Tuesday, December 16, 2014

Basurang Literatura?


Basurang Literatura?
By: AegyoDayDreamer


Sino nga ba talaga ang tanga?
Ako o ikaw na utak ang nakasara.
Ako na naglalabas lamang ng ideya,
O ikaw na lagi lang namumuna.

Sapat na ba ang iyong mga nagawa?
Upang masabi na ikaw ang mas tama.
Nais mo bang kami sa iyo ay gumaya?
Nakakulong sa kahon at hindi malaya.

Basura nga ba ang aking mga salita
Kung nagpapahayag lamang ng mga nadarama?
Mas maisasalba ba ang Literatura
Ng iyong matatalinhagang pagmumura?

2 comments:

  1. Do you know what constructive criticism is?

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo. kaya nga po itong tula ay para lamang sa mga verbal abusers (yung mga namba-BASH lamang po)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^