Ang malungkot na mukha sa likod ng maskara:
Baliw at martir, ganito ang uri ng pagmamahal ni Carlo para kay Richelle—na nakilala niya bilang si Darcie.
Inakit siya ng dalaga noong bagong lipat pa lamang ito sa apartment building na pareho nilang tinutuluyan. Nahulog naman si Carlo at nang utusan na itong pumatay ay pikit-mata siyang sumunod. Walang nagawa si Carlo sa maalindog at mapanlinlang na katauhan ni Richelle ngunit noong oras na maniningil na sana siya ng ligaya tulad ng kanilang napagkasunduan…
‘Kapag nagawa mo na yung pinagagawa ko sayo, pinapangako kong isang buong araw mo akong magagamit. Magagawa mo ang kahit na anong gusto mong gawin saakin… sa kahit na anong paraan.’
Si Zenn ang lumabas at binugbog siya nito, pinahirapan at iniwang naghihingalo.
Ngunit sa kabila ng dinanas ni Carlo sa kamay ng babaeng minahal niya ng buo, hindi niya ito kayang ipagkanulo noong matagpuan na siya ng mga pulis. Isang panibagong kasinungalingan ang binuo niya, ibinaling niya ang sisi sa lalaking pinagseselosan—kay Shane.
Sa huli, ang katotohanan pa rin ang nanaig. Nalamang inosente si Shane at may nakalaan nang parusa kay Carlo.
Sa ospital kung saan siya nagpapagaling bago ikulong, nakahanap siya ng tyempong tumakas nang biglang magkagulo. Plano na sana niyang lisanin ang lugar… ngunit nang malaman niyang ang dahilan pala ng kaguluhan noon ay dahil may kumidnap kay Richelle, mas pinili niya itong sundan.
Isang tangang kabayanihan ang kanyang ginawa. Akto ng taong hindi na nag-iisip para sa sariling kapakanan. Ngunit dahil sa kanya, naabisuhan sina Detective Dante tungkol sa kinaroroonan nila… at dahil din sa kanya, maililigtas si Richelle sa kamay ng mga taong ang nais lang ay maghiganti.
Nagawa niyang patayin ang ilaw sa lugar na kinaroroonan noon ni Richelle. Sinubukan siyang pigilan ng mga tauhan na hindi hamak na mas may lakas ngunit naunahan na niya ito ng pag-aamok at sa huli’y nagawang patayin ang mga paharang-harang sa daan.
Natagpuan niya rin doon ang triple-face mask na kinuha rin pala ng mga kidnappers. Naisip niyang suotin ito upang mas takutin pa ang may pakana ng kaguluhang ito, at upang maisip ni Richelle na ligtas na siya sa pagdating niya.
Tatlong tao pa ang pinatay ni Carlo—ang mga magulang ni Miggs at tatay ni Sherrie. Ngunit nang inakala niyang may premyo ang kanyang kabayanihan, lumabas ang katauhan ni Zenn kay Richelle at sinasaksak siya niya nito sa likod. Sunud-sunod, halos hindi na mabilang, at tinadtad siya hanggang sa tuluyan na ring namatay.
Ang galit na mukha sa likod ng maskara:
Naitanong noon ni Detective Dante kung possible bang makausap ang alter personas ni Richelle na sina Zenn at Darcie. Ayon sa sagot ni Doctor Greg, ‘Usually, Richelle and her alter personas always have something in common. Kung may unusual obsession siya sa isang bagay, posibleng yun ang trigger niya sa pagpapalit ng personality niya.’
‘She’s obsessed with Lana Del Rey songs.’ Sagot naman ni Shane.
‘Well then, let her listen to it and see what happens.’
Bago matapos noon ang pag-uusap nina Detective Dante kay Richelle, nagbaka-sakali pa silang masaksihan ang pagpapalit niya ng personality.
Ang napili nilang patugtugin noon ay ang kantang ‘Without You’ ni Lana Del Rey. At ilang minuto pa nga lang itong tumutugtog, nakitaan na agad nila ng pagbabago sa itsura si Richelle.
“Zenn… ikaw na ba yan?”
“Wala na si Zenn. Pinatay mo siya, Shane.”
“Kung ganun sino ka? Ikaw pa rin ba yan, Iche? O ikaw na si Darcie?”
Hindi sumagot ang dalaga kaya hindi pa rin makasigurado sina Shane at Detective Dante kung gumana ba ang kanilang plano.
Dahil dito kaya lakas-loob nang lumapit si Shane kay Richelle, “Darcie, please…” humawak siya ng mahigpit sa kamay nig dalaga, umaasa. “Kung talagang mahal mo ako, lumabas ka. Kausapin mo kami.”
Huminga ng malalim si Richelle. Bumitaw siya sa mahigpit na pagkakahawak ni Shane hindi para lumayo kundi para mahawakan niya ito sa pisngi. Tulad ng hinihiling ni Shane, ang dalagang kaharap na nila ngayon ay si Darcie. “Natatakot ako sayo, Shane. Kung nagawa mong burahin si Zenn sa isip ng babaeng ito, gagawin mo rin ba yun saakin?”
