Napakislot si Kenzie nang biglang bumukas ang pinto ng
kwarto niya. Kasabay noon ang pagsungaw sa pinto ng kakambal na si Kendall .
“Kenzie, pwede ka
bang makausap?”
tanong nito.
“Sige. Pasok ka”
Pagpasok ni Kendall sa kwarto ng kakambal ay napangiwi
ito. Hindi nito maintindihan ang trip ng kakambal nito. Puno ng anime posters
ang kwarto nito. Ultimo sa kisame ay may mga posters pa din. Sa isang bahagi
naman ng silid ay naroon ang mga anime collections nito. Mula sa mga figurines,
stuff toys, model dolls at iba pa. Meron din itong CD collections. At kasalukuyang
pumapailanlang sa kwarto nito ang soundtrack na sa tingin niya ay sa Anime na
madalas panoorin nito.
Alam niya na magkakaiba sila ng trip sa buhay na
magkakapatid pero ang trip nitong si Kenzie ang hindi niya lubos na masakyan.
Iniisip nga niya na baka nababaliw na ang kapatid niya dahil madalas niya itong
nahuhuling kinakausap ang mga manika nito. Hindi na siya magtataka kung minsan
magtatransform na lang bigla ala-sailor moon itong kapatid niya. No wonder
people find her weird and scary. Baka nga may kulto nap ala itong sinalihan eh.
“May kailangan ka?” tanong nito sa kaniya. Nasa harap
ito ngayon ng computer.
Naupo siya sa kama nito.
“Naalala mo ba yung
sinabi ko noon sa inyo na nag-apply ako sa isang trabaho?”
“Oo. Ano nangyare?
Hindi ka natanggap?”
Napasimangot siya.
“Grabe ah! Salamat
sa suporta. Interview na ako. Nakapasa ako sa exam” pagmamalaki niya.
Alam naman niyang kayang kaya niya na ipasa yung exam
niya. Hindi man siya kasing talino ni Kenzie ay hindi rin naman siya bobo.
“Talaga? Congrats.
Goodluck sa interview mo” walang kabuhay buhay na sagot nito at muling bumaling sa harap ng
Computer.
Ngalingaling batuhin niya ng unan ang kakambal kung wala
lang siyang kailangan dito.
“Kenzie” tawag pansin niya ulit dito.
“Oh?” hindi lumilingong sagot nito.
“Kailangan ko ng
tulong mo”
“Mangungutang ka?
Magkano? Bayaran mo ah. Wala pa akong allowance eh” dirediretsong sabi nito.
Hindi na niya napigilan ang sarili at binato ito ng unan
na nahawakan niya.
“Aray ah!” reklamo nito at hinarap siya. “Mangungutang ka na nga lang, nananakit ka
pa” anito at hawak ang nasaktang ulo.
“Hindi ako
mangungutang sayo noh. Kung kailangan ko ng pera eh di sana si Kendrea ang nilapitan ko”
“Hindi ka pauutangin
ni Drea. Malakas tumubo yun eh. Mamumulubi ka”
“Ewan ko sa inyo.
Hindi ko kailangan ng pera okay?”
“Eh anong kailangan
mo sakin?”
“I need you to
disguise as me”
“What?” bulalas nito. “Ayoko nga!” mariing tanggi nito.
“Wag ka ngang maarte.
Dati mo namang ginagawa yun ah”
Since identical triplets silang tatlo nila Kenzie at
Kendrea ay talaga namang magkakamukha sila. Kung hindi nga lamang ba sila
magkakaiba ng hairstyle at porma ay malilito ang kahit sino sa kanila. But
since they have different personalities ay madali silang marecognize ng mga
taong nakakakilala sa kanila.
Katulad na lamang ni Kenzie. Madalas ay nakabraid ang
buhok nito at may suot na makapal na salamin sa mata. Hindi rin ito maporma.
Simple lang lagi ang ayos nito. Walang make-up o kahit na anong kolorete sa
mukha. Kaya madalas napagkakamalang nerd ang kakambal niya dahil sa porma nito.
