Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Chapter 3

I'm The Gangster Queen!

by Hannah Jewel


      "Terrence! Please help Miggs, Lee and Queenie!" nagulat si Terrence ng bigla na lang sumigaw si Kim kaya't muntikan na siyang mauntog sa sasakyan dahil napatalon siya. "O-ok" gulat na sagot ni Terrence at saka sinunod ang lugar na tinuturo ni Kim kung nasaan sila.
---
     Great. Just great.

     Inis na tiningnan ni Zero ang damit niya na ngayon ay punong-puno na ng putik dahil sa lintek na sasakyan na walang pakundangan na dumaan sa harapan niya. Hindi man lang humingi ng paumanhin sa kaniya. Hindi niya na napansin na puting-puti na ang kamao niya dahil sa sobrang panggigigil. 

     Napabuntong-hininga na lamang siya at hinayaan na lang ito dahil malapit naman na siya sa condo ni Megan. Baka may maibigay itong ibang damit sa kaniya dahil sobrang yaman naman nito.

     Nang lalakad na siyang muli para agad ng makapunta sa bahay ni Megan ay muli niyang nakita ang punyetang sasakyan na nakabasa ng damit niya. Tanda niya pa ang plate number nito kaya sigurado siyang ito iyon. Punyeta lang ulit dahil muli nitong napuno ng putik ang damit niya. "Damn this!" bulong niya at inis na lumapit sa sasakyan upang katukin ang driver. Paulit-ulit niyang minumura sa isip kung sino mang demonyo ang nasa loob ng sasakyan.

     Just the time that he was going to knock, the front door opened and to his shocked, the person inside that car was unfortunately . . ., Megan. Nakangisi ito sa kaniya at parang wala lang itong pakialam na naputikan na ang damit niya. Napalunok siya at naalalang hindi lang pala isang ordinaryong gangster ang nasa harap niya kundi isang queen. Mayaman din which means maimpluwensiya ito at kaya nitong mabaligtad ang batas. Pilit niyang iwinaksi ang nerbyos niya at pilit niyang pinagsalubong ang kaniyang kilay para makita nitong hindi siya nito makokontrol kaagad-agad at kaya niyang magalit. "Look at what you did to my shirt!" galit-galitan niyang sigaw rito. Ineexpect niyang magugulat ang mukha nito at matatakot sa kaniya dahil kahit naman queen ito ng mga gangster ay babae pa rin ito which means that she also has girly emotions. 

     "And so? I don't care. It's your problem 'cause you're in my effin way. Hindi mo ba napansin na ilang beses na akong bumusina sa iyo? Tanga ka rin noh? Kaya, inovertake-an na lang kita at hindi na pinansin kung mapuputikan ka." Kumunot ang noo ni Zero ng mapansing cool lang itong nakatingin sa kaniya at parang hindi man lang natakot sa kaniya. "And also, hindi ko napansing ikaw pala yan 'cause you're wearing a cap. Sorry pero hindi ako mahilig tumanda ng itsura ng mga tao so . . . don't expect me to remember you immediately when I'm facing you're back cause I am not a fortune teller. Napatingin lang ako sa side mirror kaya nakilala kita at nag-u turn kaagad." bored na bored na sagot ni Megan sa kaniya. 

     Napalunok muli si Zero. This girl is totally something. Hindi man lang natakot at parang wala lang dito kung may maputikan itong ibang tao. And she also has a point, nakaharang nga naman siya sa daan. Ngayon niya lang napansin na nasa gitna na siya ng kalsada. Kakaisip kasi kung anong sasabihin kay Megan ngayong araw tungkol sa pagpayag niya sa deal nito ay hindi niya na pinapansin ang nilalakaran niya. Damn life.

