Thursday, November 6, 2014

Another Wizard's Tale : Side Story 1

A/N: So this is an experiment. You could say na short special chapter or spin-off about the previous chapter. May mapagtyagaan lang kayo habang naghihintay ng Sabado. And yes, all chapters ng AWT, gagawaan ko ng ganito. Every Wednesday ang release ng side stories.

PS. Na-follow niyo na ba si @WisdomDeath? Please do so. Hindi pa natatapos ang surprise namin sa inyo. :)


:Side Story 1:
(The Author)

Matapos bumili ng tinapay ng ating bidang Mortal, sakto naman ang pagdating ng isa sa mga nagmamay-ari ng Fabelous Bakery and Café—si Elysse Fabel.

“I’m back!” Panggulat na bati niya sa co-owner ng shop at ngayon ay boyfriend na niyang si Prince Dustin Blake. Kaso, imbes na siya ang manggulat, siya pa ang nagulat dahil nahuli niyang nakatayo si Dustin sa cashier’s area at ang laki pa ng ngiti nito.

“Elysse! You’re back!”

“Yeah, I just said that. Why are you smiling?”

“Because you’re back.”

“You’re already smiling before you knew I was here.” Saka siya lumingon-lingon sa paligid. “And what are you doing there? I told you na wag agawan ng trabaho ang employees natin diba? You’re spoiling them!”

“I just borrowed her job for a while to serve a customer.”

“Let me guess, yung customer ba na yun ang reason kung bakit ka nakangiti. Was it Yana?”

“Nope.”

Napataas ng kilay si Elysse. “So who’s the lucky customer na ikaw pa talaga ang nag-serve?” Every word she said, there’s an obvious hint of jealousy.

Pero dahil sadyang slow si Dustin kaya hindi niya ito napansin. “She’s back!”

“Who’s back? And you didn’t answer my question.”    
  
“You remember the Lit major girl? Our very first customer! She’s back!” Masaya at excited na sagot nito. Hindi niya alintana ang nagbabadyang lovers quarrel nila ni Elysse. “Nagtataka nga ako noon kung bakit natigil siya sa pagbisita dito sa shop.”

“You seemed to really miss that girl.”

“Sort of. Nakasanayan ko kasi na umaga pa lang, nandito na siya.”

“Oh yeah! Tapos mahuhuli ko siyang panay ang titig sayo then afterwards, she’ll write something on her laptop.”

“She did? I once asked her kung anong ginagawa niya? She told me she’s writing a novel. Do you think ako yung ginawa niyang bida?”

“Why don’t you go ask her?”

“I will. Kapag nakita ko siya ulit.”

“No! Sundan mo na siya ngayon. Kaaalis lang naman niya, maabutan mo pa siya for sure.”

“Really?”

“Yeah. Tapos wag ka nang bumalik.”

Natigilan bigla si Dustin. Napaisip sandali. Kinabahan“I think I misheard you. Did you say na wag na akong bumalik?”

“You heard it right. Lumayas ka na.”

“But—”       

“Sundan mo na yung favorite customer mo. Tapos wag ka nang bumalik!”

Pinagpawisan na si Dustin. Late na ng marealize niyang galit na si Elysse. At halata sa kawawa at inosente niyang mukha ang pagtataka. “Oh come on. What did I do to make you mad?”

“Nagtanong ka pa! Lumayas ka na dyan!”

Nagmamadaling tumakbo palapit si Dustin kay Elysse. Kumapit ito sa kamay at balikat ng dalaga para humingi ng tawad. “Hey, sorry na.”

“It’s too late.”

“I’m sorry, please! Hindi ko na uulitin!” At para hindi na makapagpumiglas si Elysse, binigyan siya agad ng back hug ni Dustin. “Sorry na.”

“Ang manhid mo naman kasi eh!”   
             
“I promise I won’t do it again. Alam ko naman na ayaw mong inaagawan ko ng trabaho ang employees natin. Wag ka nang magalit ah.”

“What? Dustin!”

Sa huli, tuloy pa rin ang away—o siguro mas tamang tawagin na hindi pagkakaintindihan ng dalawa. Hindi pa rin kasi na-gets ni Dustin na nagseselos si Elysse. Itong si Elysse naman, ayaw pang sabihin ng diretso kay Dustin.

Pero walang dapat ipag-alala. Bago natapos ang araw na iyon, nagkabati naman ang dalawa.



End of Side Story 1






1 comment:

  1. ang cute! namiss ko cla pareho. sana sina brylle and yana and vander din magkaroon ng appearnce dito. :))))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^