Monday, July 6, 2015

Crimson Night: Chapter 7



CHAPTER SEVEN
(SAVANNAH BLACKSHIRE)
MAHINA na umalis ako sa pakaangkas sa motocycle niya tas tinanggal ang helmet sa ulo. “Thanks.” I muttered. “Pwede mo na ba ibalik ang kotse ko?”
Napansin ko na nakatitig siya sa bahay ko. Parang nakiramdam. Now what? Hindi siya umimik kaya naman ay tinapik ko ang balika niya para bumaling ang attention ni Blake sa akin. At nung lumingon siya sa akin ay itinirik ko ang mata ko. “Wala atang tao sa loob and here I thought may asawa ka.” Casual niyang sabi habang sinisipat na naman ang bahay ko.
Kinuyom ko ang kamao ko. Relax ka lang Savannah.
“Wala siya ngayon dito. May business trip siya kaya wala siya dito for one week or more.”
“Really? Hindi ba niya alam na na kidnap na ang anak niya?”
Sarap sabihin. Alam na nang ama nila tungkol dito pero wala siyang kaalam na kaalam na sa kanya pala iyon. Yeah right. As if gagawin ko iyon. “Ayokong mag-alala siya kaya inilihim ko na lang ito. Pero sana naman ay bilisan niya na hanapin ang anak ko habang tumatagal kasi ay hindi na ako mapakali baka kung ano na ang ginawa nila sa anak ko. SO anyway, ibalik mo na sa akin ang kotse dahil kailanganin ko na 'yon bukas kapag pumasok ako.”
Pumitik siya at bigla na lang nasa garage iyon kotse ko. Bumaling uli ako sa kanya. “Pwede ka na umalis.”
“For someone like you, hindi ka talaga nagugulat sa ginagawa ko.”
 “Sanay na ako.” I blurt it out. Me and my bigmouth but oh well, who cares?  Hindi naman siya nakahalata kaya nakahinga ako ng maluwag. “Good bye.” Iyon lang at tinalikuran ko siya, nang pumasok na ako sa bahay ay sinara ko na iyong pinto, nakita ko parin siya na nakatayo sa harap ng bahay. Hindi ko na lang inintindi iyon tsaka ko sinara ang pinto.
ANG PLANO KO sanang mag-resign ay hindi natuloy dahil napag-isipan ko na mas madali ko malapitan si Blake at ang ama nito. Kakapasok ko lang sa office nang mapansin ko na ang lahat ng gamit kong cubicle ay wala na. Saan na nanggaling iyon?
Pinagtitinginan na din ako ng mga kapwa ko empleyado dito. Lumapit sa akin si Mrs. Santos, supervisor namin. “Oh nandito ka pa pala?”
“Ano pong ibig sabihin nito? Bakit wala po ang gamit ko sa cubicle?”
“Didn’t anyone tell you na tanggal ka na sa trabaho?” Parang puputok ang ulo ko. Wala na akong trabaho, bakit?
“Bakit po?”
“I don’t know. Sinabi lang iyon kanina nang marketing of director.”
Mas lalo akong mapamaang. Sorry na ha? Baguhan lang ako dito kaya hindi ko alam kung sino iyon. “Sino naman po siya?”
“Hindi mo siya kilala?!” Gulat na tanong niya sa akin, umiling na lang ako.
“Hindi po.”
“Nakung bata ka, ilang araw ka na ba dito and still you don’t know him? Siya lan—“
“Blake Cervantes. Tandaan mo iyan, Ms. Savannah Blackshire.” Sabi nang baritonong boses. That voice! Nang lumingon ko ay tumambad sa paningin ko ang gwapong mukha ni Blake.
“Sir!” Sinenyasan ni Blake si Mrs. Santos na pwede na siya umalis.
“Anong ibig sabihin nito, Sir Blake?” Diniinan ko ang huling sinabi ko. “May nagawa po ba akong mali kaya tinanggalan mo ako ng trabaho? O dahil sa nangyari kagabi dahil alam ko ang sekreto ninyo mag-ama?” Mahinang sabi ko para kami lang dalawa ang makarinig.
“This is your punishment dahil nagsinungaling ka.”
“Ano?!”
“You heard me. You lied to me at sa papa ko. Sinabi mo na may asawa ka na but when I check your biodata ay nakalagay doon na single ka. A single mother to be exact.”
Humalukipkip ako. “Eh ano ngayon?” Huwag ka padadala Savannah! “Hindi parin iyon katarungan na alisin ako sa trabaho dahil sa pagkakaalam ko maganda ang performance ko.”
“Sabi nga ng kasamahan mo dito.” Sang-ayon niya.
“Why the heck am I fired then?!”
“Bakit ba galit ka? I thought you are planning to resign from this job o baka naman may magagalit?”
“Hindi ba pwede magbago ng isip? And to answer your last question WALA! Gee! Baka naman pagtataguan ninyo ako!”
