Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Chapter 9

I'm The Gangster Queen



by Hannah Jewel


     For a second, he thought he just saw Megan. Namalikmata lang pala siya. He's hallucinating. Or maybe . . . not.

---

Lumingon-lingon si Terrence sa kaniyang paligid. Sinilip-silip niya kung sino ang nararamdaman niyang tumitingin sa kaniya. Napabuntong-hininga siya. Alam niyang hindi na siya safe dahil tumulong siya sa mga kaibigan ni Megan. Alam niyang magiging mapanganib ang buhay niya dahil kilala niya si Red Tiger. Alam niya kung paano gumagana ang utak nito. Alam niyang hindi ito mabait sa sinumang lumalaban rito. 

     DALAWANG ARAW NA ANG NAKALIPAS simula ng mangyari iyon. Saktuhan lang ang lahat. Galing siya sa market para bumili ng wine. Pampalipas-oras. Hindi na siya pumupunta sa palasyo ni Megan dahil piling niya ay ginamit lang naman siya ng babae para makaganti kay Red Tiger at upang mahanap ang mga kaibigan nito. Pero nawala na parang bula ang lahat ng biglang isawalat ni Red Tiger na siya ang nilimot sa nakaraan na kakambal ni Megan. Maging siya ay hindi makapaniwala sa natuklasan. Si Ella mismo, ang personal maid ni Megan na siyang nagtraining sa kaniya, ang siyang nagsabi sa kaniya sa nangyari kay Megan noong araw na naglaban ang magkakambal. Paano ito nalaman? Dahil mayroong pinindot si Megan na isang maliit na bagay na nagpapahiwatig na ito ay nasa panganib bago pa man ito mawalan ng malay.

     Napa-tsked na lang siya. Ayaw niya nang alalahanin. Naiirita lang siya dahil ayaw na ayaw niya na may mga taong gumagamit sa kaniya. Though he knew that that would eventually happen pero natatakot siya. Natatakot siya sa kung anong kayang gawin ng queen na iyon. 

     Nag quit siya sa gang ni Red Tiger dahil gusto niyang mabuhay ng mapayapa. Matagal na niyang pilit na inaalis sa buhay niya ang pagkagangster niya. Pero nahanap siya ni Megan. At hindi niya kayang tumanggi rito.

     Bumuntong-hininga siya at muling tumingin sa kaniyang paligid. Nararamdaman niya ang kalaban.  Lalapit na sana siya ng may biglang isang kutsilyo ang tumutok sa leeg niya. Bigla siyang namawis. Oo, natatakot siya. Takot siyang mabawian ng buhay ng maaga. Gusto niya pang mabuhay. 

     Habang nakatutok ang kutsilyo sa kaniyang leeg ay napansin niya ang isang bahay, no,  palasyo sa kabilang kanto. Napalunok siya. The Gangster Palace.

        "Don't move." nabalik siya sa reyalidad nang bumulong ang sumusunod sa kaniya. Napatango siya ng wala sa oras. Ayaw niya pang mamatay; kailangan niyang sumunod rito para mabuhay. Ramdam na ramdam niya ang pabango na gamit nito. Vanilla. Babae ito.

     "Red Tiger." bulong ni Terrence.

---

     Nakangisi si Megan habang pinagmamasdan ang nasa harapan niya. Nakaupo siya sa  isang bubungan ng Gangster Palace. Gusto niya lang mapag-isa nang mga oras na iyon kaya naisipan niyang umakyat sa mga bubungan ng iba't-ibang mansyon sa subdivision kung saan naroon ang kaniyang palasyo. Tumatalon siya at tumatakbo mula sa isang bubungan papunta sa kabilang bubungan ng mga bahay upang subukan ang kaniyang sarili nang mapansin niya ang isang pigura ng lalake na wala sa sarili na naglalakad at para bang alalang-alala sa kung ano mang mangyayari sa sarili. Napakunot noo siya. Is that Terrence?


     Tumingala siya at pumikit. Wala na siyang pakialam dito. Ginamit niya lang ito. Naramdaman niya ang isang kakaibang emosyon na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya dahil sa kaniyang naisip. Guilt. Nagi-guilty siya. She's a user. Alam niya iyon.

     Muli syang tumingin sa baba niya nang mapansin niya ang isang pigura na kasunod ni Terrence. May sumusunod dito. Isang babae. Si Red Tiger.

     "What a twist of fate."  bulong niya. She's enjoying everything that is happening infront of her. Nandito ang mortal niyang kaaway. Si Angel. Ang kaniyang kakambal na naghihiganti dahil sa isang napaka childish at walang kakuwenta-kuwentang rason. 

     Nagdalawang-isip siya kung tutulungan niya pa ba si Terrence o hindi. Ayaw niyang makita siya ng lalake pero nanganganib ito. Alam niya kung paano maglaro si Red Tiger. Napakadumi nitong mag-isip. Mahilig itong gumawa ng deal na alam niyang hindi naman nito tutuparin. And then something hit her. Terrence knew Red Tiger. Better than her. Naging kasama nito ang kaniyang kakambal for 5 years. Napabuntong-hininga siya. 

     She decided not to interfere.

---

     "Do everything I asked you to do." pagpapatuloy ni Red Tiger. 

     "What do you want from me?" 

     Tumawa lang ang babae. "Sumama ka sa amin. Bumalik ka sa Red Tiger Gang. I promise you, lahat ng hihilingin mo ay ibibigay ko sa iyo. That is, if you join us."

     Napabuntong-hininga si Terrence. Mas dinikit ni Red Tiger ang kutsilyo na nakatutok sa leeg niya. Kinontrol niya ang kaniyang pag-hinga. At napatingin siya sa taas. 

     Nanlaki ang mata niya. Is that . . .?

     Napapikit siya at muling tumingin nang makita niya na nawala ito bigla. Napailing siya. For a second, he thought he just saw Megan. Namalikmata lang pala siya. He's hallucinating. Or maybe . . . not.

     "Well?" tanong ni Red Tiger. Huminga siya ng malalim. Wala na siyang maihihiling pa kundi ang mabuhay ng mapayapa. Kung ibibigay ito ng babae sa kaniya, he would do it. 

     Kung papatunayan ito ni Red Tiger.

     "I . . ." 

1 comment:

  1. i hope you update soon po. nahook ako sa story mo :))))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^