CHAPTER 2
( TROY’s POV )
Hawak ko ang isang bulaklak habang
nakaharap ako kay Richie at sa tatlo naming kaibigan. Samantalang sila ay
nakatalikod sakin.
“Richie, ano bang gagawin natin?” tanong ko.
“Diba nahihiya kang humarap kay Aleli?”
“Oo.” Nahihiya
akong humarap kasi…
“Edi sasanayin natin ang sarili mong kaharap siya.”
“Hah? Pa’no?”
“Basta imaginin mo na kami si Aleli, ah.”
Humarap sila sakin. Napaderetso ako
ng tayo sa nakita ko. Napahigpit din ang pagkakahawak ko sa bulaklak na nasa
kamay ko. Kasi naman...
“Hi, Troy.”
“Pwede bang magpasama sa’yo?”
“Troy, paturo naman sa Math, pwede?”
“Troy…”
Nakasuot silang apat ng mascara na
mukha ni Aleli. Hindi lang ‘yon, umaarte sila na parang si Aleli. Inimagine ko
ngang siya ang nasa harap ko katulad nang sinabi ni Richie kanina pero...
Alam kong mascara lang ng mukha ni
Aleli ang nakikita kong nakangiti sakin kaya lang ang tibok ng puso ko ramdam
kong pabilis ng pabilis.
Napalunok ako. Naramdaman ko na lang
na may…
“Teka, tol! Ano ‘yan? Dumudugo yung ilong mo?!”
“Oo nga! Dumudugo nga yung ilong ni Troy!” Nagtawanan sila.
Napahawak ako sa ilong ko. I sighed.
Hindi na talaga mawawala ‘tong pagdudugo ng ilong ko kapag kaharap ko si Aleli.
Kahit pa sabihing hindi totoong si Aleli ang nasa harap ko ngayon at nakangiti
sakin, nagdugo pa rin. Inimagine ko pa kasi, eh.
Nilapitan ako nila Richie. Hindi lang
‘yon, tinukso pa nila ako habang suot nila ang maskarang mukha ni Aleli.
“Dumugo yung ilong mo dahil lang sa mukha ni Aleli?”
“Hindi lang pala sa english nagno-nosebleed ang tao, eh. Makita lang yung
mukha ng crush mo, magno-nosebleed ka na! Hahaha!”
“Si Troy lang ‘yon noh! Hahaha!”
“Hahaha! Troy, ako si Aleli. Tumingin ka naman sakin!”
“Ano bang ginagawa ninyo? Tigilan ninyo nga ko!”
“Sakin ka tumingin, Troy my labs!”
“I love you, Troy!”
∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞
“Ang bulaklak hindi tinititigan, may pinagbibigyan dapat niyan. Ayun o.
Si Aleli.”
Nandito kami sa hallway, sa may
paliko bago bumaba ng hagdan. Asa bandang dulo si Aleli kasama ng kaibigan
niya. “Hindi ko kayang humarap sa
kaniya.”
“Edi wag mong tingnan. Para sa’n pa yung mga prinactice natin?”
“Mga prinactice natin na halos maubusan na ko ng dugo dahil lagi akong
nagno-nosebleed. Nakakahiya naman sa kaniya kung makikita niya kong gano’n.” Napabuntong-hininga tuloy ako.
“Hay naku! Akin na nga ‘yan bago pa ‘yan malanta ng tuluyan.” Inagaw niya sakin ang bulaklak na
hawak ko.
“Anong gagawin mo?”
Hindi siya sumagot. Hinarang niya
yung estudyanteng lalaki na dumaan. “Uy!”
“Bakit, Richie?”
Kilala na si Richie dito sa school
dahil sa magandang boses niya...
“Ibigay mo ‘tong bulaklak kay Aleli. Sabihin mo galing sa secret admirer
niya. Ganito ang gawin mo.” Binulungan ni Richie ang lalaki.
“Anong binulong mo do’n?” tanong ko nang lumapit na sakin si Richie.
“Just wait and see.” ngiting-ngiting sabi niya.
Tiningnan ko ang ginawa ng lalaking
inutusan niya. Sa halip na siya ang magbigay kay Aleli ng bulaklak, pinaabot
niya ‘yon sa isang babae.
“Mas sweet yung ganyan ‘tol.” sabi ni Richie. “Yung
sa ilang tao muna dadaan yung ipapabigay mo hanggang sa makarating na ‘yon sa
taong pagbibigyan mo. Another way para ipagsigawan mo sa maraming tao na gusto
mo siya.”
Sweet nga. Pero mas sweet sana kung
alam niyang sakin ‘yon nanggaling at hindi sa simpleng secret admirer lang.
Pero bakit ba ko magpapakademand pa kung mismong harapin nga lang siya hindi ko
na magawa.
Nakarating na kay Aleli ang bulaklak.
