Monday, July 6, 2015

Crimson Night: Chapter 8



CHAPTER EIGHT
(SAVANNAH BLACKSHIRE)
Hindi parin inaalis ang tingin sa lupa habang naglalakad. Parang gusto ko sampalin ang mukha ko. Ba’t ko hinayaan na magpadala sa emosyon ko sa harap niya? Ah baka kung anong isipin nang lalaking ito! Tahimik lang kami na naglalakad patungo sa isang maliit na restaurant dito sa loob ng amusement park dahil nagugutom na daw si Blake.
Nang makarating na kami doon ay doon kami sa indoor pumunta at umupo sa bakanteng mesa. Lumapit sa amin ang waiter para ibigay ang menu sa amin.
Tinuon ko ang tingin sa menu pero paminsan-minsan ay nagagawa ang tingin ko sa kanya. “Alam ko na mas gwapo pa ako ni Adonis pero kung patingin-tingin ka lang diyan at hindi pumipili nang kakainin mo baka isipin ko na iba ang gusto mo.” Biglang sabi niya sa akin without taking his eyes off in the menu.
Napahiya na binalik ko ang tingin sa menu. Kahit na napakayabang niya ay hindi ko maiwasan na mahiya! Napansin pala niya na tinignan ko siya!
Pero para takpan an pagkapahiya ko ay umismid ako. “As if naman may gusto pa akong iba kesa sa pagkain. Tsk! Nakapili na ako ng orderin `no! at since ikaw rin naman ang nagyaya sa akin na kumain ay libre mo ito.”
Inalis niya ang tingin sa menu at tinatamad na bumaling sa akin. “As if I would let my date pay her own food.”
Ano daw, date?! “Anong date ka diyan? I don’t consider this a date! Kaya lang naman tayo dito para maghanap ng clue kung saan dinala iyong anak ko.”
“Pareho lang iyon.” Winawasiwas ang kamay na sabi niya. Kaasar talaga. Magsasalita pa sana ako kaso nga lang lumapit ang waiter para kunin ang order namin.
“May I take your order now, ma’am and sir?”
“Fresh orange juice and braised broccoli with orange and parmesan sa akin.” Sabi ko sa kanya.
“Mine’s crock pot garlic brown sugar chicken with rice.”
“How about drink sir?”
“Just water.” Nang umalis na ang waiter ay bumaling sa akin. “Iyon lang ang in-order mo?”
Humalukipkip muna ako bago magsalita. “It’s not like I could eat meat. Isa pa iyon lang ata ang masarap dito eh.”
“Oh really? Vegetarian ka?”
“Ay hindi. Carnivorous lang akong tao.” I said in sarcastic tone. Napatikwas ang kilay ko na hindi maipinta ang hitsura. “Huwag mo sabihin na hindi ka mahilig sa gulay?”
“Hindi masiyado.”
Hindi na lang ako nagkomento. Nang dumating na ang order namin ay tahimik lang kami na kumakain. Duh, para naman gusto ko makipag-usap sa lalaking ito na walang ginawa sa buhay kundi kamalasan. Hindi nga din mahilig sa gulay kaya MAJOR TURN OFF.
Malayo talaga sa expectation ko kung ano siya noon. Mabuti na lang hindi nagmana sa kanya si Devon at Dedra.
Kasalukuyan na kumakain kami nang tumunog ang cellphone niya kaya agad na sinagot iyon. “Yes, dad? Yep. Kasama ko siya ngayon, bakit? Oh okay, I’ll ask her about it.”
“Anong kailangan ng papa mo?” I ask him, obvious naman na ako iyong tinutukoy niya.
“Gusto lang niya itanong kung may dala ka bang picture nang anak mo.”
I rolled my eyes. “Oo meron.” Inilabas ko ang cellphone ko tas in-open iyong gallery at saka ko ipinakita ko sa kanya ang picture.  Pero mabilis ko lang pinakita iyon at binalik sa bulsa.
Nagkasalubong ang kilay niya na tumingin sa akin. “Hindi ko gaano nakita ang hitsura nila.”
