Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Chapter 7

I'm The Gangster Queen

by Hannah Jewel


     "I need to go." napakunot ng noo si Zero. Saan naman? Mukhang nabasa naman ni Megan ang iniisip ng lalake kaya nag-salita ulit siya. "Somewhere, anywhere. Basta. Kahit saan basta walang katulad mo na madadaldal." napasimangot naman siya ng wala sa oras. Kahit kailan talaga, napaka heartless na babae na nasa harapan niya.

---

     "Eeenie, minie, mini, mo, sino kayang mauuna sa inyo?" Nanginig lahat ang nasa loob ng silid na iyon. Bukod sa nakapiring sila ay nakaposas rin ang mga kamay nila sa upuan na kinauupuan nila. Natatakot sila. Gusto nilang lumaban pero hindi nila magawa-gawa ito dahil sa sitwasyon nila. 

     BANG!

     Nagulat silang lahat sa isang putok. Narinig nila ang isang kalabog na marahil ay dahil sa isang pagbagsak ng isa sa kasamahan nila. Mas lalo silang natakot. Ibig sabihin ay may namatay na namang isa sa kanila. Ilang kalabog na ba ang narinig nila sa loob ng isang araw? Sampu? Labing dalawa? Dalawampu? 

     "Hindi pa ba talaga kayo magsasalita?! Putang-ina pala kayo! Matapos niyong ipahiya si Red Tiger! Mga walang kuwenta! Napakahina niyo! Gangster pa ba ang maitatawag sa inyo kung ganyan kayo makipaglaban?! Look at Terrence! An ex-member of the Red Tiger Gang! And yet after so many years, ngayon lang ulit siya nakipaglaban! Pero tignan niyo ang lakas niya, walang-wala sa mga putragis na katulad niyo na 2 taon na tine-training! I'll surely kill all of you ---" biglang napatigil sa pagsasalita ang taong nasa likod ng pagkamatay ng mga kasamahan nila. Napabuntong-hininga silang lahat. "That's enough Chino." biglang bumalik ang takot nila matapos marinig ang boses na iyon. "It's clearly not their fault . . . alisin mo ang piring sa mga mata nila." agad namang sumunod ang lalake sa utos palang ng nag-sasalita.

     Halos manlaki ang mata nilang lahat ng lumitaw sa harapan nila ang isang babae na kamukhang-kamukha ng  babae na pinapapapatay ni Red Tiger. This is the first time that they're able to see the face of Red Tiger kaya lahat sila ay gulat na gulat sa nakikita nila. The only difference was, punong-puno ng tattoo si Red Tiger sa leeg nito at may sugat ito na para bang kinalmot ng isang hayop sa bandang baba ng kaliwang mata nito.

     "Tell me. Who is the mastermind behind all of these? Alam kong hindi naman ganito ang mangyayari kung walang tao ang nagpakana ng lahat ng ito. May isa sa inyo ang trumaydor sa akin. Sino siya? Sabihin niyo sa akin kung gusto niyo pang mabuhay at makasama ang mga mahal niyo sa buhay!" nagsimula ng magalit si Red Tiger at nakita nilang lahat kung gaano kabilis nitong makuha ang baril sa kamay ni Chino at itinutok sa kanilang lahat. Napalunok ang isa sa kanila ng biglang itinutok ni Red Tiger ang baril sa kaniya. "H-hindi ko po a-alam. Nagsas-sa-sabi po ak-ko ng t-toto-o." tinaas ni Red Tiger ang kilay niya rito. "Talaga?" 

     "O-Opo."

     BANG!

    Napapikit ang iba sa kanila na nasa silid na iyon ng ipinutok ni Red Tiger ang baril sa kasamahan nila.

     "Wrong answer."

---

     Halos malula si Zero sa laki ng bahay - - - mali, hindi pala bahay dahil mukhang palasyo ang pinasukan nilang dalawa ni Megan dahil sa sobrang laki neto. Nagulat pa siya dahil sa maraming mga tao na parang halos hindi magkandaugaga matapos nilang makita si Megan sa harapan nila. Parang tila ba ngayon lang ulit nila nakita ang babae. Napatingin naman siya sa babae na para bang tila wala lang dito ang nangyayari at basta-basta na lang pumapasok ng hindi nagtatanong sa mga tao sa harapan nila. "U-Uy! T-Teka nga lang! Is this your house?! Alam kong mayaman ka pero hindi ganitong mga bahay ang ineexpect ko na tinitirhan mo! At least pay some respect to the owner of this house!" pabulong na wika ni Zero kay Megan habang patuloy lang ito sa paglalakad na tila ba hindi siya nito naririnig. Magsasalita sana muli si Zero ng biglang tumigil si Megan kaya ang nangyari ay nagkauntugan silang dalawa. 

     Hindi nanakapagpigil si Megan kaya't agad-agad siyang lumingon sa lalake at madaling piningot ang tenga nito. "Damn you and you're fucking bloody talkative mouth!"

      "A-aray! Sheeeeeeeett!!! Hey stop it! Stop! Titigil na ako sa pagsasalita! Just! Just please remove your hand on my ear!" pag-anagal naman ni Zero. Tinanggal naman ito ni Megan at bumuntong-hininga. "You're just like that guy. I swear." bulong ni Megan na buti naman ay hindi narinig ni Zero. 

