Sunday, May 10, 2015

SCREAM (ONE SHOT)








SCREAM!!!


"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo Chamel? Sa La Trinidad Medical ka talaga mag-iintern? Di ka ba natatakot dun? Balita na marami ang nagpaparamdam dun, dahil nung panahon daw ng mga hapon isa yung lugar na yun ang naging tapunan ng mga pinapapatay nila." Mahabang litanya ni Charm


"Nagpapaniwala ka sa mga ganiyan Charm! Tinatakot lang nila sarili nila, at tigilan mo yang mga panonood mo ng mga horror napaparanoid ka tuloy." Sabi ko naman.

Isa akong nursing student at kinakailangan ko nang mag-OJT dahil graduating na rin ako. Sa La Trinidad Medical ko napili dahil bukod sa malaki ang hospital na yun, for sure marami ako matututunan sa lugar na iyon. Sikat din kasi, pili nga lang ang nakakapasok na intern dun at swerte ako dahil sampu kaming na-interview pero ako lang ang nakapasok. Hindi ko palalagpasin ang oportunidad na ibinigay sa akin. Medyo na takot ako sa sinabi ng kapatid kong si Chamel, oh by the way kambal kami. Marami nga talaga ang nagkwento sa mga classmate ko na may nagpaparamdam dun sa gabi. Minsan daw ay may umiiyak dun at tila humihingi ng tulong. Hindi naman mawawala yun dahil kahit saan namang ospital merong mga ganun kwento, kaya imbes na ispin ko ang mga nagpaparamdam na yun mas importante sa 'kin ang intern para maka graduate na ako at matulungan ang parents namin.

"Bahala ka dyan basta 'wag kang tatawag tawag sa 'kin pag may nakita ka dyan." Asar pa niya. "Ano nga ulit oras duty mo dun?" Tanong niya.

"11pm-5am" Sagot ko naman habang kumakain ng pop corn. Napasigaw ako dahil sa palabas, bigla kasi lumabas yung mukha ni Sadaku sa screen ng TV habang gumagapang pa siya. Tawa naman nang tawa si Charm. "Hindi lang ganiyan na sigaw ang mararanasan mo pag nasa sitwasyon ka na" Pang-aasar pa talaga niya.

"Leche ka! Aakyat na ako para makapag pahinga, di ako makikinig sa mga pinagsasabi mo." Hinagis ko sa mukha niya yung unan na pinatakip ko sa mata ko.

"Ahooooo" Sigaw pa niya. Tinakpan ko naman ang tenga ko.

*****

Kinabukasan 9pm pa lang nagready na ako sa pagpasok sa unang duty ko sa La Trinidad. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang biglang pumasok si Charm sa kwarto namin. "Basta pag may nagparamdam sayo dun, sabihan mo ako o kaya pag may nakita ka dun makipag selfie ka ha." Ang sarap talagang murahin nitong kapatid ko na 'to. "Mag-aalaga ako ng pasyente di ako mag-go-gost hunting." Inirapan ko lang siya.

Nakarating na ako sa ospital. Nakatayo ako pa rin ako sa labas, gusto ko na atang magback out, lakas naman kasi ng mga pinagsasabi ni Charm, tumaas ang balahibo ko. Shet!

Hindi ako papatalo sa mga mult na yan! Pumasok na ako at hinanap si Ms. Cecil siya yung head nurse at siya ang mag-a-assign sa 'kin kung saan niya ako ipupwesto.

"Good evening po." Magalang kong sabi.

"Hi Chamel, ngayon linggo dito ka muna namin ipupwesto sa information para di ka mabigla." Mabigla ba sa mga nagpaparamdam? Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko.

Tumango lang ako sa pagsang-ayon. Naiwan na akong mag-isa sa information, nag-aayos ako ng mga files ng mga pasyente nang biglang may dumaan, parang may hinahanap siya kasi palinga linga siya.

Lumabas ako sa information para habulin siya. "Miss! Saan ang punta ninyo?" Nang kakalabitin ko na siya bigla siya lumingon. Kahidik hidik! Mahaba ang buhok niya, ngayon ko lang napansin na nakaputi siya at nakalutang sa ere. At ang mukha niya nawawala pero ang lapit lapit niya sa mukha ko. Hindi ako makasigaw bigla parang may nakabara sa lalamunan ko kaya naman tumakbo ako sa kawalan. Napadpad ako sa CR. Ito na ba yung sinasabi ni Charm at ng mga classmates ko sa 'kin na hindi magandang mag-OJT sa ospital na 'to?

Pumasok ako sa cubicle. Ngunit hindi pala ganun kadali ang magiging kaganapan ko dun. Sa labas may nakamahabang saya at nakalutang ang kaniyang paa. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Sinudan ako ng babaeng 'yon. Pero mas pinalakihan ko ng mata ang dugo na umaagos sa kaniyang paanan na nagmumula sa kayang katawa. Gusto ko na sanang lumabas na kahit takot ako tatakbuhan ko na lang palabas ng ospital.

Ang mas pinaka nakakagimbal sa lahat ay ang paghahanap ko ng matatakbuhan napatingala ako at doon ko nakita ang putol at duguang mukha nung babae na hinabol ko at ngayon na nasa labas, wala ang kaniyang mata at tumutulo din ang dugo niya sa kaniyang bibig.

Umaagos ang dugo sa buong cubicle. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumigaw ako nang sobrang lakas.

"HOY Chamel! Gumisng ka nga!" Yugyog ni Charm. Isang panaginip. Isang nakakagimbal na panaginip

2 comments:

  1. Habang binabasa ko 'to. Gumawa ng sariling twist ang utak ko. Ang multo ay si Charm. Pero sayang panaginip lang pala!

    ReplyDelete
  2. ako din parang sarap dugtungan ng resolution hehe kinabahan na ko sa peak nung takot e hehe

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^