Thursday, October 8, 2015

Dream Guy : Chapter 2

CHAPTER 2
[ Phoebe’s POV ]


“Dream guy?” patanong na sabi ni Hikari. “Di ko pa naiisip ‘yan, eh. Alam ninyo naman ang parents ko, strict. Aral muna bago lovelife.”


“Ako, yung dream guy ko... Hmm... Yung...”



Lahat kami nakatingin kay Airah maliban kay Freya na nakatutok pa rin ang atensyon sa librong hawak niya. Si Airah na magkasiklop pa ang mga kamay habang nakatingin sa kawalan at nakangiting parang baliw.


“Aray naman!” Hinimas niya ang noo niyang pinitik ni Mae. “Mae naman!”


“Ang tagal mo kasing sumagot.”


“Eto na nga, eh. Sasagot na. Hmm... Yung dream guy ko yung katulad niya.” nakangiting sagot niya na parang nasa harap niya yung tinutukoy niyang ‘niya’.


“Sinong niya?” tanong namin.


“Si...”


“Si...” ulit namin sa sinabi niya. Para pa kaming ewan na inilapit pa ang mga ulo namin sa kaniya.


“Si...” Itinutok niya ang mga mata niya sa laptop niya. “Secret.” Nagsimula na siyang mag-type.


Kaniya-kaniya kaming reklamo sa pambibitin niya. Kahit anong pilit namin, secret pa rin ang sagot niya. Saka na daw siya magku-kwento kaya tinigilan na rin naman siya.


“Ako, yung dream guy ko... Hmm...”


Na kay Mae naman ang atensyon namin. Kung si Airah kanina parang baliw, etong si Mae literal na baliw ang itsura. Nakalabas na kasi gilagid niya sa lapad ng ngiti niyang umabot na ata hanggang batok niya. Yung mata niya pang parang kumukutitap sa sobrang kilig at saya ng mukha niya. Kung si Airah magkasiklop ang mga kamay kanina, etong mga kamay ni Mae nakahawak sa magkabilang pisngi niya.


“Syempre yung katulad ng baby loves kong si Kiel.” Si Kiel ang fourth year nursing student na super-duper-mega crush ni Mae na lagi niyang kinukwento samin.


“That whatever boy, Ate Mae? Are you serious na katulad niya yung dream guy mo?”


“Let me rephrase that, siya talaga ang dream guy ko.”


“Why him, Ate Mae? Napakasungit kaya no’n.”


“Bea, yun nga yung gusto ko, yun ang dream guy ko, masungit na lalaki. Bakit? Para walang babaeng lalapit sa kaniya dahil sa kasungitan niya. Edi hindi siya makakapang-chicks diba?”


“At kabilang ka na do’n sa mga babaeng hindi makalapit kay Kiel, sis.” Airah said. Nagtawanan tuloy kami.


“Nakakalapit kaya ako sa kaniya.”


“Nakakalapit ka pero sinusungitan at dinededma ka lang naman niya.” I said. “Puro na lang siya ano sa’yo, sis? Ah, ‘yon, WHATEVER.” Nagtawanan na naman kami.


“Sige lang, tumawa lang kayo nang tumawa ngayon dahil na sakin pa rin ang huling halakhak. Bwahahaha!” Tumawa pa siya na parang bruhang nababaliw. Pati tuloy kami nahawa sa tawa niya.


“Ako, ayoko nang masungit.” sabi ko pagkatapos sumakit ng tiyan namin kakatawa. “Baka mabalibag ko pa siya ng wala sa oras. Feeling ko rin tatanda agad ako dahil sa kasungitan niya.” At baka mas lalong madagdagan ang bilbil ko dahil for sure sa pagkain ko ibubuhos ang pagkainis ko sa kasungitan niya.


“Ano bang dream guy mo, sis?” tanong ni Hikari.


“My dream guy? Yung taong magpapabusog at magpapalasing sakin. In short, dapat isa siyang chef at bartender in one.”


“Magpapabusog sa’yo? Edi mas lalong madadagdagan ang…” Binitin ni Mae ang sinasabi niya. At alam ko na ang kasunod no’n.


“Oo na, sis. I mean yung taong hindi ako gugutumin pag magkasama kami. Hindi naman pwedeng puro love lang tapos gutom naman kami diba? Takot kaya akong magutom.”


“Dapat siguro ang hilingin mo yung mayaman para hindi ka gutumin, Ate Phoebe.”


“Gusto ko nga ng chef para anytime na magkasama kami at mag-crave ako sa isang pagkain, lulutuin niya agad para sakin. Ang sweet diba?”


“Oo nga, ang takaw mo.” Mae said.


“Parehas lang tayo, sis.”


“Sis, seryoso ka do’n sa magpapalasing sa’yo?” tanong ni Airah.


“Oo naman. Hindi naman ako tumatawa diba?”


“Bakit gusto mong malasing?” tanong pa niya. Parang ang weird pa nga ng tingin niya sakin.


“Ayaw mo bang malasing?” tanong ko sa kaniya. “Ikaw, sis, ayaw mo ring malasing?” tanong ko rin kay Mae. Pigil ko ang tawa ko habang sinasabi ko ‘yon.


“Hindi naman ako umiinom, eh.” sagot ni Airah.


“Mahirap maglasing, baka maging wild ako no’n.” natatawang sagot ni Mae. “Baka gapangin ko pa ang baby loves ko.”