“Darcie…”
“Ayokong mawala. ‘Wag mo akong patayin… ‘wag mo akong burahin.”
“Pero hindi ka totoo, Darcie.”
“Totoo ang nararamdaman ko para sayo. Ako ang nagmamahal sayo at hindi si Richelle.”
“Pero si Richelle ang mahal ko at hindi naman ikaw.”
May tumulong luha sa mga mata ng dalaga. Nanginginig siya hindi dahil sa sakit kundi dahil sa galit. Kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan si Richelle. Kahit anong gawin niya, bunga lamang siya ng kabaliwan sa utak.
“Matututunan mo rin akong mahalin. Sisiguraduhin kong mangyayari 'yun dahil nabuo ako para sayo kaya dapat akin ka lang din.” Humawak pa siya sa sariling mukha at saka nagbanta. “Aagawin ko ang katawan na ‘to. Maiiwan dito yung babaeng talagang nagpapahalaga sayo.”
Alam nila Shane na maaring seryoso at desidido nga ang katauhan na iyon ni Darcie. At matagalan man bago siya tuluyang mawala, hindi sila titigil hanggang sa tuluyang gumaling si Richelle.
Ang masayang mukha sa likod ng maskara:
Si Zenn ang pinaka-masayang nangyari sa buhay ni Richelle. Nagmahal ito, nagtanggol, at nag-sakripisyo para sa kanya.
Ngunit siya rin ang nagsimula ng gulo sa buhay ni Richelle. Nabuo siya mula sa karahasan ng itinuturing na ina at malaking impluwensya si Shaina Venavidez. Naghiganti ito, pumatay at naghasik ng takot sa lahat.
Hindi sigurado sina Doctor Greg kung posible pa bang bumalik siya. Kahit pa kasi namatay siya sa magulong isipan ni Richelle, paminsan-minsan ay dumadalaw naman siya sa panaginip. Pilit na kumakawala ulit. Pilit na nagnanais na mabuo ulit.
Hindi sigurado sina Doctor Greg kung posible pa bang bumalik siya. Kahit pa kasi namatay siya sa magulong isipan ni Richelle, paminsan-minsan ay dumadalaw naman siya sa panaginip. Pilit na kumakawala ulit. Pilit na nagnanais na mabuo ulit.
Ang totoong mukha sa likod ng maskara:
Tapos na ang kasong pinaghahawakan ni Detectie Dante. Nahuli na ang totoong Triple-face Killer na si Richelle Ariano. Pero dahil sa mental disorder niya, imbes na sa kulungan ay nagpasya ang korte na ikulong siya sa isang mental asylum under maximum security.
Patuloy pa rin ang paggamot sa sakit ni Richelle. Ngunit aminado si Doctor Greg na mas mahirap na siyang ibalik sa dati. Masyadong malalim ang naiwang sugat sa kanya. Masyadong malalim ang hukay na kinalagakan niya.
At kahit tapos na ang lahat at tanggap na ni Richelle ang tungkol sa sakit niya, may tanong pa rin na hindi pa nabibigyan ng kasagutan. Isang tanong na pinili nang huwag sabihin sa iba.
At kahit tapos na ang lahat at tanggap na ni Richelle ang tungkol sa sakit niya, may tanong pa rin na hindi pa nabibigyan ng kasagutan. Isang tanong na pinili nang huwag sabihin sa iba.
Ano o sino ang talagang nag-udyok kay Richelle upang mabuo sina Zenn at Darcie?
Ang taong nagtapon sa maskara:
Nanagot naman si Shane sa batas dahil sa ginawa niyang pagtatakip sa mga kasalanan ni Richelle. Sa kasong obstruction of justice, pinagmulta si Shane at nakulong pa ng halos dalawang taon.
Matapos ang kanyang mahabang pagdurusa sa likod ng rehas, muli na siyang nakalaya… ngunit alam niyang hindi na rin maibabalik sa normal ang buhay niya.
Sa kanyang unang araw ng kalayaan, sinubukan niyang dalawin si Richelle ngunit hindi siya pinayagan na makausap o masilayan man lang ang dalaga.
Nakarating na sa kanya ang balita na wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ni Richelle. Nangangamba ang lahat na kapag nagkita sila ulit sila ni Shane, mas lumala pa ang sakit nito.
Bukod doon, pilit pa ring sinasakop ni Darcie ang katawang nais makuha.
Minsan ay sumagi na rin sa isip ni Shane na kung si Darcie ba ang pinili niya, iba ang ang sitwasyon ngayon? Ipinaramdam sa kanya ni Darcie ang pagmamahal na matagal na niyang hinihiling mula kay Richelle. Noong gabing may nangyari sa kanila, iyon ang pinaka-masayang nangyari sa buhay niya. Hinahanap-hanap niya iyon... na sana maulit pa.
