Chapter Two
“Boom
panes!!!”
Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan
nito ng bumalik ito sa kanilang table. First time nilang makita na mangyari
iyon sa kanilang kaibigan na talamak na babaero at flirt. Hindi naman lingid sa
kaalaman nilang apat na si Yale talaga ang may magnet sa katawan para sa mga
babae. The four of them are equally handsome, but Yale has that charm for all
type of girls. Well, except for ‘that’ girl na kanila lang ay sinaktan ang ego
nito.
“T*ngina
nyo!” simangot na
mura ni Yale sa mga ito na hanggang ngayon ay di pa rin tumitigil sa pagtawa.
“I
like her.” Biglang
sabi ni Ronan.
“We
all like her.” Sabi
naman ni Kelvin.
Yes! They all like the girl na
dumungis sa record ng kanilang kaibigan. It’s not every day you met someone
like her na hindi nadadaan sa charm ng kanilang kaibigan. Ayaw rin kasi nila sa
mga babae na gustong-gusto sila, let’s say that boys like girls who are
independent. Mas gusto nila ang mga babae na mahal sila, pero mas mahal nila.
“Inyong-inyo
na!” singhal na
naman ni Yale. “Sinong gustong sumama
mamaya sa The Palace Republiq?”
Isa-isang nag-iwas ng tingin ang mga
kaibigan nya, may uminom, may kumain, pero meron din namang sumagot. Si
Charlie.
“You
know I can’t come and I need to take care of my baby.”
“You
already have a baby?”
nanlalaki ang mga mata na tanong ng mga ito.
“Holy
molly! How does it happen?”
“I
gave birth.” He
said in a poker face.
“G*go!” mura sa kanya ni Owen.
“G*go
ka talaga, hindi ko nga nakitang lumaki yang tyan mo.” Sabat naman ni Yale. “Paano ba manganak ang mga lalake?”
Tiningnan na naman ng apat si Yale
na parang ito na yata ang pinakamalalang tanga sa buong mundo. Maniwala ba
naman sa sinabi ni Charlie. Mukhang wala na nga yata itong pag-asa.
“Seriously
Charlie?” tanong ni
Kelvin dito.
“I’m
telling the truth here, you know I don’t know how to throw jokes.”
“How?” Ronan asked.
Sasagutin na sana nito ang tanong ng
kaibigan ng biglang tumunog ang cellphone nito. “Excuse me.” At lumayo ito sa mga kaibigan bago sagutin ang tawag.
“Paanong
nangyari na may anak na ang g*gong ‘yon kung ayaw na ayaw magpapahawak sa
babae?” nagtataka
pa ring tanong ni Yale sa mga kaibigan.
“There
is this word ‘adaption’ ‘bro.”
Owen said to Yale.
“Why
would he adopt?” tanong
naman ni Kelvin.
Noon naman bumalik si Charlie, “I have to go, emergency. Ikaw na Owen ang
bahalang makipag-usap kay Mr. Shanisky. You know I can’t depend on Yale, most especially
his ego has been damaged by that girl awhile ago.” Mahabang sabi nito
without even looking to Yale.
“Excuse
me Charlie, I’m still here and you’re talking shit about me.”
“Thank
you, dude.”
±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†
“Kamusta naman ang meeting mo with Mrs. Librada, at tasting with Ms.
Morales?”
Tila
pagod na pagod namang naupo sa sofa ng kanilang opisina si Kia. “Yung dessert and cake tasting with Ms.
Morales okay naman, sa closed ko na ang deal. Here’s the details for her cake
and desserts menu.” At iniabot nito sa kaibigan ang listahan. “And about my meeting with Mrs. Librada,
she’ll contact us na lang daw kapag naka-usap na nya yung asawa nya.”
“That’s great.” Masayang sabi ni Girlie
dito.
