Wednesday, April 22, 2015

Bangungot ng Kahapon



Pagsapit ng umaga ako’y na bahala
Aking ininda karamdamang nakakabahala
Lingid sa aking kaalaman ito'y agad maiibsan
Aking buhay pala’y nalalapit sa kamatayan

Aking ina labis ang pag-aalala
Bakas sa mukha ang takot sa buhay ko’y mawala
Walang nakakaalam ang kahihitnatnan
Desisyong mahirap, sana’y matakasan

Malungkot at nanginginig na tinig aking narinig
Sa aking inang lumuluha sa akin nakatitig
“Anak, sabihin mo ano’ng masakit sa iyo?”
Ako’y labis nagsisi binaliwalang mga payo mula sa iyo

Mahirap aminin ako’y nagtitiis sakit na nagpapahirap
Tanging luha ang naisagot sa kanyang harap
Dalangin sa nakakataas sana’y gabayan
Pagsubok na ito’y nawa’y malampasan

Mabigat sa dibdib sa akin nakakubli
Katatagan lamang ng loob ang kaya kong isukli
Para sa ina kong lumaban sa aking buhay
Ako’y humarap sa mabigat na sugal sa akin nakasalalay

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^