CHAPTER 3
[ Phoebe’s POV ]
“Lamon pa, Phoebe.
Baka bago pa dumating sina Louise at Julian eh ubos na ‘yang pagkaing niluto ko.
Kaya ka tumataba, eh. Tingnan mo nga ‘yang bilbil mo, ang laki-laki!”
Alam
ninyo yung malapit na sa bibig ko yung kutsarang may kanin at ulam nang parang
may isip ang kamay ko dahil kusa na lang ‘yong huminto nang marinig ko ang
magic word na ‘to—bilbil.
Ano
bang problema nila sa bilbil kong nananahimik at lagi na lang nilang nakikita
eh tinatago ko na nga? Kung nakakapagsalita lang ‘to, malamang katakot-takot na
reklamo na ang sinabi nito.
Saka
kung makapagsalita naman ang nanay ko parang wala siyang bilbil. Di hamak naman
na mas malaki ang bilbil niya sakin. Kung ako chubby, siya naman tabatchoy.
Wahehe!
Di ko inaaway ang nanay ko, ah. Kasi naman, eh. Hilig niyang laitin ang
nananahimik kong bilbil.
“Tatapusin ko na
lang po ‘to, nay.”
“Ay dapat lang,
Phoebe. Pangalawang round mo na kaya ‘yan.”
I
pouted. “Nay
naman.”
“Bakit, hindi ba
totoo?”
Totoo.
Hehe. Pero sinarili ko na lang ‘yon.
“Hala, tapusin mo
na ‘yan at pumunta ka kina Aling Ana. Kunin mo yung pinagawa kong malagkit.”
“Opo.” Mabilis
ko nang tinapos ang pagkain ko bago pa magkaro’n ng sariling bibig ang bilbil
ko at sumagot sa nanay ko.
Palabas
na ko ng bahay nang may pahabol na naman siya. “Mag-diet ka nga, Pheobe!”
Nagkunwari
akong walang narinig at tumakbo na ko papunta ng gate namin at lumabas. Tiningnan
at hinawakan ko ang bilbil ko habang naglalakad papunta kina Aling Ana. “Lagi ka na
lang nakikita ni nanay. Gusto mo na bang lumiit?”
Ang
tanong, sa katawakan kong ‘to, pa’no ko papayat? Eh pa’no ako papayat kung
napakasarap namang magluto ng nanay ko? Kaya ayun, napapadami ang kain ko.
Sa
totoo lang, payat naman talaga ako dati eh, saka usong-uso pa sakin ‘yang diet
na ‘yan kahit ga’no ko katakaw. Kaya lang simula ng ARAW na ‘yon, ginusto ko
nang magkalaman kaya kinalimutan ko ang salitang diet at lumamon este kumain
ako nang kumain hanggang sa isang araw, naging chubby na ko.
“Mas lalo ka
atang tumataba, Phoebe.” sabi sakin ni Aling Ana
pagkakuha ko ng malagkit sa kaniya.
Nahimas
ko tuloy yung bilbil ko. Ang dami na talagang nakakapansin na tumataba ako. Mukhang
kailangan ko na talagang mag-diet nang bumalik ako sa dating pagka-chubby ko. Pero
bukas ko na sisimulan ang diet na ‘yan dahil hindi ko ‘yan magagawa ngayong
araw.
Madami
kasing pagkain sa bahay na niluto ni nanay. Kaya nga kanina, nakadalawang round
na ko ng kain, eh. Kung hindi pa ko sinaway ni nanay, baka nakatatlong round pa
ko. Hahaha!
Walang
may birthday. Walang celebration. Alam ninyo kung anong mero’n ngayon? Uuwi ang
Ate Louise ko kasama ng asawa niyang si Kuya Julian pati ng kambal nilang anak
galing planet kropek. De joke. Haha! Bibisita sila sa bahay. At dahil nga
bihira lang silang makabisita kaya pinaghahandaan ‘yon ni nanay.
Kaya
diet, bukas na kita sisimulan, ah.
Pagdating
ko sa bahay...
“Ate!”
Niyakap ko agad siya. “Kanina pa kayo? Namiss kita!”
