Thursday, October 8, 2015

Dream Guy : Chapter 1

CHAPTER 1
[ Phoebe’s POV ]


“Ang sarap talaga sa feeling na yung boyfriend ko eh yung dream guy ko rin. Dati akala ko hanggang sa panaginip ko lang makikilala yung dream guy ko o kaya hanggang sa isip ko na lang siya, pero tingnan mo, boyfriend ko na siya ngayon.”



“Ang swerte mo nga, eh. Kasi yung iba dyan kung sino pa yung kabaligtaran ng gusto nila yun pa yung napupunta sa kanila o kaya yun pa yung nagugustuhan nila. Ako kaya? Kailan ko kaya makikilala yung dream guy ko?”


“Don’t worry, girl. Sa lalaki ng Pilipinas, isama na natin ang buong mundo, hindi pwedeng hindi nag-eexist ang dream guy mo kaya tiwala lang.”


Napangiti ako sa narinig kong pag-uusap ng dalawang babaeng naglalakad sa unahan ko. Lumiko sila at umakyat ng hagdan kaya hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-uusapan tungkol sa ‘dream guy’ nila.


Kung pwede lang na sundan ko sila ginawa ko na, kaya lang pupunta pa ko ng Writer’s Corner. Yun ang pangalan ng club kung sa’n ako kabilang. Halata naman siguro sa pangalan kung anong klaseng club ang sinalihan ko diba. Iba pa ang club namin sa official college publication ng school namin. 


Sa Writer’s Corner, we write anything under the sun, but mostly are poetries and stories. We write under a pen name we chose. Hindi lang pagsusulat ang ginagawa namin do’n, we also read, read and read then we talked about it after. It was like our club was created for us students who share the same hobbies and passions and that is writing and reading.


Tinakbo ko na ang Writer’s Corner. Hindi ko naman kailangang magmadali pero ugali ko na talaga ang ganito, magmadali kahit walang dahilan. Muntik pa nga kong matalisod, eh. Buti na lang muntik lang. Hehe!


Pagdating ko sa room ng Writer’s Corner, bukas na bukas ang pintuan kaya nakita ko agad kung sinong mga tao ang nasa loob. As expected, yung mga kadalasang laman ng Writer’s Corner ang nakita ko.


Si Mae na may sinusulat sa papel habang may kinakaing pancake.  Nahulog pa nga sa table yung nasa tinidor niya pero balewalang kinuha niya agad ‘yon at isinubo. May binulong pa nga siya bago niya kinuha ‘yon, eh. Nagsusulat din ang katabi niyang si Hikari na may lollipop sa bibig pero nang tanggalin niya ‘yon, nalaman kong wala na pala yung candy.


Si Airah na may tina-type sa laptop niya habang may kausap sa phone. Si Bea na may binabasang magazine na kulang na lang pumasok siya sa loob no’n dahil ang lapit no’n sa mukha niya. And lastly, my cousin slash bestfriend na si Freya na nagbabasa ng libro habang may nakalagay na headset sa ulo niya.


Hindi halatang sanay sila sa multi tasking diba? At sa sobrang engrossed nila sa ginagawa nila, hindi man lang nila namalayang nandito na ko. Kinatok ko nang malakas ang pintuan ng ilang beses at tumikhim nang malakas nang sunod-sunod. Halos sabay-sabay pa silang napalingon sa gawi ko maliban kay Freya.


“Hi mga sis! Namiss ko kayo!” Halos isang buwan kasi akong hindi nakapunta ng Writer’s Corner dahil naging busy ako. Sabagay, lulubog-lilitaw naman talaga ako dito. Pero ngayon lang tumagal ng isang buwan.


“Nekslom wa ociste!”


“Bol hajegu zi bepp woxpefezu!”


“Bap kidwac luzope eu che, Alm Pasixz?”


“Noswels to skefy posje!”


May naintindihan ba kayo sa mga sinabi nila? Wala diba? Ako mero’n. Yan kasi ang language na ginagamit sa planet kropek kung sa’n kami nagmula kaya kami lang ang nagkakaintindihan. At eto ang sagot ko, “Borigum chanone eclasu karatuchi medeculum chens otchi medelum chorikok!”


“Anong sabi mo?” chorus nilang tanong. Natatawa sina Mae at Hikari. Kunot-noo naman sina Bea at Airah. Si Freya na ngayon ay nakita na ko ay nakatingin lang habang inaayos ang salamin niya sa mata.


Tinawanan ko sila habang lumalapit ako sa kanila. “Hindi ninyo naintindihan noh? Kayo rin hindi ko naintindihan. Sabay-sabay kasi kayong nagsalita, eh.” Umupo ako sa bakanteng upuan. “Alam kong namiss ninyo ko pero paisa-isa lang, mahina ang kalaban.”


“Nabuhay ka kako bruha!” sabi ni Mae.


“Ay, hindi! Patay na kaya ko. Kaluluwa lang ‘tong nakikita ninyo.”


“Hahaha! Baliw!” Pinalo pa ni Mae ang braso ko.


“Ba’t ngayon ka lang nagpakita?” tanong ni Hikari.


“Di ka na nasanay, sis. Lulubog-lilitaw naman talaga ‘yang si Phoebe, eh.” sabi ni Mae.


“Nabusy, eh. May mga tinapos akong requirements. Alam ninyo na malapit na namang mag-bakasyon. Maski nga si bestfriend hindi ko na rin masyadong nakikita, eh.” Tiningnan ko si Freya. “Sorry, cabez.” Cabez is short for cousin-bestfriend.


“Okay lang. Naging busy din naman ako, eh.”


“At ako rin.” Hikari said.


“Me, too.” Bea said.


“Ako man.” Mae said.


