Wednesday, April 1, 2015

Ellaine at Aegyoworld : Part 4

4: Happier Ending with a Wizard
(Ellaine's POV)



"I guess we're ready to go. Ang mabuti pa, kumapit ka na saakin." Yan ang bungad saakin ng isa pang kinakikiligan kong character sa mga kwento ni Ate Aegyo.



Smiley Bago pa ako makapag-wala sa sobrang galak dahil na-meet ko na rin siya, bigla na lang niya akong isinama at dumaan kami sa isang magical portal!



"HWAAAAAAH~!!!" Smiley Hinigop nun ang buo kong katawan at sa sobrang liwanag, nakakasilaw na nakakaduling na siya!



After a few seconds, ramdam kong normal na ang lahat. Pero hindi na normal ang mga lamang-loob ko. Nakaluhod na ako sa lupa nang makarating kami sa lugar na tinutukoy niya. "Ang mga kalamnan ko... hoooup~!!! Nasusuka... na... ako... hooourp..." Smiley



"That is so gross."



Iniangat ko ang ulo ko para tignan siya... "Brylle... Brylle Zaffiro ng Wizard's Tale...?" Nanginginig pa ang boses ko nun!



Smiley "Oo, ako nga yun. Okay ka na ba?"



"Hindi ako okay!!! Naniniwala na ako kay Yana na kasumpa-sumpa nga ang mga portals! Magical nga pero magiging delirious ka naman pagkatapos!" Smiley



"Actually, kayong dalawa lang ang may ganyan ka-OA ang reaction. When Dustin and Elysse experienced it, hindi naman sila nagreklamo ng ganyan."



"Sila yun!" Smiley



"Kaya nga. At ang OA niyo pareho ni Yana."



Anyway, nagtuluy-tuloy pa rin po ang food falls mula sa bibig ko. Smiley Nagsuka ako ng bonggang-bongga! At sa harap pa ni Papa Brylle!!!



Smiley "Pero pasensya na Brylle... gusto sana kitang i-hug at kiss sa first meeting natin dahil sobrang fan mo ako... kaso dahil sa ginawa mo saakin, ang sarap mong hambalusin! Promise!"



Nakatitig naman saakin si Brylle. Hinihintay niyang kumalma na muna ako. Smiley"Pero pasalamat ka ikaw si Brylle..." Kahit na gusto ko siyang isumpa, gumagana pa rin ang dugong-fangirl ko. "Nasaan na nga ba tayo? Don't tell me nasa Otherworld na tayo?" Smiley



Smiley "Hindi. Nandito pa rin tayo sa Aegyoworld."



"Eh bakit kinailangan pa nating gumamit ng magical portal na yun?" Smiley



Smiley "Trip lang ng author-manager namin. Para lang maranasan mo din." Kakaiba talaga mga pakana ni Ate Aegyo. Pasimpleng sadista lang eh. "Isinama kita dito dahil balita ko birthday mo raw."



"Debut ko ngayon Brylle." Smiley



"Ah talaga? Kung ganun, Happy Birthday."



Nung batiin niya ako, hinintay ko pang may iba siyang gawin. Hug or kiss? Oh di kaya, pakitaan man lang niya ako ng magic niya! Kaso, ayun lang! Nakatayo lang siya at walang ginagawa.



“Ganun lang yun Brylle? Happy Birthday lang?”



“Oo… Happy Birthday.” Walanjo! Wala man lang kalatoy-latoy? “Pasensya na ha, hindi kasi ako sanay makipagkapwa-tao kaya hindi ko masyadong kabisado kung paano mag-celebrate ng kaarawan ang mga mortal na katulad mo.” Smiley



Obvious nga! Parang ang lagay eh pinadala lang siya ni Ate Aegyo para batiin ako! No more, no less.



Smiley “Pero dahil sa kakayahan kong makaramdam ng feelings ng iba dahil sa pagiging Empath ko, alam ko ang pakiramdam mo na gusto mong may gawin pa ako para pasayahin ka… tama ba?”