Samantalang si Kendrea naman ay sobrang maporma. Laging in ang fashion sense
nito. Puro designer bags and clothes ang gamit. Idagdag pa na ang hilig ni
Kendrea sa mga sexy na damit. Madalas din itong nakamakeup at kung ano-anong
accessories ang gamit sa katawan. Kapag dumaan si Kendrea sa harapan mo ay amoy
na amoy ang mabango at mamahaling pabango nito. Thanks to their parents na uber
supportive sa luho ng kapatid niya.
Kaya nga niya naisipang magtrabaho ay dahil baka biglang
maghirap ang pamilya nila dahil sa luho ni Kendrea. Siya naman ay basta kung
saan siya kumportable na isuot dun siya. Hindi siya masyadong mahilig sa
makeup. Blush on at lipstick ay okay na sa kanya. Kung minsan ay naglalagay din
siya ng eye liner kapag trip lang niya.
Pero dahil nga magkakamukha sila ay naging hobby na din
nila na magpanggap na bawat isa. Lalo na noong mga bata pa lang sila at may
nagagawang kalokohan. Madalas silang mantrip noon. Kahit nga magulang nila ay
pinagtitripan nila dahil hindi sila makilala ng mga ito.
“Si Kendrea na lang” ungot nito.
“Ayoko na magpanggap
si Kendrea na ako. Baka magulat na lamang ako na marami na pala akong kaaway. You
are the only person na pwede kong lapitan Kenzie” pagsusumamo niya.
“Eh bakit ba kasi
kailangan kong magpanggap na ikaw?”
Lihim na napangiti si Kendall .
Alam niya na papayag na ang kakambal niya. Masyadong mabait si Kenzie kaya alam
niyang hindi siya matitiis nito.
“Interview ko kasi
bukas ng 2:00PM. Eh kailangan ko pumasok sa History Class ko kasi may exam
kami. Diba wala ka namang klase nun?” talagang inalam niya ang schedule ng kakambal niya kaya
alam niyang wala itong kawala.
“So magpapanggap ako
na ikaw at papasok sa klase mo at magtetake ng exam mo. Ganun ba?” kumpirma nito.
“Bongga! Ganun nga.
Madali lang diba?”
“May choice ba ako?”
“Wala. Ang bait mo
talaga!!! Thank you.”
Tuwang tuwang sabi ni Kendall at niyakap ang kapatid. “Hayaan mo sa unang sahod ko ililibre kita”
“Sahod ka kagad eh
hindi ka pa nga natatanggap eh. Interview ka pa lang” kontra nito.
“Wag ka nga dyan!
Matatanggap ako dun okay. Wag kang nega”
“Oo na. Sige na
umalis ka na at iniistorbo mo na ako.” Pagtataboy nito sa kanya.
“Oo na. Basta dating
gawi ah. Wag kang magpapahalata na hindi ikaw ako or else dalawa tayong
malilintikan.”
“Ako pa. Ayoko
yatang mapahamak noh. Basta papasok ako sa klase mo at mageexam. Tapos uuwe na
ako. Bahala ka na.”
“Oo. Yun lang naman
ang klase ko eh kaya pwede ka na umuwe after nun.” Aniya at naglakad palabas ng
silid. Subalit bago siya tuluyang lumabas ay bumaling siya muli sa kapatid.
“Kenzie”
“Oh? Akala ko umalis
ka na”
“Hindi ka masyadong
excited na palayasin talaga ako noh?”
“Anong sasabihin
mo?”
“Huwag mo masyadong
galingan yung exam ko. Baka hindi maniwala si Prof eh. Yun lang” aniya at tuluyan nang lumabas ng
silid nito.
Napangiti na lang si Kendall .
Solved na ang problema niya. May tiwala siya kay Kenzie na magagawa nito nang
maayos ang pagpapanggap. Kabisado naman na siya nito. Ang interview nalang niya
ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.