     "S-sorry." bulong na lamang niya. Tinignan lamang siya ni Megan na unti-unting kumukunot ang noo. "Sorry? Sorry Zero but I really hate that word. Don't apologize and just hop in." iritadong sabi ni Megan sa kaniya at binuksan nito ang pintuan sa passenger's seat. "H-huh?" naguguluhan niyang tanong. Mas lalong dumilim ang itsura ni Megan at hinampas nito ng malakas ang upuan sa tabi niya kaya napatalon si Zero. "Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan lang?! Ayoko ng ulitin ang salitang alam kong narinig mo na!" sigaw ni Megan. Nanlaki lamang ang mata ni Zero kaya't tumahimik na lamang siya at sumakay sa sasakyan ni Megan. Napabuntong-hininga siya. Maybe hindi talaga siya mananalo sa babaeng nasa tabi niya ngayon. Kahit naman ata ibang lalake ay hindi mananalo dito dahil sa sobrang mainitin ng ulo ni Megan. He made a mental note to his self that the girl beside him is not ordinary. Nakaisip na siya ng unang ilalagay niya para sa mental observation list niya about kay Megan.

     #1 She's a cold and heartless person.

---
     Hinihingal si Kim na napasandal sa pader ng isang bahay at bumuntong-hininga. Tumingin-tingin siya sa unahan niya pati na rin sa kaliwa't kanan niya upang masiguradong walang nakahabol ni isang underling ng Hugo Mafia sa kaniya. Nang masigurado niya na wala ay pumikit siya at nag-simulang maglakad papunta sa isang police station para makahingi ng tulong pero she had those feeling that somebody is watching her. Umiling na lamang siya at iniisip na baka ay napaparanoid lang siya pero sa gulat niya ay may bigla siyang naramdamang kirot sa pisngi niya. Napahawak siya sa parte kung saan sumasakit at sa gulat niya ay may dugo siyang nakita ng tignan niya iyon. Napatingin siya sa isang sobrang maliit na bagay na kumikinang pa dahil sa ilaw na tanging nagbibigay liwanag sa madilim na lugar na kinaroroonan niya at napansing isa itong maliit na bala na kasing talim ng dagger at kasing nipis ng karayom. Nanlaki ang mata niya at tumingin muli sa paligid niya pero wala pa rin siyang makita kaya't sinimulan na naman siyang kabahan.

     "M-may tao ba diyan?" nanginginig niyang tanong. Natigilan siya ng may marinig siyang kaluskos kaya napaharap siya sa kanan niya. Nanginig siya lalo ng maramdaman niya ang isang matalim na bagay na nakatutok sa leeg niya, "Make a wrong bad move and I'll kill you." nanlaki ang mata niya at na-estatwa siya sa kinatatayuan niya. Parang unti-unti ng pinapatay ang buo niyang kalooban dahil sa sobrang nakakatakot at lamig na boses ng taong nag-salita. Nanahimik muna siya at nakiramdam sa kaniyang paligid. "You're so naive young lady. Akala mo ba hindi kita papatayin dahil kapatid mo si Red Tiger?" napapikit si Kim at naramdaman niyang dumikit na sa balat niya ang kung ano mang punyetang uri ng kutsilyo o gamit na puwedeng makapatay ng tao na ginagamit ng lalakeng nasa likod niya. Nakapaikot ang mahaba nitong binti sa kaniya kaya't hindi siya makagalaw. Hindi siya natatakot sa ano mang posibilidad na mangyari sa kaniya kundi takot siya dahil kilala niya ang may-ari ng boses na nag-salita. Kilang-kilala to the point that she badly wants to cry right now.

     "But you betrayed her by being friends with that demonic gangster queen. Hindi na rin naman ako magugulat kung isang araw ay uutusan niya akong patayin ka na at ang iba mo pang kasama. And this is the day." muntikan ng makagat ni Kim ang kaniyang dila dahil sa narinig niya. So her sister wants her to be killed. "And Red Tiger is righteous enough to handle everything to me. Kasi, ayaw niyang pumatay ng taong tinuring niyang kapatid. Isn't that sweet of her?" kinagat niya na lang ang kaniyang labi para maiwasan niyang mapaiyak. 

