Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Chapter 4

I'm The Gangster Queen!

by Hannah Jewel


     Sumugod ang iba na rito at ang natira ay sumugod naman sa kanila ni Terrence habang si Lee naman ay inalalayan ang kapatid nito. Puro ilag muna ang ginagawa ni Terrence habang si Kim ay hawak-hawak lamang neto. Napabuntong-hininga siya at pumikit. Feeling niya ay napakauseless niya. Nagdadalawang isip na siya. Tutulong ba siya o magiging pabigat lamang sa mga kaibigan niya?

---

     Shit.

     Iyon na lamang ang naisip ni Lee ng makita kung gaano karami ang mga gangster ng Hugo Mafia na nakapalibot sa kanila. Kung maaari sana ay gusto niya ng saksakin ang mga ito at pugutin ang mga ulo dahil kanina na siya naiirita. Para bang hindi pagod ang mga ito kahit sobrang tagal na nila ito pinapahirapan.

     Pinagmasdan niya si Terrence na nanlalaki ang mga mata pero agad rin naman itong nawala at napalitan ng pagkaseryoso. "This is so fucking annoying." rinig naman niyang bulong ng kaniyang kambal. "Pagod na ako." bulong naman ni Miggs.

     Tumingin siya kay Kim na parang takot na takot. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang sugat nito sa pisngi kahit na sabihing sobrang liit pa nito. Napansin niya pa ang pulang marka sa bandang leeg nito kaya't napabuntong-hininga niya. Napaka-careless talaga, isip-isip niya. Tumingin siya sa kaniyang kambal at mukhang parehas pa sila ng iniisip kaya kumibit-balikat silang dalawa at ngumisi.

     "Just give up Miguel, Lee, Queenie, Kim and Terrence. Just give us the whereabouts of your Queen and we'll leave you safe and sound." nagulat naman silang lahat ng may isang batang babae na sa tingin nila ay mga nasa katorse palang ang gulang ang biglang naglakad papaharap. Tila kahit ito ang pinakabata sa lahat, ito naman ang pinakanakakamatay. May kung anong mayroon ang batang nasa harap nila na hindi nila matukoy kaya't ito ang tumatayong lider ng mga Hugo Mafia ngayon. Nakita naman ni Lee  ang pagkuyom ng kamao ni Miggs. Nakita niya ang sakit sa ekspresyon neto sa tuwing may bumabanggit kay Megan. Tinamaan na talaga kay Meg.

     "We don't have it in us to give up. Parang sinabi mo na rin na duwag kami. And to tell you the truth? We don't even know where the hell our Queen is right now." tumaas naman ang kilay ng bata pero agad din namang ngumiti. "Oh? really?" mangha nitong tanong na parang isang hamon. Nawala naman kaagad ito sa paningin nila at ang sunod na nangyari ay hindi nila inasahan. 

     Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang isang segundo lang ang lahat. "Ah!" impit na sigaw ni Queenie at napaupo. Hawak-hawak niya ang isang dagger na malalim na nakapaloob sa kaniyang binti. Nanlaki naman ang mata ni Lee at pupuntahan na sana siya pero nakarinig naman siya ng putok ng isang baril. Nagulat naman sila Kim at Terrence ng may nakita silang mahigit sampu na mga Hugo Mafia na papunta na sa kanila pero napatigil din ng biglang matumba ang isa nilang kasamahan. Nakita ni Kim ang awa para sa kasamahan nila sa mga mata ng mga to pero agad ding nawala iyon at napalitan ng galit at napatingin sa kung sino mang demonyo ang gumawa noon sa kasamahan nila. At nanlaki ang mata ni Kim ng makita ang pawis na pawis na si Miggs at hawak-hawak neto ang baril nito na laging itinatago nito sa bandang paanan.

     Sumugod ang iba rito at ang natira ay sumugod naman sa kanila ni Terrence habang si Lee naman ay inalalayan ang kapatid nito. Puro ilag muna ang ginagawa ni Terrence habang si Kim ay hawak-hawak lamang neto. Napabuntong-hininga siya at pumikit. Feeling niya ay napakauseless niya. Nagdadalawang isip na siya. Tutulong ba siya o magiging pabigat lamang sa mga kaibigan niya? Wala na siyang nagawa kaya't agad siyang bumitaw kay Terrence pero hinila naman kaagad siya nito, "Nababaliw ka ba Kim? Huwag kang bibitaw sa kamay ko at baka may kung ano pa ang mangyari sayo. Nakita mo naman siguro kung paano ka kaagad mabiktima ng Chino Lim na yun di ba?" 

     Kumunot-noo na lamang si Kim at matigas na binawi dito ang kamay niya. Agad naman siyang nakakita ng shuriken sa paanan niya at kinuha ito. Nanlaki naman ang mata ni Terrence ng makita neto kung gaano kabilis kumilos si Kim at agad pinatamaan sa leeg ang isang lalake na papalapit kay Terrence. Agad nabalik sa labanan si Terrence at sa pamamagitan ni Kim ay nadistract ang ibang mga kalaban kaya't nagawa itong patumbahin ni Terrence. Napatingin naman sila kay Miggs na ngayon ay nawalan na ng bala kaya't ginamit naman nito ang kamay nito at mga binti upang malabanan ang mga ito. Nagkatinginan ang tatlo at tumango sa isa't-isa at agad tumakbo papalapit si Terrence at Kim dito.
    
