Sunday, January 25, 2015

Psycho's Love Interest : Chapter 33

CHAPTER 33

Magkasama sina Richelle at Zenn sa iisang kwarto. Nakahiga sa kama, nakapaibabaw ang binata habang hinahalikan ang dalaga. Wala nang mas sasaya pa kapag sila ang magkapiling, iyon ang nasa isip ni Richelle.



Sa kalagitnaan ng kanilang romansa, biglang tumigil sa paggalaw si Zenn. Nagtaka naman si Richelle na parang bitin na bitin.



Laking gulat na lamang niya nang may hawak nang singsing si Zenn. Hand-made wire ring pa rin ito pero may kumikinang na diamond na sa gitna. “Payag ka bang magpakasal saakin, Iche?”



Napakurap ang mga mata ni Richelle habang nakatitig sa singsing, saka sa lalaking nagpo-propose sa kanya. Hindi na niya kinailangan pa ng oras para mag-isip, “Oo, Zenn. Oo ang sagot ko.”



Napangiti si Zenn. Muling naglapat ang kanilang mga labi at saka ito bumulong, “Until they are all dead, do we never part.”



Isa na iyon sa pinakamasayang alaala ni Richelle kasama si Zenn.



Yun nga lang, sa panaginip lamang ito nangyari.



Nagising si Richelle at wala talaga sa tabi niya si Zenn.



Gusto niyang matulog ulit. Gusto niyang makasama pa rin si Zenn. Gusto niyang ituloy yung panaginip kung saan alam niyang buhay ang binata. Pero…



“Iche...”



Naalarma siya sa boses na narinig niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakita niyang nakaupo na sa tabi ng kama niya si Shane—ang pumatay kay Zenn.



Nangibabaw agad ang matinding galit ni Richelle. “Lumayo ka saakin.” Mariin at nanginginig ang boses niyang binitawan ang bawat salita.



Ngunit hindi siya pinakinggan ni Shane. Sinubukan pa nitong hawakan ang kamay niya kaya nang gawin ito ng binata, galit niyang iniwasan ito.



Saka lang napansin ni Richelle na hindi niya kayang gawin ang pag-iwas at lalong may mali sa set-up na ito. Purong puti ang kwartong kinaroroonan niya at wala man lang bintana o iba pang gamit. Para palalain ang nararamdaman niya, nakatali pa ang mga kamay at paa niya.



“Ano ‘to? Bakit ako nakatali dito?” Nagpumiglas siya at pilit na kumakawala. “Pakawalan niyo ako! Tulong! Tulong!”



Dahil sa ingay na ginagawa niya, doon na pumasok sina Detective Dante kasama si Doctor Greg.



“Pulis? Pulis ka diba?” Unang napansin at naalala ni Richelle ang detective. “Pakawalan niyo ako… ilayo niyo ako sa lalaking yan!” Tukoy niya kay Shane.



“Richelle, huminahon ka.”



“Tito Greg? Buti nandito ka! May kailangan kang malaman dyan sa pamangkin mo! Mamamatay-tao siya! Pinatay niya ang lahat! Pinatay niya si Zenn!”



“Hindi ko pinatay si Zenn.”



“Pinatay mo siya! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbaril mo sa kanya!”



“Wala akong pinapatay na kahit sino, Iche!” Napaluhod na lumuluha si Shane. Nagmamakaawa na pakinggan siya nito. “Ginawa ko ang lahat para sayo… para sa ikabubuti mo… para sa ikagagaling mo.” Saka siya sumuntok sa sahig, dumugo ang kamao ngunit wala ang sakit nito kumpara sa naninikip niyang dibdib. “Hindi ko pinatay si Zenn. Hindi mamatay ang isang taong hindi rin naman talaga nabuhay.”



Noong mga oras na iyon, para bang nabingi si Richelle. At kahit pilitin niyang intindihin ang mga sinabi ni Shane, malaking kalokohan pa rin ang dating nito sa kanya. “A—ano bang pinagsasabi mo?”



“Noong pinasok namin yung kwartong kinaroroonan niyo, ikaw yung pinatamaan ko nun ng pampatulog dahil pinatay mo yung mga tao dun sa loob.