     "First of all, Megan is not a demonic gangster queen! She's my friend and eventhough she's a cold and heartless person, she cared for everyone. Kasi, kung demonya siya, hindi niya sasayangin ang oras para isakripisyo ang kaniyang buhay mailigtas lamang kami sa kamay ni ate! Na kahit halos masira-sira na ang kaniyang mga sasakyan at masugatan siya at masaktan, alam niya na mas importante na maligtas ang taong nasa paligid niya! And secondly, she's also my sister! Kung iisipin mo kung sinong mas demonyo between Megan and Red Tiger, you can say it's Red Tiger! pero dahil demonyo ka rin katulad niya, hindi mo malalaman dahil parehas kayo ng mga ginagawa at ang sa tingin naming mali ay sa tingin niyo ay tama!galit na sigaw niya at naramdaman niya na ang pagpatak ng mga luha ko. Nagulat siya ng maramdaman niyang biglang tumaas baba ang dibdib ng lalakeng nasa likod niya. Tumatawa ito. Tumatawa ito in a way that someone who can hear it would run away from him and hide. Nakakatakot ito at ramdam na ramdam mo ang poot nito sa bawat halakhak nito. Naramdaman ni Kim ang mas lalong pagtusok ng bagay na nasa leeg niya. Ramdam niya na rin ang pag-agos ng dugo niya kaya't napapikit siya. Nang maramdaman niyang tumigil na ang lalaki sa pagtawa ay nag-salita ito, "Pathetic. You're just a piece of shit. How can you say that that fucking girl is also your sister? Remember, you are not Red Tiger's real sister! Let's just end everything to this 'cause I really want to kill you right from the start I saw you!"

     Napapikit na ng mata si Kim at hinanda niya na ang sarili sa kung ano mang posibleng mangyayari pero ang ipinagtataka niya ay nakarinig siya ng biglang paglagabag ng isang bagay sa semento na inaapakan niya. Akala niya ay siya iyon pero wala siyang maramdamang sakit. 'God, is this really how it feels when you die? No pain or anything? I thought you'll get to experience pain so much. It just . . .  feels so good.' isip-isip ni Kim. Pero piling niya ay lumilipad siya. The hell, is she really going to heaven? Marami siyang nagawang kasalanan dito sa mundong ito at hindi naman siya dumadalo sa church niya kahit born-again ang namatay nilang parents ni Megan. Kaunti nga lang rin ang pananampalataya niya so why go to heaven? 

     Naramdaman niyang inilapag siya sa isang malambot na bagay kaya't napakunot-noo siya. The heck, is she really dead or is it because she's not opening her eyes taht's why she do know what the hell is going on?

     Binuksan niya ang mata niya at sa gulat niya ay nasa isa siyang sasakyan. Napatingin kaagad siya sa kung sino man ang nasa driver's seat at nakita niyang si Terrence iyon. Nanlaki ang mata niya.

     "What happen?" gulat niyang tanong. Nakita niyang ngumisi lang si Terrence na para bang ipinagmamayabang nito ang kung ano man na nagawa nito, "I beat that guy by using the baseball bat na ginamit ko dahil naglaro ako kasama ng mga iba kong kaibigan sa open field dito malapit sa Lexus' Fitness Center. It just happened that kakauwi ko lang at galing ako sa market para bumili ng wine at nakita kong parang may hino-hold up kaya lumapit ako para sana makatulong and it also just happened na buti na lang kilala kita kaya't namukhaan kita. Nagulat nga ako ng mamukhaan ko rin yung panget na gumawa sa'yo nun! It's Chino Lim my old fucking bestfriend when I was in Red Tiger's Gang!" bakas sa mukha nito ang irita mula sa kung ano man na ginawa ni Chino sa kaniya. Napabuntong-hininga si Kim at saka naalala sila Queenie. 

     "Terrence! Please help Miggs, Lee and Queenie!" nagulat si Terrence ng bigla na lang sumigaw si Kim kaya't muntikan na siyang mauntog sa sasakyan dahil napatalon siya. "O-ok" gulat na sagot ni Terrence at saka sinunod ang lugar na tinuturo ni Kim kung nasaan sila.

     Sa gulat nilang dalawa pagkababa ay halos hinihingal na sila Miggs, Queenie at Lee. Napatingin si Kim at Terrence sa mga taong nakahandusay at nanlaki ang mga mata dahil sa rami nila. Kumunot ang noo ni Miggs ng makita si Terrence at lalapit sana rito pero gulat sila sa sunod na nangyari. May iba pang dumating na mga Hugo Mafia. And they are fucking many.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^