Friday, April 10, 2015

I Love You Mr. Womanizer 2: Chapter 1




    Michelle Fernandez
Sabi nila ang tao daw pag nagmamahal ay nagiging tanga, sino ba ang hindi nakakaranas nun diba? Kahit ang pinakamatalinong tao nga, nagiging bobo pag dating sa pag-ibig. Pero kung tayo man ay nasaktan, dapat marunong tayong bumangon, hindi yung nadapa ka na nga isusubsob mo pa yung sarili mo. Aba matinde! Wala pang award sa pagiging martyr nyivera.
Ika pa nga nila ang pag-ibig daw parang tetris battle sa facebook, yun kapag naglaro ka at natalo dobleng dagok ang ibibigay sayo. Natalo ka na nga nag-rarank down ka pa. Minsan nga nirererereject pa yung invitation mo. Masakit lang yung pakiramdam na binabalewala ka ng taong halos gawin mong mundo.
Minsan mahirap nang paniwalaan ang hiwaga ng pag-ibig, minsan kasi kung sino pa yung seryoso sa pagmamahal sila pa yung nabibigo. Ang unfair nga eh, parang pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Minahal mo na nga ng sobra ikaw pa yung sasaktan ng sobra. Siguro din sa pagmamadali natin na hanapin yung taong nakalaan satin napupunta tayo dun sa taong hindi talaga para satin. May mga ibinibigay ka sa taong gusto mo pero hindi pala nagiging sapat para sa kanila. Darating yung panahon na tayo na mismo yung susuko, tayo na yung mawawalan ng gana dahil sa paulit ulit na sakit na nararamdaman mo. Pag nagmahal tayo, kailangan mas mahalin natin yung sarili natin para kung masasaktan tayo masakit lang hindi masakit na masakit.
Bakit nga ba may ganito ako kalalim na hugot? Saan nanggagaling yung mga pinagdaraanan ko? Isang kaganapan na hindi ko malilimutan. Yung akala ko na pag-ibig na natagpuan ko ay pangmatagalan na, yung akala kong pag-ibig na nakapagbago sa isang tao, pero mukhang hindi pala. Nagkamali pala ako sa pag-aakala na kaya kong baguhin ang isang tao dahil sa pagmamahal.
*FLASHBACK*
“Michelle Fernandez”
 Tawag sakin ng professor ko sa Career Planning.
“Yes po ma’am?”
“So, what will be your plan 5 years from now?”
“Nakikita ko ang sarili ko 5 years from now.. Ma’am siguradong graduate na ako nun, at nakapasa na rin ako sa board exam. Tapos magmamasters na ako”
Very Good answer Miss Fernandez, sana wag mo kami makalimutan pag naging principal ka na.”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ma’am Pilar. Isang akong education student sa St. Jude University. 3nd year na ako. Nung una hindi ko gusto ang kurso ko, sila Mama kasi ang nagdecide nito para sa'kin. Ang gusto ko talaga maging reporter at journalist o kaya naman mag psychology.  Pero habang tumatagal nakakalabas kami sa eskelahan at nakakapag observe sa mga school unti-unti kong minamahal ang propesyon ko.
Pagkatapos ng kalse bumili ako sa canteen nang pwedeng kainin para sa 30mins break. Nang pabalik na ako sa room.
 “Mitch, may gusto daw manligaw sayo.” Bungad sakin ni Abbie pagpasok niya ng room, naghaharutan pa sila nila Aisha sa hallway kakatapos lang kasi Biology class namin at ayan ang nadulot sa kanila.
“Wow ha? kakapasok lang ng sem, baka gusto niyo muna akong pagpahingahin sa stress na nadulot ng 1st sem? Sabi ko sakanila. Ligaw pa gusto nila, hindi naman ako pumasok sa ekwelahan para lang maghanap ng ibo-boyfrend.
“Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh, kasi naman binuburo mo yung sarili mo dyan sa pagiging single mo”
Nakakaloko yung tawa. Wala bang pwedeng manligaw sakin? Hindi man ako maganda, cute naman ako. Sabi ng Nanay ko.
“Oo Mitch, may manliligaw sayo. Pero hindi ngayon. Hahanap muna siya magandang tyempo.” Sabat naman ni Kristel habang kumakain naman ng sandwich
“Grabe Kristel isa ka pa, naki-ayon sa kalokohan niyang si Abbie.”
"Eh kasi nga totoo yung sinasabi ko." Sabat naman ni Abbie.
Napagtripan na naman ako ng mga kaibigan kong ‘to palibhasa minsan lang akong mapikon sa kanila.
Makalipas ang ilang araw, nakalimutan ko na yung usapan na yun dahil sa hindi na rin napag-uusapan at bukod dun, hindi naman talaga ako interesado. Hanggang isang araw sa huling klase namin may nagpadala ng hindi kaaya ayang mensahe.
