Saturday, November 8, 2014

Another Wizard's Tale : Chapter 2

:Chapter 2:
(The Mortal)


Isang payo sa problema ko kapalit ang isang tinapay.

Mula sa isang matanda na siguradong napagdaanan na ang pwedeng pagdaanan sa buhay, tingin ko ay may makukuha naman akong matinong advice mula sa kanya.

Inisip ko kung alin ba sa mga problema ko ang pwede kong hingian ng payo niya. Gustuhin ko man na tungkol sa problema sa pamilya ko ang itanong, hindi ko itinuloy dahil masyadong personal. Kaya sa halip, yung problema ko tungkol sa kwento ko ang itinanong ko.

“Isa po akong writer at gusto kong malaman mula sa inyo kung ano ba talagang mali sa kwento ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatanggap ng publishing companies.”

“Isa kang manunulat. At tungkol naman saan ang kwentong isinulat mo?”

Ikinwento ko na sa matanda yung story ko na more than ten times nang nari-reject— Ang ‘Charlene’s Fate’.

It’s a fairytale-like story of Princess Charlene from the Kingdom Fabel. Because of treason, namatay ang pamilya niya at kinailangang lisanin ang kaharian nila. Napadpad siya sa isang maliit na bayan at doon, dinanas niya ang lahat ng hirap na pwedeng danasin, but that didn’t break her spirit because unlike the typical princesses, Charlene is feisty. Palaban siya at sabihin na nating maldita.

Then one day, she met Diomel. And what she didn’t know was that Diomel is a Prince from a faraway yet familiar kingdom. He’s in search for his betrothed princess—who in fact was actually her!

Fate brought the two together. They went to places to find allies and along the journey, they finally fell in love with each other.

Sa last chapter, nabawi nila ang Kingdom Fabel. And to satisfy my future readers, it ended with a ‘Happily Ever After!’

“I’m a major in Literature kaya sure po akong pulido ang pagkakasulat ko. Idagdag mo pa na kung ilang beses ko siyang ipinasa sa publishers, ganun din karaming beses ko siyang naedit! Hindi ko lang talaga maintindihan, bakit ayaw pa rin nila sa perpektong kwento na yun.”

Matapos kong magkwento, naging malalim ang iniisip ng matandang kausap ko. Nakakunot ang noo niya habang hinihimas ang bigote niya at nang maisip na niya ang mga sasabihin niya, hinarap niya ako. “Maganda nga ang kwento mo. Pero sa tingin ko, yung pagiging perpekto nun mismo ang mali.”

Ako naman ang napasalubong ang kilay. “Ibig sabihin dapat bara-bara kong ginawa yung kwento?”

“Ibig kong sabihin ay tungkol sa takbo ng kwento mo. Prinsesang dumanas ng hirap dahil sa sinakop na kaharian. Ngunit nahanap siya ng isang prinsipe at ano nga ulit yung sinabi mong katapusan?”

“Happily ever after po.”

“Sa totoo lang ineng yang sinasabi mo ay ilang ulit nang nabasa ng mga tao. Madali na lang hulaan para sa kanila ang kwento. Wala na ang surpresa. Wala na ang gulat. Sa madaling salita, gasgas na. Luma. Nakakasawa.”

“Ow…” Ouch.

Truth is, I don’t easily accept criticisms. Kung sa mga professionals nga, hindi ko matanggap. Pero mula sa matandang ito, I know I can trust his words. Pero ang sakit pa rin ng pagiging straight to the point niya.

“Ano pong tingin niyong kailangan kong gawin?”

“Gumawa ka ng bagong kwento.”

“Hindi po ganun kadali yun!”

“Isang tingin ko pa lang sayo, alam kong malawak ang imahinasyon mo. Paniguradong may maiisip ka kaagad. Makakapaisip ka pa ng mas maganda.”

“Pero yung Charlene’s Fate na nga yung maganda! Sinunod ko po yung perfect formula!”

“At paano mo naman ba nakuha ang ‘perfect formula’ na tinutukoy mo?”

“Sa mga fairy tales po.”

“Fairy tales?” Biglang humagalpak kakatawa yung matanda. Pinagpapalo pa niya yung semento gamit ang tungkod niya sa sobrang kagalakan.

“Timeless po ang fairy tales! Mula noon hanggang ngayon, mapabata o matanda, lahat yun tinatangkilik!” Saka ko inisa-isa sa kanya ang ilan sa mga napansin kong key points kung paano nagiging mabenta ang isang fairy tale. “Una, sa title pa lang, dapat may kinalaman sa lead girl. Tulad ng Cinderella, Little Mermaid, Sleeping Beauty at marami pang iba! Kaya nga ‘Charlene’s Fate’ ang title ng story ko. Pangalawa, naghirap silang mga bida! Pero sinalba sila ng isang prinsipe! Walang sino man ang hindi kikiligin sa isang prinsipe! At huli, yung sinasabi niyong gasgas na—happily ever after. Lahat ng tao, gusto ng happy endings! Mga emo lang ang nag-eenjoy sa tragedy.”

Halos naubusan ako ng hininga nang ipaliwanag ko yun. Tuluy-tuloy talaga at walang preno.

Akala ko nga, matatauhan na yung matanda at makukuha niya ang punto ko. Pero nginitian niya ako at sinabi ang isang bagay na hindi ko inaasahan. “Paano kung sabihin ko sayo na hindi lahat gustong makatuluyan ang isang prinsipe?

