CHAPTER 5
( ALELI’s POV )
Inabot ko sa professor namin ang exam
ko. Haay salamat. Natapos din ang hell days. Last day na ng exam ngayon at last
exam paper na yung pinasa ko sa teacher ko. Makakapag-relax na rin ako nito.
“Hello! Tapos na ang exam! Nasagutan ninyo ba o puro blangko lang?
Hahaha!”
Nagkagulo ang mga classmate ko nang
bigla na lang umalingaw-ngaw ang boses na ‘yon. Nagtayuan sila at
nagsipaglapitan sa bintana ng classroom namin. Pati ako hinila rin ng kaibigan
ko palapit sa bintana.
“Let me hear some noise people! We are the Rich Men band!”
Yun ang banda nila Richie. Nabuo ‘yon
a year ago ata. Mga classmate ko sila. Kaya pala wala sila dito dahil…
“May kakantahin akong especial na kanta na para rin sa isang espesyal na
babae!”
Nasilip ko sila. Nasa gitna sila ng
school ground.
“Para sa’yo ‘tong kanta, Aleli!” Tinuro pa ni Richie ang classroom namin. Inulan tuloy ako ng
tukso ng mga classmate ko. Hindi kasi lihim dito sa loob ng classroom maging sa
ibang section at year na may gusto siya sakin.
Umiling ako. “Wala siyang gusto sakin, okay.” Yun ang pakiramdam ko kahit iba
yung pinapakita ni Richie. Hindi dahil sa mataba siya at hindi siya kagwapuhan
kaya ayoko sa kaniya. Para kasing may mali, eh. Hindi ko lang mapin-point kung
anong mali sa nangyayari pero may pakiramdam akong mero’n.
“The name of this song is a song from my heart.”
Natigilan ako. Ang boses niya…
“♪♫ I
want to let you know that this song is written from what I have for you…♪♫”
“Ang ganda talaga ng boses ni Richie.” sabi ng
kaibigan ko.
Napangiti
na rin ako. “Oo nga.”
“Nakakagwapo noh?”
“Sira.” natatawang sabi ko. May mga natanaw akong estudyante na
nagsipaglabasan na ng mga classroom nila at pumunta sa school ground.
“♪♫
It might not be beautiful and great, but
I give it to you...♪♫”
Pati mga
classmate ko nagsipaglabasan na rin.
“Tara, Aleli!” Hinila na rin ako ng mga kaibigan ko.
“♪♫ Each
word might be meaningless, simple and worthless,
It might be just another song, but I have written it from my
heart…
Yeah,
yeah… ♪♫”
Nasa school
ground na kami. Infairness ang ganda ng song.
“♪♫
Represent the word love and missing you
Represent every impressive word in the world
I want you to understand that everything I have done is for
you
Because you are the special person
Because you are the only one in my heart
I
want you to listen to the song I have written for you…♪♫ ”
Hindi lang
‘yon. Yung lyrics ng kanta. Ang ganda ng sinasabi. Para sakin daw ‘to sabi ni
Richie? Sinulat niya ba ‘to para sakin? Hindi ko pa kasi naririnig yung kantang
‘to. Maging ang kaibigan ko, hindi rin nila alam. Ibig sabihin lang, siya nga
ang sumulat nito. Pero…
Siya nga ba
talaga?
Hindi naman
sa jinu-judge ko siya. Pero wala kasi sa mukha ni Richie na pwedeng… Haay ewan.
Napaka-judgemental ko naman. Pero kasi… Haay ewan uli.
“♪♫
I want you to listen until the end
Even though it won't make us together
I am
happy that my heart has nothing left to say…♪♫ ”
May
pagka-upbit yung chorus ng kanta kaya napapaindak tuloy ako maging ang mga
estudyanteng nasa paligid ko.
“♪♫
And this song is for you, only you
No matter which day it is
Everyday,
every minute you will be a song in my heart…♪♫ ”
Inenjoy ko
na lang yung kanta. Nag-eenjoy din naman yung mga kapwa ko estudyante kahit pa
tirik ang araw at mainit.
“♪♫
Even though we are far away
Distance
seems like an obstacle…♪♫ ”
Kaya lang
may napapansin ako kay Richie. Parang…
“♪♫ I
will sing this song to you…♪♫
”
Parang
nahihilo siya?
“♪♫ No
matter where you are…♪♫
”
Bigla na
lang siyang hinimatay!