(VIBRATE.. TEXT MESSAGE)
" ang landi mo Mich."
"mangaagaw ka"
"p*kp*k ka"
"pati ba naman classmate natin lalandiin mo pa"
"akala mo santa ka, e santa santita ka naman"
150message na puro yan lang ang laman, hindi ko alam kung saan nanggaling yung pagbibintang nung taong yan, pero teka lang sa pagkakaalam ko wala pa akong inaagaw sa kahit na sino. At yung sinabi niyang p*kp*k daw ako, Saang bar niya ako nakita para sabihin yun? Mahina pa naman loob ko pagdating sa mga ganiyan, napaiyak ako sa sobrang sama ng loob. Sinabi ko yun sa mga kaibigan ko. At kaniya kaniya na silang suspetya kung sino ang nagtext sa aking ng mga ganung messeges.
“Sa tingin ko si Eunice yan” Sabin ni Abi.
Si Eunice yung classmate naming na kala mo siga lagi sa room. Well malalaman niyo na hindi lahat ng kumukuha ng education program eh edukada, minsan may sungay din sila. Pero hindi kami kasali dun, kung baga black sheep siya.
“Huh?? si Eunice?? bakit naman niya ako padadalhan ng ganung messages, hindi ko naman siya inaano at hindi kami close.” Takang tanong ko sa kaniya. Nasa may tent kami sa may parang park sa school, nakatambay.
“Naalala mo ba yung sinasabi ko sayo na may gustong manligaw sayo?” si Abbie.
“Oh, ano naman ang kinalaman niya dun? Syota niya ba yung tinutukoy mo?” Nakakainis, magrereto na lang ‘tong mga ‘to may sabit pa.
“Hindi, pero Ex niya yun” Sabi ni Kristel. Nakangiti pa.
Nagulat ako sa sinabi niya, dahil isa lang naman yung kilala kong sinasabing Ex niya eh. At lumaki talaga ang mata ko sa nalaman ko.
“Ano???? Sira ulo talaga kayo. Ano bang mga kalokohan niyo kasi ayan tuloy kung ano-ano mga pinagsasabi sakin”.
Yun palang sinasabi ni Abbie na "gusto daw" manilgaw sakin ay si Uno, o Juan Rafael. Siya lang naman yung maraming naging Ex sa room naming actually hindi naman siya education, nasa business course siya may mga ilang subject lang siya na classmate naming siya. Magulo kasi yung school namin hindi blockmates ang tawag. Pero ewan ko ba, hindi ko talaga yun gusto, ang messy niya tignan minsan tska parang di katiwa-tiwala yung mukha eh. Pero may angulo na gwapo siya, pero hindi yun basehan para may mang-away sakin.
“Hello, wala na naman sila nun. Three days nga lang sila tumagal akala mo naman kung sino siya makapagsabi ng mang-aagaw. Ganun di naman ginawa niya kay Sarah no.” Sabi naman ni Kristel.
Yung sinabi naman niyang Sarah yun yung isa pa niyang ex-girlfriend, diba, medyo may pagkapalingkero din yung isang yun. Hay nkau di ko malaman kung ano ba ang gusto ng mga kababaihan sa lalaki yun.
“Alam niyo hindi ko alam kung tunay ko kayong kaibigan eh. May girlfriend na pala yung tao inaasar niyo pa sakin?”
“Ang kulit mo sabi nang hiwalay na sila nun. Tska mabait yun, at niloloko ka lang namin nasa sainyo na rin naman yun kung totohanin niyo no.
Naku Mich wag kang naniniwala dyan sa mga kaibigan mo baka mamaya imbes na makita mo si Mr. Right tumagilid ang buhay mo. Kausap ko na lang sa sarili ko.
Kinabukasan maaga kaming pumasok sa room para magreview ng quiz namin
“Alam mo girl, ang arte mo” dumating si Eunice at nilapitan niya si Jaime na classmate namin na walang kamalay malay sa nangyayari.
“Huh? ako ba kausap mo??.” Takang tanong tuloy niya.
“Oo, ang landi mo kasi ee. Feeling mo ang ganda mo.” Tuloy lang siya sa pagpparinig akala niya hindi naming alam na ako yung gusto niyang paringgan. Nakaupo kasi kami sa dulo at kita naman na sakin siya nakatingin habang sinasabi niya yun kay Jaime.
Minsan ang tao talaga di malaman ang gusto eh, kung talagang sila bakit kaya siya nanggagalaiti ng galit sakin? Ako ba lumapit sa Ex-boyfriend niya? At correction “Ex-boyfriend” ibig sabihin break na sila.
“Huh?? Ano ba ginawa ko sayo.” Nakakunot na noo ni Jaime, buti na lang di siya pikon.
“Wag ka kasing magmaganda.” Sabay irap sakin at lumabas ulit ng room.
Siguro kung matapang tapang lang ako nung mga oras nay un dinukot ko mata niya eh.   

