Monday, July 6, 2015

Crimson Night: Chapter 6



CHAPTER SIX
(SAVANNAH BLACKSHIRE)
Gabi na ako lumabas sa building, nag-overtime kasi ako para magtagal, hindi ko pa gusto umuwi sa dahilan wala naman naghihintay sa akin sa bahay. I was already use to their present kaya kapag nandoon ako sa bahay at mag-isa lang ay mapapaiyak na lang ako. “Ang tagal mo naman lumabas.” Nagulat na lang ako nang makita ko si Blake na nasa parking lot, nakaupo pa sa itim niyang big bike motorcycle.
“Bakit nandito ka parin?” Nakapagtaka naman eh kanina lang ay hindi niya ako gusto tas iniisip pa niyang sinungaling ako? 
“Para ihatid kita?”
“Why?” Napantasikuhan na tanong ko, I wasn’t so sure if he really mean it or maybe he has a hidden agenda and if there is what is it? “Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa atin tas ipaalam nila sa fiancee mo?”
“We just broke up.” Cool na cool na sabi niya.
“Pakialam ko?” Teka, dahil ba yun sa akin? Hindi naman siguro. Hindi naman ako nanggugulo sa kanilang relasyon `di ba? So, how come they broke up? Hindi na lang ako nagtanong sa dahilan dahil kahit na magic pa siya ay imposible naman na malaman niya na may anak kami. Dinaanan ko na lang siya at naglakad palapit sa kotse ko. Parang wala lang sa kanya na naghiwalay sila. Kunsabagay sa ganyan ba naman ugali ay madali lang niya palitan ang kahit sino man babae na walang pakialam.
Hindi pa nga ako nakalapit sa kotse ay bigla na lang siya lumitaw sa harap ko, yumuko siya kunti para magkalapit ang mukha namin. Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. “I was only answering your question, woman.”
Hindi ako makasagot kasi naman ang lapit ng mukha niya! Kaya ang ginawa ko na lang ay palingon-lingon ako sa paligid na tila ikinabahala na baka may nakakita ba sa kanya kanina. I stop when I heard him chuckle. Inis na bumaling ako sa kanya. “Oh ngayon? Pwede bang lumayo ka sa akin? Kausapin mo lang ako kung may lead na kayo kung saan ang anak ko.”
“Bakit ba ang suplada mo?”
“Eh bakit lapit ka ng lapit?”
“Bakit masama ba?”
“Oo. And for your information, hindi ako suplada. Ayoko lang kasi na makausap ang isang kagaya mo!”
“FYI hindi ako ang unang lumapit sa`yo kundi ikaw.”
Napanganga ako. Hindi talaga magpapatalo ang mokong! “I don’t have a choice! Kailangan ko ng tulong `no! Think of it as compensation sa ginawa mo sa akin noon!”
Iyan na naman?” Parang wala lang sa kanya yun kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Inis dahil hindi sa akto niya kundi inis na hindi niya maalala yun at parang wala pakialam. Okay, sure, nagalit ako noon at nalungkot dahil sa nangyari sa akin pero hindi ko ikakaila na may naramdaman ako sa kanya noon! He made me special na tila ako lang yung babae na gusto niya makasama pero ano? Wala siyang matandaan na nagkita na kami dahil sa lintik na sexsomnia na iyan! Pero pinalis ko na din yung naramdaman ko.
Huminga ako ng malalim tas sinalubong ang titig niya. “Oo iyon na naman dahil sa`yo ay nasira yung normal kong buhay.” Mapait kong sinabi ko. Yung hitsura na niya parang nababagot ay nawala at naging blanko. Kung ano man iyang iniisip niya ay wala na akong pakialam. “Now if you’ll excuse me. Uuwi na ako.” Akmang lalagpasan ko uli siya pero pinigil niya ako.
“Teka.”
“Now what?”
“I’m sorry.” Naglaho yung pagiging arrogante niya at napalitan na tila guilty sa ginawa niya. Pero baka guni-guni ko lang yun dahil pagod na din naman ako sa trabaho. Wala kasi sa character niya na mag-sorry lang eh.
