Tuesday, October 27, 2015

A Song From My Heart (FTV) : Chapter 3

CHAPTER 3
( TROY’s POV )


Mabilis na lumipas ang mga buwan. At ang lihim kong pagtingin kay Aleli ay nanatili pa ring lihim. Nanatili pa rin akong taong nasa likuran niya na laging nakatago, nag-aalala at nagmamahal sa kaniya.


Oo. Ang simpleng pagkagusto sa kaniya ay lumalim na lang ng hindi ko namamalayan.


Kailan kaya mangyayaring makakaharap ko siya at masasabi kong mahal ko siya habang nakatingin ako sa mga mata niya? Malabo na sigurong mangyari ‘yon. Kaya nga kahit sa mga simpleng bagay na pwede kong magawa para sa kaniya, ginagawa ko ng hindi niya alam. Kuntento na kong makita ang ngiti at saya sa mukha niya pag may nagagawa ako para sa kaniya kahit pa sabihing hindi siya aware na ang simpleng katulad ko ang may gawa no’n.



Katulad ngayon, tinatapos ko yung regalo ko sa kaniya para sa birthday niya. At bukas na ‘yon.


At sana magustuhan niya...


Kinabukasan.


Hindi pumasok si Richie dahil may sakit siya. Kaya ang tatlo naming kaibigan ang inutusan kong ibigay kay Aleli ang regalo ko sa kaniya. Samantalang ako, nakatago lang malapit sa kanila habang nakasilip sa kanila.



“Happy birthday, Aleli! Para sa’yo.”


“Wow! Para talaga sakin ‘to?” Kinuha niya ang sapatos. “Thank you, ah. Kayo ba ang may gawa nito?”



“Hindi.”


“Hindi nga? Eh sino?”


“Sige. Kami na nga.”


Teka, ano daw? Sila ang may gawa? Teka lang—


“De joke lang. Galing ‘yan sa secret admirer mo.”


Nakahinga naman ako nang maluwag. Mga baliw talaga ‘tong mga ‘to.


“Secret admirer uli? Sino ba kasi ‘yon?”


“Kaya nga secret, eh. Bawal sabihin.”


“Ang daya naman. Kailan ko ba makikilala ‘yon?” tanong ni Aleli.


“Ewan.”


“Baka hindi na.” segunda pa ng isang kaibigan ko.


Nagtawanan pa sila. Napailing na lang ako.


“Nagustuhan mo ba, Aleli?”


“Costumized pa ‘yang sapatos na ‘yan.”


“Effort talaga dahil yung secret admirer mo ang nag-paint nyan.”


“Oo naman. Gustong-gusto. Kung sino man ang nagbigay nito, thank you sa kaniya. I really like it.”



Napangiti ako.


Mas lalo pa akong natuwa dahil nakikita kong suot niya ang sapatos na bigay ko. At nung minsang may program sa school at nag-intermission number ang dance group ng school namin kung sa’n kasali siya, yun rin ang suot niya.


Sino bang hindi matutuwa do’n?



∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞



“Tol, una na kami.”


“Sige lang. Ingat kayo.” Pinagpatuloy ko ang paggigitara ko.


“Galingan mo ang lihim mong panliligaw, ah.” Tinapik pa ni Richie ang balikat ko.


“Sira.”


Umalis na sila. Uwian na. At sa bawat minutong dumadaan, paunti na rin ng paunti ang mga estudyante sa paligid ko. Hanggang sa ako at ang mga nagsasayaw na lang sa school ground ang natira kung nasa’n si Aleli. May practice kasi ang dance group nila.


Mula sa pwesto ko, alam kong hindi naman nila ko mapapansin. Tahimik lang akong nanonood sa kanila ng hindi nila alam. Hanggang sa matapos sila. Hanggang sa mag-uwian sila. Hanggang sa lumabas sila ng school. At hanggang sa maghiwa-hiwalay na sila ng daan. Sa mga ‘yon ay lihim akong nakasunod. Mukha na nga akong stalker sa ginagawa ko pero kailangan ko ‘tong gawin. Para kay Aleli.


Walking distance lang kasi ang bahay nila mula sa school kaya lagi siyang naglalakad. Okay lang sana kung maaga pa at maliwanag. Hindi yung katulad nito na tuwing nagpa-practice sila ay lagi silang ginagabi ng uwi. Delikado ang daan pag gabi lalo na at babae pa siya.


Di ko na mabilang sa mga daliri ko sa kamay at paa kung ilang beses ko na ‘tong ginagawa sa kaniya na lihim siyang sinusundan pag umuuwi siya ng gabi para masiguradong safe siyang makakauwi. Patago-tago na lang ako sa mga poste o punong nakikita ko para hindi niya ko mahuli.


Hanggang sa...


“Hi, miss.”


“Wala ka atang kasama.”


“Ihatid ka na namin.”


May humarang na tatlong lalaki sa kaniya!


“Kaya kong umuwi nang mag-isa, kaya pwede ba padaanin ninyo ko.”


“Ang tapang mo, miss, ah.”



May nadampot akong bato sa paanan ko at ibinato sa mga lalaki para makuha ang atensyon nila.


“Teka! Ano ‘yon?”


“San galing ‘yon?”


Nakita kong tumakbo si Aleli palayo sa kanila. Susundan sana siya ng mga lalaki pero hinarang ko na sila.


“Hanggang dito na lang kayo.”


“Sino ka ba?”


“Pakialemero ka, hah!”


Hinagis ko sa kanila yung gamit na hawak ko.



Pagkatapos ay sinugod ako ng suntok ng isa. Natamaan ako. Gumanti rin ako. Hindi man halata pero tinuruan ako ng tatay kong lumaban para hindi daw ako maging lampa.


Hanggang sa makarinig kami ng pito. Nagtakbuhan ang tatlong lalaki. Tumakbo na rin ako. Pa’no ba naman natanaw kong kasama ng dalawang tanod si Aleli. Tumakbo ako at nagtago. Hindi pa ko pwedeng umuwi hangga’t hindi ko nasisiguradong makakauwi ng ligtas si Aleli. Nakakahiya naman kung makikita niya yung itsura ko ngayon.


Mula sa pinagtataguan ko, nakita ko siya kasama ng dalawang tanod.


“Mga kuya, okay na po ko dito.”


“Sigurado ka ba?”


“Opo. Baka po kasi magtaka pa yung magulang ko pag kasama ko kayo at malaman nilang muntik na kong mapahamak. Mag-aalala lang po kasi sila.”


“Sige. Ingat ka hah.”


“Opo. Thank you po uli.”


Naglakad na pabalik yung dalawang tanod. At ako? Ano pa nga ba? Edi lihim kong sinundan si Aleli hanggang sa makita ko siyang pumasok ng gate ng bahay nila.


Napa-aray ako ng wala sa loob na mahawakan ko ang gilid ng labi ko. Siguradong may pasa ‘to bukas pati ang gilid ng mata kong nasuntok rin.


“Okay lang. At least ligtas siya.”



∞ ∞ ∞


Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
 
 

Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^