+++++
Malapit nang matapos ang last subject ni Kenzie. 12:00PM
ang tapos ng klase niya. 2:00PM anman ang klase ni Kendall. May dalawang oras
pa siyang natitira bago mag-ayos. Ipinasya niya muna na tumambay sa library.
Dun ang lugar na alam niyang walang mang-iistorbo sa kanya.
“Get away Nerd” pagtataray sa kanya ng babaeng
nakasalubong niya sa hallway.
Parang sira ang mga ito. ANg laki laki ng space ay
talagang sa harapan pa niya pumuwesto ang mga ito. Mukhang balak talaga siyang
pagtripan. Ito rin ang mga babaeng bumunggo sa kanya nung isang araw eh.
Ano bang problema nila sakin? Bakit ba nila ako
pinapansin?
Mas gusto niya na hindi mag-exist sa school na ito. Okay
lang sa kanya kung walang pumansin sa kanya. Masaya na siya dun. Kaya hindi
siya sanay sa atensyon. Pero sanay na siyang mabully kaya balewala na lang iyon
sa kanya.
Hindi nagsasalita na tumabi siya upang makadaan ang mga
ito. Subalit sadyang nag-aasar yata at hinarangan siya ulit.
“Hindi ba sabi ko
tumabi ka? Or better yet lumayas ka sa harapan ko. Panira ka ng environment
eh!” pagtataray
ulit nito at tinulak ba siya sa balikat niya.
Hindi naman niya pinatulan ang mga ito. Ayaw niya ng gulo.
Hindi siya kasing maldita ni Kendrea at lalong hindi siya kasing tapang ni
Kendall.
“Hoy! Ano yan?!” mula sa kung saan ay may narinig
silang sumigaw.
Pansin ni Kenzie na biglang namutla ang tatlong babae sa
harapan niya.
“C-C-Cl-Cloud” namumutlang sabi ng mga ito.
Nagtatakang sinundan naman ng tingin ni Kenzie ang
tinitignan ng mga ito. Nakita niyang palapit sa kanila ang isang lalaki. Base
sa aura nito at sa takot na pinapakita ng mga malditang babae sa harapan niya
ay mukhang ito ang hari ng eskwelahan nila. Nakakakuha na din sila ng atensyon
mula sa ibang mga estudyante.
Teka! Siya din yung parang tanggang lalaki na tawa ng tawa
nung nalaman niya na kakambal ako ni Drea.
Bakit ba sa tuwing mabubully siya ay bigla na lamang
sumusulpot ang lalaking ito?
“Di ba pinagsabihan
ko na kayo? Bakit nambubully na naman kayo ha?! Hindi niyo ba alam na ako lang
ang may karapatan na mambully sa eskwelahang ito?! Lalaban ba kayo ha?!” sigang sabi nito sa tatlo.
“A-aah hindi naman namin
siya binubully eh. Kinakausap lang naman namin siya” pagtatanggol ng isa sa sarili
nito.
“Wow! At talagang
sumasagot ka pa?”
“S-So-Sorry” nagmamadali na itong hinila ng
mga kasama nito. Tila takot na takot ang mga ito sa lalaking dumating.
Napailing na lang si Kenzie at maglalakad na sana palayo sa lugar na
iyon nang siya naman ang balingan nung lalaking mayabang.
“At saan sa tingin
mo ikaw pupunta?”
tanong nito sa kanya at may nang-uuyam na ngiti sa mukha nito.
Hindi nagsasalita na tinuro lang niya ang daan papuntang
library.
“Library? Well,
mukhang dun ka nga nababagay sa hitsura mong iyan” pang-aasar pa nito.
Hahakbang na sana
ulit si Kenzie palayo nang pigilan siya nito. Hinawakan nito ang braso niya at
iniharap sa mga estudyanteng kasalukuyang naonood sa kanila. Hiyang hiya naman
ang pakiramdam ni Kenzie. Gusto na niyang mag-teleport paalis sa lugar na iyon.