Bukod doon, pilit pa ring sinasakop ni Darcie ang katawang nais makuha.
Minsan ay sumagi na rin sa isip ni Shane na kung si Darcie ba ang pinili niya, iba ang ang sitwasyon ngayon? Ipinaramdam sa kanya ni Darcie ang pagmamahal na matagal na niyang hinihiling mula kay Richelle. Noong gabing may nangyari sa kanila, iyon ang pinaka-masayang nangyari sa buhay niya. Hinahanap-hanap niya iyon... na sana maulit pa.
Pero sa ngayon, maghihintay na lamang si Shane —hangga't kaya at natitiis niya.
Pagkatapos ay nagpasya siyang dumalaw sa sementeryo hindi para dalawin ang puntod ng kanyang ina. Sa halip, humarap siya sa puntod ng isang lalaking hindi niya naman kilala ng personal… pero pinagkakautangan niya ng malaki.
Isang lalaking nagngangalang Ryan Zendaya.
Ang kwento bago nabuo noon ang maskara:
Noong on-going pa rin ang gamutan kay Richelle at hindi pa siya pumapasok sa NEU, nakilala niya ang intern nurse ni Doctor Greg na si Ryan Zendaya.
Hobby nito ang wire sculpting at sa katunayan, siya pa ang nagturo kay Richelle. Bukod doon, si Ryan din ang nag-introduce kay Richelle sa mga kanta ni Lana Del Rey. Sa tuwing magkasama sila, iyon lamang ang pinapakinggan nila.
Sa madalas nilang pagkikita, nakabuo ng lihim na pagtingin si Ryan kay Richelle.
Hobby nito ang wire sculpting at sa katunayan, siya pa ang nagturo kay Richelle. Bukod doon, si Ryan din ang nag-introduce kay Richelle sa mga kanta ni Lana Del Rey. Sa tuwing magkasama sila, iyon lamang ang pinapakinggan nila.
Sa madalas nilang pagkikita, nakabuo ng lihim na pagtingin si Ryan kay Richelle.
Ngunit isang gabi noong pauwi na siya, nasangkot siya sa isang nakakalungkot na aksidente. Nasagasaan siya at iniwang dead-on-the-spot sa kalsada. Inilibing siya nang hindi man lang nabibigyan ng hustisya.
Posibleng naging love interest na rin noon ni Richelle si Ryan. Posibleng siya ang totoong Zenn sa buhay ni Richelle. Namatay lamang ito ng maaga at binura na lang sa isip ng dalaga para sa ikabubuti niya.
Pero ang pagkamatay ni Ryan ay posibleng hindi rin aksidente. Si Shane ang nagmamaneho noon ng sasakyan na nakasagasa sa kanya. Hindi ito sumuko sa pulis at desidido nang panghabang-buhay na itago itong sekreto.
Yun ay dahil si Richelle naman ang love interest ni Shane. Kung aksidente ba o sinadya ang kamatayan ni Ryan, tanging si Shane na lang ang nakakaalam.
The End
Aegyo's Note: Maraming salamat po sa lahat ng nagtyagang tumapos sa kwentong ito. Humihingi naman ako ng dispensa sa mga nagulo at nagkabuhol-buhol ang utak.
Idini-dedicate ko po ang kwentong ito para naman kay Richelle Mariano aka QueenRichelle. Tapos ko na ang regalo ko para sayo, espren!
Ngayon pa lang din ay ini-inform ko na ang lahat na wala na itong Book 2 or kahit na anong sequel. Masyado nang na-torture ang utak ko sa kwentong ito. Hindi ko rin masasabi kung mapa-publish ba ito as a book. Tingin ko kasi, ang kwentong ito ay para lang sa mga online readers ko.
Wala rin akong ipapamimigay na softcopy. Maging psychotic na mamimigay nun!
Yun lang po! Thank you Daydreamers!
To God Be The Glory!
Sabi ko na nga ba eh tama ako ng hinala. Ang galing ko talaga!!! hahaha. Nice One Espren. Congratz! Habang tumatagal mas lalo kang gumagaling. *clap.clap*
ReplyDeleteDito ko na ipopost ang comment ko sa PLI mo ate Ruijin!! woooh! natapos ko siya in just 3hours or 4? HAHAH ewan di ko alam kung ilang oras! Isa lang ang alam mo mahihirapan na naman ako pumasok sa CR nito! hahahah baka andyan lang ang triple-masked killer! pero salamat na rin at hindi si papa shane ang killer! HAHAHAH THUMBS up ate! grabe di ko maimagine pano mo nagawa yung story na yun.. as in.. ang sakit nun sa utak. hahahha clap clap! ang galing!! :))))))
ReplyDelete
ReplyDeleteakala ko tunay na si Zenn yung pala may sakit lang si Richelle
langya may sakit pala si Richelle