Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Chapter 8

I'm The Gangster Queen

by Hannah Jewel


     "Kakampi niyo nga ako sa ngayon, pero kalaban ko pa rin kayo. Ganito ang buhay ko simula ng magkaisip na ako at malaman kong isa akong heiress ng isang Mafia.  Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng isang simpleng buhay kaya ko 'to ginagawa. Kung ang tanging solusyon sa lahat ng kaguluhan na ito ay ang pakikipagkampi ko sa inyo, kaya kong isugal ang buhay ko para makuha ang minimithi ko." 
---

     "Wrong Answer." sabi ni Angel matapos ang pagbagsak ng bangkay ng taong pinaputukan niya sa ulo. Umiinit na ang ulo niya at itinutok ito sa sunod na tao na nandoon. "Kung ayaw niyong iputok ko sa ulo ninyong lahat ang baril na ito ay sabihin niyo na sa akin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Alam kong hindi kayo basta-basta matatalo ng ganyan-ganyanan lang. Bilisan niyo bago pa magbago ang isip ko." unti-unti niyang kinalabit ang baril sa taong kanina niya pa tinututukan ng kaniyang baril.
   
   "Tama na p-po! Si L-Lillianne! Si Lillianne po! A-Ang heiress po ang n-nagk-kanulo sa atin. Maawa po k-kayo! Iyan po ang totoo." napatigil si Angel ng marinig niya ang isa sa mga pinapahirapan nila na bigla na lang sumigaw. Napalingon siya rito at tinaasan niya ito ng kilay. Pinagmasdan niya ang mukha nito at kita niya ang takot sa mukha ng taong ito. Tinitingnan niya kung nagsasabi ang taong ito ng totoo at bigla siyang napangisi. Huwag mo akong gagawing tanga, isip niya, pero hindi niya ito sinabi ng harapan sa taong iyon.

      "Chino."

   "Ano na naman ang naiisip mo ngayon, Red Tiger?" tanong nito sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakangisi. May magandang plano siyang naiisip ngayon. "Sa SecRoom." sabi niya at umalis na siya sa kuwartong iyon kung saan nila pinapahirapan ang mga taong bumigo sa kanila. Tumango naman kaagad si Chino at sumunod kay Angel. 

     "Sabihin mo na sa akin, nangangati na naman ang kamay ko na pumatay." sabi ni Chino sa kaniya at sumalampak ito sa isang sofa na nandoon. Napairap ng wala sa oras ang babae. "Not now. Kailangan natin sila. Bigyan mo sila ng pagkain na matino at pagkatapos noon ay pauwiin mo sila sa Hugo Mafia Headquarter. Make sure na hindi sila magsasalita ang mga ito tungkol sa ginawa natin sa kanila dahil sa oras na marinig ito ng kanang kamay ng Headmaster ay malilintikan tayo ng wala sa oras." sabi niya kay Chino habang nakatingin sa labas ng bintana ng SecRoom. Napabuntong-hininga si Chino sa sinabi ni Angel. Hindi niya makuha ang utak ng babaeng ito kahit kailan. Tumango na lamang siya at bago umalis sa kuwartong iyon ay nagsalita siya, "Your wish, is always my command."

---

     "You've gotta be kidding me." bulong ni Queenie na hindi nakaligtas sa pandinig ng mga tao sa loob ng kuwarto na iyon. Sakto namang magsasalita siyang muli ng biglang may pumasok na tao sa kuwarto at nanlaki ang mata niya ng makita ang kaniyang kakambal na si Lee at si Kim.
     
     Halata sa dalawa ang pagtataka nang makita ang mga tao sa loob ng kuwarto ni Queenie. Ang pagkakaalam nila ay walang ibang kaibigan si Queenie bukod sa kanilang dalawa kasama na rin si Miggs at Megan. Kagagaling lang nila sa wala pa ring malay na si Miggs na halos katabi lang ng kuwarto ni Queenie. 

     "Q-Queenie . . . gising ka na pala. Sino sila? Do you know them?" pagtatanong ni Kim at dahan-dahang lumapit sa kaibigan niya na nakaupo habang nakasandal sa head ng kama. Pero bago pa man makapagsalita si Queenie ay bigla itong parang nanigas at 'di makapagsalita. Unti-unti rin itong bumabagsak kaya dali-daling nagpanic at nabagsak ng wala sa oras ni Lee ang kaniyang dalang pagkain para sa kaniyang kakambal at pumunta sa kapatid upang ihiga ito ng maayos. Sumama ang tingin niya sa mga taong nandoon rin na nakatingin lang ng blanko sa kanila. "What the hell did you do to my sister?" mahinahon ngunit mababakas mo ang galit sa boses niya. Agad niya ring binalik ang tingin niya sa kaniyang kapatid na nakatingin sa kaniya na parang may gustong sabihin ngunit parang hirap na hirap ito sa paggalaw ng bibig at katawan.