“By the way Girlie, pwede bang maaga akong
umuwi ngayon? Tinawagan ako ni Marga, kailangan na naman daw nya ng kausap. Brokenhearted na naman
yata ang tatanga-tanga kong pinsan na ‘yon.”
Ilang
beses na syang tinatawagan ng pinsan muna pa kaninang umaga, pero hindi nya ito
pinapansin dahil alam naman na nya kung ano ang kailangan nito. Kailangan na
naman ni Marga ng mapaglalabasan ng sama ng loob nito sa love, sa lalake. Wala
naman ng bago, tatlong beses sa isang buwan yata nangyayari ang ganong eksena
sa kanilang dalawa.
“Sure thing, wala naman
na masyadong tao. Paki-batukan naman ng mas malakas ‘yang si Marga ng magising
naman sa katangahan nya.”
Malamang
na may nakilala na naman itong lalake, nagka-ngitian, nag-kwentuhan, nahulog na
naman ang tanga nyang panty, at ayun paggising wala na ang lalake sa tabi nya.
Ilang beses na iyong nangyayari sa pinsan ni Kia pero hindi ito madala-dala.
Liberated ang pinsan nya, madaling magkagusto sa isang lalake kaya ang ending
laging naloloko, nasasaktan, at umiiyak.
Ito
nga yata ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala sa isip nya ang
mag-boyfriend. Kung bakit wala syang balak mag-boyfriend. Kung ganoon lang din
naman ang mangyayari sa kanya, di baleng maging old-maid na lang sya na
businesswoman kesa mapabilang sa sangkaterbang tanga sa Pilipinas. Kahit hindi
pa nito nararanasan ang magmahal, alam nito na iyon ang isang bagay na
napapa-convert ang isang henyo, matalino, at mautak na tao sa isang pagiging
batikang tanga.
Pagdating
ni Kia sa kanilang bahay, nandoon na nga si Marga at may dala ng dalawang bote
ng alak. Walangya, kauuwi lang galing bar
alak na naman. She headed straight to her room to freshen up at
makapag-bihis na rin. Ng matapos ito, agad nitong pinuntahan ang pinsan na nasa
terrace na ng kanilang bahay.
“Wag mong masyadong
sasaktan ‘yang pinsan mo, mukhang may pinagdaraanan na naman.” Bilin pa
sa kanya ng kanyang ina bago sya tuluyang makalabas ng bahay.
“I can’t promise that Mama, baka iuntog ko
na talaga sya ng malakas like what Girlie said para maalog ang utak.”
Natatawang biro nito sa ina.
As
much as possible ayaw nyang saktan ang pinsan kahit na inis na inis na sya sa
katangahan at kagagahan nito sa buhay. Nasasabihan nya ito ng masasakit na
salita, but Marga accepted all of it with open arms dahil alam nito na tama si
Kia, na gusto lang nito na magising sya sa masaklap na katotohanan na
kotang-kota na sya sa katangahan. Of course Marga wants to be a better person
after every break-up she had, pero talagang low IQ yata talaga ang dalaga
pagdating sa bagay na iyon.
Naabutan
ni Kia na umiinom na ang pinsan kahit nag-iisa lang ito, at kalating long-neck
na ang naiinom nito. Grabe!
“Ano na naman ang nangyari?” tanong
nito sa pinsan habang paupo sa katapat nitong upuan.
“Turuan mo naman ako kung
paano maging matiisin at magkaroon ng matibay at matatag na self-control lalo
na kapag may makikita kang yummy papa.”
Muntik
na nyang mabatukan ang pinsan dahil sa sinabi nito. Iyon na ba ang problema nya? Juice ko, Lord!!! Patawarin nyo po ako sa
naiisip kong kasalanan. Kung iyon lang talaga ang problema ng pinsan nya,
mas pipiliin na nya ang matulog na lang.
“Seriously Margaret? Gusto mo iumpog ko na
talaga yang ulo mo sa pader?”
