Friday, April 10, 2015

I Love You Mr. Womanizer 2

Author's Note



Una sa lahat, hindi ito sequel ng ILYMR. Womanizer, hindi rin ito part two o kung anuman. Ito pa rin yung kwento, para dun sa mga nakabasa ng kwento na 'to, inayos ko yung istorya. May mga nabago na scene (pero I make sure na halos same pa rin ito nung una.) Mas naging mukha na talaga 'tong nobela di tulad noon na puro commercial, author's note. Puro mga kung ano-ano na hindi necessary para sa isang totoong nobela.
Nung sinulat ko ang kwento na ito punong puno ng emosyon ang istorya na ito. Bakit? Kasi kwento ko 'to. Hindi dahil sa ako ang nagsulat, kundi ako talaga si Michelle Fernandez sa kwento. Ako yung gagang babae na nagpaloko sa manlolokong lalaki! Habang sinusulat ko yun, lahat ng emosyon naramdaman ko. Tuwa, lungkot, pait, sakit, galit. Kaya pakiramdam ko hindi naging maganda ang kinalabasan nung sinulat ko. Pero hindi rin naman lahat talaga ng nakasulat dun ay yun ang eksatong nangyari, syempre may mga bagay pa rin na itinago ko! HAHA. Yung mga iba inbento ko na lang. Ganun dapat ang writer, imbentor. Binura ko 'to sa wattpad bakit? Kasi ang sakit sakit pala. Ang bigat sa pakiramdam na balikan lahat ng mga alaala na dapat nang kinakalimutan. Ang hirap gawin yung kwento kung puro pait, puro sakit tapos hindi ka na masaya sa ginagawa mo. Pero ngayon, binabalik ko yung nobela, bakit ulit? Kasi MALAYA na ako. Malaya na ako sa sakit, malaya na ako lungkot, malaya na ako sa galit na naramdman ko noon. Ang hirap nung process pero, ganun pala yun no? Mas masarap sa pakiramdam pag nakawala ka na dun sa mga negatibong nararamdaman mo. Kaya napag desisyonan ko na ibalik, kasi mahal ko 'tong nobela ko na 'to. Ito ang kauna-unahan kong istorya na napublish online. Marami ang natuwa sa istorya na ito kaya gusto ko na ibigay sa mga readers ko yung masayang istorya, walang pait.
Ang kwenrto ay hindi iikot sa emosyon ko, kundi sa emosyon mga karakter sa nobela. Si Michelle Fernandez ay hindi na ako, siya na ngayon ang karakter sa istoryang ito. Ipopokus ko lang ang istorya na ito kay Michelle Fernandez at Juan Rafael, hindi sa akin :) Sana sumportahan niyo pa rin 'to ! Maraming Salamat -- Mae.

PS: To Ate Aegyo papalitan ko na Pen Name ko!! Last na ituuu! it will JULIANNA LOIS ♥



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^