“Attention
everyone!” tawag
pansin ng binata sa mga tao doon. Agad namang natutok ang atensyon ng lahat
dito. Halatang ilag o takot ang lahat sa kanya dahil itinigil pa talaga ng iba
ang mga ginagawa nila para lang pakinggan kung anuman ang sasabihin nito.
Teka nga! Mag-speech ba siya? Bakit kailangan pa niya
akong hawakan? Ipapahiya niya ba ako sa harapan ng mga taong ito?
“Simula sa araw na
ito, walang sinuman sa inyo ang pwedeng umapi, mangtrip o mambully sa babaeng
ito. Aag sinuman na malalaman ko na lumabag sa utos ko ay ako ang makakalaban!
Maliwanang ba?!”
sigaw nito. Natahimik naman ang lahat. Siya naman ang binalingan nung lalaking
mayabang. “Ako lang ang may karapatang
mantrip sayo. Naiintindihan mo?” sabi nito sabay tawa nang parang wala ng
bukas.
Nang makuntento ito na pagtawanan siya ay binitawan na din
nito ang kamay niya. Agad na umalis si Kenzie sa lugar na iyon. Hiyang hiya
siya!
+++++
Dahil sa nangyareng gulo dala nung lalaking mayabang ay
hindi na itinuloy ni Kenzie ang balak na pagtambay sa library. Wala na siyang
oras. Isang oras na lamang at magsisimula na ang klase ni Kendall. Hindi pa
siya nakakapag-ayos.
Agad siyang pumasok sa Restroom na naroon sa building ng
kalse nila Kendall at dirediretso sa cubicle.
Mabuti na lamang at walang tao kaya walang nakakita sa kanya. Inilabas niya ang
mga gamit na kinuha niya sa kapatid.
Ang suot na loose blouse ay pinalitan niya ng isang hapit
na t-shirt. Yung mahabang palda niya ay pinalitan niya ng pantalong maong na
may butas sa tuhod. Ang flat doll shoes niya ay pinalitan niya ng rubber shoes.
Mabuti na lamang at magkakasing sukat sila ng katawan tatlo kaya hindi na
nahirapan pa si Kenzie sa mga damit ni Kendall. Ang buhok niyang nakabraid ay
tinali niya ng ponytail. Inalis din niya ang salamin sa mata at naglagay ng
plain na contact lense. Kahit na naiirita siya sa Contact lense ay wala siyang
choice dahil sadyang malabo
ang mga mata niya. Wala siyang makikita kapag hindi siya nagsuot nito. Inilabas
din niya ang ilan sa accessories ni Kendall na
kinuha niya sa silid nito. Nagpahid din siya ng konting lipstick at pulbos sa
mukha. Natural na mamula mula ang pisngi niya kaya hindi na siya naglagay ng
blush on. Hindi rin naman siya marunong. Baka magmukha pa siyang sinampal.
Hindi na rin siya naglagay ng eyeliner baka matusok pa ang mata niya.
Satisfied sa sarili na napangiti si Kenzie sa salamin.
“Okay! Ako na si Kendall !”
+++++
Napatingin ang lahat ng dirediretsong pumasok si Kendrea
sa loob ng classroom at nilapitan ang nag-iingay na si Cloud. May binubully na
naman itong estudyante. Hinampas nito ng hawak na shoulder bag ang binata.
Halatang nagulat naman ito maging ang ibang mga estudyante na naroon.
Napangiti si Cloud nang makilala kung sino ang walang
babalang humampas sa kanya.
“Anong
maipaglilingkod ko sa mahal na prinsesa?” nang-aasar na sabi ni Cloud at yumuko pa sa harap
ni Kendrea.
Isang hampas na naman ang iginanti dito ng dalaga. Kung
ang ibang mga tao ay takot at ilag kay Cloud ay hindi ganun si Kendrea. Hindi
siya natatakot dito. Kahit pa sabihing apo ng may-ari ng eskwelahan si Cloud ay
wala siyang pakialam. Dahil kung sikat si Cloud ay sikat din siya. They are the
tandem of the school. King Bee and Queen Bee. Kinatatakutan, kinaiingitan,
hinahangaan.