“Relax, hindi namin gagawin iyon…” Napatigil si Blake sa pagsasalita nang may nakita siya sa likod ko. Bigla niya ako hinawakan sa kamay tas hinila patungo sa elevator.
“Ano—“
“Hindi maganda mag-usap doon kaya dito na lang sa elevator.” Mabilis naman sumara ang pinto ng elevator. Now we’re alone inside in this small room, hindi ako mapakali. “Like I was saying back then, hindi ka matatrabaho doon but rather working directly to me as secretary.”
“No! No! Ayoko!”
“It’s not like you have a choice. You want to save your daughter then you have to bear with me.” Nanlulumo na sumuko na lang ako. He was right, it’s not like I have a choice.
Ayoko naman madagdagan ang hinala niya kaya pumayag na lang ako. “Fine.”
“Good. Magsisimula na tayo.” Isang kisap mata ay nasa labas na kami, dito sa parking lot. Katabi na namin iyong big bike niya.
Tumaas iyong kilay ko. “Magsisimula?”
“Yep.”
“Eh bakit sa labas?”
“Magsisimula tayo hanapin ang nawawala mong anak. Seriously, hindi parin ako makapaniwala na may anak ka. With that body of yours?” Pinasadahan niya ang katawan ko tas napapailing. I wasn’t planning to say a word about what he said but the jerk had been staring at my boobs kaya naman tinaas ko ang kamay ko. I flick my fingers in front of his face.
“Hey, eyes here.” Turo ko sa mukha ko. Agad naman siya nagtaas then he suddenly smirk at me. Agh! What a jerk! “Hindi uobra iyang ngiti mo sa akin.”
“Hindi nga ba?” Masama na tiningnan ko ito. “Fine. Fine. Titigil na. Umangkas ka na. Saan ba nga lugar na-kidnap sila? Baka may mahanap tayong clue.”
“Sa amusement park.” Sumakay na siya sa bigbike niya at ako naman ay umangkas sa likuran.
~*~
Nang makarating na kami sa amusement park ay tinuro ko sa kanya kung saan huli ko nakita si Solenn na tangay ang anak ko. Lumapit si Blake sa malaking puno kung saan pumasok doon si Solenn noon. Nakakunot ang noo niya na hinawakan ang matayog na puno.
“There’s still a essence of magic left here. Pero kakaiba ang majika na ginamit ng taong iyon. Parang hindi kagaya sa amin pero hindi ito lagusan papunta sa kung saan ito patungo. Siniguro talaga ng taong iyon na hindi sila masusunduan.”
“Ibig sabihin, walang pag-asa na matunton natin sila diyan?”
“Sadly...”
Kinuyom ang kamao ko na tinalikuran ko siya at naglakad palayo sa kanya.
“Hey saan ka pupunta?”
“Magpapakamatay dahil wala naman palang pag-asa!” Wala sa sarili na sabi ko sa kanya. Bigla niya hinablot ang braso ko at marahas na pinihit paharap sa kanya. Seryoso na tiningnan niya ako 
“Hindi ko naman sinabi na walang pag-asa na mahanap sila. Hindi kadali na mahanap ang kinaruunan nila. I think it takes days or so, kumilos din naman iyong papa ko na mahanap din sila. Kaya mahintay ka lang.”
Bigla na lang ako napaiyak kasi naman. Miss na miss ko na iyong anak ko! Sigurado ako na umiiyak na ang dalawa dahil wala ako sa tabi nila. Thinking about them ay mas lalo akong umiyak. Sa pagkagulat ko ay hinila ako ni Blake at niyakap.
Thump!
(BLAKE CERVANTES)
Fuck. Bakit ko ba ito ginagawa? It’s not like me but when I see her crying, it was as if I want to punch those bastard who made her cry. And the way I hold her in my arms, feels right. Parang…parang pamilyar din sa akin lalo na ang scent niya.
I scoff before I slight shook my head. What was I thinking? It’s not like me!
Hinayaan ko na lang na ganoon ang position namin. Magkayakap. Ilang segundo lang ay bigla umihip ng malakas na hangin na tila nagpapahiwatig. Parang hindi ko nagugustuhan ang nangyayari. Ipinilig ko uli ang ulo ko. Mali. Baka nagkataon lang na umihip ang hangin na iyon.
Gusto ko pa enjoyin ang pagiging binata kaya imposible ang gustong pinapahiwatig ng hangin na iyon!
A brief second, ang imahe niya ang sumagi sa isipan ko. She was wearing a white pajama, mas bata pa siya tingnan iyon.

Now why am I seeing her in my mind? 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^