“Eh ano pa ang magagawa ko sa sorry mo? Nandito na eh.”
“Bakit parang wala na ito sa`yo?”
Tumikwas ang kilay ko sa sinabi niya. Iniisip niya na wala lang sa akin ito? Tsk! “Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, Blake, unless may power kayo na baguhin ang nakaraan?” Umiling siya.
“Walang ganoon klaseng powers. Kahit meron ay pinagbabawal iyon.”
“Okay. Ngayon pwede na ba akong umalis?”
“No.”
“Eh ano ba kasi ang gusto mo?”
“Ihahatid na kita.”
“No need dahil kotse ako. Isa pa, ayokong mai—“ Bigla naglaho ang kotse ko na parang bula, namilog ang mata ko na hinarap ko si Blake.
“I told you ihahatid na kita. I don’t take no for an answer. At kung kotse mo naman ang inaalala mo ay ibabalik ko na lang iyon kapag naihatid na kita.”
“Why?”
“Bakit ba madami kang tanong?”
“Dahil napaka-arrogante mong tao tas bigla ka na lang maging mabait?”
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-ikot ng mata niya na tila ba napipikon na siya. “Madami akong gustong malaman sa`yo tungkol sa nangyari five years ago.”
Ah, iyon pala.
(JACKSON)
“Wala sa usapan natin na kidnap-in ang anak niya!” Asik ko sa kanya habang naglalakad sa pasilyo patungo sa lab kung saan nilagay ang kambal.  Hindi ako galit dahil nag-alala ako sa bata kundi dahil masiyadong padalos-dalos si Solenn sa mission namin kahit na pwede naman hindi magmadali. Pwede naman namin kumbinsihin ang ina na ibigay na lang ang anak niya lalo pwede naman e-bribe namin iyon kung sakali lang naman.
“It’s not a big deal wether we kidnap them or not. Iisa parin ang resulta. Besides, kailangan na ng boss natin nang bagong bata.”
“Huwag mo ako isali dahil ikaw lang ang kumidnap.”
Itinirik niya ang kanyang mata. “Heto na naman tayo sa pagiging mabait mo. Bakit ba sumali ka pa dito?” Hindi ko siya sinagot. I have my reasons kaya hindi ko umalis sa sindikato na ito. Isang baliw na scientist ang boss namin, hindi ko alam ang history kung pano nagkaroon ng magic o kung pano niya natuklasan iyon. Nagsimula na ito na kumidnap ng mga bata bago pa kami naging tauhan niya. Dr. Zic could genetical modify the body ng mga ordinaryong bata. Kagaya namin ni Solenn, naging parte kami ng kababuyan ni Dr. Zic. Tinrato niya kami na tila laruan lang, madami din sa kasamahan namin na namatay dahil sa mga palpak na ekperimento niya. Magpasalamat daw kami sa kanya dahil hindi niya kami dinispatsa na kagaya ng iba pang kasamahan namin.
And the rest ay confidential na. Tanging mga pinagkatiwalaan lang niya ang mayroon madaming information. Ang pinagkatakhan ko bakit mayroon ng magic ang dalawang bata na iyon. Hindi naman sila sumailalim sa eksperimento ni Dr. Zic. Dumating na din kami sa lab at n’ong pumasok na kami sa loob ay sumalubong sa amin ang napakasakit sa tainga ng iyak nang kambal.
“Waah! Momma!”
“Waa! I wanna go home!”
“Brats.” Mahinang sabi ni Solenn. Nilapitan niya ang dalawa, yumuko at nakahanda na ang ngiti niya sa dalawa. “Oh bakit kayo umiiyak? Akala ko ba like niyo ang lugar na ito?”
“No!” Sabay na sagot ng dalawa. “We hate you! We want to go home!”
“Now look, brats! I don’t care kung gusto ninyong umuwi pero dito lang kayong dalawa! Ha! Akala ba ninyo nag-alala ang mommy ninyo sa inyong dalawa? Sakit lang kayo sa ulo para sa kanya, hindi na kayo kukunin ng ina ninyo!”
