Wednesday, April 22, 2015

Cotton Candy




Cotton Candy




Bata pa lang ako gusto ko ng magkaroon ng alagang aso,
Pero ang laging sabi ng nanay ko 'hindi pwede baka makagat ang kapatid mo.'
Kaya hanggang sa nag-dalaga ako,
Ang pagkakaron ng alagang aso pa rin ang pangarap ko.

Sa pinaka hindi inaasahang panahon dumating ka sa buhay namin,
Dumating ang lola ko at bitbit ang isang magandang aso.
'Alagaan ninyo sya ng mabuti at mahalin bilang parte ng pamilya ninyo.'
Kaya mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang the best aso para sa amin.

Ilang taon nga ba ang nagdaan mula ng ikaw ay maging isang ina?
Sa iyong unang limang naging anak si Panget at si Sushie lang ang natira.
Ang iba mong anak ibinigay namin sa mga taong aalagaan sila,
Dinalaw namin sila minsan pero nakakalungkot dahil hindi nila kami kilala.

Nang sumunod na taon muli kang nagkaroon ng mga anak,
At kailangan na naman naming mamili kung sino lang ang ititira.
Mahirap magdesisyon dahil lahat kayo ay maganda at aking gusto,
Pero ang pinalad na manatili sa aming piling ay walang iba kundi ikaw Brando.

Dumating ang araw na nahihirapan na si Nanay na alagaan kayong tatlo,
Kaya nawalan sya ng pagpipilian kung hindi ang ipamigay na lang kayo.
Ang bilin ko sa kanya kapag nakaalis na kami ay saka kayo kuhanin,
Dahil kapag nakita ko kayong paalis sa amin baka pagkuha sa inyo aking pigilin.

Ilang linggo, buwan, at hanggang ngayon ay naaalala pa rin kayo,
Mis na mis na namin kayo ni Manolo, Panget at Brando.
Kaya nga muling nag-anak si Manolo at nakabuo ng lima na namang tuta,
At sa huli isa lang dapat ang piliin at si ShyShy na mukhang Labrador ang natira.

Ikaw ShyShy na may pagka-salbahe dahil sinira mo ang aking tsinelas,
Pinalayas pa talaga kita dahil sa kalokohang iyong ginawa.
Hindi rin naman ako nakatiis at sinundo ka sa labas ng aming bahay,
At pagkapasok mo ay isang mahigpit na yakap ang salubong ko sa'yo.

Makalipas ang ilang buwan kami rin ay iyong iniwan,
Nagulat ako ng marinig ko ang balita,
Tumawag si Nanay para sabihing wala ka.
Akala ko nung una ay nagbibiro lang sya,
Lungkot at sakit sa puso ang dulot ng bigla mong paglisan.

Hindi nagtagal ang malanding si Manolo ay buntis na naman,
At makalipas ang ilang buwan ay may mga bagong anak ka na naman.
At doon ibinigay mo sa amin ang pinaka-balbon mong anak,
Ayoko sa kanya noong una dahil balat nya ay parang may bitak.

Dahil sa taglay mong malagong balahibo,
Naka-isip ako ng pangalan na talaga namang babagay sa iyo.
Cotton iyan ang magiging pangalan mo dahil sa malago mong balahibo.
Sa lahat ng naging anak ni Manolo ikaw ang talagang aking paborito.

Ikaw na walang kasing lambing at laging sa akin ay lumalapit,
Kaya kahit anong gawin nilang pagmamakaawa at pamimilit,
Wala sa plano ko na sa kahit ano ikaw ay aking ipagpalit.

Isang umaga isang masamang balita ang bumungad sa akin,
Hindi ko makuhang maniwala na wala ka na sa amin.
Nasagasaan ka ni Tatay ng hindi sinasadya,
Kaya tila walang katapusan ang pagdaloy ng luha sa aming mga mata.

My sweet little cotton ball,
My sweet little puppy.
You're sweeter that any sugar,
My sweetest Cotton Candy.



Note: This is my OFFICIAL ENTRY for the saddest poem challenge. :)

14 comments:

  1. Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak e. </3 The feels :3 Huhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salbahe 'to! Umiiyak kaya ako ako habang nagta-type ako sa cellphone ko kagabi. Tapos kanina paggising ko mugto mata ko, tapos matatawa ka lang. Taraklis na yan. Hahahaha..

      Delete
  2. NOOOO! BAKIT? T_T COTTON CANDY. :( Iniimagine ko pa lang yung pagiging malambing niya at paglapit niya sa'yo, napa-AWW na ako. Tapos...BAKIT?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasagasaan sya ni tatay nung nilalabas nya yung van, hindi nya napansin na sumunod sa kanya at nagtago sa gulong.

      Pina-blotter ng nanay ko ang tatay ko..hahaha, chos!

      Delete
    2. Wala ng sumasalubong sa akin kapag dumadating ako galing trabaho, yung malanding si Manolo na lang.

      Kaya nga ngayon na may bago na naman syang anak ayoko ko na masyado lumapit sa kanila. Baka kapag nachugi na naman ipa-mental na ako ng magulang ko.

      Delete
    3. Ang lungkot naman! :( Kawawa naman si Cotton.

      Delete
  3. Same kami ni Ellita di ko talaga alam kung matatawa o iiyak ako. HAHA . pero grabe si Cotton BAKIT?? </3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe nakakasakit na kayo ng damdamin. Umiiyak ako ng ginagawa ko 'to tapos tatawanan nyo lang?

      Nasaan ang hustisya?! 😂

      Delete
  4. Natawa naman ako dito espren. wala kang kupas! Kahit pang malungkot na nagpapatawa ka pa din eh.

    ReplyDelete
  5. (╥﹏╥) Naalala ko na naman yung aso na nasagaan noon. Pinaka una kong asy ay hindi pa nga naka-isang taon ay namatay dahil pinakain ng buteteng nakakalason. Pangalawa, dahil sa sakit. Pangatlo, dahil sa sakit na naman. Pang-apat dahil sa katandaan. Pang-lima namatay sa kalandian.

    May apat na aso buhay pa and hopefully hindi sila mamatay. (╥﹏╥)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buti na lang si Manolo namin kahit may taglay na kalandian hindi pa naman kinukuha ng langit! hindi pa nya kayang iwan kami. Papatayin sya ng nanay ko kapag namatay sya.

      anim na pala lahat ng bebe tuta ko ang namatay. hindi ko pala naisama yung isa, yung isa sa pinaka-unang anak ni Manolo. namatay din sya dahil sa sakit.

      hayaan mo, mabubuhay pa ng matagal mga pet mo. :)

      Delete
  6. huhuhu :( Naalala ko na namn yung aso Namin ..
    kamamatay lng din ,:(

    ReplyDelete
  7. AIGOO!!! Si COTTON!!! Ang puso ko talaga para sa mga aso!!! >____<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^