“Hindi ‘yon.” I said.


“Eh ano?” sabay nilang tanong.


“Ayaw ninyo bang malasing sa pagmamahal ng ‘niya’ na tinutukoy mo, Airah, at ng baby loves mong si Kiel, Mae?” Halos sabay-sabay pa kaming natawa. Yung tawa nila, tawang may kasamang kilig. Pati sina Bea at Hikari natawa rin. Ang korni ko daw. Korni nga, natawa naman sila. Hahaha!


“Yung seryoso kasi, Ate Phoebe.”


“Seryoso naman ako, Bea. Bartender na chef ang gusto ko. Hindi lang ‘yon, ayoko ng amoy sigarilyo, in short yung naninigarilyo.” Napangiwi pa ako. Sumegunda rin naman sila sa sinabi ko. “Gusto ko yung sweet, mabait, makulit at yung katulad ko ring baliw. Gusto ko yung go with the flow lang sa bawat trip ko. Ayoko ng KJ. And last but not the least...” Binitin ko sila.


Sunod-sunod naman silang nagtanong kung ano pa yung isang kukumpleto sa dream guy ko.


“Yung may mga matang pag tinitigan ako, nag-i-spark.”


“Baka naman kuryente ‘yang dream guy mo sis na pag nagshort circuit eh nag-i-spark.”


“Puro ka kalokohan, Mae. Seryoso ko dito, eh. Gusto ko pa nga yung may makikita pa kong fireworks sa mga mata niya, eh.” Na sinundan ko ng tawa.


“Puro ka rin naman kalokohan, sis.” Hikari said.


“De joke lang. Kidding aside, seryoso ako sa mga sinabi ko kung ano ang dream guy ko.”


“Pero diba ang hirap naman mag-set ng standards for your dream guy tapos hindi rin naman yung katulad niya yung magugustuhan mo. Kaya ako, I will look for the signs.”


“Anong signs, Bea?” tanong ko. Anong klaseng pauso na naman kaya ‘yon?


She just smiled. “Basta. Baka kasi hindi magkatotoo pag sinabi ko.”


“Bea’s right.”


Napatingin kaming lahat kay Freya na ngayon lang nagsalita simula nang maging topic namin ang dream guy namin.


“Nagsalita ka din, cabez. Ramdam mo na sigurong mapapanis na ang laway mo noh?”


Ngumiti siya ng tipid bago niya ibinalik ang tingin niya sa librong binabasa niya. “Bea’s right. Mahirap magset ng standards para sa dream guy or ideal man natin. Minsan ang mga standards pa na ‘yon ang pumipigil satin na mahalin ang taong pwede nating mahalin dahil nakalagay na sa isip natin ang lalaking dapat nating mahalin.

Mapaglaro ang tadhana. Kung ano pa yung dream guy natin, kabaligtaran naman no’n ang taong binibigay satin ni God. At minsan, dahil ayaw nating masira yung expectations natin, nilalayuan natin yung taong kabaligtaran ng dream guy natin kasi hindi naman sila yung taong pinapangarap nating mahalin.

Ang swerte mo kung yung lalaking pinapangarap mo ang ibigay sa’yo ni God. Pero pa’no kung ang kabaligtaran ng lalaking pinapangarap mo ang ibigay Niya sa’yo?” Saka lang ako tiningnan ni Freya. “Matatanggap mo kaya siya, Phoebe? May pag-asa kayang mahalin mo yung taong kabaligtaran ng dream guy mo?”


Si Freya ang tipo ng taong tahimik lang pero pag nagsalita ng seryoso, siguradong may sense ang sasabihin niya, hindi katulad ko na may halong kalokohan. At puno naman ng sense yung mga sinabi niya ngayon.


“May tama ka naman, cabez. Pero sa pananaw ko, kung makakakilala ako ng taong kabaligtaran ng dream guy ko, alam kong hindi ko siya magugustuhan. Saka hindi naman ako naghahanap ng gwapo, eh. Basta nasa kaniya lang yung mga bagay o ugali na gusto ko, for sure magugustuhan ko siya.

At kahit binigay pa ni God ang taong ‘yon para sakin, hindi naman ibig sabihin no’n na para na kami sa isa’t isa. Oo nga, may itinadhanang tao si God para satin pero alam Niyang tayo pa rin ang makakapagdecide kung ang taong ‘yon ba na binigay Niya ang gusto nating makasama habang buhay.”


Katahimikan.


Mahabang katahimikan.


Freya smiled. Yung normal niyang ngiting matipid.


“Pwede na bang magsalita?” maya-maya ay tanong ni Mae. Exaggerated siyang huminga. “Napakalalim naman no’n, girls. Grabe. Sa sobrang haba at lalim, muntik na kong malunod. Sayang, di ko man lang na-record yung mga sinabi ninyong dalawa. Hmm… I have a suggestion. Gawin kaya nating topic ang so called dream guy natin sa next month’s issue ng Writer’s Corner?”


Nagsimula na silang mag-usap-usap about that. At ako? Napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Freya kahit pa may sagot na ko sa mga sinabi niya.


Paano nga kaya kung kabaligtaran ng dream guy ko ang makilala ko?


* * *




2 comments:

  1. Lollipop pa more whahaha...secret muna ung dream guy ko hahahaha xD

    ReplyDelete
  2. Lollipop pa more whahaha...secret muna ung dream guy ko hahahaha xD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^