“Hindi ako yun! Dumating si Zenn noong tinawag ko siya! Pinatay niya yung ilaw at pinagbabaril yung mga bantay sa labas! Tapos nahanap niya ako at siya yung pumatay sa mga kidnappers ko!



Naglabas ng litrato si Detective Dante at ipinakita ito kay Richelle. Ang litratong iyon ay ang mga apat na bangkay na nandoon sa kwarto, ang mga magulang ni Miggs, ang daddy ni Sherrie at ang puno ng saksak sa katawan na si...



“Carlo? Si... si Carlo ba 'to? Paanong... bakit siya nandito?”



“Siya ang dumating noon para iligtas ka.”



“HINDI! KASINUNGALINGAN 'TO! SI ZENN! SI ZENN ANG NAGLIGTAS SAAKIN!



“Hindi totoo si Zenn!” Ibinulalas ni Shane. “He’s not a living person! He only existed inside your goddamn mind!”



= = = = =


Sa maling paraan naumpisahan ni Shane ang pagbubunyag kay Richelle sa katotohanan. Hindi ito tulad noong mahinahon na ipinapaliwanag nila ang lahat kay Detective Dante noong nasa ospital pa sila.



Sa paliwanag noon ni Doctor Greg…



“Nagsimula ito kay Shaina Dolores, ang pinaka-bayolenteng naging pasyente namin sa Sarroza Mental Institute. Pamamasukan bilang katulong ang trabaho niya noon. Sa murang edad, nakaranas na siya ng iba’t ibang pangmamaltrato sa mga amo.

Yung huling amo niya ang dahilan kung bakit siya tuluyang nabaliw. Na-rape siya at hindi pinanagutan. Noong mapunta na siya sa pangangalaga namin, sa institute na rin niya isinilang ang kanyang anak na lalaki—si Shane. In-adopt ko si Shane pero lumaki siyang alam na hindi talaga kami magkaanu-ano kaya Uncle Greg lang ang tawag niya saakin.”



“Anong naging kuneksyon ng nanay ni Shane kay Richelle?”



“Noong nasa edad anim na taong gulang si Shane, nakatakas si Shaina sa institute. Halos isang taon namin siyang hinanap noon. Nalaman na lang namin na namasukan pala ulit bilang katulong si Shaina sa pamilya Ariano. Siya ang naging yaya ni Richelle—at siya rin ang nagturo at nagtulak sa kanya na maging bayolente. Si Shaina ang dahilan kung bakit na-develop ang sakit ni Richelle.”



“At anong sakit iyon?”



“Dissociative Identity Disorder o kadalasan ay tinatawag nilang Multiple Personality Disorder. Bukod sa traumatic experiences niya na palagi siyang nabubugbog noong bata pa at wala pang oras ang mga magulang niya, malaki ang naging epekto ng pangbi-brainwash sa kanya ni Shaina.

Tinatrato ni Shaina na lalaki si Richelle—dahil sa pangungulila sa sariling anak na si Shane. Kapag may umaaway naman kay Richelle, pinapapanood niya ito ng mga bayolenteng videos at tinuturuan ng kung anu-ano pang karahasan para matuto siyang ipagtanggol ang sarili at gumanti sa mga nang-aaway sa kanya.

Noong matagpuan namin si Shaina, huli na ang lahat. Napatay na nito ang mag-asawang Ariano at nasaksihan pa itong lahat ni Richelle.
Dahil walang ibang kamag-anak, sa isang orphanage siya nanuluyan. But at the age of 8, yun na yung first time na nagpakita siya ng symptoms of DID. Her very first alter personas were Martin Escala and Tricia Bascon. She was in good terms with Martin while Tricia treats her badly.

Because of her behavior, I decided na isama na siya para ako na ang titingin sa kanya at para matutukan ang sakit niya. Nagsama kaming tatlo nina Shane at Richelle sa iisang bahay. Doon sila naging matalik na kaibigan. Umayos naman din si Richelle through our therapy sessions and eventually, nakalimutan niya ang tungkol kina Martin at Tricia, at maging kay Shaina. Everything was going smooth until this happened…” May inilabas si Doctor Greg na punit na picture ni Richelle noong bata pa lamang ito. “Tingin ko hawak niyo na bilang ebidensya ang kadikit ng litratong ito?”