     "The medicine I made her take must be losing its effect. I can't make her  take the medicine again because it will only worsten her condition. Don't worry 'cause she will not lost her consciousness. There's something we need to tell you first so please kindly remove all your doubts about us. We're not your real enemy 'cause the real enemy is out there and may be already planning what to do to kill you. And maybe, us." seryosong sabi ni Grazie sa kanila. Tumingin naman si Lee sa kaniyang kapatid na nakatingin lang sa kaniya na parang sinasabi na magtiwala siya sa sinabi ni Grazie. Napabuntong-hininga siya. "I would like to introduce ourselves first. My name is Grazie Garcia also known as Raven Dutchess and I'm the gangster princess. The 4 people with me are Krissie, Maxon, Genesis and Skylar, which is my comrades while the other one is Scarlet Lillianne von Hugo . . ." hindi pa man nakakapagtapos magsalita si Grazie ay pinutol ito ni Kim at habang sinasamaan ng tingin si Lillianne. "Hugo? Bakit may isang Hugo Mafia dito? At sa pagkakaalam ko, ikaw ang batang 'yon. Ikaw ang nag-utos sa mga alagad mo na saktan kami!" napapikit na lang ng mariin si Grazie at tumingin kay Lillianne. Ngumiti lamang ang babae rito at bumulong. "Don't worry."

     Tumikhim si Lillianne at napatingin ang lahat sa kaniya. "I get that alot. Questions, confusions, and doubt eversince I betrayed my own. Questions if I would really take my word seriously; Confusions on why I am helping my enemy; and Doubt, because I'm a Hugo. Mayroon lang akong isang sasabihin sa inyo. I am doing this for my own happiness and not for yours. " napataas ng kilay si Lee. "And why are you going to help us? Kaya na namin ang sarili namin. And I doubt na basta-basta mong makukuha ang trust namin dahil magkalaban tayo. I think - - -"

     "Hindi sana kayo buhay ngayon kung hindi dahil sa akin." 

     That caught their attention. Even Queenie who is just silently listening tried to move her head just to see everyone's face. "What?!"

     "Yung mga kasama ko ng araw na iyon . . . they are highly trained assassins. They even take medicines na inimbento mismo ni Sire Etienne na nagpapalakas lalo sa kanila. Pero may ginawa ako bago mangyari ang labanan. Bago pa kayo pinagmatyagan ng  mga assassins na iyon."

     Nanatili silang tahimik habang hinihintay ang sunod na sasabihin ng babae. 
   
      "Ang mga gamot na iniinom nila, atsaka ang lason na mayroon ang dagger na nasaksak kay Queenie ay pinaghalo ko. Kinuha ko ang dagger ng isa sa mga assassins na alam ko ay nilagyan niya ng lason at nilagyan ko ito ng sobrang daming gamot na itinakas ko mula sa lab kung saan ginagawa ang gamot na pampalakas sa mga assassins habang nilagyan ko naman ng lason ang mga natirang gamot at pinainom ko ito sa kanila. Kaya kung pagmamasdan niyo ang labanan noong araw na iyon, makikita niyo na sobrang tila mahina at pagod sila."

     Nanlaki ang mata ng tatlo. 

     "Why . . . why are you doing this?" bulong ni Lee. Ngumiti lang ang babae sa kanila. Kasabay ng pagtaas nito ng kamay at tila hinihintay na makipagkamay si Kim at Lee sa kaniya na tinanggap naman ng dalawa. Pagkatapos magkamayan ay bigla ulit naging seryoso ang itsura ni Lillianne. "But remember this." sabi nito at unti-unting lumapit sa pintuan ng kuwarto para lumabas. 

     "Kakampi niyo nga ako sa ngayon, pero kalaban ko pa rin kayo. Ganito ang buhay ko simula ng magkaisip na ako at malaman kong isa akong heiress ng isang Mafia.  Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng isang simpleng buhay kaya ko 'to ginagawa. Kung ang tanging solusyon sa lahat ng kaguluhan na ito ay ang pakikipagkampi ko sa inyo, kaya kong isugal ang buhay ko para makuha ang minimithi ko." at tuluyan itong lumabas. Sumunod naman si Grazie dito at ngumiti muna ito sa kanila, "We'll be back again. Soon." at kumaway siya kila Kim bago tuluyang lumabas. 




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^