     "Sis, are you sure you can handle the pain?" nag-aalalang tanong ni Lee habang buhat-buhat ang kapatid. Mabilisan siyang pumunta sa kotse nila na hindi naman masyadong malayo sa labanan. Narinig niya ang nahihirapang pag-ungol nito na parang oo ang pibapahiwatig. "J-just help them Lee. I can handle this. Pero make it faster ok? Hindi ko rin alam kung mga ilang oras pa ang itatagal ko bago mawalan ng malay." tumango naman kaagad si Lee sa kapatid at may kinuha siya sa kaniyang bulsa. "For safety purpose." bulong ni Lee at nilagay ang kunai sa palad ni Queenie at agad tumakbo papunta sa labanan.

     Agad sinapak ni Lee ang isang kalaban na nakita niyang papalapit sa kaniya ngunit nakailag naman ito at binigyan siya nito ng isang axe kick at natamaan siya nito sa kaniyang ulo dahilan para mapaupo si Lee. "Lee!" sigaw naman ni Miggs at tumakbo sa direksyon ng kalaban. Pero bago pa man siya makarating ng tuluyan ay hinarangan siya ng dalawang mas matangkad pa sa kaniya na mga lalake at naramdaman niya ring may humawak sa likod niya upang hindi siya makatakas. Ang alam na lamang niya ay may naramdaman siyang sobrang lakas na impact sa kaniya. Pinagsisipa at suntok siya ng mga ito at dahil na rin sa pagod dulot ng pakikipaglaban mula kanina ay nanghina na ang katawan niya.

       Naiwan namang nakatulala si Kim at Terrence. Tapos na sila sa mahigit pitong tao na nilabanan nila kanina kaya't agad silang sumugod sa dalawang lalake na hanggang ngayon ay sinusunto at pinagsisipa pa rin si Miggs. Dahil halos magkasingtangkaran naman si Terrence at ang isang gangster na sumisipa ngayon kay Miggs na naglabas ng isang butcher knife ay agad niya itong nahila sa pamamagitan ng pagsakal nya dito gamit ang kaniyang mga braso at inis na binalibag ito sa semento. Iritado niyang kinuha ang butcher knife neto at hinagis ito malapit sa ulo neto. Muntikan na ito kaya't nanginig sa takot ang taong iyon at agad na napatayo at napatakbo. Nakita naman ni Terrence si Miggs at nilapitan ito. "Hoy, pare. Ayos ka pa ba diyan? Mag hintay ka lang. Patapos na ito." sabay kuha ni Terrence ng isang sigarilyo sa bulsa ng leather jacket niya at sinindihan ito. Nakita naman niya ang lalakeng humawak kay Miggs kanina upang hindi makaalis na mukhang natakot na rin t kaya ng ginawa ng isa kanina ay napatakbo ito.

     Tumingin naman siya kay Kim at mukhang tapos na rin ito sa isa pang matangkad na lalake. Mukhang mas brutal pa ang ginawa nito kaysa sa ginawa niya kanina dahil sa dugo na nagkalat sa damit ni Kim pero sigurado namang hindi ito nakapatay. Tumingin rin siya kay Lee na mukhang kakabalik lang ulit sa wisyo at ngayon ay nilalabanan na ang pinakahuling Hugo Mafia Gangster. Tumulong na rin si Terrence kahit siya mismo ay pagod na rin habang si Kim naman ay pumunta kay Miggs upang tulungan itong makatayo at madala na rin sa kotse kung nasaan ngayon si Queenie. 

     Matapos namang matumba ang kalaban ay napaupo si Lee at Terrence. Napailing naman si Terrence sa mga katawan na nagkalat sa malamig na eskinita na iyon kung saan wala naman ang nakapansin sa kanilang labanan. Ngayon, paano naman nila maliligpit ang mga katawang iyan? Napabuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya ang personal butler niya at sinabi na dito ang kung ano mang dapat gawin nito. Nadala na ni Kim si Miggs sa kotse at sumunod na ang dalawa dito. Pero ang ipinagtataka nila ay nang nasa harapan na sila ng kotse ay balisang-balisa si Kim at may hawak itong isang folder na may tatak ng Red Tiger Gang.

     Surprise!
          Pero huwag kayong mag-alala, oh pitiful servant of your queen, dahil intro palang yan. Wala pa tayo sa chorus kaya maghanda na kayo. Oo nga pala, mukhang inabandona na kayo ng queen niyo dahil may lalake na atang iniibig at wala ng balak pa kayong asikasuhin. How sad . . . But anyway, I am not going to waste my time giving you this folder just to say that. What I wanted to say is I know the whereabouts of your fucking queen and if you want to know, feel free to join my gang and I'll tell you her location. That's all. CIAO.
-Red Tiger

     Nalamukos naman ni Lee iyon ng mabasa ito at ngumisi. "Hindi mo kami maloloko pa Red Tiger.bulong niya at pumasok na sa kotse kasama si Kim at dumiretso naman sa sariling kotse si Terrence at nagmadali silang pumunta sa isang malapit na ospital.




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^