Tuesday, April 14, 2015

Crimson Night: Chapter 1


CHAPTER ONE
(SAVANNAH BLACKSHIRE)
Nakatayo sa labas ng daycare ay hindi ko maiwasan na mapansin ang tatlong tsismosang babae na nagkumpulan sa kabilang panig dito. Nagagawi ang kanilang tingin sa direksyon ko. Obviously, ako na naman ang pinag-usapan nila. Wala na kasing matsismis kaya ako yung main topic nila.
Walang magawa sa buhay! Kaya hindi umaasenso sa buhay dahil mas inaasikaso nila sirain ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng tsismis. Wala sanang problema kung totoo ang sinasabi eh puro kasinungalingan naman. Hindi maganda ang kanilang influence sa mga kabataan lalo na dito sa harap ng daycare!
Nang mapasulyap ang tingin nila sa akin nang number one na tsismosa dito sa lugar namin na itago natin sa pangalan Aling Bakekang ay tumaas yung kilay ko at tiningnan na tila sinasabing ‘Anong tinitingin mo diyan?’.  Umiwas siya at nagpatuloy sa pakipag-tsismisan sa kauri niyang palakang tsismosa. Iisa lang naman ang rason kung bakit ganyan sila sa akin eh.
And I hate the fact na mag-conclude na sila sa kung anong nakita nila. Why can’t they just ask me if it’s true before they spread rumors about me?
“Momma!”
“Mom!” Itong dalawang ito ang dahilan kaya nandito ako, kagagaling ko lang sa part-time job ko. Although, hindi ko na kailangan magtrabaho. Pero ayoko naman manatili na lang sa bahay `no. Isa pa kailangan din nilang dalawa na makasalamuha ng ibang bata kaedad lang nila. At itong daycare ang makakatulong na magkaroon sila ng kaibigan. Wala naman kasing bata nakatira malapit sa bahay namin eh.
Sa paglingon ko ay nakita ko na tumatakbo ang apat na taon gulang na kambal. Ito ang rason kaya pinagpiyestahan ako dito ng mga tsismosan kagaya nila. Because I’m a single mother at the age of twenty two. Yes. I’m only seventeen when I found out that I was pregnant at nung malaman ko iyon dahil na din siguro sa tindi ng kahihiyan sa pamilya, kaibigan at kakilala ay naglayas ako sa amin. I gave birth to these two little angel after I turned eighteen.
Pumunta ako dito sa pinas galing Italy para makapag-isa. Lahat ng pamilya ko ay nandoon na nakatira sa Italy kaya wala akong problema kung na mamuhay dito sa pinas dahil walang makakilala sa akin. Hindi rin problema sa akin ang pera dahil bago mamatay ang ina ko ay nag-iwan siya sa akin ng malaking trust funds. Lagpas isang million yun at maliban sa pera ay binigay niya sa akin ang malaking shares doon sa telecommunication company. Oh di ba instant millionaire na ako?
I always been a good girl kaya napakasakit sa akin na iwan si papa.
“Momma, whash foor denneeer??” Tanong ni Dedra na nanguyapit sa paanan ko.
“I want fankek!” Hindi pa nila na-pronounce ng maayos ang mga words. Ah, kahit saan angulo tingnan ang napaka-cute nila. Especially, those cute round grey eyes. Just like their father. Although, it was still big mystery sa akin kung paanong may nangyari sa amin. It was just a dream! He’s just a fiction character that I created in my dreams. So how come I got pregnant?! Is he a sex god or something? No, I don’t think so. Ba’t kailangan pa chubachuhu magic?
Shit lang. I fuck’n gave my virginity to that man!
Eh ano bang malay ko na totoo pala yun? Iniisip ko panaginip yun dahil nasa kwarto lang ako noon at natutulog!
“Mommy! We’re hungry! Mom!”
“Hungry! Hungry! Rawr!”
Napapitlag ako nang nagwilga na ang dalawang kambal. Natawa na lang ako sa kanila habang napapailing. “You want to eat fruit pancake?” Panigurado ko sa kanilang dalawa. Si Devon ay umiling.
“No. Don’t want to ayt fancake! I want spaggie!” Minsan ay umasta ang mga ito na parang six years old. Kinarga ko silang dalawa, dahil maliit lang naman sila ay hindi problema sa akin na kargahin sila.
“Ew! spaggie? Pancake!”
“Okay para walang away ay hindi yun ang ihahanda ko ngayon. Who wants tuna salad?”
Biglang kuminang ang kanilang mata nang marinig nila ang magic word. “Me! Me!”
“Mesh!!!”
“Okay! It’s decided na. Dumaan tayo sa supermarket para bumili ng kinakailangan natin.”
“Yeah!” They said in unison.
Pagkatapos namin bumili ay umuwi na kami sa two storey house, may malaking bakuran na malayang makakalaro ang kambal kung gustuhin lang naman nilang dalawa. Tumakbo ang dalawa patungo sa kusina nang makapasok na kami sa bahay. “We’ll help you, momma!”
Oh no!
Sa ngayon, ang nagpapasakit ng ulo ko ay kapag naisin nilang dalawa na tulungan ako dahil…
Malaking hakbang na tumungo ako sa kusina at namilog ang mata ko sa nakita! All the equipments were floating in the mid-air! That’s right! Ito ang dahilan, hindi sila ordinaryong tao lang kundi they also possess ang power just like their father!
“Oh no no! No magic!”
Napatigil sa pagkumpas ng daliri ang dalawa nang bumaling sila sa akin. Napalis ang ngiti nila at napalitan ng pouty lips. “No magic?” Devon ask.
“Why momma?” Ilang beses na tinatanong ni Dedra `yan sa akin pero mukhang hindi parin nila na-gets.
Nilapitan ko sila at tumingkayad para magka-level na kami. “Kasi baka may makakita sa inyo.”
“Why momma?” Si Dedra naman ang nagtanong. Isa pa ito. Pasalamat na cute sila.
“Kasi your not ordinary. People here don’t have magic at hindi sila naniniwala. Once na makita kayo nila ay baka kunin nila kayo sa akin.”
“No! No! I want to staysh weyt momma!”
“Mesh too!” Sabay silang pumalahaw at bigla akong niyakap. They are so adorable.
“So promise me you won’t use your magic okay? Especially in school.”
“Okay momma.” Sabay silang tumango na bumitiw na sa pagkayakap. Kinurot ko silang dalawa sa pisngi at nginitian.
“Good girls! Now why don’t you go watch your favorite cartoons?” They squeak and run out from the kitchen. Mas lalong lumuwag ang ngiti ko, hindi talaga sila nauubusan ng energy. Mabuti na lang hindi makulit ang dalawa pwera na lang sa kung may gustong kainin. They are like my vitamins. Hinding-hindi pagsawaan na alagaan. Sila na lang ang pamilya ko dito. Ikababaliw ko kung sakaling kunin sila sa akin.
Hinding hindi ako papaya na mangyari yun. Lalo na kung sakaling malaman ng ama nila na may anak siya sa akin. Hindi ko rin hahayaan na makalapit man lang ang lalaking yun!
No can do. I, Savana Blackshire or Avah, will never let that man know (As if I know where he is duh) about the twins!

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^