“Nakakahiya naman… pero hindi kaya!” Smiley Baka isipin niya nage-expect talaga ako ng surpresa mula sa kanya.



“Oh ayan, nagsisinungaling ka. Tapos natatakot ka lang na baka isipin kong masyado kang nage-expect na i-surprise kita!”



“Oy ano ba Brylle!!!” Smiley Napaatras tuloy ako sa kanya. “Tigilan mo pagbabasa sa isip ko!”



“Pasensya naman, automatic na kasi yun. At emosyon mo ang nababasa ko, hindi isip. Although, transparent ka ring tao kayo madali ring basahin kung anong iniisip mo.” Smiley



“Ay naku, nasaan ba si Yana at nang mahiram ko sa kanya ang Lux Amulet.” Smiley



Smiley “Wala si Yana dito kasi…”



“Kapag lumabas siya eh hahaba ang kwento. Eh short story lang dapat ito.” Smiley



Smiley “Wow! Galing ha? Paano mo nalaman na sasabihin ko yun?”



Eh paano yun kasi yung sinabi ni Laris nung hinanap ko si Atasha. Tapos ganun din yung sinabi ni Eli nung hinanap ko naman si Sam. Eh malamang yun na din ang sasabihin ni Brylle kapag hinanap ko si Yana! Smiley



“Hindi mo lang rin naitatanong Brylle, may magic powers din kaya ako.” Smiley Panloloko ko sa kanya.



“Nasabi nga saakin ni Author-manager ang tungkol jan. Sinumpa mo daw siya para lang gawin niya itong kwento na ‘to.”



Smiley “Hindi ko naman siya sinumpa! Konting mantra lang naman ang ginawa ko!!!” Paliwanag ko sa kanya.



Nakatingin lang siya habang nagpapaliwanag ako. Nahiya tuloy ako.



Hindi ko lang talaga lubos akalain na makikilala ko ang mga lalaking kinakikiligan ko. It’s a dream come true.



“Oh paano Ellaine, busy pa kasi ako. Dinaanan lang talaga kita dito para tuparin ang kahilingan mo.” Smiley




Medyo nakakalungkot kasi ang konti ng exposure ni Brylle. At dahil konti ng exposure niya, konti lang rin tuloy ang moments namin.



Smiley Pero wala rin akong magagawa. Katulad nina Laris at Eli, si Brylle ay may sariling kwentong pinagbibidahan. Kumbaga, hanggang cameo roles lang talaga sila sa kwento ko.



Nagpaalamanan na kami ni Brylle. Smiley



Ang korni ko nga kasi naluha pa ako habang kumakaway sa kanya at pinapanood siyang umalis. Smiley



Pero bago tuluyang nagpaalam si Brylle, “Ellaine!!! I can offer you a happier ending!!!”  Sigaw niya.



Bigla ko namang naalala yung birthday wish ko noon.



“Simple lang ang gusto ko ngayong birthday ko. Yun ay ang gawaan ako ng sarili kong kwento ni Ate Aegyo. Gusto kong makaranas ng isang halik mula kay Kissing Bandit. Pwede ring makasama sa bahay ang isang gwapong Timongoloid. O masabihan ng isang Wizard na handa niya akong bigyan ng happier ending...”



“…masabihan ng isang Wizard na handa niya akong bigyan ng happier ending...”



“…masabihan ng isang Wizard na handa niya akong bigyan ng happier ending...”



“…masabihan ng isang Wizard na handa niya akong bigyan ng happier ending...”



Smiley Ito na ba ang katuparan ng pangarap kong makapag-asawa ng isang Wizard? Kikiligin na sana ako nang biglang…



“I can offer you a happier ending but you don’t deserve it, Ellaine!!!”



Smiley “ANO? BAKIT? HANGSAMA MO!!!” Nung time na yun, naghanap talaga ako ng batong pwede kong ihagis sa pagmumukha ni Brylle. Pambasag-trip at basag-puso eh!!! “I deserve a happier ending!!!”



“You deserve to be the happiest kasi birthday mo ngayon!!!” Smiley



.



.



.




Ah… yun naman pala. Smiley



...to be continued



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^