupunta sa Devil Class. Isang Devil Class Student lang ang puwedeng mag tour guide sa kapwa niya Devil Class Student."
"Pero paano naman nalaman ni Chester na kabilang ako sa Devil Class kung wala pa naman akong sinasabi sa kaniya?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya. Ipinatong naman niya ang kaniyang baba sa kaniyang kamay na nakapatong sa mesa at tinignan ako ng diretso sa mata. "Siguro sinabi mo na hindi mo maalala ang pangalan mo at ang mga alaala mo sa kaniya nang tanungin ka niya tungkol rito." napalunok naman ako habang nakatitig pa rin siya sa akin ng seryoso. "Ngayon? Anong gusto mong ipahiwatig?" tanong ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na naramdaman ko kanina.
"Lahat ng mga nasa Devil Class ay nagsisimulang mag-aral dito na walang kamalay-malay sa mga nakaraan nila. Sadly, pati ang pangalan nila ay nakakalimutan nila. Don't worry, hindi ako exempted doon. Kaya siguro napalayo kaagad sa'yo ang tinutukoy mong Chester na iyon nang sabihin mo sa kaniya na wala kang maalala. Lahat, pati ang mga Angel Class Students ay alam ang tungkol doon kaya alam na kaagad nila kung sino ang dapat nilang iwasan. Ang weird nga eh."
"Pero bakit alam mo na ang pangalan mo?"
Napatigil naman siya sa sinabi ko. Para bang nakalimutan niya ang isasagot niya sa akin.
"That's because every time you passed a monthly unit examination held in this academy, you will remember your memories little by little. At ang pangalan mo ang pinakaunang maaalala mo sa lahat." napalingon naman ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon at isang matangkad na lalake na nakasuot rin ng puting uniporme na katulad ng kay Trevon ang nakita kong lumalapit papunta sa table namin.
"Malapit ng magsimula ang klase. Ano pang ginagawa niyo dito?"






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^