“Namiss din kita,
Phoebe. Halos kararating lang namin nung umalis ka.”
Nang
maghiwalay kami, alam ninyo kung anong unang napansin niya? Alam ninyo na... “Mas lalo ka
atang tumaba.”
“Eh pa’no wala ng
ginawa ‘yang kapatid mo kundi lumamon!”
Boses
‘yon ni nanay na nanggaling sa kusina. Ang talas talaga ng pandinig niya.
I
pouted. Tumawa naman si ate.
“Mag-diet ka na
kasi.” sabi niya.
“Bukas, ate. Ang
dami kayang pagkain ngayon, pa’no ko magda-diet?”
Natawa
na lang siya.
“Yung malagkit
dalhin mo na dito!”
“Opo, nay!” Naglakad
na ko papunta ng kusina kasama si ate. “Si Kuya Julian at yung kambal asa’n?”
“Nakatulog sa
byahe si Zero ayun asa kwarto. Pinuntahan lang ni Julian.”
“Napakaantukin
talaga no’n. And for sure si Zehra nasa...”
“Oo.”
Tama
nga ang hinala ko dahil naabutan namin si Zehra na kumakain habang nakaupo sa
highchair. Katabi niya si nanay. Nilapag ko sa table yung malagkit at nilapitan
agad ang pamangkin ko.
“Zehra! Namiss ka
ni tita! Hug ko?” I opened my arms. Niyakap niya ko. “Kiss ko?”
Hinalikan niya ko sa lips. Lasang adobo na kinakain niya.
“Louise, tawagin
mo na si Julian nang makakain na tayo. Hayaan niya muna kamong matulog si Zero
at baka topakin na naman pag ginising niya.”
“Opo, nay.”
Nakahanda
na kasi yung kakainan namin. Oo, namin. Kasama uli ako. Kaya lang, dessert na
lang muna yung titirahin ko dahil siguradong papansinin na naman ni nanay yung
katabaan ko pag kanin na naman yung kinain ko.
Kinausap
ko muna si Zehra habang hinihintay sina ate.
“Zehra, masarap
ba ‘yang kinakain mo?”
“Yes.” Two
years and a half na siya kaya nakakaintindi na siya at nakakasagot sa mga
tanong ko.
“Where is Zero?” Englisera
kasi ‘to pero nagsasalita rin naman siya ng tagalog.
“Sleeping.”
“Namiss mo si
Tita Phoebe?”
“Tita Bi?” Yun
kasi ang tawag niya sakin. Tiningnan niya ko. Pagkatapos ay ngumiti siya saka
tumango.
“Ang cute-cute mo
talaga!”
Hinalikan
ko siya sa pisngi niya.
Dumating
na sina ate at kuya. Binati ko si Kuya Julian, niyakap at kinamusta.
“Gising na ang
gwapong prinsipe, ah.” Nilapitan ko si ate. Buhat
niya kasi Zero. Maka-mommy kasi. “Namiss ka ni tita, Zero. Pakiss nga ko.”
Tiningnan
niya lang at sinimangutan. Pagkatapos ay yumakap siya sa leeg ni ate at itinago
ang mukha niya.
“Nakow, may topak
ang bata.”
I
said.
“Ginising ninyo
ba?”
tanong ni nanay.
“Hindi po, nay.
Palabas na kami ng kwarto nung nagising.”
sagot
ni Kuya Julian.
Umupo
na kami. Pinaupo na rin nina ate yung kambal sa tig-isang highchair nila. Nasa
kaliwa ako ni nanay. Nasa kanan naman niya si ate. Katabi naman ni ate yung
kambal at si Kuya Julian. Napapagitnaan nila yung dalawang bata.
Kaya
lang...
“Lola.” Bigla
na lang nagsalita yung dalawang bata habang nakatingin kay nanay.
“Kay lola kayo
tatabi?” tanong ni ate sa kanila.
Tumango
yung dalawa. Nagtawanan tuloy kami.
Kaya
ang nangyari, sa kanan ni nanay nakaupo si Zero katabi si ate at katabi ko. Sa
kaliwa naman niya nakaupo si Zehra katabi si Kuya Julian. Napalayo ako kay
nanay. Napatabi ako sa vacant chair na nasa kanan ko. Ang dating upuan ng tatay
ko.