“I heard what you
did this morning”
pagtataray ni Kendrea dito.
“I see. Ang bilis
talaga kumalat ng balita. Masyadong madadaldal ang mga bubuyog natin” tila balewalang sabi nito at
itinaas pa ang kamay sa ibabaw ng upuan.
“Stop bothering my
sister Cloud. Huwag mo siyang idamay sa mga kalokohan mo” banta niya sa binata.
“Wow! Acting like a
good sister now?” nag-aasar na sabi ni Cloud. “Hindi bagay sayo Drea. Why don’t
you just go shopping?”
“I’m serious Cloud.
Kung anuman ang binabalak mo kay Kenzie, you better stop it now. Kung ayaw mong
ako ang makalaban mo.”
Tumayo si Cloud at inakbayan ang dalaga.
“Relax Drea. I’m
just saving your little sweet twin sister sa mga nambubully sa kanya. Mula
ngayon, wala nang mang-aaway sa kanya. Isn’t that great?”
Tinanggal naman ni Kendrea ang kamay ni Cloud sa balikat
niya.
“By being your own
personal toy? Kenzie maybe nerd, weird and sometimes scary, but she’s still my
twin sister. At kapag nalaman ni Kendall ang
ginawa mo. I’m sure hindi ka rin palalagpasin nun.”
“Bakit ganyan kayo?
You think I’m so evil?”
Taas ng kilay ang isinagot dito ni Kendrea.
“Worry your own
business Drea, and I worry mine. That’s fair right?”
“Fine! But don’t you
dare do anything foolish. Hindi talaga kita palalagpasin.” Banta ni Kendrea at naglakad na
palabas ng classroom.
“I love you too
Drea!” nang-aasar
na pahabol pa ni Cloud dito.
Inilabas ni Cloud ang isang litrato.
“Interesting” anito na may nang-aasar na ngiti
sa labi.
+++++
Nakasimangot si Kendrea nang lumabas sa classroom nila
Cloud. Naiinis siya kung bakit kailangan pang pagtuunan ng pansin ni Cloud si
Kenzie. Dati rati naman ay walang pakialam si Cloud sa ibang tao. Pero bakit
ngayon idineklara pa nito na walang ibang pwedeng mambully kay Kenzie maliban
dito. It’s as if he’s claiming that Kenzie is his. It’s as if they have a
relationship para maging protective si Cloud kay Kenzie.
Kahit pa sabihin na pagtitripan at ibubully din naman ni
cloud si Kenzie at hindi naman liligawan eh naiinis pa rin siya. Ano bang meron
si Kenzie para pansinin ng isang Cloud Gustin?!
Kung hindi nga lang siya sikat sa school ay baka hindi rin
siya pagtuunan ng pansin ni Cloud. Baka tulad lamang siya ng ibang babae na
nagkakagusto dito. But she has an advantage to them. She is the Queen Bee of
the school. And she likes Cloud. Not because she loves him but she likes Cloud
because of his popularity. Aside from being handsome, Cloud is rich and famous.
They are a good couple.
Perfect couple.
At hindi siya papayag na pagtuunan ng pansin ni Cloud ang
nerd na kakambal niya.
Wala naman siyang problema kay Kenzie. Mahal din naman
niya ang mga kakambal niya kahit na hindi niya ipinapakita. Pero sa ginawang
pagpapakita ng interes ni Cloud kay Kenzie. Naiinis talaga siya.
Sobrang naiinis siya!!!!
“Hi Kendrea”
Nagulat ang dalaga sa biglang pagsulpot ng bestfriend ni
Kendall sa harap niya. Well, she forgot his name. Basta alam niya bestfriend ito
ni Kendall.
Hindi pinapansin na nilagpasan lang niya ito at
dirediretsong naglakad. Agad naman siyang sinundan ng binata.
“Kendrea. I said
Hi.” Ulit nito.
Huminto siya at tinaasan niya ito ng kilay.
“And so?”