Gustong
mainis ni Kia, pero pinipigilan nya ang sarili. Lagi namang sa isang walang
kwentang tanong ni Marga nagsisimula ang usapan nilang dalawa. Noong minsan nga
ang tanong nito ay kung saan makakabili ng panty na hindi basta-basta
malalaglag kapag may nakilala syang alam nya na mahuhulog sya. And that’s what
she likes about Marga, kahit na nasasaktan na ito ay nakukuha pa rin nitong
magbiro. Sya kaya, kapag kaya dumating ang oras na tamaan sya ng katangahan virus magagawa pa rin kaya
nyang magbiro?
“Yeah my dear pinsan, I’m
serious as hell.” Sagot nito sa kanya at saka inabutan ng baso ng
alak. “Ilang beses ko na bang nasabi sa
sarili ko na sobrang tanga ko? Ilang beses mo na rin bang nasabi sa akin na
tanga ako? Hindi na natin mabilang, pinsan.”
Yes,
ilang beses na. “Alam ko naman na
chick-magnet yung tao, na one-night stand lang ang gusto nya, pero ang tanga ko
kasi umasa pa rin ako na baka pwedeng may forever-night stand na mangyari sa
aming dalawa.” Naluluhang kwento nito kay Kia.
She
remains silent, listening carefully with what her cousin’s telling. Ngayon lang
nito nakita si Marga na ganito, yung magpaka-tanga ng sobra. Before moderate
lang ang katangahan nito, ngayon severe and mukang hopeless case na. Bakit naman
hindi, ‘forever-night stand’ na ang hanap at habol nito.
“Kia ang gwapo nya kasi
eh, ang bango pa. Tapos lahat ng gusto ko sa lalake nasa kanya na talaga, as in
lahat.”
“Improving ang mga
napipili mo, dati almost perfect na sa hanap mo ngayon perfect na talaga. Isama
mo na rin kaya sa qualifications mo sa paghanap mo ng ‘tunay-at-wagas-na-love’
yung hindi manloloko? Try mo lang naman.” Hindi napigilang comment ni
Kia.
“Akala ko din kasi iba
sya. Perfect na nga kasi diba?”
“Ano bang pangalan nyang lalake
na ‘yan? Siguro naman alam mo dahil bumaba na ang panty mo sa kanya.” Tanong
na naman nito sabay tagay.
Tumagay
muna si Marga bago muling nagsalita. “Syempre
naman alam ko kung sino sya, kahit paano naman may natitira pang katalinuhan
ang utak ko. His name is Yale Sommers, and oh I have his contact number.”
Proud na sabi pa nito.
“Yale Sommers? Good thing
I don’t know him.”
“Pero Kian Alayan mahal
ko na talaga sya. He said he loves me too while were f*cking.” At
nagsimula na naman magtubig ang mga mata nito. “Syempre panghahawakan ko yung sinabi nya, pero t*ngina Kian paggising
ko wala na sya, tapos sa note na iniwan nya…” hindi na nito natapos pa ang
sinasabi dahil pumalahaw na ito ng iyak na ikahihiya ng sino man ang kasama ni
Marga.
Iniabot
ni Marga ang note na iniwan ni Yale sa kanya. Kinuha naman agad iyon ng dalaga,
ng makita nito ang nakasulat ay napa-inom ito ng alak ng wala sa oras. The note
says Thank you for the nice f*ck, my baby
Miranda. See you when you see me. Yale x.
Kia
let out a powerful curse, as in yung mas malutong pa sa chicharon. Kia’s asking
herself kung paano nagagawa ng mga lalake ang ganong bagay? Yes boys can f*ck
as long as they can, pero ang magpapalit-palit ng babae gabi-gabi, at kalimutan
ang pangalan ng kasama nila, that is so unacceptable for her.
“A-ak-akala ko mahal nya
talaga ako, pero hindi Kian. Hindi. Hindi nga nya natandaan ang pangalan ko,
ang tanga-tanga ko talaga. Ayoko ng mabuhay pinsan, sawang-sawa na ako sa
katangahan ko.” Umiiyak at humihikbi pang sabi nito.
