Tuesday, October 27, 2015

A Song From My Heart (FTV) : Chapter 1

CHAPTER 1
( TROY’s POV )


“One night for a single person,
You were recently dumped
Let’s get some fun, explore life,


Go listen to pop, rock or— Hep! Huminto nga muna kayo!” sigaw ni Richie na nasa harap ng mic at hawak ang gitara niya.


I stopped strumming my guitar. Gano’n din ang mga kasama ko sa mga instruments na hawak nila.


“Ano ba naman ‘yan?! Pangatlong practice na natin ‘to ba’t mali-mali pa rin? Magfocus nga kayo! Nakakahiya kung magkakamali pa tayo sa mismong oras na tutugtog tayo!” naiinis na sabi niya sa mga kasama ko. Binaling niya ang tingin sakin. “Ikaw din, Troy! Ayusin mo din!”



Tumango-tango lang ako. Sanay na ko pag ganitong nasa dragon mode si Richie. Hindi ako natatakot. Ang comedy kasi ng dating niya. Kulang na lang may lumabas na usok sa tenga at ilong niya. Para siyang matabang dragon.



Ilang buwan pa lang simula nang maging parte ako ng barkada niya. Transferry student kasi ako kaya wala akong matatawag na mga kaibigan dito. Nakita nila akong tumutugtog ng gitara at kumakanta. Hinikayat nila akong sumali sa binubuo nilang banda. Yun nga lang may twist…



∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞



Mula sa kinatatayuan ko, hindi ko inalis ang tingin kay Richie na nasa gitna ng school ground habang may hawak na gitara. May katabi siyang babaeng pinopormahan niya. Iyan si Richie. Hindi man kagwapuhan at may katabaan, lumalakas naman ang dating dahil sa boses niyang nagpapakilig sa mga babae.



“Para sa’yo.” May inabot na bulaklak si Richie sa babae. “Para sa’yo din ‘tong kantang ‘to.”


Napangiti ako sa narinig ko. Lumingon pa siya sa tatlong kaibigan namin na malapit lang sakin at sumigaw ng, “Wala bang cheer dyan mga tropa?”


Nagsigawan naman ang tatlo at chineer pa siya. Mula sa kinatatayuan ko, I strummed my guitar at sinabayan si Richie sa pagkanta.


“Because my heart still believes
That you are my love…”



Napadako ang tingin ko sa kabilang side ng school ground. I saw her…


“I need love
And the only one is for you…”



I saw her dancing just like the first time I laid my eyes on her…



- F L A S H  B A C K –


First day of class.


Kasama ko ang isang professor para samahan ako sa klase ko at para maipakilala na rin sa magiging classmate at ka-block ko. Transferry student ako at second year college na.


Naglalakad kami sa hallway nang makuha nang pansin ko ang ilang babaeng nagsasayaw di kalayuan sa tapat ng isang classroom. May isang babaeng umagaw ng pansin ko. Hindi ko alam kung ano’ng mero’n sa kaniya at hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Siguro dahil sa kakaibang sayang nakikita ko sa mukha niya habang nagsasayaw siya…


“Miss Guzman and friends, pumasok na kayo sa loob.”


Saka lang ako napakurap. Nasa harap na pala kami ng mga babaeng nagsasayaw na parang kanina lang tinatanaw ko pa. At ngayon abot kamay ko na lang siya…


“Yes, Sir.” She said, and then looked at me. “Hi!” And then she smiled.


Pumasok na sila sa loob ng classroom. At ako? May naramdaman akong mainit sa pakiramdam. Napahawak ako sa ilong ko. “Sir, saglit lang po. Pupunta lang po ako ng cr.” Nagmamadaling umalis ako.


- E N D  O F  F L A S H  B A C K -



I was smiling while strumming when…



“Hoy, ‘tol! Ano bang nangyari sa’yo? Anong pinagkakakanta mo dyan? Pati tuloy ako naguluhan sa’yo! Hindi naman natin prinactice ‘yon, ah! Love song dapat, hindi party song!”



Napalingon ako kay Richie na nasa tabi ko na. Hindi ko namalayang nagbago ang kantang kinakanta ko kanina habang nakatingin ako sa babaeng umagaw ng pansin ko. Unconsciously, nasabayan ko pala ang pagsasayaw niya. Gustong-gusto ko lang talaga ang nakikita kong ngiti at saya sa mukha niya sa tuwing sumasayaw siya. She loves dancing. And I love seeing her dancing.


“Kainis ka naman! Iniwan tuloy ako ng pinopormahan ko! Ano bang nangyari sa’yo hah?”


Binalik ko ang tingin kay…



“Aha! Kaya naman pala nawala ka. Si Aleli na naman. Talagang gusto mo siya noh?”



Tama siya. Gusto ko si Aleli. Si Aleli na classmate din namin. Siya lang ang unang babaeng nagustuhan ko.



“Gusto mo ba siyang pormahan? Edi gamitin mo ‘yang galing mo sa paggigitara. Kaya lang pa’no mo naman gagawin ‘yon kung hiyang-hiya kang humarap sa kaniya?”



Tama uli siya. May nangyayari kasi sakin kapag nakakaharap ko siya. Kaya nga kahit gustong-gusto ko siyang lapitan o kausapin man lang para itanong kung anong oras na, kung may assignment na siya o kahit na anong simpleng tanong ay hindi ko magawa dahil hindi ko nga kayang humarap sa kaniya.



“Don’t worry, tol. Dahil tinutulungan mo ko, tutulungan rin kita.”



“Talaga?”


“Oo naman. Kaya be ready, tol.”



∞ ∞ ∞






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^