Tumango naman si Detective Dante at hinanap ang litratong tinutukoy ng Doctor. Ito yung old picture ni Shane at ng nanay niyang si Shaina. Pinagdikit nila ang dalawang punit na litrato at nakabuo sila ng tila ba family picture. Nasa gitna si Shaina at nasa magkabilang gilid niya sina Richelle at Shane.



“It was Shane’s 11th birthday kaya pinayagan kong dumalaw siya sa institute para makita ang mama niya. Nagpumilit din na si sumama si Richelle at pagkakamali ko na naging kampante ako nun dahil hindi naman na niya naaalala si Shaina.

Nagkita ulit sila, Shaina wore that maid costume and they took that picture. Because of that incident, na-trigger ulit yung sakit ni Richelle. And it took us three years bago namin nakilala ang bago niyang alter personas, sina Leo Forteza at Jane Zubiri. Tulad ng dati, ang kasundo niya ay si Leo at kaaway naman niya si Jane.

Sumailalim ulit kami ng mga panibagong therapy sessions, only that time it took longer years to bring her back to her own senses.”



Sa sobrang dami ng impormasyong nalalaman ni Detective, kinailangan na niyang itanong ang kanina pang gumugulo sa isip niya. “So you’re saying na sa sakit na ito ni Richelle, bumubuo siya ng mga imaginary people?”



“Imaginary, yes. But she was those people, with their own memories and personalities. At dahil sa rapid switching ng personalities niya kaya distorted ang memorya niya bilang si Richelle. She can talk to her alter personas without realizing that the conversation only took place inside her head.”



“Okay, so now I know na si Richelle ang talagang may mental disorder. Sinasabi mo rin ba na siya ang pumapatay?”



Nagkatinginan noon sina Doctor Greg at Shane. Sa pagkakataong ito, si Shane na ang sumagot sa tanong ng detective.



“Lahat po ng nagiging alter personas niya, may tendency na maging sobrang bayolente. Almost the serial killer type—impluwensya po ng aking ina.”



= = = = =



Alam na ni Richelle ang tungkol sa mental disorder niya na DID… iyon nga lang ay hindi niya ito kayang paniwalaan.



“Pinapalabas niyo lang na may sakit ako! Pero malinaw pa ang isip ko! Hindi ko kayang pumatay ng tao tulad ng ibinibintang niyo saakin!”



“Bilang si Richelle Ariano, hindi nga ikaw ang pumatay sa kanila… pero yung dalawang alter personas na nabuo dyan sa ng isip mo, alam nilang guilty sila.” Napatakip ng kanyang tenga ang dalaga ngunit hindi pa rin niya naiwasan na marinig ang sumunod na sinabi sa kanya.  “Sina Darcie at Zenn, sila si Triple-face Killer.”



“HINDI! HINDI AKO SI DARCIE! HINDI AKO YUNG MALANDING CHISMOSANG NAKIKIPAGTALIK KAY CARLO AT SAYO! AT HINDI RIN AKO SI ZENN! IBANG TAO SIYA! NAKAKAUSAP KO, NAKAKASAMA KO. IBANG TAO SI ZENN AT SIYA ANG TAONG MAHAL KO!”



Expected na nilang magkakaganito si Richelle. Na hindi nito agad matatanggap ang katotohanan. Sino nga bang tao ang tatanggap na may sakit siya sa utak?



Upang mas mapaintindi sa kanya, inilatag na nila Detective Dante ang mas kumprehensibong analisasyon mula sa pinagtagpi-tagping ebidensya at testimonyang hawak nila.



= = = = =



Sa kaso ni Miggs. Nasa loob na noon ng Ford Mustang si Triple-face Killer at nag-aabang sa pagdating ng target victim na si Miggs. Ang unang tanong ay kung paano nakapasok ang suspect sa sasakyan ng biktima?



“Richelle, hindi ba’t marunong kang magbukas ng mga lock? Nagagawa mo yun sa mga pintuan ng bahay at sasakyan. Ang alter persona mo na si Darcie, kaya ring gawin yun.” Sabi sa kanya ni Shane. “Sa katauhan ni Darcie, binuksan nito ang sasakyan, saka pumalit si Zenn para patayin naman si Miggs.”



At para sa ikatitibay ng tesimonyang ito, gamit ang isang tablet ay may pinlay na CCTV footage si Detective Dante na kuha naman mula sa isang gasoline station.