“Of course. As if naman ipapakita ko sa iyo an cute kong anghel. Kung ang papa mo ang gusto makakita nito then siya lang ang bibigyan ko ng permiso nang matingnan ang picture na ito nang matagalan.”
“Hindi ba’t napaka-unfair niyon?”
“Haha. Kapag ikaw ay hindi iyon unfair.”
Tinusok ko ang broccoli tas kinagatan iyon bago magsalita. “Walang unfair dito. Ako ang may-ari nitong picture kaya mayroon akong karapatan kung sino pagbibigyan. Pasalamat ka nga pinakita ko sa`yo ang picture nila kahit tatlong segundo lang eh.”
“You sure are a cocky woman.”
“Ikaw lang iyon.”
Matiim na tinitigan niya ako na bila akong napalunok, muntik na nga akong mabulunan mabuti na lang may juice ako dito kaya ininom ko. Kung makatitig naman siya parang kakainin ako ng buo. Madumi ba ako sa mukha? Wala naman ah.
Oh siguro galit siya dahil sa sinabi ko kanina? Ewan.
Umisod ako patalikod tas tumayo. “Pupunta lang ako sa rest room.” Hindi siya nagsalita kaya naman nagmadali ako na tumalikod at dumeretso sa rest room. Nanghilamos lang ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay nag-iinit iyon that I need to splash of cold water para mawala. “Tsk. Tiisin mo lang ito, Savannah, kapag makuha mo na ang kailangan mo ay aalis ka na.” Sabi ko sa sarili ko, bahagya pang tinapik-tapik ng mahina ang pisngi ko. Napatigil lang ako sa ginagawa ng may pumasok, nakasuot ito na itim na damit. I really don’t like it dahil naalala ko tuloy iyong hinayupak na Jackson.
Tumabi ito sa akin para tingnan an sariling repleksyon kaya umisod ako. As if naman malaki ang space `no, di naman.
“What a mess.” She muttered pero rinig na rinig ko iyon. “Assigning me to take this bitch again irk me so much.”
Tumaas iyong kilay ko, pakiramdam ko kasi ay ako iyong tinutukoy pero imposible naman `no? Ngayon ko lang…er…now that I think about it pamilyar sa akin ang boses niya. Nagkibit balikat na lang ako at umalis na doon. Hindi pa nga ako nakakalayo sa rest room ay bigla na lang hinaklit iyong braso ko.
Matalim na tiningnan ko siya. Ano kaya ang problema ng babaeng ito sa akin?
“May kailangan ka, miss?” Wala talagang modo ang babaeng ito! Kailangan ba talagang gawin haklitin ako para kausapin o kausap ba talaga ang tinutukoy niya?
“Of course, Ms. Blackshire. Ang kailangan ko ay ikaw, wag mong sabihin na hindi mo na-recognize ang boses na ito? Now mukha ko lang ang binago ko pero ang boses ko ay hindi dahil napaka-hassle na magdala ng voice changer.”
Matiim na tiningnan ko siya hen rumehistro sa isipan ko si Solenn. “Ikaw!”
Ngumisi siya. “The one and only.”
“Ibalik mo ang anak ko! Saan na sila ha?!”
“Nasa malayong lugar na kahit ikaw ay hindi mo ata malalaman kung saan sila.”
Akmang sasabunutan ko siya kaso nga lang kagaya ng dati ay nanigas ang buong katawan ko tas automatic na umayos ako ng pagkatayo . Napalunok ako. “Ano bang kailangan mo ha?!”
“Now now, ganyan ba talaga ang trato mo sa isang tao na magdadala sa`yo sa anak mo?”
Namilog ang mata ko.
“Oo, Ms. Blackshire, dadalhin kita sa anak mo, makikita mo sila.” Parang gusto niyang punitin iyong nakakalokong ngisi niya. “Dapat magpasalamat ka kay Dr. Zic na nagkaroon siya ng interest sa`yo kaya makikita mo ang anak mo.”
“A-anong ibig mong sabihin? Sinong Dr. Zic?”
