Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Chapter 5

I'm The Gangster Queen

by Hannah Jewel


     "Now that my one and a half year preparation is done, it's time to celebrate. We're going to Philippines." kalmadong sinabi ni Megan ang mga salitang iyon kay Zero. Nanlaki naman ang mga mata nito, "WHAT?!" 
     Tumingin lang si Megan sa kaniya at umirap. "You already heard me, idiot."

---
     Dumiretso sa isang lumang factory sila Megan at Zero. Napanganga si Zero at nagdududang tumingin sa babae. "Don't tell me. . . HOY! Virgin pa ako! Parang awa mo na, sa babaeng mahal ko lang gagawin yun!" napakunot noo na lamang si Megan at biglang inambahan ng suntok ang lalake. "Bastard! I'm not a fucking whore or a slut!" galit na singhal nito. Napabuntong-hininga naman si Zero. 'Good.' bulong niya.
     Sobrang luma na ng factory. Nilibot ni Zero ang lugar sa factory; Puro sapot ng gagamba, mga alikabok na nagkalat at puro makalawang na mga kung ano-anong uri ng metal ang nandoon."So, anong gagawin natin dito? Papalinis mo sa akin ito at gagawin mong pang business ang lugar na ito? O baka naman dito kayo nagme-meet ng mga alagad mo at nag-iimport ng mga illegal guns? Oh no, isasali mo ba ako sa kanila? Ayoko! Baka makulong ako!" at alam niyo na ang sunod na nangyari. Pinagsisipa ni Megan si Zero dahil sa sobrang inis. "Gago ka ba?! Tanga?! Baliw?! O naggagaga-gaguhan na nag tatanga-tangahan na nag babaliw-baliwan?! Of course, hindi ganyan ang mga ipapagawa ko sa iyo!" puro iwas naman sa mga sipa ni Megan si Zero. Napahanga pa siya ng wala sa oras dahil sa galing nito sa paninipa. Ni-roundkick siya neto at muntikan nang matamaan ang leeg nito. Kung natamaan siya ay baka patay na siya ngayon dahil sensitibong parte ang leeg sa katawan.
     Sa wakas ay natapos din ang babae pero parang hindi man lang napagod sa mga pinag-gagawa nito. Ni walang bakas ng pawis ang babae, habang siya ay diring diri na sa sarili dahil naghalo na ang putik at pawis sa kaniyang katawan. "Bastard, follow me." seryosong sabi ni Megan sa kaniya.
     Sumunod naman siya dito at laking gulat niya ng makitang may isa na lamang malaking pinto ang lumitaw at bumukas matapos ipatong ni Megan ang kamay nito sa isang bahagi ng pader. "Technology." bulong niya habang tuloy parin ang pagsunod niya sa babae.
     Napanganga naman siya ulit matapos makita ang loob ng pintuang pinasukan nila. 'Wow' isip niya.
     Kung anong dumi at panget ng factory kanina, yun naman ang sobrang ganda at linis ng lugar na kinaroroonan nila ngayon. "This place is one of my hideouts. You were right when you said that this is the place where me and my other co-gangster meet. But we do not import illegal drugs, guns and other illegal things here. If you do such thing, you are immediately kick out out of this place because you are always watched once you step right here in this place." sabi ni Megan at pinatong nito ulit ang kamay nito sa isang pader. May isa na namang pintuan ang lumitaw at bumungad sa kanila ang isang robot. Mukhang nakilala nito si Megan at agad na tumigil sa ginagawa nito na pag po-program ng kung ano-ano sa isang computer. "Welcome back, Empress Phoenix."
    