“Nakuha namin ang footage noong nasa kustodiya na namin si Carlo. Siya yung nagbayad at nagbanta dun sa gasoline boy para itikum ang bibig nito.”



Kitang-kita dun sa CCTV ang pagkakapwesto ng killer sa back seat ng sasakyan. Ngunit hindi pa rin sapat ito para paniwalaan ni Richelle na siya nga ang taong iyon.



“Iche, naalala mo ba pagkatapos mangyari yun, nagkita na tayo sa grocery store? May inireklamo ka saakin noon dahil sa matagal mong paghihintay, diba?”



Inalala naman ni Richelle ang tinutukoy ni Shane, ‘Oo! Ang tagal mo ah! Ang sakit na ng mga  kamay ko sa pagbubuhat nitong pinamili ko!’



“Hindi sumakit ang kamay mo nun dahil sa pagbibitbit ng plastic bags na pinamili mo. Sumakit iyon dahil sa ginamit mong pagpatay kay Miggs—yung wire.”



“At pagkatapos bilang si Darcie ulit, inutusan mo na si Carlo na siya nang bahalang magbenta ng sasakyan ni Miggs kaya kayo nakabili ng ganito…” Saka nagpakita ng litrato ang detective ng isang itim na sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Richelle dahil ang sasakyang iyon ay ang naaalala niyang pagmamay-ari ni Zenn. “Ang sasakyang ito ay ang ginamit naman na getaway vehicle noong pinatay si Mr. Teofisto Cariaso.”



Sumunod nang inilatag ni Detective Dante ang mga ebidensya hawak niya patungkol naman sa kaso ng propesor.



“Naaalala mo ba noong na-interview ka namin tungkol sa professor mo?”



Tumango si Richelle bilang tugon pero para mas malinaw pa, ipinapanood sa kanya yung recorded interview nila.



“Tumunog po yung cellphone ko. Tapos nagalit siya. Saka niya ako inutusan na tumigil na sa pagsasagot ng exam namin at ipasa na ang papel ko.”



“Richelle, nakikilala mo ba kung sino yung tumawag sayo noong oras na yun?”



“Hindi ko pa alam. Unknown number.”



“Number ‘yun ni Carlo.” Pagkumpirma ng detective na ikinagulat ni Richelle. “At yung sinagutan mo namang test paper. Sabi mo ipinasa mo yun, diba? Pero nang i-check namin yung mga naiwan doon sa crime scene, hindi na namin natagpuan ang sinagutan mong papel.”



“Pero hindi ko nakikita ang kuneksyon ko sa kasong ‘to. Bakit niyo ako pinagbibintangan na pumatay kay Sir Cariaso?”



“Natagpuan namin ang cellphone ng professor mo doon sa apartment niyo ni Shane. Nakita naman namin dun ang palitan niyo ng text messages na patunay na pumunta ka sa bahay niya. Yung laptop niya na natagpuan din namin, nasa browser history pa niya na chineck niya ang student profile mo.”



“Pero si Shane ang kumuha ng mga gamit na yun ng professor! Siya ang nagtago ng mga iyon!”



Napayuko si Shane at kahit labag sa loob niya ang gagawin, kailangan niyang magsabi ng totoo. “Ikaw ang may gawa nun, Richelle at hindi ako. Kumukuha ng mga gamit sa biktima mo tulad ng ginawa mong pagkuha sa jacket ni Miggs noong araw na pinatay mo siya.”



“Jacket?”



“Yung jacket na tinutukoy mong ipinahiram sayo ni Zenn. Noong sinabi ko sayong pamilyar yung jacket, saka iyon nawala. Para pagtakpan ang ebidensyang iyon, nagtake-over si Darcie at sinunog ito.”



“Kay Zenn yun! At kitang-kita ko talaga si Darcie noong sinusunog na niya yun dun sa drum! Pareho tayong nasa sasakyan noon at papasok na sa NEU!”



“Akala mo lang na nandoon siya pero wala siya doon, Iche. May nakakita sa iyong kapit-bahay natin noong gabing sinunog mo yun.”



“Kapit-bahay? Sino?”