“Zarek Mcaa. Iyon lang ang pwede mo munang malaman tungkol sa kanya. Hindi na rin siguro ako magtaka kung magkaroon siya ng interest sa`yo. You might also the same as your daughters imposible naman siguro na magkakaroon sila ng magic di ba?”
“Wala akong magic! Wala rin akong alam diyan!” Totoo iyon.
“Whatever. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa`yo pero baka isama ka niya sa eksperimento niya.”
“Fuck you! As I ko hahayaan iyon! Ibalik mo na ang anak ko!” Tinaasan ko ang boses ko para may makarinig sa akin. Gusto ko magwala pero `di ko magawa dahil nasa ilalim parin ako ng magic niya.
“Shut up! Napaka—agh!” Bigla na lang siya lumipad at tumama sa pader. Napakaluhod siya na ngayon nang makagalaw ako.
“Hey, are you okay?”
Dumalo sa akin si Blake.
Nanghihina na napatango ako tsaka ko tinuro si Solenn. “Siya iyong kumidnap ng anak na…er…ko.”
“Ack! Damn it. So hindi lang pala sila an…ah…matutuwa si Dr. Zic sa ibabalita ko!” Pilit na tumayo siya ng tuwid, muntik na nga itong matumba kung hindi lang napahawak sa pader.
“As if I would let you escape from us.” Blake said, masama na nakatingin dito.
“Oh try me, boy. Sinopresa mo lang ako sa ginawa mo pero sisiguruhin ko sa`yon a hindi na mauulit iyon. Papatunayan k okay Dr. Zic na hindi ako palpak!”
“Blake, wag mo siyang patayin, alam niya kung saan sina Devon at Dedra.” Sabi ko.
Nagpakawala siya ng marahas na hangin. “Simula na nagpakita ka sa akin ay wala ka ng dala sa akin kundi problema. Fine. I’ll do what you said.” Sinuklay niya ang mga daliri sa buhok niya na paran pan model talaga ang dating sa paningin ko. Sa gilid ng mata ko nakita ko si Solenn na bumalik sa kanyang totoong anyo pero sandali lang iyon dahil parang may kakaiba na nangyayari sa katawan nito. “Tsk, malas talaga. Hindi maganda dito na makipaglaban lalo na may mga tao dito.”
Isang kisap mata ay nasa isang lugar kami na hindi ko alam kung saan na, tanging nakikita ko lang sa paligid ang mga malalaking puno. Nang akmang tatayo ako ay umuntog lang ang ulo ko sa kung anong bagay.
“Stay where you are.” Lumayo sa akin si Blake at hinarap si Solenn.
“Oh…so marunong ka palang gumamit ng ganito. Teleportation. Kagaya ni Dr. Zic.”
“Hindi sana ako pumapatol sa mga babae pero dahil may kinuha kayo sa babaeng iyan na kailangan ibalik ay daanin ko na lang sa pwersahan dahil mukhang hindi ka talaga madala sa pakiusap lang.” He jerked his head para ituro ako. “And you’re no witch as far as I recall hindi kami gumagamit ng mababang uri na salamangka na makapanakit sa isang tao.”
“Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo pero ito ang nakakasiguro ako sa`yo, dito ka mamatay. Too bad, type pa naman kita.” Bigla sumugod si Solenn para atakehin ito, mas lalong bumilis ang kilos nito.
“Hindi kita type.” Nakaiwas naman si Blake sa atake. Parang sasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Bakit ba kailangan mangyari ito sa amin?
Bumaon ang kamao ni Solenn sa lupa, parang wala lang nito yun. Napapito lang si Blake. Anak ng tipaklong talaga ang lalaking ito! Ba’t napaka-kampante niya? “Weak mo naman pala eh.” Puno ng kompyansa sa sarili.