Ngayon
lang nya nakita ang pinsan na ganito ka-miserable. With her past failed
relationships death never crossed her mind, but now? Parang hindi ito ang
kilala nyang Margaret Alayan, dahil ang kilala ni Kia na Margaret at hindi
makaka-isip ng ganong klaseng bagay, that Marga has that positive mind,
palaban. Gustong sugurin ni Kia ang lalake na dahilan kung bakit ito umiiyak
ngayon, nasasaktan din sya para sa pinsan.
Kapag
nagkita sila ni Yale, God knows kung ano ang mga pwede nyang magawa sa binata
at masabing hindi maganda. For her, kahit na sinong lalake ay walang karapatan
na saktan ang kahit na sinong babae kahit sa ano pa mang sitwasyon. Nilikha ang
mga babae para mahalin, hindi para lokohin, saktan, at paiyakin. Kia swears to
God, tatamaan talaga ang lalake kapag nakita nya ito. sisiguraduhin ni Kia na
makikita nya ito at igaganti ang kanyang pinsan. Oo tanga at may pagkamalandi
ito, pero hindi pa rin sya papayag na saktan ito ng kahit sino.
“Tumahan ka na Margaret
Alayan, mahiya ka naman sa mga kapitbahay natin.” Saway
nito sa dalaga na malakas pa rin ang pag-iyak.
Alas-dos
na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay nakikinig pa rin si Kia sa mga
hinaing at misadventures ng kanyang pinsan. Kung meron lang paligsahan ang mga
tanga pagdating sa pag-ibig, baka ang pinsan nito ang mag-champion. Malamang
baka ito rin ang maging pinuno ng ‘Legion of Stupid’ kung magkakaroon man.
Gustong-gusto ng matulog ni Kia, pero hindi nya magawa because her cousin is
still pouring her heart out, lahat ng katangahan na nagawa nito ay isa-isang
kinukwento sa kanya.
Kapag nakita talaga kitang malandi kang
lalake ka, masasaktan ka talaga sa akin. Hindi lang dahil sa ginago mo ang
pinsan ko, kasama na sa dahilan ko ngayon na saktan ka ay napuyat ako ng dahil
sa’yo dahil sa kat*rantaduhang ginawa mo sa kanya. Isinusumpa ko, tatamaan ka
ng matinde. Nasabi na lamang ni Kia sa sarili habang pinipigilang ipikit
ang kantang mga mata.
±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†
Alas-kwatro
na ng umaga nakatulog ang dalawang mag-pinsan, kaya naman tinalo pa ni Kia ang
itsura ng isang bagong sapi ng zombie. Masakit din ang ulo ng dalaga dahil sa
kanilang nainom. Isinusumpa nya na talagang magbabayad ng matindi ang g*gong lalake
na iyon kapag nakita nya ito.
Paano ako makakaganti kung hindi ko man lang
alam ang itsura nya? Nakaka-tanga kausap ‘tong si Marga. Tanong ni Kia sa
sarili. Isang transmitted decease na rin
ba ang katangahan? Dapat yata hindi ako nakipag-share ng baso kay Marga.
She
looked for her laptop, kailangan nyang makita ang itsura ng lalake na nanakit
sa pinsan nya. Madali naman na nyang mako-contact ito dahil sabi nga ni Marga
sa kanya ay meron syang number nito. Yale Sommers. Gotcha!
“Shet! May itsura naman pala kaya tinamaan
na naman ng katangahan ang bruha.” She said loud to herself. “Yale Sommers is one of the three owners of
Sky World Airlines and one of the most sought-after bachelors in town. A
certified Casanova and chick-magnet, blah, blah, blah! Malandi pala talaga ang
lalake na ‘to.” Naiiling na komento ni Kia sa mga nababasa.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^