“♪♫ I
want you to listen until the end…♪♫
”
Napahinto
tuloy kami sa pagsayaw at...
Teka lang!
“♪♫ Even
though it won't make us together...
♪♫ ”
Bakit
naririnig ko pa rin yung kanta kahit hindi na kumakanta si Richie? Ano ‘yon?
Nirecord niya lang yung kanta at nagli-lip sync lang siya kanina? Sira ulo
talaga.
“♪♫ I am
happy that my heart has nothing left to say…♪♫ ”
Hanggang sa
may mapansin ako. Yung wire.
“♪♫ And
this song is for you, only you…♪♫
”
Sinundan ko
kung sa’n nakakabit ‘yon.
“♪♫ No
matter which day it is…♪♫
”
Hanggang sa
makarating ako sa isang kwarto.
“♪♫ Everyday... ♪♫ ”
Binuksan ko
ang pintuan.
“♪♫ Every
minute you will be a song…♪♫
”
Nakita ko
siya. Holding a guitar with a headset on his head in front of a microphone. And
singing…
“♪♫…in
my heart ♪♫”
Eto na ba yung
nararamdaman kong mali?
Napatingin
siya sakin kaya napahinto rin siya sa pagkanta niya. Halatang nagulat siya na
makita ako.
I smiled at
him and said, “Hi.” Tuluyan na kong
pumasok sa loob. Hindi pa nga siya makatingin sakin ng deretso.
Lagi na
lang siyang ganyan. Kung hindi niya iiwas ang tingin niya ay tatalikuran niya
ko.
“Ba’t huminto ka? Hindi pa ko tapos magsayaw, ah.”
I started
to move my body. And dance. Akala ko hindi na siya kakanta at tutugtog at
hahayaan na lang akong sumayaw na parang baliw sa harap niya. Pero…
“♪♫ I
want you to listen until the end...
♪♫ ”
Napangiti
na lang ako. This guy…
“♪♫ Even
though it won't make us together…♪♫
”
He was
always there.
Kanino kaya galing ‘tong softdrinks na ‘to?
Hindi kaya… Sa kaniya?
“♪♫
I am happy that my heart has nothing
left to say... ♪♫ ”
I always
knew it.
“Oo naman. Gustong-gusto. Kung sino man ang nagbigay nito, thank you sa
kaniya. I really like it.”
“♪♫ And
this song is for you, only you…♪♫
”
He was
always protecting me silently.
“Hanggang dito na lang kayo.”
He was
always my savior.
“Sir, naiwan ko po yung assignment ko. Sorry po.”
“Out, Mr. Gomez.”
“Yes, Sir.”
He was just
there behind me without knowing that I knew it all along. He has his reason for
staying that way, I know. I heard about it. And I saw it, too.
Nang araw
na ‘yon na nalaman ko, nakasuot lang ang headset ko sa ulo ko pero wala akong
kantang pinapakinggan.
“Aray! Bakit ba?”
“Matunaw ‘yang tinitingnan mo!”
“Patunaw na nga, eh! Hahaha!”
“Hanggang tingin ka na lang ba talaga, ‘tol?”
“Hoy ‘tol! Matunaw!”
“Tol, yung ilong mo!”
“Dumudugo na naman! Hahaha!”
“Eh, pa’no nagtitigan sila!”
“♪♫ No
matter which day it is…♪♫
”
And I
really wanted him to know that I am thankful, for everything but I got no
response from him so I thought that maybe…
I was wrong
all along. That he was not that guy I thought he was. That he was not my secret
admirer. That they were right, it was Richie.
But not
until I saw him with his friends.
May nakita
ako sa notebook niya. Parang…
Picture ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako sa nakita ko pero simula ng araw na
‘yon, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Hindi ko na siya kinausap dahil
alam kong hindi naman niya ko sasagutin.
But hearing
him singing now.
Seeing him
smiling at me.
My heart
couldn’t help but to beat irregularly than usual. Maybe because I am dancing
right now… I don’t know.
“♪♫
Everyday, every minute you will be a
song in my heart…♪♫ ”
That last
four words. Tama ba ang hinala ko na hindi si Richie ang sumulat nito?
∞ ∞ ∞
Disclaimer: This
is a short story based on a music video. The characters and the plot are just
an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of
the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic
type is used if the line is from the lyrics of the song) No
copyright infringement intended!!!
Meanwhile, the whole script/dialog is from the
author's pure imagination.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^