Thursday, October 8, 2015

Dream Guy : Chapter 4

CHAPTER 4
[ Phoebe’s POV ]


“Ma’am Phoebe, tumawag na po ko kina Ma’am Freya. Pakihintay na lang po yung sundo ninyo.”


“Thank you po.” sabi ko kay Kuyang Guard.



Nandito ako ngayon sa waiting area sa labas ng main gate ng La Catarina, isang exclusive subdivision kung sa’n nakatira sina Freya. Ibig sabihin lang, mayayaman ang nakatira dito.


Mayaman kasi ang pamilya ni Freya dahil mayaman ang napangasawa ng mama niya na kapatid ni tatay. Nasa middle class naman kami ng pamilya ko.


Kinalikot ko muna yung phone ko at nakinig ng kanta ng 1D habang hinihintay ang sundo kong chopper. De joke lang. Hehe. Kotse nina Freya ang hinihintay ko. Sosyal noh? De sundo pa ko. Masyado kasing malayo kung maglalakad pa ko kaya sa tuwing pumupunta ako dito, lagi akong pinapasundo ni Freya sa driver nila.


Hindi naman ako naghintay nang matagal sa sundo ko. Nagpaalam muna ako kay Kuyang Guard bago sumakay ng kotse. Malapit na kami kina Freya nang ihinto ni Kuyang Driver yung sasakyan sa tapat ng isang bike. Binaba niya ang bintana ng kotse sa side niya.


“Sir Ico, kailangan ninyo po ng tulong?”


Mula sa bahagyang pagkakayuko ng lalaki sa bike niya na parang may tsine-check ay inangat niya ang tingin niya. Inayos niya ang makapal na salamin niya sa mata bago sumagot. “Okay lang po, Kuya Robin.” Humangin nang malakas pero hindi man lang natinag ang buhok niyang flat na flat sa ulo niya.


“Sige. Aalis na po ko. Ingat po kayo.”


Maka-ingat naman ‘tong si Kuya Robin parang may masamang mangyayari kay Ico. And yes, kilala ko ang lalaking ‘yon. Ex ko kaya ‘yon. De joke lang. Hehe. Kilala ko ‘yon pero hindi kami close. Hindi ko siya kaibigan pero kaibigan siya ni Freya. Classmate kasi sila nung highschool. Schoolmate naman namin siya ngayong college.


Yung lalaking ‘yon, kung aalisin lang siguro ang makapal na salamin niya sa mata, babaguhin ang hair style niya pati ang way ng pananamit niya, siguradong may ibubuga siya. Kahit kasi nerdy ang datingan niya, infairness macho siya hah. Uy ah, di ko siya crush or pinagpapantasyahan. Napansin ko lang kaya napa-comment tuloy ako.


Pagdating namin sa bahay o mas tamang sabihing malaking bahay nina Freya, dumeretso na agad ako sa malaking kwarto niya. May piano lesson pa kasi ang cabez ko. Iba na talaga ang mayayaman. Kung sa’n-sa’n na lang ginagastos ang pera nila.


Pero syempre, iba si Freya sa kanila. Hindi siya gastador. Matipid kaya ‘yon at may isa siyang ugaling kinatutuwaan ko. Ano ‘yon? Secret. Hehe.


Umupo ako sa harap ng computer ni Freya. Nagpatugtog ng kanta ng 1D at nag-online. Matatagalan pa kasi ang cabez ko kaya maglilibang muna ako. Dinalhan na rin ako ng kasambahay nila ng makakain na walang iba kundi ang ever-favorite kong cupcake na siguradong bi-nake ni Freya kanina bago siya magpiano lesson.


Thirty minutes lang siguro akong nag-online nang tumayo ako at lumapit sa malaking bookshelves ni Freya. Naghanap ako ng librong mababasa at nang makakita ay pumwesto na ko sa ibabaw ng napakalambot at malaking kama niya.


Take note, halos lahat talaga ng bagay dito malalaki. Si Freya lang yung hindi kasi petite siya pero cute pa rin naman yung cabez ko minus her thick eye glasses and her nerdy look and her messy hair style. Buti na lang talaga hindi baduy manamit ang cabez ko di tulad nung highschool siya.