“Yung babaeng inireklamo mong napagkamalan ka bilang si Darcie. Galit na galit ka pa nga noon, naalala mo? Pero Iche, hindi ka niya basta napagkamalan lang noon dahil kilala ka talaga niya bilang si Darcie.”



Napailing na ng kanyang ulo si Richelle. Sumasakit na ang ulo niya sa mga impormasyon na pilit na ipinapasok sa kanyang utak.



“Yung nangyari rin kay Trent. Bilang si Darcie, isinumbong mo kay Carlo ang ginawa niya sayo kaya pinagnakawan at pinagbantaan pa ito. Hindi lang siya pinatay ni Carlo dahil alam ni Darcie na kaibigan ko siya.”



“Tama na…” Pakiusap niya.



Ngunit hindi pa sila tapos. Sa kaso naman na may kinalaman kina Eunice at Sherrie.



“Yung boyfriend ni Eunice na si Henry na dapat sana’y pahihirapan ka. Zenn took over to save you. Ayon kay Henry na hanggang ngayon ay takot pa rin sayo...”



‘Para siyang babaeng sinapian ng demonyo. Yung halimaw na nagtatago sa katawan na yun, ayaw ko nang makita pa.’



“Dahil sa pagseselos ni Darcie sa ex-girlfriend ni Shane na si Sherrie, at idagdag pa ang kagustuhan ni Zenn na maghiganti pa sa ginawa ni Eunice kaya sila ang sumunod na mga biktima.

Nagamit mo ang VIP pass na pagmamay-ari ni Miggs para makapasok sa WineLine Bar. Nang malaman mong naroon din sina Eunice at Sherrie, pinapunta mo si Carlo para kidnappin ang dalawa. At sa lumang police station niyo siya dinala kung saan ako nagtatrabaho.” Pilit na pinipigilan ng detective ang nangingilid na niyang luha habang tuloy sa pagsasalita. “Hindi ko alam kung anong iniisip ng alter personas mo. Kung hinahamon ba nila ako o nang-aasar sila. Dahil ba alam na nilang hinahanap ko sila? O dahil ba nalaman na rin nilang pamangkin ko si Eunice.

Pero sa lugar na iyon, pinagtulungan niyo na silang patayin. Si Carlo ang inutusan mong magpakita sa harap ng camera habang kinukuhanan mo ang krimen ninyong dalawa. Si Carlo at ang dalawa mong alter personas na sina Zenn at Darcie si Triple-face Killer.”



Nanahimik na si Richelle. Pinipiga niya ang ulo niyang para bang pinupukpok ng martilyo. Nahihilo siya at hinang-hina na.



Dahil tapos na rin naman na si Detective Dante, pagkakataon na rin ni Doctor Greg na tulungan siya tulad ng ginagawa nito sa kanya.



“Kung sumasakit na ang ulo mo, mabuti pang inumin mo na ‘tong gamot mo.” Sabi nito at may mga pills sa kanyang palad. “Ito yung mga anti-psychotic drugs na iniriseta ko sayo pero hindi mo na naiinom.”



“Hindi ko kailangan niyan… dahil lang ‘to sa mild aplastic anemia ko…”



“Wala kang anemia, Richelle. Ang mga gamot na akala mong iniinom mo, para kay Shane iyon.”



Nagtatakang tumingin si Richelle kay Shane. Panibagong kasinungalingan na naman sa buhay niya na kailangan ng paglilinaw. “Pinagpapalit ko noon ng bote yung mga gamot natin Iche para hindi mo isipin na umiinom ka ng anti-psychotic drugs.”



“Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mong ipakita yung mga iniinom mong gamot?”



“Oo… para hindi mo isipin na ako naman ang psychotic saating dalawa.”



Napatakip na ng kanyang mukha si Richelle. Kahit mahirap, unti-unti ay para bang tinatanggap na ng utak niya ang nangyayari. Dahil sa hindi na niya pag-inom ng totoo niyang gamot kaya siya nagkakaganito. Dahan-dahan pa at para bang lumilinaw na rin ang mga alaala niya.



Siya si Zenn. Siya rin si Darcie. Ang dalawang katauhan niya na yun ang bumuo kay Triple-face Killer. At sa tulong ni Carlo, naisagawa ang mga krimen nila.



Humagulgol si Richelle sa nakapanlulumong katotohanan.


End of Chapter 33






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^