“Ipapakita ko sa`yo kung sino ang mahina!” Parang nagkakaron ng malaking bukol sa likod niya na para bang may kung anong bagay na nagpumilit na lumabas. Tumili ito na parang bang nasasaktan. Nahumindik ako habang nakatanaw sa kanya. It was as if she was suffering an excruciating pain. Gusto ko alisin ang tingin doon pero di ko magawa, napunit iyong damit niya sa likod at kumawala sa malaking bukol and kung anong bagay na tila tentacles na pula. Kasing pula ng dugo na may ugat pa na nandoon. “Haha! Kitams? I am no weak! I am not a failure! Si Jackson lang naman ang palpak! Ha ha ha!” Her face was as if twisted by sanity. Her skin became paler than before.
Hindi ko kaya makita ang nakakahindik na hitsura niya kaya napatakip ako sa mukha. Takot ako sa multo at mas lalo akong takot sa isang kagaya ni Solenn na naging halimaw! Para lang itong napapanood ko sa tv!
Napatili ako ng may narinig akon pagsabog pero wala akong balak alamin kung ano ang nangyayari. Para akong eng-eng dito pero anong magagawa ko? Totoo ito eh! Hindi siya fiction character na pwede mo lang tawanan.
“Pity. Hindi ka na mukhang babae kundi halimaw. Tuluyan ng nilukob ng kadiliman iyang pag-iisip mo. Bibigyan kita ng chance, sabihin mo sa amin kung saan mo dinala ang mga bata?”
“Ha! Wala kang makukuhang impormasyon kung saan kinaruunan nila pero heto ang sasabihin ko sa`yo. Sooner or later they will die in the hands of that old fart.”
“Hindi iyan totoo! Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka lang!” Sigaw ko, inalis ang palad ko sa mukha at nanlilisik na tiningan ito, the place was all mess now. Putol ang mga puno, may malaking butas sa lupa na nasa harap ko. Napaatras ako ng lumingon ito sa akin.
“Totoo iyon. Siguro nagsisimula na sila ngayon. Magdasal ka na lang na hindi siya maging palpak dahil kung hindi ay baka e-despatsa din sila kagaya ng inawa ni Dr. Zic sa mga kasamahan namin noon at sa mga bata na dinukot din namin haha!” Bigla humaba iyong tentacles sa likod niya tas mabilis na dumeretso iyon patungo sa akin pero hindi ito nagtagumpay sa binabalak sa akin dahil may kung anong invisible wall na nakapalibot sa akin na nagsilbing shield ko.
Beni duyuyor, bana bu kadın benim büyüsüne olacaktır.
Narinig kong bumigkas nang kung ano si Blake pero di ko maintindihan. “Now you’re under my spell, saan mo dinala ang mga bata?”
“Kagaya ng sinabi ko wala—nasa 2nd branch sila ngayon nang lavýrinthos mageia organization, matatagpuan iyon sa palawan, Puerto princesa underground river. Nandoon ang headquarters namin. Pero imposible na makapasok kayo dahil napakahigpit ng security doon.” Nanlaki ang mga mata niya na napalingon kay Blake na kampante lang na nakaupo sa malaking bato.
“Like I said, you don’t stand a chance. Nakakatamad talaga mag-chant ng ganoon klaseng spell pero wala akong choice na gamitin ito. Nandoon lang pala ang HQ niyo ha?”
“No! Pa—“
“Now for the final part.” May kinuha ito sa bulsa na isang itim na papel. Lumutang iyon patungo kay Solenn at dumikit sa noo.
“Ano—Agh!” Blink of an eye ay hinigop ang babae doon.
Nakangiti pa si Blake na lumapit sa akin na para bang wala lang sa kanya iyon. “Since tapos naman tayo ay pwede na siguro tayong umuwi.”
“P-pero… ang babaeng iyon…”

Sumeryoso ang hitsura ni Blake. “I didn’t kill her, I only give her doze for her own medicine dahil sa ginawa niya. Mananatiling makakulong ang babaeng iyon sa papel for the rest of her life pero hindi ko na kasalanan kung mamatay siya kung may pupunit sa kanya dito.” Nakahinga ako ng maluwag. Siguro nga tama ang decision ko na lumapit dito. Wala akong panama kung sakali makaharap ako sa kagaya ni Solenn. “Let’s go.”

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^