Tuesday, April 21, 2015

Maligayang Pagtatapos?



Maligayang Pagtatapos?

“Wag niyo nang pasamahin si pinsan kaya ko namang mag-isa.”
‘Yan ang mga salitang sinabi ko sa aking Nanay nang araw na’yon
Sa araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo.
Punong-puno nang hinanakit at pagtatampo sa puso ko.

Isa lang naman kasi ang kahilingan ko nang araw ‘yon.
Na sana hindi maging katulad ng mga naunang pagtatapos ko,
Sana’y makasama ko naman sya sa araw na’yon
Para kasi sa akin, ang araw na ‘yon ay para sa kanila ni Tatay.

Pero hindi ko talaga lubos maisip na ang araw na akala ko’y pinakamasaya
Ay ang araw na muling mabibigo ang puso ko.
Dahil kahit anong pagpupumilit ko,
Kahit ilang balde ng luha ang ilabas ko, bigo parin ako.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong kung hindi ba siya masaya
Hindi ba siya masaya sa nakamit kong ‘tagumpay?
May mali ba akong nagawa?
Punong-puno nang katanungan sa isip ko, wala mang lang makitang kasagutan.

Nawalan narin talaga ako nang ganang dumalo pa pagtitipon na ‘yon.
Ano pang saysay kung hindi ko naman sila kasama diba?
Masasaktan at masasaktan lang ako.
Pero pinilit ko pinilit ko paring pumunta.

Dahil hanggang sa huli, isa lang  nangingibabaw  sa puso ko.
Ang kagustuhan kong ipakita ang bunga nang lahat ng pagpapagal nila ni Tatay.




 Entry for DDH Challenge :) 

42 comments:

  1. :( sabi na eh. Naramdamn ko yon..

    ReplyDelete
  2. Saan nanggaling ang bawat salitang aking nababasa? Hahaha...

    ReplyDelete
  3. kaya mo talaga e. :))) good job! haha

    ReplyDelete
  4. Wala ka ding magawa eh, noh? Hahaha! Good job!

    ReplyDelete
  5. Grumaduate din ako ng hindi kasama ang parents.

    ReplyDelete
  6. Same talaga tayo ate. Parents. Parents 😂😂😂.

    ReplyDelete
  7. Ive been in your shoes, masakit talaga

    ReplyDelete
  8. Ang sakit talaga kapag tungkol sa family and worst sa tatay pa </3. But well job Miss ;)

    ReplyDelete
  9. Same here. From kindergarten to college, my father won't able to attend my graduation. </3

    ReplyDelete
  10. </3. Ganyan talaga ang buhay e, at least nakagraduate ka diba and I know they were so proud of you! :)

    ReplyDelete
  11. Hihihi keriii lang yan siopao :D wag na madrama :D

    ReplyDelete
  12. hahahaha walang Friends :D </3

    ReplyDelete
  13. hihihi.. Ganon talaga Buhay Buhay. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tuwa ka na naman, karibal :( Hurt hurt </3 -Ming ming kapa. Haha. si Brown ka e! Haha

      Delete
  14. Ang lungkot T___T ang ganda ng pagkakagawa ng tula! :) Great Job :)

    ReplyDelete
  15. astig <3 goodluck sis.

    ReplyDelete
  16. waaaaaaaaaaaaaaaaaa... parang nagbalik sa akin ang naramdaman ko nung panahong magtatapos ako at gusto ko clang dalawa ang makikita kong kasama ko na naghahatid sa akin sa entablado at hindi lang ang aking ina... pero nabigo ako dahil kahit minsan eh hindi ko cia nakita sa mga pinakamaliligayang araw ng aking pagtatapos... grabe nakarelate po ako at parang gusto ko pang maiyak... waaaaaaaaaaaaaa... ayak kung umiyak... huhuhuhuhuhuhuhu... :'( :'( :'(

    ReplyDelete
  17. Ang sakit naman nun. Kaya ang anak ko hindi ko hahayaan na wala ako sa isang special na araw nila

    ReplyDelete
  18. Masyadong malungkot nakakainis

    ReplyDelete
  19. Ang sakit <////3 Maswerte pa rin pala ako kasi kasama ko parents ko nung graduation ko. Ramdam na ramdam ko Lola! Galing po! (Y)

    ReplyDelete
  20. Masakit <//3 Sana dumalo man lang yung parents para kahit papaano masuklian yung paghihirap ng kanyang anak sa college life niya :'(

    ReplyDelete
  21. #AngLalimNgHugotNgBawatSalita :'(

    ReplyDelete
  22. awww kaya mo yan ate. kahit ganun yun sigurado naman na mahal ka nun..

    ReplyDelete
  23. ayos lang yon!!! Proud naman si Lord sayo!!!! true!!! saka nakasama mo naman si mamu!!!haha

    ReplyDelete
  24. that's life after all. congratulations anyway!

    ReplyDelete
  25. True To Life. Ito yung mga moment na masasabi mo na hindi lang ang mga ang pwedeng gumawa ng pagkakadiappoint ng magulang. kundi to ay vice versa. <//3

    ReplyDelete
  26. <//3 atleast napakita mo sa kanila na namunga ang kanilang paghihirap. GodBless ateeee!

    ReplyDelete
  27. T.T i feel u akirara elle !!sadyang hindi lng expressive ang ibang ama pero deep inside super duper proud sa iyo si tito !!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^