“Alam niyo sumusobra na yang Eunice na yan ah. Kung matapang lang ako talaga sasabunutan ko nay un eh.” Nakakainis talaga yung babaeng yun, paghihimutok ko sa knila.
“Wag kang mag-alala dyan Mitch, gaganti tayo, pero sweet revenge ang gagawin natin” Tumaas baba ang kilay ni Kristel habang himas himas pa sa baba. Parang hindi ko ata gusto ang iniisp niya, may kakaiba akong nararamdaman eh.
“Ano sa tingin mo Abbie?” Duktong pa niya.
“Parang gusto ko yang iniisp mo Kristel.” Sang-ayon naman ni Abbie.
Nagkatinginan na lang kami ni Aisha. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa plano na yun.

Ang hapon din na yun kinausap ni Abi at Kristel si Uno, at ang plano? Palalabasin na naliligawan nga ako ni Uno. Sabi ko na nga ba eh, hindi maganda yung ideya na nabuo sa mga utak ng mga yun eh. Baka hindi lang pagpaparinig yung matanggap ko sa Eunice na yun baka tuluyan na niya ako, akala mo naman ang gwapo ng ex niya.Sumang-ayon naman ang loko dahil ayaw na daw niyang dumidikit sa kniya yung ex-girlfriend niya. Aba matide iho, siguro may bago na naman siya apple of the eye kaya siya ganiyan. Ewan ko ba bakit ako naiinis sa kaniya, siguro dahil sa mga pinagagawa niya sa mga babae sa room namin. 
Ako naman sige sumang-ayon na lang sa gusto nila, hindi dahil gusto ko talaga. Gusto ko lang gumanti sa Eunice na yun. Ito bang jowa niya ang inagawa ko? Sige tignan natin, sweet revenge ika nga ni Abbie.

Ilang linggo na rin ang nakalipas noong nagyari yun, mas naging malapit kami ngayon ni Uno, at mas lalong lumala ang pagpaparinig ng impaktang Eunice.
Happy birthday Mitch!” Bati ni Aisha.
“Thank You!”
“Happy birthday Michelle!!” Bati naman nila Kristel at Abbie.
Hi Mitch!” Bunggad naman ni Uno.
 “Dahil nalaman ko na birthday mo ngayon may ibibigay sana ako sayo ee.” Sabay abot ng isang kulay brown na paper bag.
“Para sayo talaga to ee. unang kita ko pa lang sa stuff toy, ikaw agad ang naisip kong bigyan, mahilig ka daw kasi sa character na yan.” Binuksan ko yung paper bag nakita ko yung pink na Domo Kun .
 Inabot niya sakin yung stuff toy, medyo nanginginig pa nga ako nun e, hindi ko maintindihan yung pakiramdam. Sigawan yung mga classmate ko sobra, hindi ko alam kung kilig ba yun o dahil nakita nila kung paano sumimangot ang mukha ni Eunice, at dama ko pa rin yung pamumula ng pisngi ko.
Biglang lumapit samin si Eunice, at hinablot yung stuff toy.
“Wow, ang cute naman nito. Kamukha mo siya infairness.” Si Eunice in sarcastic way
“Ah ganun ba?? ok lang yun, at least may nagbibigay. Hindi kasi binibigyan yung mga taong inggetera ee.” Nakataas yung kilay ko nung sinagot ko siya ng ganun. Akala niya ata hindi ako marunong lumaban sa kniya.
Hinagis niya pabalik yung stuff toy sabay walk out. I won. Nakipag-apir pa ako kay Abbie, Kristel at Aisha. Nakisali pa si Uno.
“Tayo din apir! Ganyan dapat lumaban ka!” Ngisi pa niya, inirapan ko lang siya. Kasi siya pa rin ang dahilan kung abkit may umaaway sakin.

3 comments:

  1. feeling ko talaga mabait yung Aisha dyan sa story na yan. Hahahaha. Uno pa more. Go go go

    ReplyDelete
  2. Uno no more! Yung Aisha jan maloko yun eh..hahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^