“Kapag nangyari iyon sa isang fairy tale, walang happy ending kung ganun.”

“Wala nga. Dahil ibig sabihin, may higit pa.”

Natahimik ako. Pinapag-isip talaga ako ng malalim ng matandang ‘to. Tanga lang ang aayaw sa isang prinsipe. O kaya kapag bulag si girl. One more thing, what’s better than a happy ending?

“Alam mo ineng sa itsura mo, hindi mo pa rin nakukuha ang gusto kong ipaliwanag sayo.”

“Medyo nahihirapan nga pong iprocess ng braincells ko ang sinasabi niyo.”

“Ganito na lamang, para magkaroon ka ng ideya, magtungo ka sa lugar na ito. Siguradong makakapulot ka rin ng inspirasyon dyan.” May iniabot siyang isang papel na may address ng library. “At para makapasok ka, ipakita mo naman ito.”


Sa pagkakataong iyon, nag-abot naman siya ng isang keychain. Sa dulo nun ay may small badge na may simbolong ngayon ko lang nakita. “Sabihin mo sa tagabantay roon na si Lorcan ang nag-imbita sa iyo. Ipakita mo yan bilang patunay.”

Alam kong gusto niya lang tulungan ako pero, “Wala na po akong time para rito. Kung talagang dapat magsimula ako ng panibagong kwento, kailangan ibabad ko na ang sarili ko sa harap ng laptop. Kailangan ko nang pagplanuhan.”

“Ang kwento ay tulad ng isang paglalakbay. Kadalasan, mas masaya at ‘di-malilimutan kapag biglaan at hindi pinagpaplanuhan. Maaaring nakakatakot dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Maaring magkamali at madapa sa daan. Pero sa mga pagkakamali mong iyon, matututo ka. Magiging masaya ka. Magpapatuloy ka. Pero alam mo ba kung ano talaga ang kahihinatnan nun?”

“Ano po?”

“Sa sobrang saya ng naging paglalakbay, saka mo masasabi na sana ay wala na lang itong katapusan.”

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa mga sinabi niya. Literally, I’m lost for words. Nakangangang nakatitig na lang ako sa kanya.

“Bahala ka na ineng kung susundin mo ang payo ng isang tulad ko.” Matapos nun ay inilahad na niya ang kamay niya. “Yung tinapay ko?”

Tulad ng napagkasunduan namin, iniabot ko sa kanya yung isa sa mga tinapay ko. For sure, mabibitin ako ngayong gabi. Kailangan kasi, abutin hanggang bukas ng agahan itong pagkain ko.

“O siya! Umuwi ka na at gabi na.”

Saka ko lang napansin na gabi na nga! Kanina noong una kaming mag-usap, may araw pa. Ngayon, sa mga ilaw na lang sa kalsada ang liwanag namin.

Nagsimula na siyang maglakad palayo. Sa naalala kong sinabi niya kanina, Lorcan ang pangalan niya. What a unique name. Bagay na pangalan ng isang fictional character. “Um, Lolo Lorcan! Ako nga po pala si—”

“I don’t need to know, young lady. But it was a pleasure meeting you.”

Na-shock ako nang mag-English si Lolo Lorcan. I thought palaboy na matanda lang siya! But what’s more shocking, iba na ang outfit niya! Naka-long black coat na siya with matching fedora hat pa! His shoes are shining, so as the crystal from his cane.

“Wow! Magic ba yang ginawa niyo?”

“You want some real magic?” Nginitian niya ako. Tinapik niya ang kalsada gamit yung tungkod and the streetlights started to flicker.

“Woah!” I’m impressed but I don’t believe him! “Na-chambahan niyo yung panandaliang brownout na yun ah!”

“You love fairy tales but you don’t believe in magic. Let’s see if this could change your mind.” He waved his cane above his head, and suddenly he’s gone.

I looked from left to right and found his silhouette standing at the far end of the bridge. Nag-teleport siya! How’s that possible? He was waving his hand and for the second time, he vanished—for good.

Mama Mia! Hindi yun magic! Aparisyon yun! Multo yata yung nakausap ko!

When I got home, I was panting and trembling. I already told myself na hindi multo si Lolo Lorcan. Besides, nasa akin pa rin yung note at key chain na binigay niya. Baka nanti-trip lang yung matanda, although I know na seryoso naman siya sa mga pinayo niya sa akin kanina.

For now, magdi-dinner na muna ako at pagkatapos ay ita-type ko yung mga words of wisdom na narining ko kanina.

Resume na dapat ang gawin ko ngayon pero dahil sa pag-uusap namin ni Lolo Lorcan, muli akong nabuhayan ng dugo sa pagsusulat. I will hold on to this dream! At gagawin kong parte ng bago kong kwento si Lolo Lorcan—kahit na wala pa talaga akong idea sa magiging takbo nun.

At tsaka bukas, iniisip kong puntahan rin yung address ng library na tinutukoy niya, tutal ay medyo malapit naman yun dito. Bukod sa payo ng matanda, instinct ko na rin ang sumisigaw na sa lugar na iyon, makakahanap talaga ako ng inspirasyon.


End of Chapter 2


1 comment:

  1. ate san po ba yang tulay na yan ? mapuntahan nga minsan :) hihihih ^^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^