“Aleli, para sa’yo.”
“Sakin? Kanino galing?”
Di naman sila gano’n kalayo samin
kaya naririnig ko ang pag-uusap nila.
“Sa secret admirer mo.”
Napangiti ako nang makita ko ang
ngiti sa mukha niya. Hanggang sa...
“Hala!”
“Ngek! Ba’t naputol ‘yan?”
Nalaglag sa sahig yung bulaklak at
ang naiwan na lang na hawak ni Aleli ay yung stem at mga dahon!
“Ewan ko. Kanino kaya galing ‘to?”
Bago pa siya mapatingin sa gawi ko ay
nakapagtago na ko, maging si Richie ay nagtago din. Napahawak ako sa batok ko. “Ano ba naman ‘yan?” Bumaba na ko ng
hagdan na nasa kaliwa ko. Mabilis namang sumunod sakin si Richie. Natatawa pa
siya.
“Masyado atang naparami yung taong humawak do’n sa bulaklak kaya tuluyang
nalagas.” Tinapik
niya ang balikat ko. “Next time kasi,
‘tol, bouquet na ang ibigay mo sa kaniya hindi yung bulaklak na napitas mo lang
dyan sa garden ng school natin.”
“Okay.” I
sighed.
“Wag kang mag-alala, ‘tol. Marami pa kong nakaimbak na damoves dito.”
“Ang dapat ata, mag-imbak ako ng maraming bulak para sa ilong ko.”
∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞
“Sa’n ka galing, ‘tol?” tanong sakin ni Richie.
“Sa canteen lang. May binili.” Nandito kami sa gym.
“Akin ba ‘yang isa?”
“Para kay—”
Kinuha niya ang isang plastic ng
softdrinks na hawak ko. “Thank you, ah.”
Ininom na niya ‘yon. “Oh, ba’t ayaw mo
pang inumin ‘yan?”
“Hindi para sakin ‘to.” Tiningnan ko si Aleli na nakatayo sa gitna ng gym at may
sinasabi sa mga ka-groupmates niya. Siya kasi yung leader ng group nila. “Para sa kaniya ‘to. Baka kasi nauuhaw na
siya. Kaya lang...”
“Kaya lang hindi mo naman maibigay sa kaniya. Akong bahala.” May kung anong sinulat siya sa papel.
Kinuha niya sakin ang softdrinks na hawak ko at dinikit sa plastic no’n ang
papel na may nakasulat na ‘from your secret admirer’.
May inutusan uli siyang lalaki. At
dating gawi, ilang tao ang dinaanan ng softdrinks bago ‘yon nakarating kay
Aleli. Mga tatlo lang naman para daw I love you ika ni Richie.
Itinaas ni Aleli ang plastic ng
softdrinks. “Sinong nagbigay nito?” tanong
niya sa mga ka-group niya. Walang sumagot sa kanila.
Akala ko itatapon niya o kaya
ipapamigay niya sa iba yung softdrinks pero napangiti na lang ako nang inumin
niya ‘yon. Humarap siya sa gawi namin ni Richie. At tumingin.
“Richie nakatingin siya dito!” natatarantang bulong ko.
Pasimple namang humarang si Richie sa
harapan ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailan kaya ako maglalakas-loob na
harapin siya kahit pa makita niyang magdugo ang ilong ko sa harapan niya?
“Nakaalis na siya.” sabi ni Richie. “Hanggang kailan
ka niya magiging secret admirer, ‘tol? Di naman pwedeng habang buhay kang
ganyan. Tuloy, ako ‘tong napagkakamalan nilang may gusto kay Aleli. Hindi naman
sa ayaw ko sa kaniya kaya lang sa’yo na siya, eh. Maganda si Aleli. Mabait.
Matalino. Talented. Marami ngang nagkakagusto sa kaniya dito sa school natin.
Pa’no pag naunahan ka nila?”
“Hindi ko naman gustong magustuhan niya rin ako, Richie. Gusto ko lang
malaman niya. Kaya lang…”
“Torpe ka na nga, nagno-nosebleed ka pa pag kaharap siya.” Hinimas niya ang baba niya na. “May naisip ako. Bakit hindi mo idaan sa
kanta yung nararamdaman mo sa kaniya?”
“Sa kanta?”
“Oo, ‘tol. Gumawa ka ng kanta para sa kaniya. Tapos…” Ngumisi siya.
“Tapos ano?”
“Tapos ako ang kakanta para sa’yo. Siguradong pag narinig niya ang boses
ko, sasagutin ka no’n!”
Tumawa siya. Natawa na rin tuloy ako.
∞ ∞ ∞
Disclaimer: This
is a short story based on a music video. The characters and the plot are just
an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of
the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic
type is used if the line is from the lyrics of the song) No
copyright infringement intended!!!
Meanwhile, the whole script/dialog is from the
author's pure imagination.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^