Nagsimula na kong magbasa habang kumakain ng cupcake at prenteng nakadapa sa kama. Ganito ako ka-at home sa bahay at kwarto ng cabez ko. Madalas kasi ako dito nung highschool ako. Nag-i-sleepover pa nga ko dito. Dumalang lang ngayong college na kaming dalawa.


At kaya ako nandito ngayon dahil last day ng klase ko kanina. Si Freya kahapon pa natapos yung klase. Dito ako matutulog ngayong gabi at magre-relax kaming dalawa dahil sa wakas tapos na yung klase at bakasyon na namin.


But that vacation is only for three weeks. After three weeks, magsa-summer classes na ko. Kasama ‘yon sa curriculum ko.


Hindi ko namalayan ang oras sa pagbabasa kaya hindi ko rin namalayan ang pagpasok ni Freya. Kaya...


“Ay!” Nagulat na lang ako nang tumabi siya ng higa sakin sa kama. Napaupo tuloy ako bigla. “Nakakagulat ka naman, cabez.” Hawak ko pa yung dibdib ko.


“Sorry.” Tinanggal niya ang salamin niya sa mata. “Ang labo talaga.” Isinuot niya uli ang eye glasses niya.


“Bakit kasi hindi ka na lang mag-contact lens ng hindi ka na mahirapan?”


“Mas mahirap magsuot ng contact lens kesa magsuot ng eye glasses.”


“Pero mas cute naman mag-contact lens.”


“Ayokong maging cute. Hmm... Ang init.” Bumangon siya at may kinuha sa ibabaw ng bedside table na remote. Itinapat niya ‘yon sa aircon na nakakabit sa may bandang itaas ng bintana ng kwarto.
Naramdaman kong mas lumamig pang lalo. Lumapit siya sa paanan ng kama at parang sirang lumusot sa ilalim ng makapal na kumot at gumapang pailalim do’n hanggang sa hindi ko na siya makita.


“Anong ginagawa mo dyan?” tanong ko.


“Ang lamig, eh.”


“Baliw ka talaga noh? Nilakasan mo pa yung aircon.”


“Ang init, eh.”


“Ano ba talagang gusto mo? Mainit o malamig?”


Hindi siya sumagot. At sanay na ko. Minsan talaga o madalas napuputol yung conversation naming dalawa kasi bigla na lang siyang hindi sasagot kahit hindi naman mahirap at kumplikado yung tanong ko o sinasabi ko.


Ilang segundo ang lumipas nang gumalaw siya mula sa ilalim ng kumot at pagapang na pumunta sa ulunan ng kama. Nakita ko na ang ulo niya pero ulo lang niya. Tumihaya siya ng higa at inayos ang kumot hanggang sa ang mga mata na lang niya ang nakikita ko.


“Cabez.” tawag niya pero sa kisame siya nakatingin.


“Bakit?”


“Ang kumplikado.”


“Ang kumplikado ng?”


“Hmm...”


“Anong hmm?”


“Ang lamig.” Tuluyan na niyang tinakpan ng kumot ang mukha niya.


“Hinaan ko yung aircon?”


“Wag.”


“Hmm... okay.”


“Sana ako na lang.”


“Anong sana ikaw na lang?”


Hindi siya sumagot. At nagtataka na ko sa inaakto niya. Ang gulo kasi ng conversation namin noh?


Lumapit ako sa kaniya at hinila ang kumot niya paalis sa mukha niya. “May problema ka noh?” Yung mukha niya kasi mukha ng taong may problema.


Hindi na naman siya sumagot at dumapa na lang ng higa.


Hinawakan ko ang balikat niya. “Ano bang problema mo? Nalulungkot ka ba kasi wala ng pasok? Out of stock ba yung librong gusto mong bilhin? May writer’s block ka ba kaya hindi ka makapagsulat? O nasunog yung cupcake na bini-bake mo kanina dahil natulala ka na naman?” Yun lang naman yung mga bagay na kinalulungkot niya, eh.
Umiling lang siya habang nakadapa pa rin.