“Ako rin naging busy. Pero may time pa rin naman kaming pumunta dito sa Writer’s Corner, sis. Sanctuary na natin ‘to pag masyado na tayong stress sa mga school works na ‘yan. Baliw na nga tayo, baka mas lalo pa tayong matuluyan pag nagpakalugmok tayo sa pag-aaral diba?”


“Ang lalim no’n, Airah, ah. Lugmok talaga?” natatawang sabi ni Mae. “Iba na talaga pag Major in Filipino, eh. Ang lalim.”


“Edi sisirin mo, sis.”


I pouted. “Edi kayo na may time. Minadali ko na kasing tapusin yung mga requirements and projects na kailangan ko, eh.”


“Ang hilig mo talagang magmadali sa lahat ng bagay.” Mae said. “Tamang time management lang ‘yan and for sure matatapos mo lahat ‘yan on time na hindi mo kailangang magmadali.”


“Mahilig sa rush hour, eh.” natatawang sabi ko.


“Ba’t parang tumaba ka ata, Ate Phoebe?”


Napalingon ako kay Bea. Ate ang tawag niya saming lahat dahil mas ahead kami sa kaniya ng isang year pero hindi niya kami pinopo at opo. Minsan sis ang tawag niya samin depende sa gusto niya. Parehas kami ng course na dalawa—HRM. Second year siya, third year naman ako.


“Ako, tumaba?” Tiningnan ko ang katawan ko.


“Oo.” Hinawakan niya pa ang bilbil ko. “Parang nadagdagan ‘to.” Nilingon niya pa sina Mae. “Diba?”


Napahawak ako sa bilbil ko. Napatayo rin ako. “Di nga?” Isa-isa ko silang tiningnan.


“Medyo.” Hikari said.


“Parang.” Airah said.


“Anong medyo? Anong parang? Tumaba kaya siya.” sabi ni Mae habang hinihimas pa ang baba niya.


“O diba? Sabi sa’yo, Ate Phoebe, eh. Tumaba ka.”


I pouted. “Ang hard ninyong dalawa, ah. Lait pa more.” Umupo na ko at humalukipkip.


“Di ka namin nilalait, baliw. Nadagdagan ka lang ng timbang.”


“Pagdiinan mo pa, Mae.” Chubby kasi ako pero hindi naman yung tipong pwede na kong tawaging baboy o kaya tabatchoy. Yun nga lang may bilbil ako kaya nga hindi ako nagsusuot ng fitted na damit. Medyo maluwag nga ‘tong uniform ko wag lang mahalata yung bilbil ko. Kaya pala napapansin kong medyo sumikip ang uniform ko nitong mga nakaraang araw, eh.


“Cute naman ‘yang bilbil mo, sis, eh. Sorry na. Eto, oh. Sa’yo na lang ‘tong peborit kong pancake. Kahit gutom pa ko, sa’yo na lang. Wag ka nang magtampo, ah.”


“Eto, sis. May lollipop pa ko. Last ko na ‘yan pero sa’yo na lang. Ngumiti ka na dyan.”


“Sorry, Ate Phoebe. Eto oh, basahin mo ‘tong magazine na binili ko. Hindi ko pa tapos basahin ‘yan pero ikaw na muna. Yung favorite nating 1D ang featured nilang band dyan.”


Tinapik ni Airah ang balikat ko. “And don’t worry, sis. Cute ka pa rin naman kahit nadagdagan ka ng baby fats, eh.”


“Cheer up.” Freya said.


Mula sa pagkasimangot, unti-unti akong napangiti dahil sa mga sinabi at ginawa nila. Hindi naman ako galit, eh. “Oo na. Thank you, ah. Saka wag ninyo na uli pakekealaman ang nananahimik kong bilbil, ah. Nakakadepress, eh. Sige kayo. Magha-hunger strike ako.”


Pero joke lang yung nakaka-depress. Hehe. Hindi naman kasi katulad ng mga kapwa ko teenager na pag nasabihang mataba eh todo emote at todo diet na para lang pumayat.


Although madali lang para sakin ang magpapayat, masaya pa rin ako sa pagiging chubby ko basta ba wag lang akong magiging tabatchoy.  At ayoko din talagang may papansin sa nananahimik kong bilbil na para yung sikat na artista.


Kinain ko yung pancake na binigay ni Mae. Nawala na sa isip ko na tumaba na nga ko eh kakain na naman ako. Pancake lang naman ‘to, eh. Hindi naman ‘to madadagdagan ng isang pulgada ang bilbil ko.


“Ano nga palang balita sa inyo, girls?” tanong ko.


Isa-isa silang nagkwento. Maging ako nagkwento rin. Dito lang naman kami sa Writer’s Corner nagkaka-kwentuhan ng tungkol sa nangyayari sa mga buhay namin dahil dito lang kami nagkakasama-sama simula ng maging busy na kami sa kaniya-kaniya naming pag-aaral.


Same year level kami maliban kay Bea. Parehas ng course yung tatlo—Education—pero magkakaiba ng Major at block. Ang pinsan slash bestfriend ko naman na si Freya, Journalism ang kinukuha. Maliban sa kaniya, dito ko lang talaga sa Writer’s Corner nakilala sina Mae.


After naming magkwentuhan, bumalik na sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa bago ako sumulpot dito sa Writer’s Corner maliban kay Bea dahil hawak ko ang magazine niya. Nagsusulat na siya ngayon.


Ang lapad ng ngiti ko habang nakatingin sa mga photos ng 1D. Ang gwapo talaga nila! Hmm… Kahit hindi ko makatuluyan ang dream guy ko, makatuluyan ko lang ang isa sa kanila super-duper-mega okay na ko. Hihihi! Speaking of dream guy...


Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. “Girls, anong dream guy ninyo?”


* * *



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^