Hindi nga ako nagkamali.
Naging tampulan pa ko ng tukso nila
Richie nang makita nila ang mga pasa ko sa mukha ko kinabukasan. Binugbog daw
ba ko ni Aleli dahil nahuli niya kong nakasunod sa kaniya kagabi. O di kaya
nagtapat na daw ba ko sa kaniya at ang suntok niya ang pinangsagot niya sakin.
Mga baliw talaga.
Sa loob ng classroom.
Wala pa ang teacher namin kaya mga busy ang mga classmate ko sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Sila Richie at mga kaibigan ko, nagja-jamming. Yung iba naman nagkukwentuhan. At ako...
Busy sa pagtingin sa nakatalikod na
si Aleli na busy sa pagdo-drawing niya habang may nakasuot na headset sa ulo
niya.
Hindi ko alam kung sini-swerte nga
lang ba ako dahil lagi akong napepwesto sa may likuran niya. Iba-iba kasi ang
seating arrangement namin sa bawat klase, eh.
At okay sakin ‘yon dahil hindi ko man
siya makaharap man lang, malaya ko namang natitingnan ang likuran niya. Wag
lang siyang haharap dahil siguradong—
“Aray!” Pa’no ba naman, pinindot ni Richie ang pasa sa gilid ng mata ko. Ang sakit kaya! “Bakit ba?”
“Matunaw ‘yang tinitingnan mo!”
“Patunaw na nga, eh! Hahaha!”
Nag-umpisa na naman silang apat. Pagdating talaga kay Aleli, lagi na lang nila akong pinagkakaisahan.
Napatingin tuloy ako kay Aleli na
nakatingin na pala samin. O mas tamang sabihing sakin. Nakatingin siya sakin!
Shit! Ang ganda talaga niya...
Buti na lang talaga at nakikinig ng
kanta si Aleli kundi siguradong mas nakakahiya pag narinig niya ang panunukso
nila Richie.
“Dumudugo na naman! Hahaha!”
Nakakahiya!
∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞
Nandito ako sa tambayan namin nila
Richie at nakahiga. Buti na lang at wala sila kaya malaya akong makakapag-isip-isip
ng tungkol sa kung anu-ano. Syempre, kasama na do’n si Aleli.
“Thank you sa ginawa mo kanina, hah. Ikaw tuloy yung napalabas ni Sir.”
Narinig ko kasing sinabi niya sa
kaibigan niya kanina na naiwan niya yung assignment niya ng ipapasa na namin
‘yon sa teacher namin. Ibang sketch pad yung nadala niya. Nasa likuran lang
niya ko no’n.
Pinalabas ako ng classroom at habang
may pasan akong mabigat na balde sa likuran ko ay pinaglakad ako ng naka-squat
sa hallway. Okay lang sakin. At least hindi siya yung nahirapan.
“Uy, thank you kako sa ginawa mo kanina.”
Hindi ako bingi. Naririnig kita pero
hindi ko talaga kayang humarap sa’yo. Baka makita mo na namang magdugo ang
ilong ko katulad nung nangyari nung nakaraang linggo. Nakakahiya talaga pag
naiisip ko ‘yon.
Nabigla na lang ako ng itulak niya ko
mula sa likuran ko.
“Baliw!”
Naglalakad na siya palayo sakin. “Kinausap niya ko.” Kaya…
Napangiti ako.
∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞
Napangiti ako. Ito ang unang kantang
ginawa ko. Sana lang magustuhan niya. Kahit man lang dito, maiparating ko ang
nararamdaman ko sa kaniya.
Kinabukasan…
“Richie, tapos ko na yung kanta para kay Aleli.”
“Talaga? Nasa’n?”
Binigyan ko siya ng copy. “Kabisaduhin mo ‘yan para makapag-practice na tayo. Ipaparinig ko sa’yo ngayon yung tono para madali lang sa’yong makabisado ‘yan.”
“Gustong-gusto mo na talagang maiparinig kay Aleli ‘yan noh? Don’t worry, kakabisaduhin ko bawat letra ng kanta mo para maging perfect yung performance ko. Teka lang, sigurado ka ba? Ayaw mo bang—”
“Oo. Galingan mo, ah.”
“Oo naman.” Tiningnan niya ang papel na hawak niya. “I want to let you know that this song is written from what I have for you. It might not be beautiful and great, but I give it to you…”
∞ ∞ ∞
Disclaimer: This
is a short story based on a music video. The characters and the plot are just
an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of
the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic
type is used if the line is from the lyrics of the song) No
copyright infringement intended!!!
Meanwhile, the whole script/dialog is from the
author's pure imagination.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^