     Nilagpasan lang nila Megan ang robot. Tinanggal nito ang black leather jacket na suot-suot nito at nilagay sa isang stante ng mga damit na parang nilagay na ata talaga doon especially for her. 'Hot," isip naman ni Zero at napaiwas ng tingin sa babae na ngayon ay nakaitim na sando na lamang. Fit na fit ito sa kaniya at kitang kita ni Zero ang hubog ng katawan nito.
     Matapos nuon ay may isang kuwarto na naman silang pinuntahan. At halos manlaki ang mata ni Zero sa mga hologram na lumilitaw sa harapan niya na pino-program naman ng mga halos bente katao na mga tao na parang kasing-age lang niya. May mga suot silang headphone na may nakakabit na mini-microphone. Mistulang mga call center agent ang mga ito kung hindi niya lang napansin ang mga halos pare-parehas na mga tattoo sa mga ito. HM. Parang nanlamig ang buong pagkatao niya. Sino nga bang mga taong mahilig makipag-basag ulo ang hindi makakakilala sa mga ito? Hugo Mafia. Eto ata ang pinakamaimpluwensiyang Mafia sa buong mundo ngayong panahon na ito. Lahat takot sa kanila. May mga kuneksyon ito sa gobyerno kaya hindi sila mahuli-huli ng mga ito. Sila ang nag-iimport ng mga illegal guns. May mga scientist din ang mga ito na nag-iimbento ng kung ano-anong mga drugs. Nakakatakot, iyon lang ang masasabi niya.
     Taka siyang napalingon sa babae. May kuneksyon kaya ito sa Hugo Mafia? Napailing siya. Natural, mayroon, kaya nga may mga underlings ng Hugo Mafia na naririto ngayon.
     Lumapit naman sa kanila ang isang babae na nakabraid ang buhok. Naalala niya si Katniss Everdeen, the girl on fire from the Hunger Games movie, dito. Ang pinagkaiba nga lang, blonde ang buhok nito at halatang isa itong british. Yumuko ito kay Megan na para bang bigay respeto sa babae at muling inangat ang ulo at tumingin muna kay Zero na para bang sinusuri nito kung karapat-dapat ba ito upang marinig ang mga sasabihin niya sa Queen nila. Muli itong tumingin kay Megan at tumango naman ito. Nagpakawala muna ito ng isang malalim na hinga at nagsalita, "I receive a report Miss from HMGS-197 this 5:43 AM. Concerning your friends." kumunot naman ang noo ni Zero ng makita ang biglaang paglambot ng ekspresyon ng babae. Kita niya ang lungkot sa mata nito. Pero agad itong napalitan ng galit at tumaas ang kilay neto sa babaeng british. Mukha namang nagulat ang babae sa sinabi nito kay Megan at agad na napaluhod dito. "Im sorry miss. I really am. Please give me the punishment." this time, si Megan naman ang napakunot-noo. Ang OA, isip niya. Ganoon ba talaga siya kasama kaya takot na takot ang babae?
     "Just continue." sabi niya. Agad namang nakahinga ng maluwag ang babae at muling tumayo. "I mean, concerning your old friends, miss." at parang may hinanap itong dukumento sa hawak nitong folder. Nang makita nito ang hinahanap ay mulit itong nagsalita, "HMGS-197 reported that they were attacked by some of our pure comrades and that they are currently recovering in AF's Medical Center. According to HMGS-197, Yamoto, Queenie Mae got stabbed on her right leg. The dagger contains drug, la porte au plaisir , which is invented by Monsieur Watkins Etiénne, a half French half American scientist. He is the new head scientist in the Drugs Department in Hugo Mafia. It seems that they made her body a human test to see what will be the effect of the drug he invented." tumigil muna ito sa pagsasalita, "But it seems that Queenie is strong enough to overcome the drug. She woke up after 1 hour of medication which is a miracle because the drug contains high amount of sedative, a substance that can reduce irritability or excitement that can be misused to produce an overly calming effect and when combined with another sadative, will caused unconsciousness or even death to the body of the person who have taken this drug."
     Halos dumugo naman ang ilong ni Zero sa eksplenasyon ng babae pero mabuti na lamang ay may utak din siya kaya't naintindihan niya rin ito kahit papaano. 
     "The other one who is still recovering is Escorte, Miguel. He got beaten up by three Hugo Mafia. It seems like one of them had hit his head severely that's why until now he's unconscious." napatango naman si Megan. Parang nalungkot siya dahil sa sinapit ni Miggs because hindi naman talaga ito kasali sa nagkanulo sa kaniya. Only Lee and Queenie. Pero nadamay pa siya at si Kim sa galit niya dahil sa ginawa ng dalawang magkapatid. Pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya.
     "Then the other two, Yamoto, Takanashi Lee and Bernardo, Kimra Samantha only got cuts and bruises. HMGS-197 also reported that Cervantes, Terrence Alexander is there and he's also the reason why the Hugo Mafia backfired." pagtatapos ng animo'y secretary ni Megan sa report nito sa Queen nila. Tumango naman si Megan and she dismissed the girl and she motioned at Zero to follow her. Halos mahilo na si Zero dahil may isa na namang kuwarto silang pinasukan. Gaano ba kalaki ang lugar na ito? isip niya pero sumunod pa rin siya sa babae. Ngayon ay isang office ang pinasukan nila at agd niyang nahulaan na kay Megan ito. Sobrang plain ng kuwarto. Tatlong kulay lang ata ang makikita doon. White. Red. And Black. Umupo si Megan sa isang sofa at pinikit ang mga mata nito na tila pagod sa raming impormasyon na natanggap niya. "So what's your answer? Dala mo ba ang envelope na binigay ko kahapon?" hindi naman kaagad nakasagot si Zero dahil busy siya kakatingin sa mga medals na nakapicture frame pa na nakasabit sa pader ng kuwarto. Halos malula siya sa sobrang rami nito. 
     Nakaramdam siya ng kaunting inggit sa babae. Buti pa ito ay nagkaroon ng tyansang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng sobrang raming mga medal. Samantalang siya, hindi man lang nakapagtapos ng highschool at hanggang Grade 8 lang ang inabot niya.
     "Are you listening?" napatalon naman sa gulat si Zero ng marinig ang malamig na boses ni Megan. "Y-yes!" agad niyang sagot. Kita naman niya ang pagngisi ni Megan. "So yes? You're accepting my offer?" and Boom. A mistake on his part. Megan thought that he's accepting her offer pero what he really want is only a peaceful life. Readyng ready na nga siyang i decline ang offer nito kahit na sobrang laki ng benefit na makukuha niya. "I- I mean no!"
     "No?" nanlamig si Zero dahil tumilim ang tingin ni Megan sa kaniya.
     "I- I mean yes!" hindi niya mapakaling sagot. And then that's it, wala na siyang magagawa. Kung ito ang fate niya ay ready na siyang harapin na lang ito.
     "Good. Asan ang envelope?"
     "Nasa kotse."
     Ngumiti naman si Megan sa kaniya showing her pefect white teeth. Natulala naman si Zero sa babae dahil sa sobrang ganda nito kapag ngumingiti.
     "Now that my one and a half year preparation is done, it's time to celebrate. We're going to Philippines." kalmadong sinabi ni Megan ang mga salitang iyon kay Zero. Nanlaki naman ang mga mata nito, "WHAT?!" 
     Tumingin lang si Megan sa kaniya at umirap. "You already heard me, idiot." pero nakangiti parin ito ng sinabi niya ito sa kaniya.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^