“When someone said
Hi, you should say Hello”
“Bakit? Required ba
na kausapin kita?”
pagtataray niya dito. Hindi niya alam kung sadyang mandid ba ito at ayaw
makahalata na wala siyang panahon na kausapin ito.
“Hindi naman. Pero
bestfriend ako ng kakambal mo at kahit papaano ay magkakilala naman na tayo.
So, hindi naman siguro masama na magbatian tayo kapag nagkasalubong diba?”
“Why are you making
such a big deal of it?! Bestfriend ka ni Kendall but it doesn’t mean that we’re
friends. I don’t even know your name!” tila naiinis na sabi pa ni Kendrea.
Badtrip na nga siya kay Cloud at kay Kenzie dadagdagan pa
nung lalaking kaharap niya ngayon.
“Gavin”
“What?!” nagtatakang tanong niya.
“Gavin. My name is
Gavin”
Napabuntong hininga si Kendrea.
“Look Gavin, or
whatever your name is, I don’t care who you are. Just please get out of my
sight” panonopla
niya at nagsimula na ulit humakbang paalis. Pero agad din siyang lumingon sa
binata “And don’t you dare follow me
again.”
Naiwan namang natulala si Gavin. Aware na siya na may
pagkamaldita talaga ang kakambal ni Kendall
pero hindi niya ineexpect na sa unang attempt palang niya na makipagkaibigan dito
ay sopla na agad siya. Mukhang tama si Kendall ,
kakailanganin niya ng matinding willpower at pasensya kung gusto niya talagang
turuang maging mabuting tao si Kendrea.
“Sus! Sisiw” natatawang sabi niya sa sarili.
Humakbang na siya papunta sa school building nila. May
exam pa sila ngayon at ayaw niyang mahuli sa klase. Sa paglalakad niya ay isang
pamilyar na tao ang nakita niya.
“Kendall ” tawag pansin ng binata subalit
tila hindi siya narinig nito. Tumakbo siya para maabutan ito. Mukhang
nagmamadali din kasi ang bestfriend niya. Baka hinabol at kinulit na naman nito
si Logan .
“Hoy! Kendall ” bati niya at tinapik ito sa balikat.
Mukha namang tanga ang bestfriend niya na natulala sa
pagkakatingin sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Gavin ay hindi si Kendall ang
kaharap niya ngayon kundi si Kenzie na nagpapanggap na si Kendall .
“Mukha kang tanga
dyan. Kanina pa kita tinatawag eh. Tara sabay na tayo pumuntang classroom” ani ni Gavin at inakbayan si “Kendall ”
Pilit namang pinakalma ni Kenzie ang sarili. Hindi siya
dapat magpahalata na hindi siya si Kendall
lalo na sa harapan ni Gavin. Pero shaking animals! Ngayon lang siya naakbayan
ng isang lalaki. At si Gavin pa! Si Gavin pa!!!!!
Kahit hindi mo na ako ilibre sa sahod mo Kendall
okay lang
“Alam mo
nakasalubong ko si Kendrea. Ang taray pala talaga nung kakambal mo na yun noh?
Sinopla agad ako eh.” Kwento ni Gavin habang naglalakad sila.
“Ahh…ganun talaga
yun. Wala ng bago dun.” sagot niya. Kaboses naman niya si Kendall
at Kendrea kaya walang problema. Kailangan niya lang gayahin ang paraan ng
pagsasalita ni Kendall.
“Pero hindi pa rin
ako susuko. Magiging mabuting tao ang kakambal mo na yun.” Pangako ni Gavin.
Patuloy lang naman si Kenzie sa pakikinig sa nagsasalitang
binata. Maya maya ay napahinto ito sa paglalakad kaya huminto din siya.
“Bakit?” tanong niya dito. Bigla din
kasing natahimik ang binata.
May tinuro ito sa likod niya.
“Si Logan oh.”
Napakunot ang noo ni Kenzie at huli na para mapigil niya
ang salitang lumabas sa bibig niya.
“Sinong Logan?”
+++++
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^