“Eh ano?” Naalala ko yung mga sinabi niya kanina.


“Ang kumplikado.”


“Sana ako na lang.”


Tama kaya yung hinala ko? Kaya lang si Freya, poproblemahin ‘yon? Parang ang labo ata. Tumikhim muna ako. “Lovelife ba?”


At dahil hawak ko yung balikat niya, naramdaman kong parang nanigas siya. Pero hindi pa rin siya sumagot.


So tama nga ako! Himala! Napatili tuloy ako.


“Aaaah! Cabez! Luma-lovelife ka na ngayon?! Sino ‘yan? Taga sa’n? Sa school ba? Classmate mo? Schoolmate? Or taga dito sa La Catarina? Sino ‘yan? Bilis! Magkwento ka na!”


Matagal bago siya sumagot. Pero ang isinagot niya?


“Sa’n ka ngayong bakasyon?”




* * * * * * * *



Nandito ako ngayon sa grocery store na pag-aari namin na nandito sa palengke. This is where I’m gonna spend my three weeks vacation. Tutulungan ko si nanay dito kahit sapat na yung limang helper niya.


Two days lang akong nagpahinga sa bahay. At hulaan ninyo kung anong ginawa ko. Syempre, nagbasa, kumain, nagsulat, kumain, nag-online, kumain, nag-bake ng cupcakes, kumain, nanood at kumain.


Odiba? Halos puro kain na naman ang ginawa ko. Tapos na kasi akong magdiet ng halos wala pang isang buwan kaya bumalik na yung katawan ko sa pagiging chubby. Gano’n kabilis ang katawan kong makapagbawas ng timbang hindi katulad ng iba na inaabot pa ng ilang buwan.


“Phoebe, nag-uumpisa ka naman, ah!” madiing bulong sakin ng nanay ko na bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Yung pag-kain ko na naman ang tinutukoy niya.


“Gusto mo, Nay?” alok ko sa box ng cupcake na hawak ko. Bi-nake ko ‘yon kanina bago pumunta dito.


Tiningnan niya ko nang masama bago tingnan ang box ng cupcake. Kumuha ba siya? Oo naman. Masarap kaya kong mag-bake ng cupcake.


“Tumayo ka dyan at asikasuhin mo muna yung ibang costumer do’n bago ka lumamon dyan.” Iniwan na niya ko.


Si nanay talaga. Hindi alam ang salitang kain. Lagi na lang siyang lamon. Nilapag ko sa table yung box ng cupcake bago tumayo. Wala namang gagalaw no’n. Kaya lang, nakakailang hakbang pa lang ako nang balikan ko ‘yon. Baka ubusin ni nanay. Wahehe.


Bitbit ang box ng cupcake ay lumapit na ko sa isang costumer at tinanong ang bibilhin niya. Pagkatapos kong maibigay ang kailangan niya at magbayad siya, binigyan ko ng cupcake ang batang kasama niya.


“Phoebe, ano uli title nung kanta ng one direction na to-o-uch… you get this kind of ru-u-ush… baby, say yeah, yeah, yeah...?


Lumingon ako sa likuran ko. Yung isang helper na babae yung nagtanong. “Kiss You, Ate Nyhzel.”


“Ayun, thank you, Phoebe.”


“You’re welcome.” Humarap na uli ako sa isa pang costumer para lang...


“Miss.”


...mapatanga.


Kasi naman...


Ang gwapo niya. Sa paningin ko. Mukha pa siyang mabait. Saka ang mga mata niya. Kakaiba ang mga mata niya. Para bang kumikislap yun habang nakatingin sakin na parang…


“Miss.”


Napakurap ako. Naman! Nakakahiya! Mukha na pala kong tangang nakatingin sa kaniya! Napahawak tuloy ako sa box ng cupcake at inangat ‘yon para... “Cupcake o, gusto mo?”


Tiningnan niya ang box ng cupcake na inaalok ko. Matagal pa siyang nakatingin do’n bago niya ibinalik ang tingin sakin. And this time, parang may nagbago na...


“Ano namang gagawin ko dyan sa cupcake mo hah?”


* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^