“Solenn, stop it.” Awat ko sa kanya, pero dahil maiksi talaga ang pasensya niya sa bata ay baka kung anong magawa niya sa mga bata at hindi iyon magugustuhan ng boss namin.
“Shut up, jack!”
“Hindi magugustuhan ni Dr. Zic ang gagawin mo kapag saktan mo ang mahalagang subject niya.”
“Waah!”
“Wanna go home!” Tumakbo silang dalawa sa likod ng hita ko, bigla tuloy ako nakaramdam ng kislot sa dibdib pero agad ko inalis iyon. Nagbaba ako ng tingin at sumalubong sa akin ang dalawang pares na bilog na mata nila. Padabog na na-walk out si Solenn at naiwan ako kasama ang dalawa.
Ish it truee—“
“—na hindish kamish bahbalikhan ni momma?”
Hindi ako sumagot, lumayo ako sa kanilang dalawa at naglakad patungo sa malaking computer. Inihanda ang dalawang capsule kung saan sila ilalagay. Mabilis na nagtipa ako sa keyboard pero napatigil ako nang tumambad sa paningin ko ang mukha ng isa, hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang nagngalan devon at dedra. “You’resh sho rudesh!”
“Hindi ako nakipag-usap sa mga kagaya ninyo na baby talk, Devon.”
Nanghaba ang nguso nilang niya. “Am notsh devon. Me, Dedra.”
“Mesh Devon!” Napasulyap ako sa isa na lumulutang din sa ere. Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy sa ginagawa. Subalit napakakulit ng dalawa dahil daldal sila nang daldal!
Isang oras din sila nangungulit sa akin hangang sa 'di napansin ko na nakatulog na dalawa sa sahig. Siguro tumalab na din iyong sleeping pills na hinalo sa pagkain nila bago pa kami ni Solenn makarating dito. Ang tagal tumalab ng pampatulog na iyon. I flick my fingers, lumutang silang dalawa, kusang bumukas iyong capsule na nasa kabilang bahagi ng kwartong ito. Puno na iyon ng asul na tubig, bago ko pa sila ilagay sa loob ng capsule ay kinabit ko na sa kanilang mukha ang Quattro Air CPAP Mask para makahinga sila sa tubig. Hindi iyon ordinaryong tubig lamang dahil hinaluan iyon ng isang drugs na ginawa ni Dr. Zic. Kasunod niyon ang electrodes, dinikit ko iyon sa sintido, braso, paa at dibdib nila para e-monitor kung anong nangyayari sa condition ng kanilang katawan.
I was in the middle of my work when someone’s enter the lab. Hindi ko iyon pinansin dahil baka si Solenn na iyon at nagpalamig lang. “So ito pala ang tinutukoy ni Solenn na mga bata na meron tinataglay na kapangyarihan. They are still young but this could be work it out.” Hindi naman ito ang una namin kumidnap ng mga gifted na bata, pero napaka-rare nila matunton kaya mostly na kinikidnap namin ay mga ordinaryong bata.
Bila nanigas ang buong katawan ko. It was him. Nilingon ko siya, puti na ang buhok, mukhang nasa mid-thirties lang pero ang totoo niyan ay lagpas sa edad na 70 ito. Hindi ko alam kung pano niya nagawang bumata uli pero wala akong pakialam ang tanging nais ko lang malaman ay bakit nandito siya?
Hindi inaalis nito ang mata sa dalawa na ngayon ay nasa loob na ng capsule.
“Hindi ba’t nasa london ka—“

“Shut up! Wag kang magsalita kong hindi ko sinasabi.” Kinuyom ko na lang ang kamao ko. “But since you manage to captured one of their kind ay palalampasin ko ito kahit na isa ka lang sa mga palpak kong eksperimento ko. Anyway, gusto ko malaman ang buong report niyo tungkol sa mga bata na ito.” I don’t have a choice but to tell him the whole story, nang malaman niya iyon ay tinaas ni Dr. Zic ang kamay at hinihimas ang baba na trademark niya kapag may malalim siyang iniisip. Ngumiti siya na nakakaloko tila may binabalak na masama. 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^