     "Young Lady! It's good to see you again!" nagulat si Zero ng biglang may lumitaw na lang na babae sa harapan nila ni Megan na nakapang maid outfit. Young Lady? Then sa kaniya nga 'tong malapalasyo na bahay na'to? Nakita naman kaagad ni Zero ang pagtingin ng babae sa kaniya at kaagad itong napayuko ng mahuli niya itong nakatingin sa kaniya. "Ella. From now on, dito na muna 'tong lalake na 'to. He'll be my new first right hand and you need to train him just like what you did to Terrence before. I'll assign you to be his guide and please do tell him everything; his mission, gangster society, hugo mafia, red tiger, and the incident before." tumango naman ang babae rito. 

     "Hey, Hawk Lazardo." dali-dali namang napatingin si Zero kay Megan. "H-hah?" 

     "Iiwan muna kita kay Ella. I need to go." napakunot naman ng noo si Zero. Saan naman? Kakarating pa nga lang nila dito tapos aalis na naman kaagad ang babae? Hindi ba nito alam ang salitang pahinga?  Mukhang nabasa naman ni Megan ang iniisip ng lalake kaya nag-salita ulit siya. "Somewhere, anywhere. Basta. Kahit saan basta walang katulad mo na madadaldal. Huwag ka na lang mangialam. Gawin mo na lang ang dapat mong gawin. Huwag kang mag-alala, may pera na ang bank account mo." napasimangot naman siya ng wala sa oras. Kahit kailan talaga, napaka heartless na babae na nasa harapan niya.

---

     " . . . The Gangster Princess." pagtatapos ni Queenie sa sinasabi ng babae. Ngumiti na naman ng kakila-kilabot si Raven Dutchess at umupo ito sa isang sofa na katapat ng kama na hinihigaan niya. The girl made a popping sound and grinned. "Bingo." at tumawa ito na para bang may nakakatawang nangyayari ngayon. Queenie sighed. Saan ba mapupunta ang pinag-uusapan nila? Iyon ang kaniyang naiisip. Bakit pa kailangan nitong magpakilala sa kaniya? Sa pagkakaalam niya ay hindi siya pumatol sa mga Gangster Royalties noon. Tanging si Megan lang talaga ang kaniyang naging kaibigan sa taltlong mga Gangster Royalties na mayroon ang Gangster Society. 

     Magsasalita pa sana siya nang biglaang may pumasok na tatlong babae at dalawang lalake. Nanlaki ang mata niya nang mapansin ang isa sa mga pumasok.

     "I-IKAW?"

     Ang batang iyon. Pinikit-pikit pa ni Queenie ang mata niya at kinusot-kusot upang makasigurado na siya nga ito. Siya nga. At nakangiti ito sa kaniya. "Pasensya na sa nangyari noong isang araw. Patawad pero ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya para lang hindi matuloy ang labanan na iyon." napakunot-noo si Queenie. Bakit ito humihingi ng tawad? Hindi ba't kalaban niya ito? Which makes the six person infront of her so dangerous. Isang Gangster Princess na galing sa Gangster Society. At isa mula sa Hugo Mafia. 

     "Queenie. Don't be afraid. Hindi kami masamang tao." sabi naman ng isang babae na mukhang half black American and half Filipino. Muntikan ng matawa si Queenie. Hindi masamang tao? Talaga lang ah? Kung hindi sila masama, wala sana siya sa kama na kinaroroonan niya ngayon. "Sorry pero parang mahirap atang paniwalaan ang sinasabi niyo ngayon sa akin. Kung hindi kayo masama . . . " tumingin si Queenie sa bata na parang kailan lang ay sinasabi sa kanilang tatlo ni Miggs at Lee na sumuko na at sabihin ang kinaroroonan ni Megan tapos ngayon ay kakampi niya na. "bakit may kasama kayong isang Hugo Mafia? Hindi ba parang ang labo ata ng nangyayari ngayon? Isang Gangster Society Royalty, nakikipagkampi sa isang Hugo Mafia? We all know na umpisa pa lang ay magkaaway na ang GS AT HM kaya huwag na tayong makipaglokohan pa.  Sorry to tell you this, the so called 'Gangster Princess' but you betrayed us ---" naputol ang pagsasalita ni Queenie ng biglang sumabat ang isa sa dalawang lalake na kanina pa tahimik. "You do not have the right to call Grazie a traitor, Queenie Mae Yamoto. Hindi mo alam ang buong kuwento." napapiktit na lang ng mariin si Queenie.

     "Ako na lang ang magku-kuwento. Since I started this, ako ang may karapatan na sabihin sa iyo ang mga nangyari. Your Gangster Princess did not betray the Gangster Society, don't worry. Actually, ako pa nga dapat ang magalala." bumuntong-hininga ito kasabay ng paghagikgik nito pero agad ding naging seryoso. "I'm the one who needs to worry the most here miss Yamoto. 'Cause I'm the one who betrayed Hugo Mafia. Worst, hindi ako isang ordinaryong gangster ng Hugo Mafia." nanlaki naman ang mata ni Queenie. Sa tingin niya ay sobrang rami ng revelation ang nangyari ngayong araw na ito. 

     "Hindi ako isang ordinaryong gangster ng Hugo Mafia. It's because I'm the soon to be leader of the whole Hugo Mafia. I'm Scarlet Lillianne von Hugo, the daughter of the sick Headmaster of Hugo Mafia."





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^