Nag-pray
muna kami bago kumain. And my mother announced, “Kumain na tayo,” I suddenly
looked at my right. At parang narinig ko...
“Damihan mo ng kain, Phoebe.”
...ang
tatay ko.
“Phoebe.”
Napalingon
ako sa ate ko. Nakita siguro niyang nakatingin ako sa upuan ni tatay. She
smiled. Nginitian ko rin siya. Isang ngiting nagsasabing...
“Namiss talaga
kita, ate.”
“I miss you, too,
sis.” She held and
squeezed my hand.
Namiss
ko ‘to. Namiss ko siyang kasama. Namiss kong maging kumpleto kami nila ate at
nanay...
Tiningnan
ko ang upuan sa kanan ko.
...kasama
ni tatay.
* * * * * * * *
“Yeah, we'll be doing what we do... just
pretending that we're cool and we know it too... yeah, we'll keep doing what we
do... just pretending that we're cool, so tonight…”
Naka-play yung kanta ng One Direction na Live While We're Young at
sinasabayan ko...
“Let's go
crazy, crazy, crazy 'till we see the sun… I know we only met but let's pretend
it's love...” Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.
♪♫ And never, never, never stop
for anyone ♪♫
“Phoebe.”
Boses ‘yon ng ate ko.
♪♫ Tonight
let's get some and live while we're young ♪♫
“Pasok, ate.”
Nakaharap
ako sa cabinet at naghahanap ng damit na susuutin. Pupunta kasi ako ng school. May
kailangan lang akong asikasuhin pero babalik din ako agad. Nandito kasi sina
ate, eh. Minsan lang sila kung bumisita dito kaya kailangan ko nang sulitin.
Kung hindi lang mahalaga yung aasikasuhin ko sa school, nungkang pumunta ko
do’n ngayon.
“Aaaah! Bwisit!”
“Bakit?”
“Ang hirap
maghanap ng damit, eh. Halos lahat fitted na sakin dahil mas tumaba pa ko.
Ayoko naman no’n kasi mahahalata lalo yung bilbil ko.”
“Magdiet ka na
kasi.” natatawang
sabi niya.
“Mukhang
kailangan ko na ngang simulan ‘yan ngayon bago pa ko maubusan ng pwedeng suutin
sa mga damit ko.”
“Ayaw mo talagang
magpapayat?”
Saka
ko lang siya nilingon. Nakaupo siya sa gilid ng kama. “Yung dati kong katawan bago ‘yon?” Gets
na ni ate ang ibig kong sabihin.
“Oo.”
Umiling
ako. “Magbabawas
lang ako ng timbang pero hindi na ko babalik sa dati kong katawan.”
Tumango-tango
lang si ate. Pagkatapos ay may nilabas siyang paper bag mula sa likuran niya. “Para sa’yo.”
“Ano ‘yan?”
“Pasalubong ko.”
“Na?”
“Tingnan mo.”
Lumapit
ako sa kaniya at kinuha ang paper bag. Pag tingin ko sa loob no’n... “Waaah! Books!”
Pero mas lalo akong napangiti nang makita ko kung sinong author ang
nagsulat no’n. Namilog pa ang mga mata ko. “Rick Riordan and J.K Rowling!!!” Favorite
author ko sila kaya napatalon tuloy ako sa saya. “Thanks, Ate Louise!” Niyakap ko
siya. “You’re
the best talaga!”
“Basta pagbutihin
mo pa ang pag-aaral mo, okay? Wala munang boyfriend, pwede ba ‘yon? One year pa
at ga-graduate ka na. Makakapaghintay naman ‘yon diba?”
“Oo naman, ate!
Sa One Direction lang naman ako nagpapakabaliw at sa mga libro ko. And
cupcakes, too, of course!”
“Speaking of
cupcakes, mag-bake tayo mamaya pag-uwi mo.”
Naexcite
naman agad ako. “Wag
na kaya kong pumunta ng school?”
Pinanlakihan
niya ko ng mga mata. “Phoebe.”
“Joke lang. Hehe.”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^